"Parating na rin siguro si Mommy." Tinignan ni Jack ang kalsada, at bakas ang pagkadismaya sa kanyang mukha. "Kailan kaya uuwi si Daddy." "Daddy? Ang tagal ko na rin siyang hindi nakikita." Sumimangot si Lilian, iniisip pa rin niya na si Felipe ang kanyang ama. May bakas ng panhungulila sa kanyang makinam na mga mata.Pagkatapos, biglang napuno ng kulay ang kanyang mga madidilim na mga mata. Isang bouquet na gawa sa maraming makukulay na candy ang biglang lumitaw sa harapan ni Lillian."Eh?" Nalito si Lillian, pero kumikinam pa rin ang kanyang mga mata. "Wow, ang ganda naman!" Tinignan ni Jackson ang kamay na may hawak ng bouquet at nakita ang isang hindi pamilyar na mukha. "Sino ka?" Hinila ni Jackson si Lillian papunta sa kanyang likod at tinanong si Fabian habang nag-iingat. Mukha paring isang malokong bata si Fabian. Pagkatapos, tinignan niya si Jackson ng mag pagkadismaya at mayabang na sinabi, "Kaibigan ako ni Lily." Nagdududang tinignan ni Jackson si Fabian, pagkat
Ano? Nalito si Lana. Habang hinuhulaan niya kung ano ang ibig sabihin ni Madeline, bigla na lang siya hindi makahinga. ???Inangat ni Madeline ang kanyang kanang kamay ng biglaan at hinawakan ng mahigpit sibLana sa leeg. Hindi inaasahan ni Lana gagawin ito ni Madeline. Ginamit na niya ang buo niyang lakas para manlaban, pero masyadong malakas si Madeline. "Bitawan… mo ako! Eveline, p*ta ka, pakawalan mo ao! Ah!" Nagbanta si Lana, pero lalo lang hinigpitan ni Madeline ang pagkakahawak niya sa leeg ni Lana at sinandal pa ito sa pader habang nanlalaban ito. Ang kanyang namumulang mata ay puno ng galit. May bagyong namumuo sa likod ng mga ito. Nang maalala ni Madeline ang pagkamatay nila Eloise at Sean, lalo niyang hinigpitan ang pagsakal niya kay Lana. Walang sinabi si Madeline, pinanood lang niya kung paano namula ng namula ang mukha ni Lana hanggang sa hindi na ito makahinga. Nagsimula na siyang magmukhang nahihirapan. Sa kabilang banda naman, lalong namula at namas
Hindi niya inaasahan na mangyayari ang bagay na iyon. Hindi niya naisip na magagawa ni Madeline ang bagay na iyon, at talagang nagulat siya dahil dito. Pagkalipas ng mga ilang sandali, tinulak palayo ni Madeline si Jeremy nung hindi na siya masyadong emosyonal. May bahid ng pandidiri ang kanyang mga mata habang sinabi niya, "Huwag mo na akong hahawakan pang muli." Nakaramdam ng sobrang sakit si Jeremy sa kanyang puso. Nang maharap siya sa kawalan, pakiramdam niya ay nabasag ang kanyang puso. “Linnie.”"Bibigyan kita ng limang minuto. Susunduin ko sila Lily at Jack pagkalipas ng limang minuto."Lumingon si Madeline para umalis pagkatapos niyang kausapin si Jeremy. Sa sandaling yun, sumilip ang dalawang bata sa mula sa kwarto. Nag-aalala g nagtanong si Jackson, "Mommy, Daddy, nag-aaway ba kayo?" Nginitian ni Jeremy si Jackson at hinawakan ang balikat ni Madeline. "Syempre hindi. Kailan man ay hindi mag-aaway si Mommy at Daddy. Huwag ka nang mag-isip ng kung ano pa man." Tinig
Kalmadong kalmado si Madeline nung sinabi niya ang mga yun, pero para itong mga malalaking tipak ng yelo sa puso ni Jeremy. Tinitigan niya ang likod ni Madeline at sinundan ito sa may pinto habang tinitiis ang sakit. Nakita niya si Ryan na pinagbuksan si Madeline ng pinto. Pagkatapos, ngumiti si Madeline at pumasok sa loob bago umalis kasama si Ryan. .Sa ilalim ng madilim na kalangitan, kasing lamig ng yelo ang mga tingin ni Jeremy. 'Linnie, hindi ba tayo nakatadhanang mag-sama? 'Kung ganun, bakit tayo muling pinagtagpo ng Diyos pagkatapos ng maraming taon?'Bakit niya tayo hinayaan na mahalin at patayin ang isa't isa? 'Baka, ang huling bagay na magagawa ko na lang para sayo ay ito.' Ibinaba niya ang kanyang tingin para tignan ang singsing sa kanyang palasingsingan habang lalong lumamig ang kanyang tingin. …Sa loob ng kotse. Nakatingin lang si Madeline sa labas ng walang sinasabing kahit na ano. Tinignan niya ang daliri niyang walang singsing at hinawakan ito.
