“Tito, kung ayaw mo ng soymilk kasama ang youtiao, pwede namang ‘wag ka kumain. Wala namang pumipilit sa ‘yo.” Ang mahina at cute na boses ni Zetty ay pumasok sa mga tainga ni Jay, na siyang nagsanhi sa kaniya na maramdaman na walang kahulugan ang buhay.Ang batang ito ay palagi siyang inaaway.Napakunot ang mga kilay ni Jay noong tumingin siya kay Zetty, “Hindi ba tinuro sa ‘yo ng Mommy mo na ‘wag magsalita habang kumakain?”Sino’ng nag-akala na titingala si Zetty at lalaban pabalik. “Eh, Tito, bakit wala kang tigil sa pagsasalita?”Si Jay ay walang maisagot.Hindi mapigilan ni Rose na hawakan ang ulo ni Zetty. Ang kaniyang mga kilos ay halatang binibigyan si Zetty ng paghimok na magpatuloy.Ang matalas na mga mata ni Jay ay napatingin kay Rose.Ang ngiti sa mukha ni Rose ay nanigas, at dali-dali siyang yumuko habang ngumunguya sa youtiao.Pagkatapos ng almusal, si Jay ay hindi nagmamadaling umalis para magtrabaho. Tinawag niya si Rose. Ang tono ng kaniyang boses ay nagpapakita na hin
May mga nakilala na si Jay mula sa iba’t ibang lakad ng buhay. Ang mga klase ng tao na nakilala niya ay ang mga taong sa sobrang hirap ay wala silang utang, ngunit ang taas pa rin ng tingin nila sa kanilang mga sarili. Kapag iniwan sila ng marahas na realidad ng ilang sampal sa kanilang mga mukha, sila ay magbabago mula sa pagiging mahirap sa labas patungo sa pagiging mahirap pati na rin sa isipan.Si Rose Loyle ay itinuring ni Jay sa sarili niyang mundo na siya ang ganoong klase ng tao.Hindi na pinag-isipan pa ni Jay ang kahilingan ni Rose na umutang ng pera sa kaniya. “Maghintay ka hanggang sa araw na kaya mo na itong bayaran bago ka makipagtalakayan ng mga responsibilidad mo sa akin.”Kinagat ni Rose ang kaniyang labi. Minamaliit siya ni Jay at hindi naniniwala na kaya siya nitong bayaran.Ngayon mismo, siya ay mayroong mas mahalagang problema. Maayos na ang problema nina Robbie at Jenson sa eskwela. Gayunpaman, walang anumang kwalipikasyon si Zetty na pumasok sa sakop na kindergar
“Mommy, sina Jenson at Robbie lang ang nilabas niya para maglaro at iniwan ako dito sa bahay.” Tumingin si Zetty sa kaniyang mommy. Ang pagkabigo sa kaniyang mga mata ay halata.“Zetty, gusto mo bang lumabas para maglaro? Gusto mo labas tayo?” Lumapit si Rose at umupo sa tabi ni Zetty.Tumingin si Zetty sa magandang malaking bahay. Bigla siyang nalungkot at napabuntong-hininga. “Mommy, ayaw ko rito.”Si Rose ay natuliro.Ang puwang sa pagitan nina Zetty at Jay ay mabilis na lumalaki. Kung iiwan nila ito na magprogreso nang mag-isa, malamang ay magiging kasing laki nito ang isang bangin, kahit kailan ay hindi na gagaling.“Zetty, gusto mo bang ipakilala ang sarili mo kay Daddy?” Kinakabahang tanong ni Rose.Pinag-iisipan na niya ang tanong na ito noong nakaraan pa. Dati, binalak niya na itago ang dalawang bata at kahit kailan ay hindi na mahiwalay pa sa kanila. Gayunpaman, ang mga bagay-bagay ay hindi umaayon sa kaniyang plano. Nabigo pa siyang itago si Robbie, hinahayaan sina Robbie at
Tumingin si Jay sa manika na nasa kaniyang kamay nang may seryosong mukha. Pagkatapos no’n, tumingin siya sa silid ng bata. Pagkatapos pumasok ni Zetty sa silid, sinara niya nang malakas ang pinto na siyang rinig sa buong bahay. Halata naman sa kanila na siya ay mayroong masamang nararamdaman.Naramdaman ni Jay na ang kakaiba at malaki masyado ang galit ng bata. Siya ay nasa ilalim ng impresyon na ganoon talaga siya pinanganak at wala itong kinalaman sa kaniya.Ang kaniyang pakiramdam ay gumanda dahil sa pagpapakalma niya sa kaniyang sarili.Sa loob ng silid, nagtago si Zetty sa ilalim ng kumot at patagong lumuluha. Pinanood ni Rose ang maliit na batang nalulungkot at naramdaman na hindi na niya kayang bale-walain pa ang kalusugan ng isipan ni Zetty dahil lamang nais niyang ipagdamot si Zetty.“Zetty, gusto mo rin bang ilabas ka niya?” Umupo si Rose sa tabi ni Zetty, ang kaniyang boses ay magiliw at malambing.Inangat ni Zetty ang basa niyang mukha dahil sa mga luha at tumango. Ang mah
