"Isang sikat na jewelry designer si Mrs. Whitman sa mundo ng mga alahas, kaya siguro naman ay may alam ka tungkol sa pagpipinta, tama? Kung may oras ka, bakit hindi tayo magpalitan ng mga ideya minsan?" Tinulungan na siya noon ni Ryan at isa itong tunay na maginoo, kaya hindi siya tinanggihan ni Madeline. Sa kabilang banda naman, padabog na bumalik ng kanyang bahay si Lana. Pero, sa sandaling tumapak siya sa loob, nakatanggap siya ng isang malakas na sampal.Nagblanko ang kanyang utak at nabigla siya sa nangyari. Pagkatapos, nagdugo ang kanyang bibig. Si Naomi na nakasunod sa likuran ni Lana ay nakita ito at nagsimulnag manginig sa takot. Ano bang nangyayari ngayong araw na to? Papanoorin niya sana na magmukhang tanga si Madeline, kaya bakit nagkaganito ang lahat? Hinawakan ni Lana ang namamaga niyang mukha at sinigaw, "Yorick, nababaliw ka na ba? Bakit mo ko sinampal uli?" "Tanungin mo ang sarili mo kung ano ang ginawa mo ngayon lang." Ang dilim ng mukha ni Yorick n
Naramdaman ng sanggol ng na may bumuhat sa kanya kaya kaagad nitong minulat ang mga mabibilog nitong mga mata. Nagulat ang lalake na kumarga sa bata. Pero, natunaw ang kanyang puso nang makita niya ang walang malay nitong mga mata. "Ikaw ba si Pudding?" Tanong ni Jeremy ng may mahinang boses habang hinahaplos ang kaibig-ibig na mukha ng sanggol. Tinignan ng sanggol si Jeremy at walang malay na ngumiti ito. Naramdaman ni Jeremy na sumikip ang kanyang lalamunan nang makita niya ang ngiti ng sanggol. Hindi niya mapigilan na tumulo ang kanyang luha. Ang eksena kung paano nanganak si Madeline sa sanggol na ito na kinulang sa buwan ay sariwa pa rin sa kanyang mga alaala.Sinuportahan niya ang kanyang mahinang katawan sa sakit sa pamamagitan ng malakas niyang tibay ng loob. Iyon ay kung paano niya naipanganak ang napaagang sanggol na ito. Habang nangyayari yun, basang basa sa pawis ang kanyang damit at buhok habang sobrang putla ng kanyang mukha. Matagal na niyang inaasam na iabo
Nilapag niya ang bata pabalik sa kuna nito at sinilip ang lampin nito. Pero, wala naman itong ihi o kaya dumi. Nag-aalala si Madeline na baka may nangyari sa kanyang anak. Kinarga niya ito at handa na siyang dalhin ito sa ospital. "Linnie, hayaan mong kargahin ko siya," nagmakaawa si Jeremy. "Nung kinarga ko siya kanina, hindi siya uniyak." Tinignan siya ng malamig ni Madeline. "Kung hindi ka pumasok, hindi sana siya magigising. Mahabang oras ang ginugol ko para lang mapatulog siya. Bakit ka pa pumasok dito?" Ungol ni Madeline. Kahit na alam niya na baka umiiyak ang bata dahil sa ibang kadahilanan, wala siyang lakas ng loob na harapin si Jeremy. "Linni, hayaan mong kargahin ko ang bata. Seryoso, hindi siya umiyak nung karaga ko siya kanina," muling pagmamakaawa ni Jeremy. Pero, hindi siya pinagbigyan ni Madine na kargahin si Pudding. Sa halip, sininghalan siya nito. "Ngayon alam mo na na anak mo siya?" “Linnie.”"Jeremy, hindi kita sinisisi. Hindi talaga kita sinisisi
Sa sandaling yun, nagblanko ang utak ni Madeline. Sa sumunod na sandali, binuksan niya ang pinto ng kotse at tumawag ng ambulansya habang nanginginig ang kanyang mga kamay. Tumakbo siya papunta sa kotse. Nang makita niya ang duguang kamay, tumingin siya sa loob nito. "Linnie, magsimula tayong muli…" Narinig niyang sinasambit ito ni Jeremy hanggang sa nawalan ito ng malay. Tumulo ang mga luha ni Madeline. Naghalo ang nararamdaman niya sa mga oras na yun. Ayaw niyang mapahamak si Jeremy, pero hindi rin niya makalimutan ang kanyang mga namatay na magulang. Dumating ang ambulansya pagkalipas ng ilang oras at kaagad na inasikaso si Jeremy.Wala naman siyang natamong sugat sa loob. Halos lahat ng pinsala niya ay sugat lang sa kanyang katawan, pero malala ang natamong sugat ng kanyang kaliwang kamay. Kaya hindi pa siya makakapagbuhat ng mabigat sa mga oras na yun. Isa pa, may isang malaking sugat sa kanyang kaliwang binti na matindi ang pagdurugo. Nagsimula nanamang managinip
