Bumagsak ang mukha ni Lana. "Eveline, ito ba ang anak mo?" Mabilis na hinila ni Madeline si Jackson sa kanyang likuran dahil natatakot siya na baka saktan siya ni Lana. "Jack, bumalik ka sa kwarto at samahan mo si Lily. Wag kang lumabas." Kumunot ang noo ni Jackson. "Pero Mommy…" "Makinig ka sa'kin. Pumasok ka na." "Sige po." Tumango si Jackson at tinignan si Jeremy na nakatingin sa kanya. "Daddy, kailan ka uuwi? Namimiss ka na namin ni Lily," sabi ng maliit na bata bago nag-aalangang tinignan si Jeremy at bumalik sa loob. Natulala si Jeremy sa bata na umalis. Bigla na lang siyang nanlumo nang walang dahilan. Ngunit kaagad na bumalik ang kanyang tingin kay Madeline. Malinaw na umiyak siya kanina. Ngunit dahil pinanganak siyang maganda, napakaganda pa rin niya kahit hindi maganda ang kalagayan niya. Hindi napansin ni Lana na nakatingin si Jeremy kay Madeline at inayos lang ang kanyang buhok sa inis. "Eveline, kagaya mo talaga ang anak mo. Pareho kayong mahilig maghanap
"Sinong nagsabi sa mga magulang nila na gumawa ng background check sa'kin?" Hindi nabahala si Lana. Para sa kanya, ang pera at kapangyarihan ay mas mahalaga kumpara sa buhay ng tao. "Hans, maganda rin si Eveline. Hindi kaya nahuhulog ka sa kanya?" Tanong ni Lana habang lumalapit kay Jeremy. "Paanong maikukumpara ang isang nakakaumay na babaeng kagaya niya sa'kin? Maganda lang siya, pero hindi nadadaan ang lahat sa ganda." May tiwala si Lana sa kanyang kaakitan. Nang makita niya si Jeremy na nananahimik kaya ngumiti siya para pagaanin ang loob niya. "Hans, sinisisi mo ba ako sa ginawa ko? Kailangan mong maintindihan na hindi natin pwedeng hayaan na malaman ng iba ang background ng Stygian Johnsons. Kung hindi magkakaproblema tayo. Ayaw mong may mangyari sa'kin, di ba?" Paimbabaw na ngumiti si Jeremy pagkatapos niya itong marinig. "Syempre." "Sabi na nga ba eh." Nahihiyang ngumiti si Lana habang sinubukan niyang lumapit kay Jeremy para makahingi ng isang halik. Ngunit biglang p
Itinuon ni Jeremy ang buo niyang atensyon sa makulay na kabibe. Bigla na lang, ang parehong imahe ay lumitaw muli sa kanyang isipan. Sa ilalim ng mainit na araw ng tag-araw, nakatalikod siya sa isang maliit na batang babae habang nagmamadali siyang tumakbo sa tabing-dagat. Binalot ng maliit na babae ang kanyang mga braso sa kanyang leeg at malambing na tinawag ang kanyang pangalan… Pak! Nang nasa loob pa ng kanyang mga alaala si Jeremy at maririnig na sana ang batang babae na tawagin ang kanyang pangalan, nakatanggap siya nang isa pang mabigat na sampal mula kay Madeline. Pinigtas ni Madeline ang kanyang kwintas mula sa kanyang leeg sa harapan ni Jeremy at binato ito sa lapag. "Dapat kalimutan na kita. Hindi mo pinatay ang mga magulang ko, ako ang pumatay sa kanila! Hindi na dapat kita pinatawad at hindi na sana kita binigyan ng pagkakataon na magsimulang muli!" Tinulak niya siya palayo at nagsimulang tumakbo. Tinignan ni Jeremy ang likod ni Madeline bago yumuko para
Tinignan ni Madeline ang nakangiting lalaki sa gulat. "Sinabi mo ba na niligtas kita, Mr. Jones?" Nabigla si Ryan nang marinig niya iyon. Pagkatapos ay tumango siya. "Kaso hindi ko alam kung naaalala mo to." Tinaas ni Ryan ang isang barya sa pagitan ng kanyang daliri. Nalilitong umiling si Madeline. "Hindi." "Kung gayon, nakalimutan mo na talaga ang tungkol dito." Tumawa si Ryan sa bahagyang pagkadismaya. Nang magpapaliwanag sana siya ay pumasok si Mrs. Jones. Kumpara sa agresibong ugali niya noong araw na iyon, mas mukha siyang palakaibigan at malalapitan sa pagkakataong ito. "Narinig ko ang nangyari sa bahay mo, Ms. Montgomery. Kung wala kang ibang lugar na mapupuntahan sa ngayon, pwede kang manatili sa guest room. Pasensya na sa nangyari noon at sana hindi mo to dinamdam." Nilapag ni Madeline ang tasa at umalis sa kama. "Salamat sa kabaitan ninyo, Mrs. Jones. Isa lang iyong hindi pagkakaunawaan, kaya hindi ko to dadamdamin." Tinignan niya ang oras at napansin niya na
