Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 941 - Kabanata 950

2479 Kabanata

Kabanata 941

"Jeremy," Masayang sinabi ni Madeline, "Nagpunta ka ba para makita ang anak natin?" Tinignan ni Jeremy si Madeline na nakangiti at lumapit sa bintana nang walang pakialam. Tinignon niya ang mga bagong-silang na nakahiga sa incubator sa nursery. Ang manipis niyang labi ay bumukas nang itanong niya, "Alin diyan ang sa'yo?" Napakahina ng tono niya na walang makakatukoy ng emosyon dito. Ngumiti si Madeline at sinabi sa kanya, "Nasa ikalawa sa huling hanay, yung pinakamaliit." Mayroong kislap ng ligaya sa kanyang magagandang mata nang ituro ng maninipis niyang daliri ang sanggol na natutulog. "Lalaki ito. Siguro magiging kamukha ka niya sa hinaharap." "Paanong magiging kamukha ko ang anak mo?" Ang mga salita ng lalaki ay parang isang timba ng malamig na tubig na ibinuhos kay Madeline. Tinignan niya ang malupit na lalaki sa gulat. "Jeremy?" "Umaasa ka pa rin ba diyan? Patay na ang asawa mong si Jeremy," Sinabi niya nang direkta at walang awa, habang ang masasakit niyang salita
Magbasa pa

Kabanata 942

Malungkot niyang tinignan ito at tumalikod nang desidido. Bago pa siya makahakbang, ang likod ng leeg niya ay hinawakan ng mainit na palad ng lalaki at napilitan si Madeline na tumalikod. Hinawakan siya nito sa harapan niya. Ang malalalim at bilugang mata ng lalaki ay humarang sa paningin niya na parang isang malalim at malawak na gabi. "Di mo ba alam na mamamatay ka kapag nagpatuloy kang umasta nang ganyan?" "Kung ganon, papatayin mo ba ako, Mr. Zimmerman?" Seryosong sinalubong ni Madeline ang nakakatakot at nagyeyelong mata niya. Ang maganda, malinaw at nakakahumaling niyang mata ay mukhang taglagas na makikita sa mga mata niya. Tila ba ang tanawin ay humihila sa puso niya, kaya natulala siya nang matagal. Kaagad siyang nahimasmasan at tumitig nang maigi sa mata ni Madeline. "Wag kang mag-alala, di kita papatayin, pero ipapakita ko sa'yo ang kapalit ng paggalit mo sa taong di mo dapat ginagalit." Ang pagbabantang ito ay lumabas mula sa manipis nitong labi nang walang
Magbasa pa

Kabanata 943

Nasasabik na tinignan ni Lana ang katawan ni Jeremy. Manipis at perpekto ang katawan niya, katulad ng mga top model. Ang unang bagay na nakakuh ng pansin ni Lana tungkol kay Jeremy ay ang itsura nito. Pagkatapos nito, nahumaling siya sa lambing at aura na nilalabas nito. Nitong nakaraang mga buwan, ginamit niya ang lahat ng tao at kasangkapan niya para lang makuha ang lalaking ito. Ngayong gabi, nandito na ang oportunidad niya sa wakas. Bumaba si Jeremy ng treadmill at tinignan ang babaeng palapit sa kanya, ngunit walang mga alon sa kanyang puso at wala ding pagbabago sa tibok ng kanyang puso. Inalis ni Lana ang sigarilyo, tumayo sa harapan ni Jeremy, at tinignan niya ito nang malandi. Dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mata. Tinignan ni Jeremy si Lana na naghihintay habang nakapikit. Itinaas niya ang kanyang kamay at idiniin ito sa likod ng ulo ni Lana, pero hindi niya magawang yumuko at halikan ito kahit anong gawin niya. Lumitaw sa isipan niya ang halik ni Madel
Magbasa pa

