Bahagyang kumunot ang ilong ni Jenson at ngumuso ang kaniyang mga labi. Palagi niyang ginagawa ang cute na itsura na ito sa tuwing hindi niya alam kung paano sasagot.“Naglalaro.” Nagsabi si Jenson ng isang salita pagkatapos ng ilang sandali.Nagsisising isinara ni Jay ang kaniyang mga mata. ‘Nagkamali nga ako ng pagkakaintindi kay Robbie!’Hindi napigilan ni Jay na nayakapin si Robbie nang mas mahigpit dahil sa konsensya.“Gusto ko nang umuwi.” Biglang sinabi ni Robbie. Siya ay nasisi sa isang bagay na hindi naman niya ginawa, kaya natural ay ninais niyang maghanap ng mapupuntahan.“Robbie, ito ang bahay mo.” Sinubukan ni Jay na bumawi sa kaniyang mga pagkakamali at naging mas mahinhin noong hinihimok niya ang bata.“Namimiss ko na si mommy.” Ang mga luha sa mga mata ni Robbie ay hindi na tumitigil sa pagbuhos. Ang sinumang makakakita sa kaniya ay mararamdaman ang kaniyang lungkot.Si Jay ay nanigas sa kaniyang kinatatayuan at hindi alam kung ano ang gagawin.Lumapit si Josephine at i
Hinanap ni Jay ang mga CCTV recording ng Tourmaline Estate upang malaman na si Robbie ay umalis ng lupain kagabi habang umuulan. Hula niya ay bumalik si Robbie sa Exuberant City upang hanapin ang kaniyang mommy, kaya agad niyang tinawagan si Rose. Tumunog ang telepono, ngunit walang sinuman ang sumagot dito.Si Jay ay hindi mapakali dahil sa kakulangan ng balita tungkol kay Robbie. Dinala niya si Josephine at si Jenson na parehong nag-aalala para kay Robbie at dali-daling nagtungo sa gitna nang siyudad.Pagkatapos ng isang buong gabi ng pag-ambon na tinanggal ang alikabok at dumi ng isang siyudad, ang kapaligiran ay nagmukhang mas makulay at mas maganda.Sa pagdating ng bukang-liwayway, narinig ni Rose na ilang beses kinakatok ang kaniyang pinto. Napakunot ang mga kilay niya dahil sa pagka-alarma. Lumapit siya sa pinto upang makita si Robbie na mukhang siya ay nasa isang kaawa-awang sitwasyon. Siya ay nababalot ng putik at nakatayo sa harap niya. Si Rose ay natuliro.“Robbie, ano’ng na
Hinawakan ni Zetty ang pinto at ninais na saraduhan si Jay sa labas nang dumating si Rose sa sandaling iyon.“Papasukin mo siya.”Narinig ni Zetty ang mga utos ng kaniyang mommy, ngunit ngumuso pa rin siya. Labag sa puso niyang binitawan ang pinto at bumalik sa kaniyang palaruan.“Nasaan si Robbie?” Agad na nagtanong is Jay tungkol kay Robbie noong siya ay pumasok.Binigyan siya ni Rose ng isang baso ng katas ng prutas at sinabihan siya na umupo. Umupo naman si Jay sa sofa.Si Rose ay lumapit kay Zetty at hinikayat siya, “Zetty, si Mommy ay may kailangang italakay kay Tito. Pwede ka bang maglaro sa silid mo?”Binuhat ni Zetty ang kaniyang laruan at masunuring tumango. “Sige, Mommy.” Pagkatapos no’n, siya ay nagtungo sa kaniyang silid.Kumunot ang mga kilay ni Jay. Si Zetty ay parang isang batang demonyo kapag ito ay nasa harap niya, ngunit ang batang ‘yon ay masunurin at isang cute na bata sa harap ni Rose. Hindi niya iyon inasahan.Si Rose ay nagtungo sa sala at umupo sa upuan malapit
Si Rose ay natuliro. Dinisiplina ni Jay si Robbie hindi dahil sa mamahalin na mga porselana o hindi dahil nabibilang ang kastilyo kay Jenson? Piniga niya ang kaniyang utak, ngunit hindi pa rin niya maisip ang tunay na dahilan.“Eh, bakit mo pinarusahan si Robbie? Bata lang siya. Hindi ka ba nag-aalala na baka masugatan siya dahil sa mga matatalim na piraso ng sirang porselana noong sinabi mo sa kaniya na linisin ang gulo? Ginoong Ares, ‘wag mong sisihin si Robbie sa pagkakamali ng pagkaintindi sa ‘yo. Kahit bilang isang nakatatanda, hindi ko maisip ang intensyon mo sa pagpaparusa kay Robbie,” pagalit na sinabi ni Rose.Ang mga kilay sa gwapong mukha ni Jay ay kumunot, at ang kaniyang mga mata ay biglang nabalot ng pagkabangis.Tumingin si Rose sa lalaking na bilang naging nakakatakot at mapanganib. Ang ika-anim niyang pangramdam ay sinasabi sa kaniya na ito ay hindi isang magandang senyales.“May mga dahilan ako. Basta, ang nangyari kahapon ay hindi ko sinasadya. Ang pagmamahal ko kay