Si Rose ay mayroong tiyan na puno ng galit na hindi niya matanggal o mapakawalan. Ang tatlong bata ay inosenteng nakatingin sa kaniya, kaya wala siyang magawa kung ‘di ang tiisin ang lahat ng galit na ‘yon. Binigyan niya si Jay ng isang malaking ngiti. “Tama ka, Ginoong Ares.”Ang nag-iisang dahilan kung bakit minamaliit siya ni Jay ay dahil siya ay mahirap. Patagong nangako si Rose na babaguhin niya ang sitwasyon. Ninais niyang baguhin ang pusisyon niya sa puso ni Jay kung saan siya ngayon ay tinuturing bilang ang pinakamababang nilalang sa social pyramid.Ang hapunan ay nagpatuloy nang tahimik.Pagkatapos ng hapunan, nilinis ni Rose ang kusina at bumalik sa kaniyang silid. Binuksan niya ang kaniyang email upang makita kung mayroon bang mga sagot mula sa mga kumpanyang binigyan niya ng kaniyang resume.Marahil ay dahil hindi pa matagal simula noong nagpadala siya sa kanilang mga email, na siyang dahilan kung bakit hindi maraming mga kumpanya ang sumagot sa kaniya. Gayunpaman, isang e
Dahil desperado ang Eminent Honor na ipasok siya, marahil ay maaari niyang subukan na makipagkasundo at makakuha ng maagang sahod? ‘Sa katunayan, hindi ang Eminent Honor ang una sa mga pagpipilian ko. Gayunpaman, kailangan ko na talaga ng pera. Kung kaya akong bigyan ng Eminent Honor ng sahod na dalawang taon ang katumbas, handa akong magtrabaho sa kumpanya mo.’ Nag-alinlangan nang matagal si Rose bago siya maglakas-loob at ipadala ang email na ito.Ang kabila naman ay hindi na nag-alinlangan at agad na sumagot ng, “Walang problema.”Kasunod nito, kinailangan nilang pag-usapan ang takda para sa kontrata, ang mga oras ng pagtatrabaho ni Rose, at iba pa.Naisip ni Rose na kailangan niyang alagaan ang tatlo niyang mga anak. Iminungkahi niya na magtatrabaho siya sa bahay kung saan ibibigay niya ang kaniyang napagtrabahuan sa isang napagsang-ayungan na oras sa kumpanya.Para naman kay Zayne, gustong-gusto niya talaga makuha si Rose sa kaniyang kumpanya, kaya pumayag siya sa lahat ng kaniya
Ang mga iniisip ni Rose ay naistorbo ng kaniyang pang-alarma.Siya ay mahinang bumuntong-hininga bago bumaba upang maghanda ng masarap na almusal para sa mga bata.Sa araw na ‘to, kailangan nilang ipasok ang mga bata sa bagong kindergarten. Kaya, marami ang mga bagay na kailangan nilang gawin.Binihisan ni Rose ang may malay sa kagandahan na si Zetty sa isang magandang pang-prinsesang damit. Si Zetty ay mayroon pang iba’t ibang magagandang palamuti para sa buhok niya. Tinali ni Rose ang buhok ni Zetty at pinalamutian ito ng kulay silver at maliit na tiara.Si Zetty ay mayroong makinis at kakaibang itsura. Siya ay mukhang isang diwatang dumating sa kalupaan, tila maganda at walang palya.Nang dalhin ni Rose si Zetty sa baba, ang tatlong lalaki roon ay naakit kay Zetty. “Zetty, ang ganda mo ngayon, ah.” Si Robbie ay bukas na pinuri si Zetty.Sumagot si Zetty, “Salamat, Robbie.”Kahit nanatiling tahimik si Jenson, ang kaniyang ulo ay tumatango, pinapakita ang pagsang-ayon niya sa sinabi n
Binaba ni Rose si Zetty at sinabi sa kaniya, “Samahan mo maglakad ang mga kapatid mo.”Pagkatapos maghawak-kamay nina Robbie, Jenson, at Zetty at naglakad sa harap, naglakad si Rose sa tabi ni Jay. May mga bagay siyang nais sabihin kay Jay. Umaasa siya na titigilan na niya ang pagiging suplado kay Zetty at iwasan ang paggawa ng mga bagay na maaaring saktan ang isipan ng bata.Gayunpaman, tila nag-iingat na tumingin si Jay sa kaniya. Ang ganito kagandang tanawin ay pinagmumukha silang isang pamilya.Taos-pusong kinamumuhian ni Jay Ares si Rose at ang nito. Sigurado si Jay na narito si Rose para magpaawa sa kaniya, at pagmukhain na silang dalawa ay malapit pa rin.“Rose, kung sinusubukan mong maging peke gamit ang reputasyon ko, pinapayuhan kita na tumigil. Ang mga nakatira sa Horizon Colors ay parang magkakapitbahay. Hindi magtatagal bago malaman ng lahat ang katotohanan… na isa ka lang katulong sa bahay ng Ares.”Si Rose ay natuliro.‘Gumagamit ang taong ‘to ng ganoon kaduming pananaw