"Parating na rin siguro si Mommy." Tinignan ni Jack ang kalsada, at bakas ang pagkadismaya sa kanyang mukha. "Kailan kaya uuwi si Daddy." "Daddy? Ang tagal ko na rin siyang hindi nakikita." Sumimangot si Lilian, iniisip pa rin niya na si Felipe ang kanyang ama. May bakas ng panhungulila sa kanyang makinam na mga mata.Pagkatapos, biglang napuno ng kulay ang kanyang mga madidilim na mga mata. Isang bouquet na gawa sa maraming makukulay na candy ang biglang lumitaw sa harapan ni Lillian."Eh?" Nalito si Lillian, pero kumikinam pa rin ang kanyang mga mata. "Wow, ang ganda naman!" Tinignan ni Jackson ang kamay na may hawak ng bouquet at nakita ang isang hindi pamilyar na mukha. "Sino ka?" Hinila ni Jackson si Lillian papunta sa kanyang likod at tinanong si Fabian habang nag-iingat. Mukha paring isang malokong bata si Fabian. Pagkatapos, tinignan niya si Jackson ng mag pagkadismaya at mayabang na sinabi, "Kaibigan ako ni Lily." Nagdududang tinignan ni Jackson si Fabian, pagkat
Ano? Nalito si Lana. Habang hinuhulaan niya kung ano ang ibig sabihin ni Madeline, bigla na lang siya hindi makahinga. ???Inangat ni Madeline ang kanyang kanang kamay ng biglaan at hinawakan ng mahigpit sibLana sa leeg. Hindi inaasahan ni Lana gagawin ito ni Madeline. Ginamit na niya ang buo niyang lakas para manlaban, pero masyadong malakas si Madeline. "Bitawan… mo ako! Eveline, p*ta ka, pakawalan mo ao! Ah!" Nagbanta si Lana, pero lalo lang hinigpitan ni Madeline ang pagkakahawak niya sa leeg ni Lana at sinandal pa ito sa pader habang nanlalaban ito. Ang kanyang namumulang mata ay puno ng galit. May bagyong namumuo sa likod ng mga ito. Nang maalala ni Madeline ang pagkamatay nila Eloise at Sean, lalo niyang hinigpitan ang pagsakal niya kay Lana. Walang sinabi si Madeline, pinanood lang niya kung paano namula ng namula ang mukha ni Lana hanggang sa hindi na ito makahinga. Nagsimula na siyang magmukhang nahihirapan. Sa kabilang banda naman, lalong namula at namas
Hindi niya inaasahan na mangyayari ang bagay na iyon. Hindi niya naisip na magagawa ni Madeline ang bagay na iyon, at talagang nagulat siya dahil dito. Pagkalipas ng mga ilang sandali, tinulak palayo ni Madeline si Jeremy nung hindi na siya masyadong emosyonal. May bahid ng pandidiri ang kanyang mga mata habang sinabi niya, "Huwag mo na akong hahawakan pang muli." Nakaramdam ng sobrang sakit si Jeremy sa kanyang puso. Nang maharap siya sa kawalan, pakiramdam niya ay nabasag ang kanyang puso. “Linnie.”"Bibigyan kita ng limang minuto. Susunduin ko sila Lily at Jack pagkalipas ng limang minuto."Lumingon si Madeline para umalis pagkatapos niyang kausapin si Jeremy. Sa sandaling yun, sumilip ang dalawang bata sa mula sa kwarto. Nag-aalala g nagtanong si Jackson, "Mommy, Daddy, nag-aaway ba kayo?" Nginitian ni Jeremy si Jackson at hinawakan ang balikat ni Madeline. "Syempre hindi. Kailan man ay hindi mag-aaway si Mommy at Daddy. Huwag ka nang mag-isip ng kung ano pa man." Tinig
Kalmadong kalmado si Madeline nung sinabi niya ang mga yun, pero para itong mga malalaking tipak ng yelo sa puso ni Jeremy. Tinitigan niya ang likod ni Madeline at sinundan ito sa may pinto habang tinitiis ang sakit. Nakita niya si Ryan na pinagbuksan si Madeline ng pinto. Pagkatapos, ngumiti si Madeline at pumasok sa loob bago umalis kasama si Ryan. .Sa ilalim ng madilim na kalangitan, kasing lamig ng yelo ang mga tingin ni Jeremy. 'Linnie, hindi ba tayo nakatadhanang mag-sama? 'Kung ganun, bakit tayo muling pinagtagpo ng Diyos pagkatapos ng maraming taon?'Bakit niya tayo hinayaan na mahalin at patayin ang isa't isa? 'Baka, ang huling bagay na magagawa ko na lang para sayo ay ito.' Ibinaba niya ang kanyang tingin para tignan ang singsing sa kanyang palasingsingan habang lalong lumamig ang kanyang tingin. …Sa loob ng kotse. Nakatingin lang si Madeline sa labas ng walang sinasabing kahit na ano. Tinignan niya ang daliri niyang walang singsing at hinawakan ito.