Home / Romance / Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman / Kabanata 951 - Kabanata 960

Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 951 - Kabanata 960

2479 Kabanata

Kabanata 951

Napansin ni Madeline ang isang madilim na anino sa gilid ng kanyang paningin. Napansin niya kaagad na ang anino ay isang lalaki kaya kaagad siyang nagtago. Ngunit, habang sinusubukan niyang magtago, napansin niya na ang lalaki ay si Jeremy. Sinara ni Jeremy ang pinto sa kanyang likuran at naglakad sa gilid ng kama kung saan pinapasuso ni Madeline ang bata. Ang kanyang eleganteng mukha ay kalmado habang ang kanyang malalalim na mga mata ay mukhang walang sigla nang tinitigan niya nang malamig si Madeline. Hindi sinubukan ni Madeline na iwasan siya at hinarap ang lalaki na naglalakad papunta sa kanya, ang kanyang tainga ay biglang uminit. "Bakit ka nagpunta rito, Mr. Zimmerman?" Kahit na ganoon ang pagbati niya, alam na alam ni Madeline na siya si Jeremy Whitman. Tinignan ni Jeremy ang mga labi ni Madeline. "Pinalungkot mo ang babae ko. Kaya papahirapan rin kita." Yakap ni Madeline ang kanyang anak habang marahang pinipisil ang maliit na daliri nito. Ngunit sa kasalukuyang
Magbasa pa

Kabanata 952

Hindi nabahala si Madeline sa pakikitungo sa kanya ni Jeremy pero nabahala siya na sa simula hanggang sa dulo, hindi niya tinignan ang bata kahit na isang beses. 'Anak niya siya pero hindi man lang niya siya sinulyapan. 'Sinasabi ng ibang tao na mararamdaman mo ang sarili mong anak, pero para sa kanya, mukhang wala siyang nararamdamang kahit na ano.' "Jeremy, siguro si Lana na lang ang nilalaman ng puso mo ngayon, tama ba?" Nalulungkot na ngumiti si Madeline at bumalik sa incubator. Habang tinitignan ang bata na natutulog nang mahimbing, nakaramdam siya ng pait pero may lambing sa kanyang puso. Sa sumunod na araw, hindi sinunod ni Madeline ang utos ni Jeremy na pumunta sa villa. Hindi siya naniniwala na mawawalan ng moralidad si Jeremy at sasaktan ang kanyang anak. Ngunit pagdating ng hapon, saglit siyang umalis ng ward at nang bumalik siya, isang nars ang kinakabahang lumapit sa kanya. "Kanina nang pumasok ako, nakita ko ang isang lalaki na lumabas mula rito. Nang pumasok
Magbasa pa

Kabanata 953

Lalakasan pa sana ni Jeremy ang kanyang pagsakal, pero pagkatapos niyang marinig ang komento ni Madeline ay lumuwag ang kanyang hawak. Tinitigan niya ang kanyang luhaang mga mata at naligaw siya sa kanyang isipan. Sa sandaling iyon, tumulo ang luha ni Madeline sa likod ng kanyang mga kamay. Sumiksik ang init ng kanyang mga luha sa kanyang balat at lumakad papunta sa kanyang puso. Nahimasmasan siya sa mainit na pakiramdam na iyon at nakabalik siya sa realidad. "Wag mo kong tratuhin bilang ang patay mong asawa," malamig na sabi ni Jeremy habang binitawan niya siya. "Ahem, ahem." Nasamid at naghabol ng hininga si Madeline pagkatapos siyang bitawan. Masakit nga talaga ang pagkakahawak niya sa kanyang leeg, pero wala lang ito kumpara sa dismaya na kanyang nararamdaman mula sa kanilang malamig at walang pusong mga mata. Kahit na sa gitna ng mga pangyayaring ito ay nanatiling walang takot si Madeline. "Si Lana ang taong pinakamahalaga para sa'yo ngayon, di ba? Kung may masamang ma
Magbasa pa

