"Mukhang interesado si Rye mo kay Ms. Montgomery. Kahit kailan hindi niya pinagsilbihan yung Naomi na yun nung dinala niya siya para kumain kasama natin noon. Limang beses siyang kumuha ng pagkain para kay Ms. Montgomery kanina!" "Isang napakahusay at napakagandang babae si Ms. Montgomery, kaso may asawa at tatlong anak na siya." "Oo nga, sa tingin ko dapat dumistansya na si Rye kay Ms. Montgomery bago pa may magkalat ulit ng kung anu-anong kwento tungkol sa kanila." Tumango at sumang-ayon si Mrs. Jones. Pagkatapos, nagpadala siya ng message kay Ryan para pagsabihan siya. Noong makita ni Ryan ang message ng nanay niya, alam niya na walang masamang intensyon ang magulang niya, ngunit alam din niya na makikipaghiwalay na si Madeline kay Jeremy. Hindi kayang sabihin ni Madeline sa ibang tao kung bakit siya makikipaghiwalay kay Jeremy. Wala siyang magawa kundi sarilinin na lang ang nararamdaman niyang kalungkutan at kawalan ng pag-asa. …Tahimik na nakaupo si Jeremy at nagpa
Nag-alinlangan siyang tawagin ang pangalan ni Madeline at niyakap niya siya ng mahigpit.Hindi siya tinulak ni Madeline. Ang kanyang luha ay tulad ng mga perlas sa isang napatid na sinulid habang malayang tumutulo ang kanyang mga luha.Ang pagmamahal at pananabik niya sa kanya ay tulad ng pagkasuklam niya sa kanya at kung gaano katindi ang pagnanais niya na maglaho si Jeremy sa kanyang paningin ngayon.Gayunpaman, hindi niya mapigilan ang kanyang sarili."Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Jeremy, naiintindihan mo ba kung gaano kasakit ang nararamdamn ko? Bakit mo sinaktan ang mga magulang ko at ang mga anak natin?"Gusto lang naman kitang mahalin mula noong sandaling makilala kita, pero bakit kailangan mo akong bigyan ng dahilan na huwag kang mahalin at magalit sayo? Bakit?"Matatanggap ko na nakalimutan mo ako at matatanggap ko na malamig ka sakin... Kaya ko nga ring tanggapin na kasama mo si Lana araw at gabi, pero paano mo naisip na matatanggap ko ang katotohanang pinatay mo a
Hindi niya matukoy kung ano ba talaga ang problema, ngunit parang nasasaktan siya. Paulit-ulit niyang tinatanong ang kanyang sarili habang nagpapabalik-balik siya. Kahit na ang kanyang matalim at matalino mga mata ay naging malabo.Pagkaraan ng ilang sandali, kinuha niya ang divorce papers sa sahig at pinunit ito sa harap ni Madeline."Linnie, ayokong hiwalayan ka. Magiging asawa kita habambuhay."Hindi ko na kayo guguluhin ni Pudding. Lalabas ako at babantayan ko kayo."“...”Nakaupo sa kama si Madeline at nagtataka. Tumingin siya sa likuran ni Jeremy at hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari.Matapos siyang mahimasmasan at makapag-isip, naramdaman niya ang sakit sa buong katawan niya.Hindi niya alam kung magbabantay ba si Jeremy sa pintuan buong gabi, ngunit may narinig siyang ingay mula sa likod ng pinto.Paikot-ikot si Jeremy sa harap ng pintuan habang kinukuyom at binubuka niya ang kamay niya ng paulit-ulit.Gusto na naman niyang manigarilyo.Para bang mapapawi
Nakita niya ang lalaki sa isang upuan sa sulok. Ang kanyang maputi at malinis na mga kamay ay may hawak na isang tasa ng mainit na kape.Tumingin siya sa mukha ng lalaki, ngunit dahil mahina ang ilaw sa lugar, nadidiliman ang kanyang mukha.Hindi kumbinsido si Lana. Umakyat siya hanggang sa ikalawang palapag upang makahanap siya ng magandang posisyon upang masilip ang mukha ng lalaki. Subalit, noong sisilipin na niya ang mukha ng lalaki, narinig niyang tumunog ang kanyang phone.Umiinom ng kape ang lalaki nang bigla siyang napahinto. Pagkatapos, tumingin siya ng masama kay Yorick.Bumaba si Yorick at nakita niya si Lana na nagtatangkang umakyat."Bakit ka nandito?" Tanong ni Yorick, sinusubukang niyang hilahin pababa ng hagdan si Lana habang sinusubukan ni Lana na umakyat.Nagpumiglas si Lana. "Siya yun, di ba? Sino siya? Ang lakas naman ng loob niya na utusan ka?""Mas mabuti pa na manahimik ka muna bago ka mag-isip," ang babala ni Yorick."Hmph." Suminghal si Lana. "Yorick, a
