All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 931 - Chapter 940

2479 Chapters

Kabanata 931

Nang marinig niyang tinawag siya nitong Linnie, para itong isang magandang tunog na dumapo sa puso ni Madeline. Tumingin siya sa taas sa gulat at nakitang nakangiti sa kanya si Jeremy. "Wag kang magpapahuli." Pinaalala niya ulit, habang lalong maamong pakinggan ang tono niya. Pakiramdam ni Madeline na namamalikmata na naman siya, pero totoong-totoo ang ngiti ni Jeremy. Nang mahimasmasan siya, nakalayo na si Jeremy. "Eveline, anong nangyayari?" Nagulat si Eloise. "Anong sinabi niya sa'yo kanina lang?" "Pupunta ako sa April Hill mamayang gabi," Bulong ni Madeline at tumingin siya sa direksyon kung saan umalis si Jeremy. Nagkaroon ng mga hinala sa puso niya. 'Linnie.' Nang maalala ni Madeline kung gaano kalambing nitong timawag ang pangalan niya kanina, muling kumislap ang mga mata niya nang may pag-asa. 'Jeremy, naaalala mo na ba ako, o hindi mo talaga ako nakalimutan?' Nang may pagdududa sa kanyang puso, nakiusap si Madeline kay Ken na dalhin siya sa April Hill. Ma
Read more

Kabanata 932

"Gusto kitang maramdaman nang higit pa sa kagustuhan kong maramdaman ang bata." "Ano?" Hindi maintindihan ni Madeline, ngunit kasunod nito, hinawakan ni Jeremy ang mukha niya. Napainit ng palad nito ang pisngi niya. Bago pa makakibo si Madeline, bigla siyang hinalikan ng lalaki sa harapan niya. Napapansin niyang may kakaiba, pero unti-unting naalis ng malalambing na halik ng lalaki ang kakayahan niyang mag-isip nang diretso. Idinilat ni Jeremy nang bahagya ang mga mata nito at tinignan si Madeline na nakapikit ang mga mata. Nalunod siya sa halik nito. Siya rin ay dahan-dahang ipinikit ang kanyang mata… Hindi alam ni Madeline kung ilang minuto na ang lumipas nang pakawalan siya ni Jeremy. Hiningal siya, habang umiinit nang sobra ang pisngi niya. Kasal sila at may tatlong anak, pero laging walang kibo si Madeline. Pinakalma niya ang nagwawalang tibok ng puso niya at magsasalita na nang marinig niyang walang bahalang sinabi ni Jeremy, "Uuwi na ako." "Babalik ka ba ka
Read more

Kabanata 933

Nang makita ni Winston na inaamin ito ni Madeline, tinignan niya ito nang gulat. Lalong nairita si Karen. "Eveline, di ka ba nahihiya sa sarili mo? Saglit pa lang mula noong yumao si Jeremy at nakahanap ka na agad ng bagong pag-ibig? Paano mo nagagawang maging imoral at gumawa ng ganitong bagay kasama ang ibang lalaki? Ikaw一" "Pwede bang makinig ka sa akin?" Sumingit si Madeline kay Karen at sinabi, "Tignan mo nang maigi at makikita mo na ang lalaki sa larawan ay si Jeremy. Buhay pa siya." "Ano?!" "Ano?!" Biglang napatayo si Winston, kasinggulat ni Karen. "Di mo ba nakikilala si Jeremy mula sa likod niya?" Iniabot ni Madeline ang larawan. Kahit na likod lang niya ito, noon pang natutukoy ni Madeline na siya ito. Nang tignan ito ni Karen, nilukot niya ang larawan at ibinato ito sa paanan ni Madeline. "Tingin mo ba porket nakakuha ka ng lalaking pareho ng sukat ni Jeremy hahayaan kitang makalusot nang madali? Sinabi mo si Jeremy ito diba? Sige, kung mapapapunta mo dito si
Read more

