Home / Romance / Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman / Kabanata 961 - Kabanata 970

Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 961 - Kabanata 970

2479 Kabanata

Kabanata 961

"Linnie!" Natatarantang tinawag ni Jeremy ang pangalan na iyon na para bang kusa itong lumabas mula sa kanyang bibig. Bago siya makapag-isip, kinarga niya si Madeline papasok ng kotse at dinala siya sa ospital. Nang umalis siya, nakita niyang dumaan ang ambulansya at bumbero na tinawag niya ngayon lang. Tinignan ni Jeremy ang rear-view mirror. Ang katulong na tumestigo laban sa kanya ay nakatakbo na. Dinala ni Jeremy si Madeline sa ospital at sabi ng doktor ay hinimatay lang siya sa matinding kalungkutan. Matinding kalungkutan? Naintindihan ni Jeremy kung bakit malungkot si Madeline. Tinignan niya ang walang malay na babae at nag-alala siya na hindi niya maipaliwanag. Hindi sanay si Jeremy sa kanyang nararamdaman para kay Madeline. Tumalikod siya para umalis sa kwarto bago kusang pumunta sa ward kung nasaan ang bunsong anak ni Madeline. Nang nasa pintuan siya, nakita niya si Karen na may kasamang dalawang kaaya-ayang mga bata na nasa edad apat at lima. Kinakausap
Magbasa pa

Kabanata 962

"Mommy, anong problema?" "Mommy, umiiyak ka." Narinig ni Madeline ang nag-aalalang boses ni Karen pati na rin ang nalilitong mga boses ng dalawang bata. Pero nagpatuloy si Madeline na tumulala. Pagkatapos ay binuka niya ang kanyang mapuputlang mga labi. "Bakit kailangan kong magbayad ng napakalaki para lang mahalin siya? Bakit…" Kaagad na nalaman ni Karen na si Jeremy ang tinutukoy ni Madeline. Nagsimula siyang mataranta. "Eveline, si Jeremy ba ang tinutukoy mo? Anong ginawa ni Jeremy?" Kinagat ni Madeline ang kanyang labi at nagsabi nang may tumutulong luha sa kanyang mukha, "Sinunog niya ang bahay ko." "Ano?" Sobrang nagulat si Karen. "Hindi maaari, hindi magagawa iyon ni Jeremy. Imposible…" Pinikit ni Madeline ang kanyang mga mata. Hindi niya rin gustong maniwala na magagawa iyon ni Jeremy. Ngunit malinaw pa rin ang lakas na ginamit niya noong sinakal niya ang kanyang leeg. Umiyak si Madeline nang walang tunog. Sobrang nadurog ang puso niya na maski ang paghinga
Magbasa pa

Kabanata 963

Kumunot ang noo ni Jeremy nang marinig niya ang mga reklamo ni Madeline. 'Hindi mo ko kilala…' Dumagan sa kanyang puso ang apat na salitang iyon. Malakas siyang tinulak palayo ni Madeline pagkatapos niyang tignan ang kanyang kalmadong mukha. Gusto pa rin niyang pumasok sa bahay. Alam ni Jeremy kung anong pinaplano ni Madeline kaya hinila niya siya muli pabalik sa kanya. "Bitawan mo ko, Jeremy! Bitawan mo ko!" Buong lakas na nagpumiglas si Madeline pero hindi siya makalaban sa lalaki. "Jeremy Whitman, g*go ka! Bitawan mo ko! Naroon pa ang mga magulang ko! Sila ang tunay kong magulang!" Nagwawalang sumigaw si Madeline habang lumabo ang kanyang paningin nang dahil sa luha. Ngunit hindi kumibo si Jeremy. Niyakap lang niya siya nang mahigpit sa kanyang mga braso. Bumigay na naman si Madeline. "Bitiwan mo ko. Bitiwan mo ko. Jeremy, nagmamakaawa ako sa'yo, bitiwan mo ko!" Nagmakaawa siya habang humihikbi, "Alam mo ba na ito ang bahay na nahanap ko sa wakas pagkatapos kong ma
Magbasa pa

