Home / Romance / Sir Ares, Goodnight! / Kabanata 121 - Kabanata 130

Lahat ng Kabanata ng Sir Ares, Goodnight! : Kabanata 121 - Kabanata 130

848 Kabanata

Kabanata 121

Halata kay Robbie ang pag-aatubili. Tumingala siya at inosenteng tumingin sa kaniyang Daddy. “Daddy, gusto ko nang umuwi. Sa Exuberant City,” mahina niyang sabi.Hindi nasisiyahan si Jay nang tumingin siya sa nagmamakaawang mga mata ni Robbie, ngunit nanatili pa rin siyang kalmado. “Robbie, si Lolo, at ang mga Tito-Lolo mo ay narito para i-uwi ka. Ayaw mo bang sumama sa akin sa lupain ng Pamilya Ares sa loob ng ilang araw?”Hindi nasisiyahan si Robbie sa ideya na iyon, pero ayaw niyang isipin ng kaniyang Lolo na siya ay walang galang na bata. Nag-aalinlangan siyang tumango ngunit nagpatuloy na makipag-negosyo sa kaniyang Daddy. “Dalawang araw lang, Daddy. Pagkatapos ng dalawang araw, gusto ko nang bumalik sa Exuberant City kahit anuman ang mangyari. Kung ‘di, mag-aalala si Mommy.”“Sige.” Tumango si Jay at nangako.Iyon ang nangyari kung paano napunta si Robbie sa kotse at dinala pabalik sa Tourmaline Estate.Ang Tourmaline Estate ay mayroong sakop na ilang libong ektarya. Ang mga gusa
Magbasa pa

Kabanata 122

Napabuntong-hininga si Grand Old Master Ares. “Bakit ba takot na takot kayong dalawa? Hindi naman isang mabangis na tigre ang Lolo niyo, hindi ko kayo kakainin! Tara na, naghanda si Lolo ng isang regalo para sa inyo. Kung wala kayong tapang na kuhain ‘yon, baka magbago ang isip ko at babawiin ko na lang.”Nagtawanan ang kanilang mga tito at tita, ngunit ang pagtawa ay tila awkward na para bang ginawa lamang nila ito bilang paggalang sa Grand Old Master.Hindi sumagot sina Robbie at Jenson sa Grand Old Master, na siyang nagsanhi sa kaniya na magmukhang hindi natutuwa.“Ama, napakatahimik naman ng dalawang bata na ‘to. Para ‘di sila katulad ng kanilang ama. Hindi ba’t si Jay ay isang makulit na bata noon?” Sabi ni Jay.Ang mga salita na iyon ay parang isang biro, ngunit ang ibig nitong sabihin ay ang dalawang bata ay hindi talaga tunay na mga anak ni Jay.Ang mukha ni Jay ay dumilim sa sandaling iyon.Nasulyapan ni Robbie ang nagdilim na ekspresyon ng kanilang ama. Bumaba siya mula sa ka
Magbasa pa

Kabanata 123

Ang kulubot na kamay ni Grand Old Master ay tumapik nang malakas sa makapal na bundok ng mga pera. Ang kaniyang madalas na matalas na mga mata ay nagningning ng kasiyahan ng isang bata.“Kung alam mong kaya mong bumili ng maraming magandang bagay gamit ang pera na ‘yon, bakit mo ‘to tinanggihan?” Malambing niyang tanong.‘Alam ni Lolo na kayo ni Mommy ay nananatili sa isang nirerentahan na silid. Robbie, sa pera na ‘to, pwede mong bilihan ang Mommy mo ng isang malaking bahay at siya ay magiging lubos na masaya.’Tumingala si Robbie. “Lolo, kami nga ni Mommy ay hindi kasing yaman niyo, ngunit hindi ibig-sabihin no’n ay pwede kaming tumanggap ng mga regalo mula sa kahit na sino. Tinuro sa akin ni Mommy na dapat akong mabuhay gamit ang sarili kong pamamaraan. Kung gusto ko ng magandang buhay, dapat akong maghirap upang makamit iyon nang hindi umaasa sa iba,” may kumpiyansa niyang sinabi kay Grand Old Master Ares.“Sinabi rin sa akin ni Mommy na ang kamalasan ay nanggagaling mula sa pera,
Magbasa pa