Kabanata 934

Bumaba siya ng kotse at naglakad patungo sa pasukan ng kindergarten. Napansin niya na ilang mga magulang ang nagbubulungan at tinuturo siya. Hindi pinansin ni Madeline ang mga usap-usapan at tinitigang maigi ang pinto. Matagal bago lumitaw ang maliit na mukha bi Lilian. "Lilian, nasaan ang kapatid mo?" Tanong ni Madeline at tumingin siya sa likod nito. Ikinurap ni Lilian ang malalaki niyang mata. "Sinabi ni Jack na gusto niyang pumunta sa banyo pero ang tagal na at di pa siya bumabalik." Lumubog ang puso ni Madeline nang marinig niya ito. Kaagad niyang naisip si Lana. Sa sandaling iyon, nakatanggap siya ng isang tawag mula kay Lana. "Eveline, nag-aalala ka ba kasi di mo mahanap ang anak mo?" "Saan mo dinala ang anak ko Lana?!" Nang marinig ni Lana kung gaanong nag-aalala si Madeline, tumawa lang siya at ibinaba ang linya. Naisip ni Madeline na siguro minaliit niya ang kasamaan ni Lana. Inakala niya na sisirain lang ni Lana ang reputasyon niya, pero hindi niya inasahan
Read more

Kabanata 935

Nang makita ni Jeremy si Karen na gulat na gulat, naisip niya na akala sigurl ni Karen siya ang lalaking nagngangalang Jeremy. Nang makita ni Karen na ligtas si Jeremy, namula ang mata niya. Kahit anong mangyari, sariling anak niya ito. "Jeremy! Jeremy, ikaw talaga yan! Lumalabas na buhay ka pa pala!" Naging emosyonal si Karen at tumakbo patungo kay Jeremy. Nagmamadaling hinila ni Madeline si Karen. "Pakiusap, umalis ka na dito." Sinubukan niya itong kumbinsihin, pero ihinawi lang ni Karen ang kamay ni Madeline sa inis. "Eveline, anong ginagawa mo? Buhay pa si Jeremy, bakit mo siya tinatago dito? At bakit mo ako pinagbabawalang makita ang anak ko?!" Hindi alam ni Madeline kung paano magpapaliwanag kay Karen. Noon pang hindi makatwiran si Karen at hindi pa rin siya nagbabago. Naubusan ng pasensya si Jeremy sa nangyayari at galit na nagpatuloy, "Dahil gusto niyang pumunta, edi pumunta siya." Nang marinig ito ni Karen, sumugod siya sa tabi ni Jeremy. "Jeremy, Jeremy, tignan
Read more

Kabanata 936

Natakot nang sobra si Karen na dalian niyang hinarangan ang mukha niya gamit ng kamay niya, at sumayad ang talim sa likod ng kamay niya at dumugo ang hiwa nito. "Ah!" Napasigaw sa sakit si Karen. Nabigla siya sa mga mabangis na pamamaraan ni Lana. "Ikaw, ikaw一" "Hmph." Suminghal si Lana at tumingin kay Madeline. "Eveline, ano sa tingin mo? Ayaw mo sa mother-in-law mo diba? Tutulungan kitang turuan siya ng leksyon. Di ka ba natutuwa?" Tinignan ni Karen ang dumudugong sugat. Nang marinig niya ang mga salitang iyon, ibinuhos niya ang galit niya kay Madeline. "Kagagawan mo ba ito Eveline? Malinaw na puntirya ka ng babaeng ito. Nagkaganito lang si Jeremy dahil sa'yo! Nasaktan ako ngayon dahil sa'yo! Malas ka!" "Tsk, tsk, tsk. Nakakairita naman ang bungangang yan." Ihinawi ni Lana nang naiinip ang kutsilyong hawak niya. "Eveline, dahil sobrang nakakairita siya, hayaan mong tulungan kitang patahimikin siya habang buhay." Nang marinig ito ni Karen, kaagad na namutla ang mukha niya sa
Read more

Kabanata 937

Tinignan ni Karen ang pagitan ng paa ni Madeline nang natataranta. Kalagitnaan ng tag-init at nakasuot si Madeline ng isang bestida. Nagkalat ang tubig sa paanan niya. Ito ang amniotic fluid niya! Kapag pumutok ang panubigan niya at hindi siya naisugod sa ospital nang maaga, baka di makahinga ang bata sa tiyan niya. Hindi alam ni Karen kung gaano katagal nang nagbubuntis si Madeline, pero sigurado siyang hindi pa malapit ang araw nito. "E-Eveline! Gaano katagal ka na bang nagdadalang-tao?" Huminga nang malalim si Madeline. "Eksaktong 30 linggo." "Ano?! 30 buwan pa lang?!" Kung 30 linggo siyang buntis, ibig-sabihin nito na dalawang buwan pa bago ang araw ng panganganak niya! Nataranta si Karen at di alam ang kanyang gagawin. Nang makita niya si Jeremy na nakatayo sa tabi at hindi kumikibo, sumigaw siya nang nag-aalala, "Jeremy, anong nangyayari sa'yo? Tatayo ka lang ba diyan at panonoorin ang asawa mong nasa panganib?!" "Asawa?" Tumawa si Jeremy at pinanood na mamutla
Read more