Kabanata 964

"Hindi, Maddie, di mo to kasalanan. Wag mong sisihin ang sarili mo. Kapag nalaman to nina Mr. and Mrs. Montgomery, hindi rin nila magugustuhan na sisihin mo ang sarili mo."!Mas lalong umiyak si Madeline sa mga salita ni Ava. Umalis siya sa yakap ni Ava at mabilis na umalis ng kama. "Maddie, saan ka pupunta?" "Dad, Mom… kailangan kong makita ang nanay at tatay ko!" Tumakbo si Madeline palabas ng kwarto at tinanong ang lahat ng taong madadaan niya, "Nakita niyo ba ang nanay at tatay ko?" Sinundan siya ni Ava. Nang makita niya si Madeline sa ganitong kalagayan, kaagad na nanlabo ang kanyang paningin nang dahil sa kanyang mga luha. “Maddie!”Hinabol niya siya at hinawakan habang nabasag ang kanyang puso. "Maddie, wag mong gawin to." Ngunit di siya pinansin ni Madeline at nagpatuloy na maglakad. Tuwing may nakikita siyang kung sino, tatanungin niya sila tungkol kay Eloise at Sean. Pagkatapos marinig ni Daniel kung anong nangyari sa bahay ni Madeline ay kaagad siyang nagpu
Magbasa pa

Kabanata 965

Pagkatapos itong marinig ni Madeline, bahagya siyang lumingon para tignan ang lalaking papalapit sa kanya. "Layas." Pinalayas niya siya nang may malamig na tono. Hindi siya pinansin ni Jeremy at nagpatuloy lang na lumapit sa kanya. "Lumayas ka! Hindi ka nararapat na tumayo sa harapan ng mga magulang ko! Layas!" Naging strikto ang boses ni Madeline. Ngunit hindi pa rin siya pinansin ni Jeremy at tumayo sa likuran ni Madeline. "Kung ayaw mong magkaroon pa ng mas malaking trahedya, humingi ka ng tawad kay Lana kasama ko ngayon din. Sabihin mo sa kanya nagkamali ka sa pagsampal mo sa kanya." "Heh." Pakiramdam ni Madeline ay nakarinig siya ng isang malaking biro. Mabagal siyang tumayo at tinignan ang malamig na lalaki. Pagkatapos, naging matalim ang kanyang tingin bago itinaas ang kanyang kamay para sampalin siya sa mukha. "Jeremy, makinig ka sa'kin. Hindi lang siya ang gusto kong sampalin, pati ikaw!"Sa tingin mo magaling ka na dahil nawala ang mga alaala mo? Sa tingin mo pwede
Magbasa pa

Kabanata 966

"Hahaha…" Pagtapos magsalita ni Karen, isang natutuwang tawa ang narinig mula sa pinto. Nakasuot si Lana ng isang sexy na pulang dress nang naglakad siya papasok habang naninigarilyo. "Lana!" Nainis si Karen. "Sakto ang dating mo, malandi ka! Nawalan ng alaala ang anak ko nang dahil sa'yo, napaanak nang maaga ang manugang ko, at pinatay ang mga balae ko! Papatayin kita!" Kumuha ng walis si Karen at bayolente itong hinampas kay Lana. "Tigil." Sakto ang dating ni Jeremy para pigilan siya. "Wag mo siyang sasaktan." Hininto ni Karen ang walis sa ere at tinignan ang lalaki na papalapit sa kanya. Pagkatapos, galit niyang binaba ang walis. "Jeremy, bakit di ka magising? Napaanak nang maaga ang asawa mo nang dahil sa kanya at ginamit ka niya para patayin ang mga biyenan mo! Bakit mo pa rin siya pinagtatanggol?" Pinagalitan siya ni Karen pero simple lang na nagsalita si Jeremy, "Kailan ko pinatay ang mga biyenan ko? Hindi ako si Jeremy." "Ikaw…" Sa sobrang galit ni Karen a
Magbasa pa

Kabanata 967

Bumagsak ang mukha ni Lana. "Eveline, ito ba ang anak mo?" Mabilis na hinila ni Madeline si Jackson sa kanyang likuran dahil natatakot siya na baka saktan siya ni Lana. "Jack, bumalik ka sa kwarto at samahan mo si Lily. Wag kang lumabas." Kumunot ang noo ni Jackson. "Pero Mommy…" "Makinig ka sa'kin. Pumasok ka na." "Sige po." Tumango si Jackson at tinignan si Jeremy na nakatingin sa kanya. "Daddy, kailan ka uuwi? Namimiss ka na namin ni Lily," sabi ng maliit na bata bago nag-aalangang tinignan si Jeremy at bumalik sa loob. Natulala si Jeremy sa bata na umalis. Bigla na lang siyang nanlumo nang walang dahilan. Ngunit kaagad na bumalik ang kanyang tingin kay Madeline. Malinaw na umiyak siya kanina. Ngunit dahil pinanganak siyang maganda, napakaganda pa rin niya kahit hindi maganda ang kalagayan niya. Hindi napansin ni Lana na nakatingin si Jeremy kay Madeline at inayos lang ang kanyang buhok sa inis. "Eveline, kagaya mo talaga ang anak mo. Pareho kayong mahilig maghanap
Magbasa pa