Kabanata 944

Nang makarating siya, ang tao lang na nakaupo sa bangko ay si Naomi Lionel. Nakita ni Naomi si Madeline na naglalakad palapit sa kanya at ngumiti. Ngunit ang mata niya ay puno ng selos at inggit. 'Eveline Montgomery. Mula siya sa isang magandang pamilya, ikinasal sa isang magandang pamilya, at parehong may mga anak at kasikatan. 'Kakapanganak lang niya, ngunit bumalik na agad ang katawan niya sa napakagandang itsura nito. Higit pa rito ay ang napakaganda niyang mukha. Nabalitaan ko na siya ang pinapangalanang numero unong magandag binibini ng Glendale.' Naramdaman ni Madeline na may binabalak na masama si Naomi sa sandaling nakita niya ito. Ngunit para sa kapakanan ni Ryan, umupo din siya. "Paumanhin, Mrs. Whitman. Kinailangang umalis ni Rye ngayong alas onse dahil sa ilang importanteng bagay. Hiling ko na sana wag mong damdamin ang nangyari noong araw na iyon sa bahay ko. Ngayon, kaya ko inimbitahan si Mrs. Whitman ay para humingi ng tawad." Sinenyasan ni Naomi ang tigapag
Magbasa pa

Kabanata 945

"Ito pala ang babae, huh?" "Medyo maganda din siya." "Edi simulan na natin ang kasiyahan!" Sinimulang palibutan ng ilang lalaki si Naomi. Alam ni Naomi na may mali, pero hindi niya makontrol ang kanyang katawan. Kahit na pangit at mukhang naiirita ang ilang mga lalaki, binalewala ni Naomi ang itsura nila. Ang pinakamahalaga para sa kanya sa mga oras na ito ay lalaki silang lahat. Ang pinakakailangan niya ngayon para mapunan ang pangangailangan niya ay isang lalaki. Sa sandaling lumabas si Madeline ng kwarto, nakita niya ang ilang lalaking papasok ng kwarto kung nasaan si Naomi. Sinasabi sa kanya ng kutob niya na isa itong patibong na inilatag ni Naomi. Tulad ng inaasahan niya, di nagtagal pag-alis nila ng clubhouse, mayroong malaking balita na lumitaw sa screen ng kanyang cellphone. Sinasabi sa news na isang kilalang tao sa Glendale ay nakikipagtalik sa ilang lalaki sa isang kwarto. Pinaparating ng balita na si Eveline ang kilalang taong ito. Pinindot ni Madeline ang
Magbasa pa

Kabanata 946

Tumalikod siya para umalis nang mapansin niya si Ryan na pumasok sa kwarto. Nagulat si Ryan nang masaksihan niya si Naomi na nakahubad habang nagsasaya kasama ng isang grupo ng lalaki. Nakita ni Naomi si Ryan at tinawag siya habang lango pa rin sa droga, "Hey Rye, magsaya tayo…" Si Ryan ay isang lalaki na may obsesyon sa kalinisan. Sa normal na araw, hindi siya pumapayag na may sumakay na iba sa kotse niya. Paano niya matitiis ang sitwasyon kung saan ang kanyang fiancée ay nakikipaglampungan sa isang grupo ng kalalakihan? Nawindang siya, nandidiri siya habang tumalikod para umalis. Tinawag siya ni Lana, "Malinaw na may nagpainom ng droga kay Naomi. Ryan, aalis ka na lang ba at hahayaan makatakas ang taong gumawa nito?" "Pinainom ng droga?" Kaagad na huminto si Ryan. Kaagad na binunton ni Lana ang sisi kay Madeline. "Halata na drinoga lang siya. Sa tingin mo nasa katinuan si Naomi ngayon? Ryan, alam mo ba kung sinong kasama ni Naomi kanina? Malamang may nainom siyang bagay n
Magbasa pa

Kabanata 947

Sa kuha ng CCTV, ipinapakita nito na noong kumuha ng bote ng pabango si Madeline mula sa kanyang bag, nalaglag rin sa lapag ang kanyang keychain. Humingi ng tulong si Madeline kay Naomi na pulutin ito, at nang yumuko si Naomi ay may ginawa si Madeline. Wala pang isang segundo, pinagpalit ni Madeline ang baso nila ni Naomi. Pagkatapos, nagpakita siya ng isang pala-kaibigang ekspresyon at inudyok si Naomi na uminom. Ngunit, hindi naniwala si Ryan na magagawa iyon ni Madeline. Maliban sa kanya, walang nakakaalam na si Eveline ay dating si Madeline, at para sa kanya, si Madeline ay isang natatanging presenya. "Nakita mo di ba, Rye? Si Eveline ang nagbigay sa'kin ng droga. Kung hindi niya ginawa iyon, bakit niya pinagpalit ang mga baso namin?" Nagsimulang humikbi si Naomi. "Hindi ko inakala na makitid pala ng utak ni Eveline. Kanina, binigyan ko lang siya ng ilang suhestiyon sa design draft at minasama niya pala iyon. Gumamit pa siya ng ganitong paraan para maghiganti. Rye, paan
Magbasa pa