Kabanata 954

Hinawakan niya ang baba ni Madeline at hinalikan siya nang hindi nagbibigay ng pagkakataon na manlaban. Gamit ng kanyang kamay kamay, bayolente niyang pinunit ang kanyang damit bago kinagat ang kanyang balikat, nag-iwan ito ng isang hilera ng mga bakas ng ngipin. "Hiss." Kumunot ang noo ni Madeline sa sakit. Huminto si Jeremy at tinignan ang determinadong titig ni Madeline. "Ito ba ang kahinaan na sinasabi mo?" Mayroong sarkasmo sa kanyang boses. "Eveline, hindi ako ang asawa mo, kaya hindi kita pagsisilbihan at wala rin akong oras na pakiusapan ka nang mahinahon. Mas mabuti kung makikinig ka sa'kin. Kung hindi, ikaw lang ang magdurusa." Iniwanan niya siya ng isang mapagbantang pahayag bago siya binitawan. Pagkatapos marinig ni Madeline na sumara ang pinto, naalala niya na baka may nangyari na sa kanila ni Jeremy at Lana sa kamang ito noon. Kaagad siyang nandiri at tumalon paalis ng kama. Gusto niyang umalis pero hindi niya mabuksan ang pinto. Kinulong ba siya ni Jeremy p
Magbasa pa

Kabanata 955

Tumayo siya sa kanyang likuran habang hawak ang kanyang mga kamay, matagumpay niya siyang naikulong. Bahagyang nabigla si Madeline ng ilang sandali. Nang mahimasmasan siya para manlaban, napansin niya na pinipigilan ng lalaki ang kanyang kilos. Hindi niya kayang manalo laban sa kanyang lakas. Hindi niya maintindihan ang kinikilos ni Jeremy. Hindi ba kasama niya si Lana?Bakit ginagawa niya pa rin ang lahat ng ito sa kanya? Kung si Lana rin ang nasa likod ng kakaibang kinikilos ni Jeremy, maiintindihan na niya ang lahat ng nangyayari. Ngunit nang maisip ito ni Madeline ay mas lalo siyang nandiri. Kinagat niya ang labi ni Jeremy at mas lalong maging marahas ang lalaki. Bigla na lang, binuhat niya siya at initsa sa kama. "Wag kang magtangkang tumakas. Bago mo magawa ang gusto kong ipagawa sa'yo, mananatili ka lang rito. Naririnig mo ba ako?" Hinigpitan ni Madeline ang kanyang kamao, at sa huli, wala siyang magawa kundi buksan ito. "Kailangan kong tumawag. Gusto kong malam
Magbasa pa

Kabanata 956

Hindi nga talaga pinaniwalaan ni Jeremy si Madeline ngayon. Dahil dito, nagpunta siya sa Whitman Corporation kasama niya para panoorin siya. Nagulat ang mga empleyado sa kumpanya nang makita nila si Jeremy. "Hi-Hindi ba si Mr. Whitman yan?" "Paanong nangyari yun? Hindi ba namatay siya sa aksidenteng yon tatlong buwan na ang nakakaraan?" "Di ba hindi nagpapakita sa umaga ang mga multo?" Ilang mga empleyado ang tumakbo nang makita nila si Jeremy. Napansin ni Jeremy ang mga reaksyon ng mga empleyado pero nasanay na siya rito. Sinundan niya si Madeline sa kanyang laboratoryo at nakita niya ang lahat ng klase ng mga kagamitan at pabango na maayos na nakahilera roon pagkatapos ay napahanga siya sa mga ito. Sa kung anong dahilan, pakiramdam niya ay nakapunta na siya rito noon. Sinuot ni Madeline ang kanyang puting coat at maskara bago pinaghalo ang mga pabango. Ngunit, hindi niya ito matatapos sa loob lang ng ilang oras. Sa gitna ng proseso nito, narinig ni Madeline si Jerem
Magbasa pa

Kabanata 957

Hinalikan niya ang kanyang buhok na para bang gusto niya siyang makuha. Pagkatapos, malamig niya siyang tinulak nang biglaan. "Magpatuloy ka sa ginagawa mo." Kakaiba para kay Madeline ang kanyang magkasalungat na kinikilos. Pagkatapos, naglakad siya sa isang tabi para manigarilyo. Ang brand ng sigarilyo na kanyang ginagamit ay kapareho ng kay Lana. Alam ni Madeline na nagsisinungaling siya kung sinabi niyang wala siyang pakialam rito, pero alam niya na hindi makikinig si Jeremy sa kahit na anong sasabihin niya ngayon. Tapos na ang aromatherapy kit, pero kailangan pa rin itong hayaan magdamag. Base sa reaksyon ni Jeremy, mukhang gusto pa rin niyang dalhin si Madeline pabalik sa bahay nila ni Lana. Tumanggi siya. "Isang buwan pa lang ang anak ko at kailangan niya ng breast milk para lumaki siyang malusog. Kailangan kong pumunta sa ospital ngayon!" Naglakad siya papunta sa elevator nang matatag. Nang makita niya si Jeremy na nakasunod sa kanya, gusto niyang pumasok sa ibang el
Magbasa pa

