Paano naman papayag si Lana ng ganun? Pero, natigilan siya nang makita niya ang masamang tingin ni Yorick. Tinignan niya si Madeline at kinagat ang kanyang labi. Pagkatapos, ay alangan niyang sanabi, “Eveline, gustong gusto mo talagang humingi ako ng tawad, ano?. Sige, hihingi ako ng tawad sayo!” “Sandali lang.” Pinigilan siya ni Madeline. Nanggigil na si Lana. “Ano pang gusto mo?”“Sabi ko sayo na gusto kong lumuhod ka at humingi ng tawad,” Pagdidiin ni Madeline, na may masamang tingin. “Ikaw… Eveline, sumosobra ka na!” Sigaw ni Lana sa sobrang inis. Subalit, hindi pa rin nagbago ang ekspresyon ni Madeline. “Anong pinagkaiba ng paghingi ng tawad sa buhay ng dalawang tao?” “Oo, wala!” Sumbat ni Fabian habang nasa tabi ni Madeline. tinitigan ng masama ni Lana si Fabian bago tinignan si Yorick. Pero, desidido na si Yorick sa kanyang desisyon. Kung gusto ni Madeline na lumuhod siya, kung ganun ay kailangan niyang lumuhod. Ngayon pa lang naranasan ni Lana na mapahiya ng
Nang tumalon palabas ng kotse si Madeline, nagblanko ang utak ni Jeremy. Gumapang ang hindi mawaring takot sa kanyang lalamunan. “Linnie!”Habang inabot niya ang kanyang kamay para hawakan si Madeline, tumalon din ang kanyang katawan papunta sa direksyon kung saan tumalon si Madeline.Dahil sa lakas ng pagbagsak nila, hinawakan ni Jeremy si Madeline habang ialng beses na nagpagulong-gulong sa kalsada bago tumigil. Pagkatapos, bumangga ang kotse sa isla na naghihiwalay sa kalsada. Kumaskas ang gulong nito sa kalsada. Pero, walang pakialam si Jeremy sa kotse o kaya sa kanyang mga natamong sugat at binuhat ang walang malay na Madeline.“Linnie! Linnie!”Binuhat niya ang ulo nito at tinapik ang pisngi nito.“Linnie, huwag kang matutulog.”Nanginginig ang kanyang boses, at hindi niya maunawaan kung bakit siya natatakot. Nung maramdam niya na may malagkit sa likod ng ulo ni Madeline, dun lang niya nalaman na duguan na pala ang kanyang kamay. Lalong lumakas ang tibok ng puso
Umalingawngaw sa tenga ni Madeline ang nag-aalalang boses ni Ava. Sinubukang hanapin ni Madeline si Ava sa gitna ng kadiliman. Pero. wala siyang makita. “Ava?”“Maddie, anong nangyari kagabi? Bakit ka nasa ospital? Sino ang nagpadala ng mensahe sa akin gamit ang phone mo?”Muling minulat ni Madeline ang kanyang mga mata pagkatapos niyang marinig muli ang nag-aalalang boses ni Ava. Pero, madilim pa rin ang paligid para sa kanya. Inangat niya ang kanyang kamay at tinapat ito sa kanyang mga mata. pero hindi niya makita o maaninag man lang ang mga ito. Heh, bulag nanaman siya. Pinikit niya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim. “Maddie, Maddie?” Labis ang pag-aalala ni Ava. Umiling lang si Madeline. “Ayos lang ako, Ava. Huwag mo na akong alalahanin. Hindi ko hahayaan na may masamang mangyari sa akin alang-alang sa mga bata.”Nangako siya, pagkatapos ay naalala niya ang nangyari pagkatapos niyang tumalon palabas ng kotse. Masyado siyang nagpadalos-dalos.Nang maalala
Nang maramdaman ni Madeline na may bumuhat sa kanya, nabigla siya. Pero, sa sumunod na sandali, tinulak niya ito. "Heh, Linnie? Anong binabalak mo, Mr. Zimmerman?" Singhal ni Madeline. "Naparito ka ba para panoorin ako kung paano ko magmukhang tanga dahil sa alam mong bulag ako?" Tumawa siya at tinanong si Jeremy. Kahit na hindi siya makakita, nakatayo siya ng matuwid at hindi nanginig o kaya'y nagpakita ng takot. "Jeremy, makinig ka, kahit na bulag ako, hindi kita hahayaan na paglaruan mo ako. Umiyak ako ng husto nang dahil sayo, at sisiguraduhin ko na pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo!" Habang nakatingin sa mahina pero matapang na babae sa kanyang harapan, pinigilan ni Jeremy ang nararamdaman niyang kirot sa kanyang puso at dahan dahang naglakad papunta sa harapan nito. "Linnie, naaalala ko na ang lahat." Nang marinig niya ito, naglakbay ang malumanay at malalim na boses ni Jeremy sa tenga ni Madeline. Para bang huminto ang oras dahil sa katahimikan ng ward. Nagu
