Share

Kabanata 141

Nilabas ni Rose ang kaniyang pizza, at ang lahat ng mga bata ay napahiyaw sa tuwa. “Wow!”

Kasunod nito, binaba ni Jenson ang kaniyang tinidor upang samahan sina Robbie at Zetty upang palibutan ang kanilang mommy.

Nakatalikod si Jay sa kusina, kaya hindi niya nakita ang pizza ni Rose. Napakunot ang kaniyang mga kilay at nagtaka, ‘Pizza lang naman ‘yon. Hindi ba’t nakakain na ng maraming mamahaling pizza si Jenson? Bakit tuwang-tuwa siya sa pizza ni Rose?’

Lumapit si Rose at nilagay ang pizza sa mesa. Ang mga bata ay agad siyang pinalibutan. Nakita ni Jay ang pizza at natuliro.

Ang pizza ay parang isang mapa, hinihiwalay ng isang asul na ilog. Sa isang gilid ay isang madilim na zombie kingdom at ang kabila naman ay parang ang space universe ni Ultraman.

Ang pizza na ito ay espesyal. Gayunpaman, ang nagsanhi kay Jay na mamutla ay ang mga detalye sa ginawa niyang pizza. Tunay nitong pinapakita ang mga kakayahan ni Rose sa sining.

Hiniwa ni Rose ang pizza sa apat gamit ang isang kutsilyo at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status