Kabanata 958

Hindi natapon ang kape kay Madeline, pero sa halip, ang damit ni Jeremy ang naging biktima. Tinignan ni Naomi ang lalaki na biglang lumitaw sa gulat. "Ikaw… Hans? Bakit ka nandito?" Malamig siyang tinignan ni Jeremy. "Kailangan ko bang magsabi sa'yo tuwing may kasama akong iba?" "..." Hindi napanatag si Naomi, kaya sinimulan niyang puntiryahin si Madeline. "Eveline, ngayon na patay na ang asawa mo, inaakit mo naman ngayon si Rye dahil hindi mo makayanan ang kalungkutan, ha? Hindi kita mapapatawad nang ganon kadali sa nangyari noon! Maghintay ka lang!" Tinuro ni Naomi si Madeline at umalis pagkatapos niya siyang sigawan. "Huminto ka," seryosong sabi ni Madeline kay Naomi. Huminto si Naomi sa kanyang mga hakbang nang makita niya si Madeline na naglalakad papunta sa kanya. "Naomi, alam mo ba na makakasuhan ka kapag nagpasya ako na imbestigahan ka sa pagpaplano mo ng masama laban sa'kin? Sinong nagbigay sa'yo ng tapang na sabihin sa'kin na hindi mo ko mapapatawad? Si Lana ba?
Magbasa pa

Kabanata 959

Hindi namamalayan ni Jeremy na nagsabi siya ng isang salita. Pakiramdam niya ay mayroong humihila sa kanyang puso at kinilabutan siya. Linnie.Bakit niya binanggit ang salitang 'Linnie'? Tumayo si Madeline nang makatulog ang bata. Nang tumala siya, nakita niya ang isang tao na nakatayo sa may pintuan. Nagtataka siyang lumapit at nakita niya si Jeremy. Sinara ni Madeline ang pinto. "Wag kang lumapit sa anak ko." Mayroong bakas ng pagkamuhi sa kanyang mga mata. "Ibibigay ko sa'yo ang aromatherapy bukas. Kailangan kong samahan ang anak ko ngayon." Akala ni Madeline ay tatanggihan ni Jeremy ang kanyang pakiusap, pero sa kanyang gulat ay pumayag siya. Pagkatapos ng ilang sandali ay dumating sina Eloise at Sean. Nang malaman nila ang kondisyon ni Jeremy ay nabahala rin sila. "Kailan kaya siya gagaling? Nag-aalala ako kasi kasama pa rin niya ang Lana na iyon," nag-aalala si Eloise at nagsabi nang may mahinang boses, "Tinawagan ng tatay mo ang kaibigan niya sa F Country at nak
Magbasa pa

Kabanata 960

Talagang walang puso ang lalaking ito. Binitawan niya siya at mayroong pagtataka sa kanyang mga mata. "Kung hindi ikaw si Jeremy, bakit mo ko hinalikan?" "Ginawa ko yun kasi gusto ko. Wala nang ibang dahilan." Simple at diretso ang kanyang sagot. Ngumiti si Madeline. "Ganito mo rin ba halikan si Lana? Niyayakap mo rin ba siya sa pagtulog tuwing gabi sa nagdaang tatlong buwan?" Habang nakatingin sa mga mata ni Madeline, biglang nakakita si Jeremy ng mga imahe na kanyang binanggit mula sa kanyang mga magagandang mata. Nakita niya ang kanyang sarili na hawak ang isang babae habang payapa silang natutulog sa gitna ng gabi. Hindi pa siya nakakaranas ng ganoong kapayapaan sa napakatagal na panahon. Ngunit, sigurado siya na wala siyang naalala na niyakap niya si Lana sa pagtulog. Nanlulumo siyang tinulak ni Madeline pagkatapos niyang makita siyang nananahimik. Nasa isip pa rin ni Madeline ang imahe ng pagbuwis ng buhay niya para sa kanya. Ngunit, wala na ang patunay ng kan
Magbasa pa
PREV
1
...
9495969798
...
248
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status