Kabanata 124

Inangat ni Robbie ang maliit niyang kamay at kumuha ng anim na papel mula sa magkakapatong na mga pera.Ngumiti siya nang matamis. “Lolo, ang anim na daan ay sapat na para sa ‘kin bilang isang regalo.”Ang lahat ay natuliro sa ginawa niya na iyon.Ang iba pa niyang mga Lolo-Tito, Lola-Tita, tito, at tita ay naghanda rin ng kanilang labis-labis na mga regalo. Ngayong hindi nagawa ni Grand Old Master Ares na ibigay ang kaniyang regalo sa bata, nagtinginan sila at hindi alam kung ano ang gagawin.Si John ang unang nagbalik ng kaniyang pulang pitaka sa kaniyang bulsa. “Kung ayaw ito tanggapin ng bata, eh ‘di, hindi dapat natin siya pilitin. ‘Di ba, Jay?”“Ayos lang kung lagpasan na natin ang mga regalo. Hindi naman kami nagkukulang sa pera, eh.” Sabi ni Jay.Ikinaway ni Grand Old Master Ares ang kaniyang mga kamay sa ibang mga tao. “Pwede na kayong lahat umalis sa silid na ‘to. Kakausapin ko muna si Jay.”Ang ibang mga tao ay lumabas na sa silid na iyon.Umalis si Josephine sa silid habang
Magbasa pa

Kabanata 125

Pinagmasdan nang mabuti ni Grand Old Master Ares aang gwapo ngunit tahimik na mukha ni Jay. Siya Jay ay kumibot nang marinig niya ang pangalan ni Rose, kahit na siya ay nanatiling walang emosyon, na siyang nagpapakita na kinamumuhian pa rin niya si Rose.“Hay!” Si Grand Old Master Ares ay biglang nalungkot. “Mukhang hindi mo siya kayang kalimutan, hindi ba?”Isang halos ‘di makita, ngunit malalim na anino ang lumitaw sa mukha ni Jay.Pagkatapos ng ilang sandali, siya ay tumango nang bahagya. “Marami akong utang sa kaniya. Ang mga salitang sinabi ko sa kaniya noong kami’y bata pa, tinrato niya ito nang seryoso. Hindi ako sumagot sa paglapit niya… Kung alam ko lang na ganoon ang kahahantungan ng buhay niya, sinabi ko sana na ang pangako ko sa kaniya na pakakasalan ko siya ay ang pinakatotoo na pangakong ginawa ko sa buong buhay ko.”Tumango si Grand Old Master Ares. “Naniniwala ako sa ‘yo. Minahal mo si Angeline mula sa ilalim ng puso mo. Siya ay isang mabuting bata, at naisip ko rin na
Magbasa pa

Kabanata 126

“May oras ka ba?”Si Jay ay natahimik.Samantala, dinala ni Josephine sina Jenson at Robbie pabalik sa Fragrant Vessel Court. Iyon ang pangalan ng tinitirahan ni Jay sa Tourmaline Estate.Ang karugtong na ito ay hindi kasing sigla ng dati. Ang karamihan sa mga tagapaglingkod nito ay lumipat na sa iba, ngunit ang natira rito ay isa pa ring malaking pagpapakita ng kayamanan: anim na mga tagapangalaga, dalawang chef na responsable sa Easter at Western cuisine. Tungkol naman sa mga tagapaglinis at tagapag-ayos ng hardin, sila ay kahati ng ibang karugtong ng Tourmaline Estate.Ang mga tagapaglingkod ay binuksan ang mga pinto nang dumating sina Jenson at Robbie. Tumayo ang mga ito sa gilid ng pintuan at yumuko sa isang praktisado na pagsalubong para sa mga bata. “Maligayang pagbabalik, unang Young Master, ikalawang Young Master.”Si Josephine ay naghihingalo dahil sa pagkarga kay Jenson mula sa meeting hall patungo rito. “Pwede bang bumaba ka na, Jens?” Sabi niya.Nagpumilit si Jenson. Inang
Magbasa pa

Kabanata 127

Dumating si Jay sa pintuan ng private fortress ni Jenson. Nang makita ng mga tagapaglingkod si Ginoong Ares, sila ay natakot at hindi man lang naglakas-loob na huminga nang malakas, na para bang siya ay isang malupit na pinuno na kaya silang hatiin nang walang kahirap-hirap.Mayroong ibang dahilan kung bakit ang mga tagapaglingkod ay natatakot kay Jay. Si Young Master Jenson ay parang isang tagapagsimula ng galit ni Jay. Si Ginoong Ares ay madalas na isang naglalakad na tulog na bulkan, ngunit kapag may mangyayari kay Young Master Jenson, ang tulog na bulkan na iyon ay biglang magwawala.Ang dalawang young master ay naglalaban nang maigi, at ang mga tunog ng mga salamin at porselana na nababasag ay maririnig sa loob nito. Kung ang dalawang Young Master ay masasaktan, si Ginoong Ares ay magwawala, at ang kamatayan ay darating para sa mga tagapaglingkod.Si Jay na may madilim at malupit na ekspresyon, ay nag-angat ng isang kamay upang kumatok sa pinto. Pagkatapos, isang nakayayanig-lupan
Magbasa pa