“Tulad lang ng mga estudyante na nagkakamali sa eskwela, kahit sino pa ito, didisiplinahin sila ng guro nila. Ang isang maling pagkakamali ay parurusahan nang kaunti habang ang malaking pagkakamali naman ay mayroong mas malaking parusa. Ito ay paraan lamang para turuan ang mga estudyante. Hindi mo naman pwede sabihin na porket pinarusahan ng guro ang isang estudyante ay hindi na niya gusto ang estudyante na iyon, ‘di ba?”Mukhang may naintindihan si Robbie sa mga salitang ito at tumango na parang isang sisiw na tinutuka ang kaniyang pagkain. Kasunod nito, ang walang sigla at malungkot niyang itsura ay bumalik na sa pagiging maliwanag. “Mommy, ang ibig mo bang sabihin ay mahal pa rin ako ni Daddy tulad ng pagmamahal niya kay Jenson, ‘di ba?”Nakita ni Rose na sa wakas ay may ngiti na si Robbie sa kaniyang mukha. Sa wakas ay nawalan na ng bigat ang kaniyang puso. “Walang hanggan ang pagmamahal ng isang ina, at ang pagmamahal ng isang ama ay parang isang malaking bundok. Robbie, ang sigur
Biglang umulan, tila biglang dinadala ang init ng panahon. Ang malamig na hangin ng maagang taglagas ay pumasok sa yayamanin at mainit na mansyon. Tahimik na tumayo si Jay sa tabi ng bintana, pinapanood ang malinaw na langit sa labas.Ang kaniyang puso ay nakakaramdam ng kapayapaan na hindi pa niya nararamdaman dati.Ang payo ng kaniyang lolo ay tumutunog sa kaniyang mga tainga. ‘Dahil hindi mo nagawang pakasalan ang babaeng ninanais ng puso mo sa buhay na ‘to at dahil napili mong mabuhay para sa iyong mga anak, hayaan mong itanong ko sa ‘yo, sino ba ang mas angkop na maging ina nina Jenson at Robbie maliban kay Rose?’Nilabas ni Jay ang kaniyang telepono at tinawagan si Grayson.“Presidente!” Ang nanginginig na boses ni Grayson ay maririnig sa sandaling sagutin niya ang telepono.Kumunot ang mga kilay ni Jay. Kahit kailan ay hindi niya naisip ang ganitong katanungan dati, ngunit ito ay pumapasok sa kaniyang isipan ngayon. ‘Palagi akong kinatatakutan ng lahat. Binibigyan nila ako ng ku
Pumasok si Jenson sa kaniyang silid at agad na kinandado ang pinto.“Robbie, nakita mo ba ‘yong mga mata?” Halata sa boses ni Jenson ang takot.Nag-isip nang sandali si Robbie. “‘Yong mga mata ng elepante sa bintana?”Agad na sumigaw si Jenson, “Layuan mo ‘yon.”Masunuring pumayag si Robbie. “Sige.” Hindi niya alam kung bakit pinapalayo siya ni Jenson sa mga mata na iyon sa kastilyo. Pakiramdam niya lamang ay magiging mas masaya si Jenson kung iyon ang isasagot niya.“Jenson, ano’ng meron sa mga mata na ‘yon?”“Minumulto ‘yon!”Ngumuso si Robbie. “May multo?” Naalala niya na mayroon siyang narinig na mga ‘di pamilyar na boses noong siya ay nasa loob ng kastilyo at napagtanto. “Ah, kaya pala nakakarinig ako ng mga kakaibang ingay. Ano ba ang isang multo? Nakakatakot ba ‘yon? Hindi ba’t sinasabi ng mga guro na walang multo sa mundong ‘to?”“Robbie, lumayo ka mula sa kastilyo.”“Sige, naintindihan ko.”Biglang nabalisa si Jenson. ‘Ang kakaibang nilalang pala na ‘yon ay nagsimula na ring l
Sa tuwing nagugulat si Jenson, siya ay magmumukhang pagod at mahina. Ngayon, siya ay nakasandal na sa balikat ni Jay. Ang kaniyang mga mata ay kalahating bukas na, at siya ay mukhang walang sigla at inaantok.Tumingin si Rose kay Jens, ngunit si Jay ay nakatingin kay Rose.Siya ay mayroong pangbahay na kasuotan na mukhang kaniyang pantulog. Ang kaniyang pantulog ay mayroong mahahabang manggas at pantalon. Sa ibabaw ng kaniyang damit ay isang maliit na jacket. Sa isang tingin lamang, alam na niyang nagmadali si Rose na puntahan si Jenson at walang oras para magbihis.Si Jay ay nagulat. Siyempre, sa kaniyang alaala, ang bawat babaeng lalapit sa kaniya ay gugugulin ang kanilang oras at paghihirap para magmukhang maganda. Bibigyan nilang pansin kahit ang pinakamaliit na mga detalye tulad ng kanilang mga kuko.“Pasok.” Ang kaniyang ekspresyon ay nanatiling malamig at blangko. Gayunpaman, ang kaniyang puso ay bahagyang nanginginig.“Ayos lang ba si Jens?” Nag-aalalang tanong ni Rose.Magiliw