‘Makikitira?’Ang mga kilay ni Jay ay kumunot nang bahagya noong tumingin siya kay Rose na mayroong kumpiyansa.Ayaw niya sa mga babae na kumikilos ng mahina at mababa sa harap niya. Gayunpaman, si Rose na arogante sa punto na tinitignan siya nito bilang isang hindi mahalagang tao ay binibigyan siya ng mas matinding na pagkainis.“Sa tingin ko maghanap ka dapat ng presyo ng mga mansyon sa Horizon Colors. Kasi kapag alam mo na, hindi ka magsasabi ng ganyang imposibleng suhestyon.” Ang tono ni Jay ay puno ng kayabangan na pinapatumba ang iba.Kinagat ni Rose ang kaniyang labi. ‘T*ng *na mo. Kinukutya mo ba ako sa pagiging mahirap?’“Ginoong Ares, sabihin mo ang presyo mo.” Ang pinakamalaking pag-uugali ni Rose ay ang pagiging makulit at pagtanggi na sumuko hanggang sa huling sandali.Ngumisi si Jay nang iangat niya ang isang daliri niya. Ang kaniyang daliri ay payat, mahaba, at makinis. Ang kaniyang mga buto ay mayroong magandang hugis, tila nagmumukhang seksi at kaakit-akit.Ang mga mat
Si Zetty ay walang sarili niyang silid, kaya nakikihati na lamang siya ng isang silid kasama ang kaniyang Mommy.Nang makita niya na si Robbie ay mayroong malaki at magandang silid, hindi niya maitago ang kaniyang kalungkutan at bumulong sa kaniyang mommy, “Bakit ayaw rin akong bigyan ni Daddy ng magandang silid?”Hindi alam ni Rose kung paano iyon sagutin.Noong gabing iyon, mababa ang nararamdaman ni Zetty.Ang tanging magagawa lamang ni Rose ay yakapin si Zetty at matiyaga siyang pinatahan. “Zetty, ikaw ay isang babae. Iyon ang dahilan kung bakit pwede kang manatili kasama si Mommy hanggang sa lumaki ka na. Ngunit si Robbie ay isang lalaki, at siya ay unti-unti nang lumalaki. Mayroong pinagkaiba ang mga lalaki at babae. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan niyang manatili sa ibang silid mula sa ‘tin. Naintindihan mo ba?”Sa wakas ay nasiyahan na si Zetty.Siguro nga ang silid nila ang pinakapanget sa loob ng mansyon, ngunit ito pa rin ay isang karangyaan para sa mag-ina.Siguro nga
Nilabas ni Rose ang kaniyang pizza, at ang lahat ng mga bata ay napahiyaw sa tuwa. “Wow!”Kasunod nito, binaba ni Jenson ang kaniyang tinidor upang samahan sina Robbie at Zetty upang palibutan ang kanilang mommy.Nakatalikod si Jay sa kusina, kaya hindi niya nakita ang pizza ni Rose. Napakunot ang kaniyang mga kilay at nagtaka, ‘Pizza lang naman ‘yon. Hindi ba’t nakakain na ng maraming mamahaling pizza si Jenson? Bakit tuwang-tuwa siya sa pizza ni Rose?’Lumapit si Rose at nilagay ang pizza sa mesa. Ang mga bata ay agad siyang pinalibutan. Nakita ni Jay ang pizza at natuliro.Ang pizza ay parang isang mapa, hinihiwalay ng isang asul na ilog. Sa isang gilid ay isang madilim na zombie kingdom at ang kabila naman ay parang ang space universe ni Ultraman.Ang pizza na ito ay espesyal. Gayunpaman, ang nagsanhi kay Jay na mamutla ay ang mga detalye sa ginawa niyang pizza. Tunay nitong pinapakita ang mga kakayahan ni Rose sa sining.Hiniwa ni Rose ang pizza sa apat gamit ang isang kutsilyo at
Tumingin si Jay sa mayabang na ngiti na iyon at sinabi sa kaniyang sarili, ‘Dahil ayaw mong maging isang katulong, may mga paraan naman ako para gawin kang katulong ng Pamilya Ares nang hindi mo namamalayan.’“Sa susunod, kakain ako kasama ang mga bata. Kakainin ko kung ano man ang lulutuin mo at babayaran kita dahil do’n. Pwede na ba ang 20,000 kada buwan? Pwede mo pa rin masamsam ang sabado, linggo, at mga bakasyon. Ano sa tingin mo?” Naglagay na ng patibong si Jay para sa kaniyang biktima.Pinag-isipan ito ni Rose. ‘Malulutuan ko pa rin naman ng pagkain ang mga bata araw-araw, eh/ Mukhang hindi rin naman mahirap na gumawa ng sobrang hati para sa kaniya, at makakakuha ako ng dagdag na 20,000. Bakit hindi?’“Sige.” Dali-daling kinuha ni Rose ang plato ni Jay.Isang matagumpay na ngiti ang makikita sa ilalim ng mga mata ni Jay.Noong gabing iyon, nagtungo si Jay sa kaniyang study room upang ayusin ang isang dokumento. Noong lumabas siya, nalaman niya na sina Jenson at Robbie ay wala sa
