Share

Kabanata 980

Ilang taon na rin ang lumipas, at bilang kanyang ina, ito ang unang pagkakataon na nakita niyang umiyak ang kanyang anak.

"Jeremy, ikaw…"

"Mom, pwede niyo bang ilabas muna saglit si Pudding? Meron akong gustong sabihin sa lalakeng ito." Pinigilan ni Madeline ang kanyang emosyon at inabot si Pudding kay Karen.

Kahit na maraming katanungan si Karen, sinunod niya ang pakiusap ni Madeline at inilabas si Pudding.

Silang dalawa na lang ang natitira sa loob ng kwarto ngayon, at nakakabingi ang katahimikan.

Naglakad papunta sa tabi ng kama si Madeline at naglabas ng ilang mga dokumento mula sa ilalim ng kanyang unan para iabot kay Jeremy.

"Pirmahan mo ang mga ito. Makikipaghiwalay na ako sayo."

Tinignan ni Jeremy ang mga papel na inabot sa kanya ni Madeline at pakiramdam niya ay hinihiwa ng maraming kutsilyo ang kanyang puso.

Tahimik siyang umiyak at hindi kinuha ang mga papel. Sa halip, lumuhod siyang muli sa harapan ni Madeline.

Habang nakatingin sa hapong mukha ni Madeline
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status