Malumanay na ngumiti si Madeline at pinindot ang buton ng isang maliit na remote na nasa kanyang kamay. “Kung ganun, panoorin nating lahat kung ano ang itsura ni Miss Johnson nung lumuhod siya at humingi ng tawad.” Pagkatapos sabihin ni Madeline ang mga salitang yun, dumilim ang paligid. Lumitaw sa LED screen ang pangyayari na kung saan lumuhod at humingi ng tawad si Lana sa harapan ni Madeline. Kahit na nag-aalangan si Lana nung mga sandaling yun, sinabi pa rin niya ang ‘Eveline, patawad.’Nang makita ito ni Naomi, nagulat ito. “Lana, ba-bakit mo nagawa…”“Eveline!” Sumabog sa galit si Lana. “Eveline, kinuhaan mo ako ng video!”Muling binuksan ni Madeline ang mga ilaw at ngumiti. "Syempre. Nagawa ko yin sa pamamagitan ng nakatagong kamera sa aking brooch. Kinuhaan ko ang nakakaawa mong mikha nung himingi ka ng tawad sa akin," pagmamalaki niyang inamin ang lahat. "Ito si Miss Johnson na mayabang na nang-aapi ng iba, pero kung titignan mo siya ngayon, wala lang pala siya." "
Naguluhan si Lana. Pakiramdam niya ay lahat ng nangyayari ay hindi naaayon sa plano niya ngayong gabi. Ayos lang nung nautakan siya ni Madeline, pero ano ang nangyayari kay Jeremy? Hindi maunawaan ni Lana ang nangyayayri at galit na galit na. "Hans, anong problema? Bakit mo ako sinampal?" Parang mga kutsilyo ang tingin ni Jeremy. "Gumagawa ka ng gulo sa anibersaryo ng aking kumpanya at nagsama ka pa ng isang walang hiyang babae para guluhin ang asawa ko. Kapag hindi kita sinampal, kung ganun ay hindi ako si Jeremy Whitman." "A-ano?" Naguluhan muli si Lana. Jeremy Whitman!Tinawag niyang Jeremy Whitman ang sarili niya! Sinabi niya na asawa niya si Madeline! Bumalik na ba ang mga alaala niya? Kelan pa nangyari yun? Bakit hindi niya napansin to? Hindi pa rin makapaniwala si Lana habang nakatitig siya sa lalong lumalamig na titig ni Jeremy. Pero, mayabang pa rin siyang ngumiti. "Hand, huwag ka ngang magbiro ng ganyan. Ang taong dapat mong sampalin ay si Eveline Montgomer
Bumuntong-hininga si Karen. “Pumunta siya sa lounge. Sa tingin ko ay pinapadede niya ang bata ngayon.” Kaagad na umalis si Jeremy nang makuha niya ang sagot ni Karen at tumakbo papunta sa lounge.Nang makita niya ang breastfeeding sign sa may pinto, tumapat siya sa pinto at inangat ang kanyang kamay. Gusto niya sanang kumatok, pero nag-alinlangan siya. Pagkalipas ng ilang sandali, kumatok na siya sa pinto. Pagkatapos, nagmula sa loob ng lounge ang boses ni Madeline. “Mom, ikaw ba yan? Pumasok ka.” Alam ni Jeremy na napagkamalan siya ni Madeline na si Karen, pero nagdesisyon siya na sakyan na lang ito at pumasok sa loob. Hindi nagpapadede si Madeline, pero sa halip, nakatalikod ito at nakaluhod malapit sa sopa. Mukhang nagpapalit siya ng lampin ng bata. “Mom, pwede mo bang iabot sa akin ang wet wipes? Nasa bag ko lang yun.”Hindi nakita ni Madeline kung sino ang pumasok. Ang kanyang atensyon ay nakatuon lang sa kanyang sanggol na kakadumi lang. Nung lumapit si Jeremy p
“Linnie…”“Tigilan mo na ang pagtawag sa pangalan ko. Ayoko nang makita ka pa.” Singit ni Madeline sabay punas ng kanyang mga luha. “Hindi kita sinisisi nung nakalimutan mo ang tungkol sa akin. Alam ko na nasaktan ka dahil sa gusto mo akong iligtas at kaya ka nagawang manipulahin ni Lana. Pero, hindi nun maisasangtabi ang kaliputang nagawa mo kaya namatay ang mga magulang ko!” “Jeremy, hindi ko alam kung paano ka haharapin ngayon. Kapag nakikita kita, naiisip ko ang namatay kong magulang, pero hindi ko sila maipaghiganti. Nauunawaan mo ba ang nararamdaman ko?” Huminga ng malalim si Madeline at kinarga ang walang malay na sanggol mula sa sopa bago lisanin ang lounge. Nakaluhod si Jeremy sa lapag, pinaulit-ulit sa kanyang isipan ang mga salitang sinabi sa kanya ni Madeline. Sa sandaling yun, pakiramdam niya ay nasaksak ang kanyang puso ng isang libong kutsilyo. Kung posible lang, gusto niyang ipagpalit ang buhay niya para sa buhay nila Eloise at Sean. Gagawin niya ang lahat
