Home / Romance / Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman / Kabanata 971 - Kabanata 980

Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 971 - Kabanata 980

2479 Kabanata

Kabanata 971

Sa sandaling narinig iyon ni Lana ay nagulat siya dahil akala niya ay nagkamali siya ng rinig. Ngunit matalim ang titig ni Madeline. Malakas niyang hinila si Lana at sinipa siya sa kanyang kanang tuhod. Hindi handa si Lana. Nang tumupi ang kanyang kanang binti, nakaluhod na siya ngayon nang isang tuhod sa harapan ni Madeline. Walang nag-akala na gagawin ito ni Madeline at natulala rin si Lana. Ngunit hindi nagtagal ay nainis siya. Tinaas niya ang kanyang ulo para tumayo pero mabigat siyang sinampal ni Madeline sa mukha nang walang sabi-sabi. Nanggagalaiti si Lana. "Eveline, ikaw––" Nang magmumura sana siya para balaan siya, malakas na hinawakan ni Eveline ang kanyang baba. Ang kanyang malalamig na mga mata ay puno ng apoy ng paghihiganti na mahigpit na bumalot kay Lana. "Humingi ka ng tawad!" Direktang nakatingin nang masama si Madeline sa kanya. Pagkatapos, naglabas siya ng isang polaroid picture Mula sa kanyang bulsa. Ito ang larawan ni Eloise at Sean na kinuha niya no
Magbasa pa

Kabanata 972

Ngunit bumigay si Madeline pagkatapos itong gawin ni Jeremy. "Jeremy, anong ginagawa mo? Bitawan mo ko! Gusto kong pagbayaran ng babaeng to ang kasalanan niya sa mga magulang ko!" Nagpumiglas siya, at bigla na lang, hinila siya nang malakas ng lalaki sa kanyang yakap. "Linnie, wag mong gawin to. Alam ko na malungkot ka na namatay sina Mom at Dad, pero wala tong kinalaman kay Ms. Johnson." Ano? Nabigla si Madeline. Tinignan niya ang lalaking tinawag siyang 'Linnie' sa napakamalumanay na boses sa kanyang harapan, bakas sa kanyang mukha na hindi siya makapaniwala. Ngunit nagpatuloy si Jeremy at niyakap siya nang mas malapit. "Linnie, masyado ka pang emosyonal. Ihahatid kita pauwi para makapagpahinga ka." Nagdududa sina Lana at Naomi nang makita nila si Jeremy na kumilos nang ganito. Bumalik na ba ang mga alaala niya? Hindi. Imposible iyon. Pagkatapos ay napansin ni Lana si Jeremy na nakatingin sa kanya. "Ms. Johnson, pasensya ka na. Emosyonal lang ang asawa ko dahil sa p
Magbasa pa

Kabanata 973

Nang tinanong siya ni Jeremy ng ganito, bahagyang nabigla si Madeline. Ngunit habang nakatingin sa mga malalalim na matang iyon, hindi na umaasa si Madeline sa kanya. Lalo ring lumalamig nang lumalamig ang kanyang mga mata. "Jeremy, mula ngayon, ako, si Eveline Montgomery, ay unti-unti kang tatanggalin sa puso ko. Hindi na ikaw ang taong pinakamamahal ko. Sa halip, ikaw na ang taong pinakakinamumuhian ko!" Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Jeremy nang marinig niya itong sabihin nang walang pag-aalinlangan. Nawalan rin ng buhay ang kanyang mga braso na nakapalibot sa kanya. Nakawala si Madeline sa kanyang yakap at binalak na tanggalin ang wedding ring sa kanyang harapan. Ngunit para bang lumiit ang singing at hindi niya ito matanggal kahit gaano pa niya ito kalakas na hilahin. Sumigaw si Madeline at ginamit ang lahat ng kanyang lakas para tanggalin ito. Sinubukan niya ang lahat ng kanyang makakaya na ulitin na tanggalin ang singsing kahit na namula na ang kanyang daliri.
Magbasa pa