Sinabi sa kaniya ni Grayson, “Presidente, tinignan na namin ang lahat ng impormasyon tungkol kay Rose Loyle. Gayunpaman, hindi kami makahanap ng anumang impormasyon tungkol sa kaniya nitong nakalipas na pitong taon hanggang ngayon. Sa tingin mo ba ay mayroong nangyayaring kakaiba?”Ang mga matang-lawin ni Jay ay naging matalas nang mabalot ito ng pagdududa.Sa kasalukuyang lipunan na ito kung saan ang internet ay napakalawak na, bihira lamang na mawala ang impormasyon tungkol sa isang tao. At saka, ang nawawala mula sa impormasyon tungkol kay Rose ay kasalukuyan pa lamang noong hindi pa maganda ang pagkakagawa sa internet. Nitong mga nakaraang ilang taon lamang iyon! Masusuri nito ang paghihinala ng kahit na sino.“Magpatuloy kayo sa pag-iimbestiga!” Utos ni Jay.“Sige po, presidente.”Inayos ni Jay ang kaniyang mga gawain bago matulog.Nang ipikit niya ang kaniyang mga mata, ang kaniyang isipan ay napuno ng boses ni Rose noong binibigkas niya ang ‘To Oak Tree’. Ang makinis niyang pags
Ginulo ni Jay ang buhok ng kaniyang anak na lalaki ngunit hindi naman pinansin ang presensya ni Zetty. Hindi niya napansin na ang kaniyang pagbabale-wala ay magdudulot ng mas matinding galit mula kay Zetty.Umakyat si Jay sa taas at kumatok sa pinto ng silid ni Rose. Ang inaantok na mga mata ni Rose ay tumapat sa galit na si Jay. “Ginoong Ares, ano’ng problema?”“Almusal,” Naiinis na sinabi ni Jay ang tatlong pantig na iyon.Si Rose ay agad na nagising. “Ah, pasensya. Magluluto na agad ako.”Gayunpaman, siya ay mayroon pa ring kasuotang pantulog. Ninais niyang magpalit muna at lumabas ng silid, ngunit nanatili si Jay sa pinto na para bang wala siyang balak na umalis.Tumingin si Jay sa Pikachu na larawan sa kaniyang damit. Mayroong isang nang-aasar na itsura sa kaniyang mga mata.Tinakpan ni Rose ang pambatang larawan sa kaniyang dibdib at namula. “‘Wag kang tumingin!”Malamig na sinabi ni Jay, “‘Wag kang mag-alala. Kahit na maghubad ka pa sa harap ko, wala akong interes sa patag mong
Hindi marami ang mga tao sa mundong ito na kayang makatanggap ng magiliw na pagtrato mula sa malamig at walang puso na si Jay. Sa nakaraan niyang buhay, sinakripisyo na ni Angeline Severe ang kaniyang sarili ngunit nabigo pa rin siyang painitin ang malamig niyang puso na gawa sa bakal.Walang sinuman ang nag-akala na magiging magiliw at malambing siya sa kaniyang mga anak.Si Rose ay natulala sa pag-iisip ng mga kalokohan nang bigla siyang pinaalalahanan ni Jay. “Magluto ka na ng almusal.”Naintindihan ni Rose na kailanman ay hindi magiging magiliw sa kaniya si Jay. Ganoon ito sa nakaraan niyang buhay, at parehas din ang mangyayari sa buhay na ‘to.Dali-daling bumaba si Rose.Pumasok si Jay sa silid at umupo sa gilid ng higaan habang hinihimas ang ulo ni Jenson, magiliw na tinatanong, “Bakit ka binangungot ulit?”Nagdilim ang itsura ni Jenson. Mayroon siyang madidilim na bliog sa ilalim ng kaniyang mga mata, pinapahiwatig na hindi siya nagkaroon ng mapayapang pagtulog. Tumingin si Jens
“Tito, kung ayaw mo ng soymilk kasama ang youtiao, pwede namang ‘wag ka kumain. Wala namang pumipilit sa ‘yo.” Ang mahina at cute na boses ni Zetty ay pumasok sa mga tainga ni Jay, na siyang nagsanhi sa kaniya na maramdaman na walang kahulugan ang buhay.Ang batang ito ay palagi siyang inaaway.Napakunot ang mga kilay ni Jay noong tumingin siya kay Zetty, “Hindi ba tinuro sa ‘yo ng Mommy mo na ‘wag magsalita habang kumakain?”Sino’ng nag-akala na titingala si Zetty at lalaban pabalik. “Eh, Tito, bakit wala kang tigil sa pagsasalita?”Si Jay ay walang maisagot.Hindi mapigilan ni Rose na hawakan ang ulo ni Zetty. Ang kaniyang mga kilos ay halatang binibigyan si Zetty ng paghimok na magpatuloy.Ang matalas na mga mata ni Jay ay napatingin kay Rose.Ang ngiti sa mukha ni Rose ay nanigas, at dali-dali siyang yumuko habang ngumunguya sa youtiao.Pagkatapos ng almusal, si Jay ay hindi nagmamadaling umalis para magtrabaho. Tinawag niya si Rose. Ang tono ng kaniyang boses ay nagpapakita na hin