Kabanata 938

Ginamit ni Madeline ang mata niya para sulyapan ang lalaking ayaw man lang tumingin sa kanya. "Wala na akong ibang magagawa." Tumigil siya sa pagtingin dito at nilunok ang kanyang luha. Hindi rin alam ni Karen ang gagawin niya, kaya tinulungan niya si Madeline na humiga nang dahan-dahan sa sofa. Nang makita ni Karen na may dalawang bodyguard sa sala, galit silang pinalayas ni Karen. "Labas! Lumayas kayo! Lahat kayo!" Tinignan niya ang lalaking nakatayo sa tapat ng bintana habang nakatingin sa kanyang cellphone. "Jeremy, kahit di mo makilala si Eveline, ganyan ka ba talaga kawalang puso para balewalain siya sa kasalukuyan niyang kalagayan? Babalewalain mo ba ang buhay ng isang tao at ng hindi pa ipinapanganak na bata?" Kumunot ang kilay ni Jeremy, at pagtalikod niya, malinaw na hindi siya natutuwa. Babalaan na niya si Karen nang makita niya si Madeline na nakahiga sa sofa, pinagpapawisan at namumutla. Sa di malamang dahilan, biglang nakaramdam si Jeremy ng matinding saki
Read more

Kabanata 939

Nang biglang marinig ni Jeremy si Karen na sinisigawan si Madeline nang labis na kinakabahan, nagulat din siya. Nang makita niya ang mukhang inaantok na si Madeline, lumapit siya ulit dito. Pinagpapawisan ito nang sobra at ang mukha nito ay kasingputi ng papel. Nakikita niya kung gaano ito nagsusumikap na ipanganak ang bata, pero mukhang kulang na ito sa lakas. Nakita ni Madeline ang lalaking nakatayo sa tabi niya nang tulala, at iniabot niya ang kamay niya dito nang nahihirapan. "Jeremy…" Humikbi siya at tinignan ito nang may pag-aasam sa kanyang malabo at basang mata. Tahimik na lumipas ang oras, at nang makita niyang hindi siya pinapansin ni Jeremy, ngumiti si Madeline nang nanlulumo bago dahan-dahang ibaba ang mahina niyang kamay. Sa sandaling ito, biglang hinawakan ni Jeremy ang kamay niya. Ang hawak nito ay parang nagbigay-lakas sa katawan at isipan ni Madeline. Idinilat niya ang pagod niyang mga mata sa gulat at nakita ang malupit na lalaki. "Kung masakit, su
Read more

Kabanata 940

Ibinuka ni Madeline ang bibig niya at ngumiti nang bahagya. "Basta't anak namin ito ni Jeremy, ayos lang sa akin kung babae o lalaki ito." Masaya noong una si Eloise pero nang marinig nito ang sagot niya, nabasa ulit ang mata nito. Pinisil niya ang kamay ni Madeline at sinabi, "Noon, ito rin ang pinaniniwalaan mo at ibinuwis mo ang buhay mo para ipanganak ang batang ito diba?" Ngumiti si Madeline nang hindi ito tinatanggi. Noon… Noon, minahal niya si Jeremy nang sobra na ayos lang sa kanyang mamatay siya kung para ito sa kanya. Tingin niya wala pa ring nagbabago. Minahal niya ito nang sobra. "Lalaki ito," Sinabi ni Eloise sa kanya nang maluha ito at tumawa. "Isang pangit na lalaki." Ngumiti din si Madeline. "Paglaki niya, magiging gwapo din siya. Tingin ko pangit din si Jack noon nung ipinanganak siya," Sinabi niya tapos biglang tumahimik. Hindi niya nakita kung anong itsura ni Jackson noong ipinanganak ito… Iginugol ni Madeline ang higit kalahating buwan sa ospit
Read more
PREV
1
...
9293949596
...
248
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status