Kabanata 968

"Sinong nagsabi sa mga magulang nila na gumawa ng background check sa'kin?" Hindi nabahala si Lana. Para sa kanya, ang pera at kapangyarihan ay mas mahalaga kumpara sa buhay ng tao. "Hans, maganda rin si Eveline. Hindi kaya nahuhulog ka sa kanya?" Tanong ni Lana habang lumalapit kay Jeremy. "Paanong maikukumpara ang isang nakakaumay na babaeng kagaya niya sa'kin? Maganda lang siya, pero hindi nadadaan ang lahat sa ganda." May tiwala si Lana sa kanyang kaakitan. Nang makita niya si Jeremy na nananahimik kaya ngumiti siya para pagaanin ang loob niya. "Hans, sinisisi mo ba ako sa ginawa ko? Kailangan mong maintindihan na hindi natin pwedeng hayaan na malaman ng iba ang background ng Stygian Johnsons. Kung hindi magkakaproblema tayo. Ayaw mong may mangyari sa'kin, di ba?" Paimbabaw na ngumiti si Jeremy pagkatapos niya itong marinig. "Syempre." "Sabi na nga ba eh." Nahihiyang ngumiti si Lana habang sinubukan niyang lumapit kay Jeremy para makahingi ng isang halik. Ngunit biglang p
Magbasa pa

Kabanata 969

Itinuon ni Jeremy ang buo niyang atensyon sa makulay na kabibe. Bigla na lang, ang parehong imahe ay lumitaw muli sa kanyang isipan. Sa ilalim ng mainit na araw ng tag-araw, nakatalikod siya sa isang maliit na batang babae habang nagmamadali siyang tumakbo sa tabing-dagat. Binalot ng maliit na babae ang kanyang mga braso sa kanyang leeg at malambing na tinawag ang kanyang pangalan… Pak! Nang nasa loob pa ng kanyang mga alaala si Jeremy at maririnig na sana ang batang babae na tawagin ang kanyang pangalan, nakatanggap siya nang isa pang mabigat na sampal mula kay Madeline. Pinigtas ni Madeline ang kanyang kwintas mula sa kanyang leeg sa harapan ni Jeremy at binato ito sa lapag. "Dapat kalimutan na kita. Hindi mo pinatay ang mga magulang ko, ako ang pumatay sa kanila! Hindi na dapat kita pinatawad at hindi na sana kita binigyan ng pagkakataon na magsimulang muli!" Tinulak niya siya palayo at nagsimulang tumakbo. Tinignan ni Jeremy ang likod ni Madeline bago yumuko para
Magbasa pa

Kabanata 970

Tinignan ni Madeline ang nakangiting lalaki sa gulat. "Sinabi mo ba na niligtas kita, Mr. Jones?" Nabigla si Ryan nang marinig niya iyon. Pagkatapos ay tumango siya. "Kaso hindi ko alam kung naaalala mo to." Tinaas ni Ryan ang isang barya sa pagitan ng kanyang daliri. Nalilitong umiling si Madeline. "Hindi." "Kung gayon, nakalimutan mo na talaga ang tungkol dito." Tumawa si Ryan sa bahagyang pagkadismaya. Nang magpapaliwanag sana siya ay pumasok si Mrs. Jones. Kumpara sa agresibong ugali niya noong araw na iyon, mas mukha siyang palakaibigan at malalapitan sa pagkakataong ito. "Narinig ko ang nangyari sa bahay mo, Ms. Montgomery. Kung wala kang ibang lugar na mapupuntahan sa ngayon, pwede kang manatili sa guest room. Pasensya na sa nangyari noon at sana hindi mo to dinamdam." Nilapag ni Madeline ang tasa at umalis sa kama. "Salamat sa kabaitan ninyo, Mrs. Jones. Isa lang iyong hindi pagkakaunawaan, kaya hindi ko to dadamdamin." Tinignan niya ang oras at napansin niya na
Magbasa pa
PREV
1
...
9596979899
...
248
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status