Kabanata 974

Matapos itong sabihin ni Ava, kumatok sa pinto ang sekretarya ni Madeline. "Mrs. Whitman, mayroong isang lalaki na may dalang bouquet ng rosas at sabi niya ay gusto ka niyang makita. Naghihintay siya ngayon sa labas." "Isang lalaki? Rosas?" Naguluhan si Ava. "Maddie, manliligaw mo ba siya? Inisip ba niya na patay na si Jeremy kaya nililigawan ka niya ngayon?" Ganoon rin ang naisip ni Madeline. Dahil dito, sinabihan niya si Coco na tanggihan ang lalaki. Ngunit pagkatapos ng ilang sandali, narinig ni Madeline ang isang pamilyar na boses mula sa labas ng kanyang opisina. "My lady, ang tagal na nating hindi nagkikita. Nakalimutan mo na ba ako?" Nang marinig niya ng boses na iyon, nakita niya ang malarong mukha ni Fabian si kanyang harapan. Naguluhan si Ava. "Maddie, sino to?" "Malapit akong kaibigan ni Eveline," malarong sabi ni Fabian. Pagkatapos, tinaas niya ang kanyang kulay at naglakad papunta kay Madeline. Tama ba ako?" nakangiti niyang tanong. Pagkatapos, napansin niya
Magbasa pa

Kabanata 975

Ang kanyang mga mata ay nakatuon sa kanya at biglang nagsimulang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Napakaganda niyang tignan sa harapan niya ngayon. Mayroon siyang malamig na aura sa kanyang paligid at walang ngiti sa kanyang maliit na mukha. Ngunit habang mas lalo siyang malamig ay mas lalo siyang nakakaakit. Kahit na hindi siya magbihis, malinaw na naglagay siya ng kaunting makeup. Nakita niya rin ang isang pulang linya sa palasinsingan ng kanyang kaliwang kamay na nakahawak sa kanyang bag. Iyon ang sugat noong pilit niyang tinanggal ang singsing. Dinala siya ni Fabian sa ikalawang palapag. Nang madaanan nila si Jeremy, nagpanggap si Madeline na parang hindi niya siya nakita at simple lang siyang nilagpasan. Hinawakan ni Jeremy ang kanyang manipis na braso nang may kalungkutan sa kanyang mga mata. "Bakit ka nandito?" Hindi man lang siya tinignan ni Madeline. "Wala ka nang pakialam dito," malamig niyang sagot at nagpatuloy na umakyat ng hagdan pagkatapos niyang kumawa
Magbasa pa

Kabanata 976

Paano naman papayag si Lana ng ganun? Pero, natigilan siya nang makita niya ang masamang tingin ni Yorick. Tinignan niya si Madeline at kinagat ang kanyang labi. Pagkatapos, ay alangan niyang sanabi, “Eveline, gustong gusto mo talagang humingi ako ng tawad, ano?. Sige, hihingi ako ng tawad sayo!” “Sandali lang.” Pinigilan siya ni Madeline. Nanggigil na si Lana. “Ano pang gusto mo?”“Sabi ko sayo na gusto kong lumuhod ka at humingi ng tawad,” Pagdidiin ni Madeline, na may masamang tingin. “Ikaw… Eveline, sumosobra ka na!” Sigaw ni Lana sa sobrang inis. Subalit, hindi pa rin nagbago ang ekspresyon ni Madeline. “Anong pinagkaiba ng paghingi ng tawad sa buhay ng dalawang tao?” “Oo, wala!” Sumbat ni Fabian habang nasa tabi ni Madeline. tinitigan ng masama ni Lana si Fabian bago tinignan si Yorick. Pero, desidido na si Yorick sa kanyang desisyon. Kung gusto ni Madeline na lumuhod siya, kung ganun ay kailangan niyang lumuhod. Ngayon pa lang naranasan ni Lana na mapahiya ng
Magbasa pa

Kabanata 977

Nang tumalon palabas ng kotse si Madeline, nagblanko ang utak ni Jeremy. Gumapang ang hindi mawaring takot sa kanyang lalamunan. “Linnie!”Habang inabot niya ang kanyang kamay para hawakan si Madeline, tumalon din ang kanyang katawan papunta sa direksyon kung saan tumalon si Madeline.Dahil sa lakas ng pagbagsak nila, hinawakan ni Jeremy si Madeline habang ialng beses na nagpagulong-gulong sa kalsada bago tumigil. Pagkatapos, bumangga ang kotse sa isla na naghihiwalay sa kalsada. Kumaskas ang gulong nito sa kalsada. Pero, walang pakialam si Jeremy sa kotse o kaya sa kanyang mga natamong sugat at binuhat ang walang malay na Madeline.“Linnie! Linnie!”Binuhat niya ang ulo nito at tinapik ang pisngi nito.“Linnie, huwag kang matutulog.”Nanginginig ang kanyang boses, at hindi niya maunawaan kung bakit siya natatakot. Nung maramdam niya na may malagkit sa likod ng ulo ni Madeline, dun lang niya nalaman na duguan na pala ang kanyang kamay. Lalong lumakas ang tibok ng puso
Magbasa pa