Ilang taon na rin ang lumipas, at bilang kanyang ina, ito ang unang pagkakataon na nakita niyang umiyak ang kanyang anak. "Jeremy, ikaw…" "Mom, pwede niyo bang ilabas muna saglit si Pudding? Meron akong gustong sabihin sa lalakeng ito." Pinigilan ni Madeline ang kanyang emosyon at inabot si Pudding kay Karen. Kahit na maraming katanungan si Karen, sinunod niya ang pakiusap ni Madeline at inilabas si Pudding. Silang dalawa na lang ang natitira sa loob ng kwarto ngayon, at nakakabingi ang katahimikan. Naglakad papunta sa tabi ng kama si Madeline at naglabas ng ilang mga dokumento mula sa ilalim ng kanyang unan para iabot kay Jeremy. "Pirmahan mo ang mga ito. Makikipaghiwalay na ako sayo." Tinignan ni Jeremy ang mga papel na inabot sa kanya ni Madeline at pakiramdam niya ay hinihiwa ng maraming kutsilyo ang kanyang puso. Tahimik siyang umiyak at hindi kinuha ang mga papel. Sa halip, lumuhod siyang muli sa harapan ni Madeline. Habang nakatingin sa hapong mukha ni Madeline
Nang marinig ni Jeremy ang sinabi sa kanya ni Lana ng buong galak, lalong lumamig ang kanyang mga mata. Magandang balita? Nabulag nga si Madeline, at para kay Lana, isa itong magandang balita. Naalala niya kung paano pinuno ni Lana ng pekeng alaala ang kanyang isipan nung mga tatlong buwan na yun nung wala siyang maalala, at lalong lumamig ang kanyang tingin. Hindi napansin ni Lana ang pagbabago sa mga kilos ni Jeremy. Sa halip, masaya siyang tumawa at sinabi, "Hmph, wala pa man akong ginagawa at bulag na siya agad. Haha! Mukhang maganda atang bisitahin ko siya ngayon para kamustahin." Tinitigan siya ni Jeremy. "Anong gagawin mo sa kanya?" Narinig ito ni Lana at nagsimulang mag-isip. Pagkatapos, nagsindi soya ng sigarilyo. "Um…" "Lana, ito na ang pagkakataon mo." Tinignan ni Naomi ang mensahe at masayang ibinalita, "Malapit na ang ika-52 anibersaryo ng Whitman Corporation at tiyak na sisipot si Madeline doon.”Naningkit ang mga mata ni Lana at nagsimulang gumawa ng plano
Narinig niya ang tungkol sa pagkabulag ni Madeline at gusto niyang kamustahin ang kalagayan nito, pero wala siyang sapat na rason para gawin ito. Nang papunta na sana si Ryan sa likod ng entablado para hanapin si Madeline, lumitaw si Naomi at Lana. Gumastos ng malaking halaga si Lana para lang makakuha ng imbitasyon sa pagdiriwang. Mayabang siyang ngumiti habang naglalakad sa may bulwagan. Pinagtitinginan siya ng lahat, pero ang kanilang mga pansin ay hindi nakatuon sa kanya. Sahalip, ang kanilang mga mata ay nakatuon lahat kay Jeremy na nasa likuran niya. Si Mr. Whitman nga talaga iyon.”“Hindi to maaari! tatlong buwan na ang nakakalipas, hindi ba’t… Anong nangyayari dito?”“Oo nga, kakaiba ito. Nagpunta pa nga ako sa Whitman Manor para ipabatid sa kanila ang aking pakikiramay. Kinumpirma pa nga nila na patay na nga talag siya.”“Pumunta din ako. Nung nandoon ako, sinigawan pa nga ni Karen si Madeline at sinabi na taga-dala ito ng kamalasan. Sinabi rin nito na si Eveline an
Bumagsak ang kahon malapit sa paanan ni Madeline. Nagpanggap na sumimangot si Lana at matapang na sinabi, “Mrs. Whitman, anong ibig sabihin nito? Meron akong imbitasyon para dumalo bilang isang bisita. Bilang panauhin mo, binigyan kita ng regalo, kaya bakit ayaw mong tanggapin ito?”Tinignan ni Naomi ang kalmado at walang pakialam na Madeline habang humahagikgik. Pagkatapos, nagpanggap siya na nagulat . “Ah, Lana, hindi mo ba napansin? Sa tingin ko ay hindi makakita si Mrs. Whitman.”“Hindi siya makakita?” Nagpanggap si Lana na nalilito at sinimulang tignan si Madeline mula ulo hanggang paa. “Mrs. Whitman, anong problema ng mga mata mo? Bakit ka nabulag?”Nang sabihin ito ni Lana, maraming tao ang nagulat sa paligid. “Ano? Bulag si Eveline?”“Hindi ito maaari!” “Nabulag ba siya sa kakaiyak nung mamatay ang mga magulang niya?” “Kaawa-awa naman siya. Pero, paano niya patatakbuhin ang Whitman Corporation ngayon na bulag na siya? Maaapektuhan ba nito ang pakikipagsosyo namin sa