"Mukhang interesado si Rye mo kay Ms. Montgomery. Kahit kailan hindi niya pinagsilbihan yung Naomi na yun nung dinala niya siya para kumain kasama natin noon. Limang beses siyang kumuha ng pagkain para kay Ms. Montgomery kanina!" "Isang napakahusay at napakagandang babae si Ms. Montgomery, kaso may asawa at tatlong anak na siya." "Oo nga, sa tingin ko dapat dumistansya na si Rye kay Ms. Montgomery bago pa may magkalat ulit ng kung anu-anong kwento tungkol sa kanila." Tumango at sumang-ayon si Mrs. Jones. Pagkatapos, nagpadala siya ng message kay Ryan para pagsabihan siya. Noong makita ni Ryan ang message ng nanay niya, alam niya na walang masamang intensyon ang magulang niya, ngunit alam din niya na makikipaghiwalay na si Madeline kay Jeremy. Hindi kayang sabihin ni Madeline sa ibang tao kung bakit siya makikipaghiwalay kay Jeremy. Wala siyang magawa kundi sarilinin na lang ang nararamdaman niyang kalungkutan at kawalan ng pag-asa. …Tahimik na nakaupo si Jeremy at nagpa
Nag-alinlangan siyang tawagin ang pangalan ni Madeline at niyakap niya siya ng mahigpit.Hindi siya tinulak ni Madeline. Ang kanyang luha ay tulad ng mga perlas sa isang napatid na sinulid habang malayang tumutulo ang kanyang mga luha.Ang pagmamahal at pananabik niya sa kanya ay tulad ng pagkasuklam niya sa kanya at kung gaano katindi ang pagnanais niya na maglaho si Jeremy sa kanyang paningin ngayon.Gayunpaman, hindi niya mapigilan ang kanyang sarili."Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Jeremy, naiintindihan mo ba kung gaano kasakit ang nararamdamn ko? Bakit mo sinaktan ang mga magulang ko at ang mga anak natin?"Gusto lang naman kitang mahalin mula noong sandaling makilala kita, pero bakit kailangan mo akong bigyan ng dahilan na huwag kang mahalin at magalit sayo? Bakit?"Matatanggap ko na nakalimutan mo ako at matatanggap ko na malamig ka sakin... Kaya ko nga ring tanggapin na kasama mo si Lana araw at gabi, pero paano mo naisip na matatanggap ko ang katotohanang pinatay mo a
Hindi niya matukoy kung ano ba talaga ang problema, ngunit parang nasasaktan siya. Paulit-ulit niyang tinatanong ang kanyang sarili habang nagpapabalik-balik siya. Kahit na ang kanyang matalim at matalino mga mata ay naging malabo.Pagkaraan ng ilang sandali, kinuha niya ang divorce papers sa sahig at pinunit ito sa harap ni Madeline."Linnie, ayokong hiwalayan ka. Magiging asawa kita habambuhay."Hindi ko na kayo guguluhin ni Pudding. Lalabas ako at babantayan ko kayo."“...”Nakaupo sa kama si Madeline at nagtataka. Tumingin siya sa likuran ni Jeremy at hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari.Matapos siyang mahimasmasan at makapag-isip, naramdaman niya ang sakit sa buong katawan niya.Hindi niya alam kung magbabantay ba si Jeremy sa pintuan buong gabi, ngunit may narinig siyang ingay mula sa likod ng pinto.Paikot-ikot si Jeremy sa harap ng pintuan habang kinukuyom at binubuka niya ang kamay niya ng paulit-ulit.Gusto na naman niyang manigarilyo.Para bang mapapawi
Nakita niya ang lalaki sa isang upuan sa sulok. Ang kanyang maputi at malinis na mga kamay ay may hawak na isang tasa ng mainit na kape.Tumingin siya sa mukha ng lalaki, ngunit dahil mahina ang ilaw sa lugar, nadidiliman ang kanyang mukha.Hindi kumbinsido si Lana. Umakyat siya hanggang sa ikalawang palapag upang makahanap siya ng magandang posisyon upang masilip ang mukha ng lalaki. Subalit, noong sisilipin na niya ang mukha ng lalaki, narinig niyang tumunog ang kanyang phone.Umiinom ng kape ang lalaki nang bigla siyang napahinto. Pagkatapos, tumingin siya ng masama kay Yorick.Bumaba si Yorick at nakita niya si Lana na nagtatangkang umakyat."Bakit ka nandito?" Tanong ni Yorick, sinusubukang niyang hilahin pababa ng hagdan si Lana habang sinusubukan ni Lana na umakyat.Nagpumiglas si Lana. "Siya yun, di ba? Sino siya? Ang lakas naman ng loob niya na utusan ka?""Mas mabuti pa na manahimik ka muna bago ka mag-isip," ang babala ni Yorick."Hmph." Suminghal si Lana. "Yorick, a