"Lana!" Galit na galit si Yorick. "Sasakay ka sa flight pabalik sa F Country bukas ng umaga! Bawal ka nang bumalik sa Glendale!"Nagngitngit ang mga ngipin ni Lana at sinipa niya ang mesa bago siya tumakbo palabas ng pinto.Pagkaalis ni Lana, naglakad si Fabian papunta sa tabi ni Yorick at nagtanong, “Hey, totoo ba yun? Talaga bang may taong may kapangyarihang pasunurin ang pinuno ng Stygian Johnson Gang?"Napatingin si Yorick sa inosenteng si Fabian na may malagim na ekspresyon sa kanyang mukha."Fab, bumalik na sa F Country kasama ni Lana.""Hindi pwede, may kailangan pa kong gawin dito." Tumanggi si Fabian. Pagkatapos, nagtanong siya, "Bakit hindi mo sabihin sakin kung sino ang lalaking iyon? Kilala ko ba siya?""Mas mabuti kung hindi mo alam ang tungkol dito," Ang sinabi ni Yorick. Pagkatapos, napansin niya na kulay brown na ang buhok ni Fabian. "Mukhang binago mo Yang pormahan mo ah. May nililigawan ka ba?""Nililigawan?" Suminghal si Fabian. "Imposible. Walang babae sa mun
Tiningnan ni Lana ang taong nasasalamin sa likuran niya at nagulat siya.Dahan-dahan niyang ibinaling ang kanyang ulo, at agad niyang nakita ang gwapo ngunit nakakakilabot na mukha ni Jeremy.Nakatayo ang lalaki habang nakatalikod siya sa liwanag. Bumigat ng husto ang pakiramdam nila nang makita nila ang lalaki, para may malaking tipak ng yelo sa kanilang mga balikat. Sa sandaling ito, nagmumula sa kanya ang isang nakakatakot na aura.Nakaramdam ng kaba at takot si Lana, ngunit huminahon siya agad at nanatili siyang mapagmataas. “Jeremy, kinidnap mo ako? Pakawalan mo ako ngayon na!"Napakayabang pa rin ng tono niya. Siyempre, alam niyang hindi na niya kayang lokohin si Jeremy dahil naaalala na niya ang lahat.Tumingin si Lana kay Jeremy at inangat niya ang kanyang ulo hanggang sa makakaya niya."Jeremy, napakatalino mong tao, hindi mo ba alam kung sino ang mas bagay sayo? Hindi bagay si Eveline para sayo. Kapag sumama ka sakin at pumayag kang maging boyfriend ko, ipaparanas ko sa
Iyon ang mga sigarilyong hinihithit niya at ito rin ang ibinigay niya kay Jeremy noon. Subalit, may ibang nakahalo sa mga sigarilyong binigay niya kay Jeremy.Noong biglang sinampal ni Jeremy ang kahon ng sigarilyo sa mukha niya, alam na ni Lana kung anong nangyayari."Anong nilagay mo sa mga sigarilyo na 'to?" Malamig na tanong ni Jeremy.Hindi naglakas-loob na sumagot si Lana. Nagpanggap lamang siya na naubo siya sa pagkagulat.Walang balak si Jeremy na mag-aksaya ng oras sa kanya, kaya naglakad siya papunta sa isang gilid.Nang makita ito ni Lana, tinaas niya ang kanyang paa upang sipain si Naomi na nagtutulug-tulugan."Tayo! Kalagan mo ako!" Ang pabulong niyang inutos kay Naomi.Gayunpaman, nagpatuloy sa pagtutulug-tulugan si Naomi. Akala niya ay kay Lana lang maghihiganti si Jeremy. Sinundan lamang niya si Lana papasok ng sasakyan dahil sa sobrang kalasingan. Biktima siya dito."Naomi!" Sigaw ni Lana. Noong si sipain niya ulit si Naomi, naramdaman niya na may bumuhos na ma
"Hindi!" Sa sobrang takot ni Lana ay nagsimula na siyang magbunganga. Sa mga sumunod na sandali, nakita niya na hinagis ni Jeremy ang posporo sa mga nakatambak na kahon sa gilid.Para bang binuhusan din ng gasolina ang mga kahon. Biglang lumaki at nagsimulang kumalat sa buong lugar ang maliit na apoy sa posporo.Subalit, bago pa man makalapit ang apoy sa kanila, nanigas na sa takot sila Lana at Naomi. Pinagpawisan sila ng malamig sa sobrang takot.Malamig na tumingin si Jeremy kay Lana. Sa sandaling ito, namuti ang mukha ni Lana sa sobrang takot."Lana, hindi kita hahayaang mamatay ng ganito kadali."Mas matindi ang apoy na naglalagablab sa likod ng matatalim na mata ni Jeremy."Ginamit mo ako para patayin ang mga in-law ko at dahil dun hindi ko na makakasama si Linnie. Kaya, gusto kong dahan-dahan kang maglakad patungo sa kamatayan mo habang takot na takot ka. Gusto kong maranasan mo kung ano ang pakiramdam ng mapagbintangan at pahirapan."“...”Pagkatapos niyang sabihin iyo