Sa sandaling narinig iyon ni Lana ay nagulat siya dahil akala niya ay nagkamali siya ng rinig. Ngunit matalim ang titig ni Madeline. Malakas niyang hinila si Lana at sinipa siya sa kanyang kanang tuhod. Hindi handa si Lana. Nang tumupi ang kanyang kanang binti, nakaluhod na siya ngayon nang isang tuhod sa harapan ni Madeline. Walang nag-akala na gagawin ito ni Madeline at natulala rin si Lana. Ngunit hindi nagtagal ay nainis siya. Tinaas niya ang kanyang ulo para tumayo pero mabigat siyang sinampal ni Madeline sa mukha nang walang sabi-sabi. Nanggagalaiti si Lana. "Eveline, ikaw––" Nang magmumura sana siya para balaan siya, malakas na hinawakan ni Eveline ang kanyang baba. Ang kanyang malalamig na mga mata ay puno ng apoy ng paghihiganti na mahigpit na bumalot kay Lana. "Humingi ka ng tawad!" Direktang nakatingin nang masama si Madeline sa kanya. Pagkatapos, naglabas siya ng isang polaroid picture Mula sa kanyang bulsa. Ito ang larawan ni Eloise at Sean na kinuha niya no
Ngunit bumigay si Madeline pagkatapos itong gawin ni Jeremy. "Jeremy, anong ginagawa mo? Bitawan mo ko! Gusto kong pagbayaran ng babaeng to ang kasalanan niya sa mga magulang ko!" Nagpumiglas siya, at bigla na lang, hinila siya nang malakas ng lalaki sa kanyang yakap. "Linnie, wag mong gawin to. Alam ko na malungkot ka na namatay sina Mom at Dad, pero wala tong kinalaman kay Ms. Johnson." Ano? Nabigla si Madeline. Tinignan niya ang lalaking tinawag siyang 'Linnie' sa napakamalumanay na boses sa kanyang harapan, bakas sa kanyang mukha na hindi siya makapaniwala. Ngunit nagpatuloy si Jeremy at niyakap siya nang mas malapit. "Linnie, masyado ka pang emosyonal. Ihahatid kita pauwi para makapagpahinga ka." Nagdududa sina Lana at Naomi nang makita nila si Jeremy na kumilos nang ganito. Bumalik na ba ang mga alaala niya? Hindi. Imposible iyon. Pagkatapos ay napansin ni Lana si Jeremy na nakatingin sa kanya. "Ms. Johnson, pasensya ka na. Emosyonal lang ang asawa ko dahil sa p
Nang tinanong siya ni Jeremy ng ganito, bahagyang nabigla si Madeline. Ngunit habang nakatingin sa mga malalalim na matang iyon, hindi na umaasa si Madeline sa kanya. Lalo ring lumalamig nang lumalamig ang kanyang mga mata. "Jeremy, mula ngayon, ako, si Eveline Montgomery, ay unti-unti kang tatanggalin sa puso ko. Hindi na ikaw ang taong pinakamamahal ko. Sa halip, ikaw na ang taong pinakakinamumuhian ko!" Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Jeremy nang marinig niya itong sabihin nang walang pag-aalinlangan. Nawalan rin ng buhay ang kanyang mga braso na nakapalibot sa kanya. Nakawala si Madeline sa kanyang yakap at binalak na tanggalin ang wedding ring sa kanyang harapan. Ngunit para bang lumiit ang singing at hindi niya ito matanggal kahit gaano pa niya ito kalakas na hilahin. Sumigaw si Madeline at ginamit ang lahat ng kanyang lakas para tanggalin ito. Sinubukan niya ang lahat ng kanyang makakaya na ulitin na tanggalin ang singsing kahit na namula na ang kanyang daliri.
Matapos itong sabihin ni Ava, kumatok sa pinto ang sekretarya ni Madeline. "Mrs. Whitman, mayroong isang lalaki na may dalang bouquet ng rosas at sabi niya ay gusto ka niyang makita. Naghihintay siya ngayon sa labas." "Isang lalaki? Rosas?" Naguluhan si Ava. "Maddie, manliligaw mo ba siya? Inisip ba niya na patay na si Jeremy kaya nililigawan ka niya ngayon?" Ganoon rin ang naisip ni Madeline. Dahil dito, sinabihan niya si Coco na tanggihan ang lalaki. Ngunit pagkatapos ng ilang sandali, narinig ni Madeline ang isang pamilyar na boses mula sa labas ng kanyang opisina. "My lady, ang tagal na nating hindi nagkikita. Nakalimutan mo na ba ako?" Nang marinig niya ng boses na iyon, nakita niya ang malarong mukha ni Fabian si kanyang harapan. Naguluhan si Ava. "Maddie, sino to?" "Malapit akong kaibigan ni Eveline," malarong sabi ni Fabian. Pagkatapos, tinaas niya ang kanyang kulay at naglakad papunta kay Madeline. Tama ba ako?" nakangiti niyang tanong. Pagkatapos, napansin niya