Kabanata 128

Si Jay ay mas nakasigurong nagsisinungaling si Robbie.“Robbie, ang mabubuting bata ay hindi nagsisinungaling,” sabi ni Jay.Inosenteng kumurap si Robbie. Hindi siya nagsalita para sa kaniya, dahil mayroon nga siyang nagawang mali.Ninais niya lamang turuan si Jenson ng martial arts, ngunit hindi niya sinasadyang makasipa ng bola patungo sa lagayan ng antigo na nagsasanhi rito na bumagsak. Pagkatapos no’n, sunod-sunod na ang mga nangyari at ang isang lagayan ay bumagsak sa isa pang lagayan, na siyang nagsanhi sa kasalukuyang eksena.Ang kahit anong bagay sa mga lagayan na iyon ay pira-piraso na.Minsan nang nakabasag si Robbie ng isang pasilyo sa dati niyang kindergarten nang hindi sinasadya. Kinailangan ng kaniyang Mommy na magsagawa ng paglilinis sa loob ng tatlong buwan para lamang maayos ang problema. Ngayong nakasira si Robbie ng ganoon karaming mga antigo, ano’ng dapat gawin ni Mommy kung hihilingin sa kaniya ng kaniyang daddy na magbayad?Hindi alam ni Robbie kung ano ang gagawi
Magbasa pa

Kabanata 129

Ang maliit na katawan ni Robbie ay nanginig. Nang buksan ni Jay ang pinto sa fortress, nakita niya si Robbie na nakatitig sa kaniya nang may maputlang mukha.“Robbie!” Lumubog ang puso ni Jay nang makita niya ang mukha ni Robbie. Tumakbo siya papalapit at niyakap nang mahigpit si Robbie.Ang Elephant’s Eye at ang nakatatakot nitong boses ay naglaho.“Patawarin mo ako, Daddy. Hindi ko na ‘yon gagawin ulit,” mahinang sinabi ni Robbie, nagmamakaawa para sa kapatawaran ng kaniyang ama. Pinupuno ng luha ang kaniyang mga mata.Niyakap ni Jay si Robbie nang mahigpit at tinapik ang likod nito. Siya ay lubos na nakokonsensya sa sandaling iyon. “Kasalanan ‘to ni Daddy. Hindi ka dapat pinarusahan ni Daddy nang ganito. Masyado ka pang bata.”Napansin ni Jay na ang silid ay malinis na, at ang mga sirang piraso ng porselana ay nawalis na niya sa isang sulok. Bigla siyang nainis sa kaniyang sarili.Ang lakas naman ng loob niyang isisi ang kahinaan niya sa isang inosenteng bata?“Robbie, umaasa lang s
Magbasa pa

Kabanata 130

Bahagyang kumunot ang ilong ni Jenson at ngumuso ang kaniyang mga labi. Palagi niyang ginagawa ang cute na itsura na ito sa tuwing hindi niya alam kung paano sasagot.“Naglalaro.” Nagsabi si Jenson ng isang salita pagkatapos ng ilang sandali.Nagsisising isinara ni Jay ang kaniyang mga mata. ‘Nagkamali nga ako ng pagkakaintindi kay Robbie!’Hindi napigilan ni Jay na nayakapin si Robbie nang mas mahigpit dahil sa konsensya.“Gusto ko nang umuwi.” Biglang sinabi ni Robbie. Siya ay nasisi sa isang bagay na hindi naman niya ginawa, kaya natural ay ninais niyang maghanap ng mapupuntahan.“Robbie, ito ang bahay mo.” Sinubukan ni Jay na bumawi sa kaniyang mga pagkakamali at naging mas mahinhin noong hinihimok niya ang bata.“Namimiss ko na si mommy.” Ang mga luha sa mga mata ni Robbie ay hindi na tumitigil sa pagbuhos. Ang sinumang makakakita sa kaniya ay mararamdaman ang kaniyang lungkot.Si Jay ay nanigas sa kaniyang kinatatayuan at hindi alam kung ano ang gagawin.Lumapit si Josephine at i
Magbasa pa
PREV
1
...
1112131415
...
85
DMCA.com Protection Status