"Isang sikat na jewelry designer si Mrs. Whitman sa mundo ng mga alahas, kaya siguro naman ay may alam ka tungkol sa pagpipinta, tama? Kung may oras ka, bakit hindi tayo magpalitan ng mga ideya minsan?" Tinulungan na siya noon ni Ryan at isa itong tunay na maginoo, kaya hindi siya tinanggihan ni Madeline. Sa kabilang banda naman, padabog na bumalik ng kanyang bahay si Lana. Pero, sa sandaling tumapak siya sa loob, nakatanggap siya ng isang malakas na sampal.Nagblanko ang kanyang utak at nabigla siya sa nangyari. Pagkatapos, nagdugo ang kanyang bibig. Si Naomi na nakasunod sa likuran ni Lana ay nakita ito at nagsimulnag manginig sa takot. Ano bang nangyayari ngayong araw na to? Papanoorin niya sana na magmukhang tanga si Madeline, kaya bakit nagkaganito ang lahat? Hinawakan ni Lana ang namamaga niyang mukha at sinigaw, "Yorick, nababaliw ka na ba? Bakit mo ko sinampal uli?" "Tanungin mo ang sarili mo kung ano ang ginawa mo ngayon lang." Ang dilim ng mukha ni Yorick n
Naramdaman ng sanggol ng na may bumuhat sa kanya kaya kaagad nitong minulat ang mga mabibilog nitong mga mata. Nagulat ang lalake na kumarga sa bata. Pero, natunaw ang kanyang puso nang makita niya ang walang malay nitong mga mata. "Ikaw ba si Pudding?" Tanong ni Jeremy ng may mahinang boses habang hinahaplos ang kaibig-ibig na mukha ng sanggol. Tinignan ng sanggol si Jeremy at walang malay na ngumiti ito. Naramdaman ni Jeremy na sumikip ang kanyang lalamunan nang makita niya ang ngiti ng sanggol. Hindi niya mapigilan na tumulo ang kanyang luha. Ang eksena kung paano nanganak si Madeline sa sanggol na ito na kinulang sa buwan ay sariwa pa rin sa kanyang mga alaala.Sinuportahan niya ang kanyang mahinang katawan sa sakit sa pamamagitan ng malakas niyang tibay ng loob. Iyon ay kung paano niya naipanganak ang napaagang sanggol na ito. Habang nangyayari yun, basang basa sa pawis ang kanyang damit at buhok habang sobrang putla ng kanyang mukha. Matagal na niyang inaasam na iabo
Nilapag niya ang bata pabalik sa kuna nito at sinilip ang lampin nito. Pero, wala naman itong ihi o kaya dumi. Nag-aalala si Madeline na baka may nangyari sa kanyang anak. Kinarga niya ito at handa na siyang dalhin ito sa ospital. "Linnie, hayaan mong kargahin ko siya," nagmakaawa si Jeremy. "Nung kinarga ko siya kanina, hindi siya uniyak." Tinignan siya ng malamig ni Madeline. "Kung hindi ka pumasok, hindi sana siya magigising. Mahabang oras ang ginugol ko para lang mapatulog siya. Bakit ka pa pumasok dito?" Ungol ni Madeline. Kahit na alam niya na baka umiiyak ang bata dahil sa ibang kadahilanan, wala siyang lakas ng loob na harapin si Jeremy. "Linni, hayaan mong kargahin ko ang bata. Seryoso, hindi siya umiyak nung karaga ko siya kanina," muling pagmamakaawa ni Jeremy. Pero, hindi siya pinagbigyan ni Madine na kargahin si Pudding. Sa halip, sininghalan siya nito. "Ngayon alam mo na na anak mo siya?" “Linnie.”"Jeremy, hindi kita sinisisi. Hindi talaga kita sinisisi
Sa sandaling yun, nagblanko ang utak ni Madeline. Sa sumunod na sandali, binuksan niya ang pinto ng kotse at tumawag ng ambulansya habang nanginginig ang kanyang mga kamay. Tumakbo siya papunta sa kotse. Nang makita niya ang duguang kamay, tumingin siya sa loob nito. "Linnie, magsimula tayong muli…" Narinig niyang sinasambit ito ni Jeremy hanggang sa nawalan ito ng malay. Tumulo ang mga luha ni Madeline. Naghalo ang nararamdaman niya sa mga oras na yun. Ayaw niyang mapahamak si Jeremy, pero hindi rin niya makalimutan ang kanyang mga namatay na magulang. Dumating ang ambulansya pagkalipas ng ilang oras at kaagad na inasikaso si Jeremy.Wala naman siyang natamong sugat sa loob. Halos lahat ng pinsala niya ay sugat lang sa kanyang katawan, pero malala ang natamong sugat ng kanyang kaliwang kamay. Kaya hindi pa siya makakapagbuhat ng mabigat sa mga oras na yun. Isa pa, may isang malaking sugat sa kanyang kaliwang binti na matindi ang pagdurugo. Nagsimula nanamang managinip