Kabanata 978

Umalingawngaw sa tenga ni Madeline ang nag-aalalang boses ni Ava. Sinubukang hanapin ni Madeline si Ava sa gitna ng kadiliman. Pero. wala siyang makita. “Ava?”“Maddie, anong nangyari kagabi? Bakit ka nasa ospital? Sino ang nagpadala ng mensahe sa akin gamit ang phone mo?”Muling minulat ni Madeline ang kanyang mga mata pagkatapos niyang marinig muli ang nag-aalalang boses ni Ava. Pero, madilim pa rin ang paligid para sa kanya. Inangat niya ang kanyang kamay at tinapat ito sa kanyang mga mata. pero hindi niya makita o maaninag man lang ang mga ito. Heh, bulag nanaman siya. Pinikit niya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim. “Maddie, Maddie?” Labis ang pag-aalala ni Ava. Umiling lang si Madeline. “Ayos lang ako, Ava. Huwag mo na akong alalahanin. Hindi ko hahayaan na may masamang mangyari sa akin alang-alang sa mga bata.”Nangako siya, pagkatapos ay naalala niya ang nangyari pagkatapos niyang tumalon palabas ng kotse. Masyado siyang nagpadalos-dalos.Nang maalala
Magbasa pa

Kabanata 979

Nang maramdaman ni Madeline na may bumuhat sa kanya, nabigla siya. Pero, sa sumunod na sandali, tinulak niya ito. "Heh, Linnie? Anong binabalak mo, Mr. Zimmerman?" Singhal ni Madeline. "Naparito ka ba para panoorin ako kung paano ko magmukhang tanga dahil sa alam mong bulag ako?" Tumawa siya at tinanong si Jeremy. Kahit na hindi siya makakita, nakatayo siya ng matuwid at hindi nanginig o kaya'y nagpakita ng takot. "Jeremy, makinig ka, kahit na bulag ako, hindi kita hahayaan na paglaruan mo ako. Umiyak ako ng husto nang dahil sayo, at sisiguraduhin ko na pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo!" Habang nakatingin sa mahina pero matapang na babae sa kanyang harapan, pinigilan ni Jeremy ang nararamdaman niyang kirot sa kanyang puso at dahan dahang naglakad papunta sa harapan nito. "Linnie, naaalala ko na ang lahat." Nang marinig niya ito, naglakbay ang malumanay at malalim na boses ni Jeremy sa tenga ni Madeline. Para bang huminto ang oras dahil sa katahimikan ng ward. Nagu
Magbasa pa

Kabanata 980

Ilang taon na rin ang lumipas, at bilang kanyang ina, ito ang unang pagkakataon na nakita niyang umiyak ang kanyang anak. "Jeremy, ikaw…" "Mom, pwede niyo bang ilabas muna saglit si Pudding? Meron akong gustong sabihin sa lalakeng ito." Pinigilan ni Madeline ang kanyang emosyon at inabot si Pudding kay Karen. Kahit na maraming katanungan si Karen, sinunod niya ang pakiusap ni Madeline at inilabas si Pudding. Silang dalawa na lang ang natitira sa loob ng kwarto ngayon, at nakakabingi ang katahimikan. Naglakad papunta sa tabi ng kama si Madeline at naglabas ng ilang mga dokumento mula sa ilalim ng kanyang unan para iabot kay Jeremy. "Pirmahan mo ang mga ito. Makikipaghiwalay na ako sayo." Tinignan ni Jeremy ang mga papel na inabot sa kanya ni Madeline at pakiramdam niya ay hinihiwa ng maraming kutsilyo ang kanyang puso. Tahimik siyang umiyak at hindi kinuha ang mga papel. Sa halip, lumuhod siyang muli sa harapan ni Madeline. Habang nakatingin sa hapong mukha ni Madeline
Magbasa pa
PREV
1
...
96979899100
...
248
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status