Kabanata 948

Nang itinaas pa lang ni Madeline ang kanyang anak para halikan ito, ilang tao ang sumugod sa eksena. Hindi makilala ni Madeline ang mga magulang ni Ryan, pero nakita niya si Naomi. Ngumisi si Madeline kay Naomi habang ang kanyang isipan ay napuno ng mga imahe mula sa eksena na nangyari kailan lang. "Napakapursigido ni Ms. Lionel. Sa tingin ko sasang-ayon rin ang mga nakakita sayo sa mga screen." Nakabaon nang malalim ang galit sa puso ni Naomi, pero ang kanyang mukha ay nagpakita nag nalulungkot at naiinis na ekspresyon. "Eveline, bakit mo ginawa sa'kin to? May makukuha ka ba sa paninira mo sa'kin at mauwi ako sa ganitong sitwasyon?" "Ginawa ko to sa'yo?" Natatawa si Madeline at iniabot niya ang bata sa nars. Kinarga ng nars ang bata sa kanyang mga braso at kaagad na umalis sa eksena. "Eveline, isa kang anak ng isang mayamang pamilya. Sikat rin si Naomi. Sa ginawa mong paninira sa kanya, paano niya haharapin ang mga tao sa hinaharap?!" Sumigaw ang mga magulang ni Ryan at ip
Magbasa pa

Kabanata 949

Isang napakalakas na boses ang narinig sa gitna ng mga tao. Nabigla si Madeline sa boses na iyon, at nang lumingon siya, nagulat siya nang makita niya si Karen na may hawak na isang insulation soup pot. Sumisingit siya sa mga tao para pumasok sa ward at mukhang galit siya. Nakasalubong na ng mga magulang ni Ryan si Karen noon sa ilang business gatherings at nagkausap na rin sila noon. Sa kanilang alaala, naalala lang nila kung gaano kaagaw ni Karen kay Eveline bilang kanyang manugang. Bakit niya siya ipinagtatanggol ngayon?Habang malalim ang iniisip ng mga magulang ni Ryan ay ngumisi sila. "Karen, gumawa ng ganoong bagay ang manugang mo sa manugang ko, pero ipinagtatanggol mo pa rin siya?!" Tinignan ni Karen si Naomi nang may mapagpunang titig. "Bakit di ko pwedeng ipagtanggol ang manugang ko kung handa kayong ipagtanggol ang manugang ninyo na napakalandi at walang hiya? Isang mahinhing babae ang manugang ko at mas prestihiyoso siya kaysa sa babaeng to!" "Ikaw…" Naisip ni N
Magbasa pa

Kabanata 950

"Sasabihin ko na rin to sa'yo. Ang recording na to, bago pa ito mapunta sa'yo, kinausap ko na ang mga staff doon sa restaurant. Hindi ko sana ipapakita ang recording na to kung hindi niyo ko pinagbibintangan."Naomi, ikaw ang nagsimula nito. Inimbitahan mo ang sarili mo sa kaguluhang ito." "Eveline, ikaw…" Namumula sa galit si Naomi. Hindi na napigilan ni Naomi ang kanyang galit, tinaas niya ang kanyang kamay at sasampalin si Madeline. Ngunit, sa sandaling tinaas niya ang kanyang kamay, malakas siyang sinampal ng tatay ni Ryan si mukha. "Napakawalang-hiya mong babae ka. Gumawa ka ng ganitong krimen pero pinapamukha mo pa ring inosente ka. Niloko mo kami para akusahan ang isang inosenteng tao. Sinasabi ko sa'yo, kakanselahin ko ang kasal ninyo ni Ryan. Hindi tatanggapin ng mga Jones ang isang babae na kagaya mo bilang manugang namin!" Sobrang napuno ng galit ang mga magulang ni Ryan nang binanggit nila ang kanilang pahayag sa harap ng mga tao at umalis sa eksena habang naiinis.
Magbasa pa
PREV
1
...
9394959697
...
248
DMCA.com Protection Status