"Sasabihin ko na rin to sa'yo. Ang recording na to, bago pa ito mapunta sa'yo, kinausap ko na ang mga staff doon sa restaurant. Hindi ko sana ipapakita ang recording na to kung hindi niyo ko pinagbibintangan."Naomi, ikaw ang nagsimula nito. Inimbitahan mo ang sarili mo sa kaguluhang ito." "Eveline, ikaw…" Namumula sa galit si Naomi. Hindi na napigilan ni Naomi ang kanyang galit, tinaas niya ang kanyang kamay at sasampalin si Madeline. Ngunit, sa sandaling tinaas niya ang kanyang kamay, malakas siyang sinampal ng tatay ni Ryan si mukha. "Napakawalang-hiya mong babae ka. Gumawa ka ng ganitong krimen pero pinapamukha mo pa ring inosente ka. Niloko mo kami para akusahan ang isang inosenteng tao. Sinasabi ko sa'yo, kakanselahin ko ang kasal ninyo ni Ryan. Hindi tatanggapin ng mga Jones ang isang babae na kagaya mo bilang manugang namin!" Sobrang napuno ng galit ang mga magulang ni Ryan nang binanggit nila ang kanilang pahayag sa harap ng mga tao at umalis sa eksena habang naiinis.
Napansin ni Madeline ang isang madilim na anino sa gilid ng kanyang paningin. Napansin niya kaagad na ang anino ay isang lalaki kaya kaagad siyang nagtago. Ngunit, habang sinusubukan niyang magtago, napansin niya na ang lalaki ay si Jeremy. Sinara ni Jeremy ang pinto sa kanyang likuran at naglakad sa gilid ng kama kung saan pinapasuso ni Madeline ang bata. Ang kanyang eleganteng mukha ay kalmado habang ang kanyang malalalim na mga mata ay mukhang walang sigla nang tinitigan niya nang malamig si Madeline. Hindi sinubukan ni Madeline na iwasan siya at hinarap ang lalaki na naglalakad papunta sa kanya, ang kanyang tainga ay biglang uminit. "Bakit ka nagpunta rito, Mr. Zimmerman?" Kahit na ganoon ang pagbati niya, alam na alam ni Madeline na siya si Jeremy Whitman. Tinignan ni Jeremy ang mga labi ni Madeline. "Pinalungkot mo ang babae ko. Kaya papahirapan rin kita." Yakap ni Madeline ang kanyang anak habang marahang pinipisil ang maliit na daliri nito. Ngunit sa kasalukuyang
Hindi nabahala si Madeline sa pakikitungo sa kanya ni Jeremy pero nabahala siya na sa simula hanggang sa dulo, hindi niya tinignan ang bata kahit na isang beses. 'Anak niya siya pero hindi man lang niya siya sinulyapan. 'Sinasabi ng ibang tao na mararamdaman mo ang sarili mong anak, pero para sa kanya, mukhang wala siyang nararamdamang kahit na ano.' "Jeremy, siguro si Lana na lang ang nilalaman ng puso mo ngayon, tama ba?" Nalulungkot na ngumiti si Madeline at bumalik sa incubator. Habang tinitignan ang bata na natutulog nang mahimbing, nakaramdam siya ng pait pero may lambing sa kanyang puso. Sa sumunod na araw, hindi sinunod ni Madeline ang utos ni Jeremy na pumunta sa villa. Hindi siya naniniwala na mawawalan ng moralidad si Jeremy at sasaktan ang kanyang anak. Ngunit pagdating ng hapon, saglit siyang umalis ng ward at nang bumalik siya, isang nars ang kinakabahang lumapit sa kanya. "Kanina nang pumasok ako, nakita ko ang isang lalaki na lumabas mula rito. Nang pumasok
Lalakasan pa sana ni Jeremy ang kanyang pagsakal, pero pagkatapos niyang marinig ang komento ni Madeline ay lumuwag ang kanyang hawak. Tinitigan niya ang kanyang luhaang mga mata at naligaw siya sa kanyang isipan. Sa sandaling iyon, tumulo ang luha ni Madeline sa likod ng kanyang mga kamay. Sumiksik ang init ng kanyang mga luha sa kanyang balat at lumakad papunta sa kanyang puso. Nahimasmasan siya sa mainit na pakiramdam na iyon at nakabalik siya sa realidad. "Wag mo kong tratuhin bilang ang patay mong asawa," malamig na sabi ni Jeremy habang binitawan niya siya. "Ahem, ahem." Nasamid at naghabol ng hininga si Madeline pagkatapos siyang bitawan. Masakit nga talaga ang pagkakahawak niya sa kanyang leeg, pero wala lang ito kumpara sa dismaya na kanyang nararamdaman mula sa kanilang malamig at walang pusong mga mata. Kahit na sa gitna ng mga pangyayaring ito ay nanatiling walang takot si Madeline. "Si Lana ang taong pinakamahalaga para sa'yo ngayon, di ba? Kung may masamang ma
Hinawakan niya ang baba ni Madeline at hinalikan siya nang hindi nagbibigay ng pagkakataon na manlaban. Gamit ng kanyang kamay kamay, bayolente niyang pinunit ang kanyang damit bago kinagat ang kanyang balikat, nag-iwan ito ng isang hilera ng mga bakas ng ngipin. "Hiss." Kumunot ang noo ni Madeline sa sakit. Huminto si Jeremy at tinignan ang determinadong titig ni Madeline. "Ito ba ang kahinaan na sinasabi mo?" Mayroong sarkasmo sa kanyang boses. "Eveline, hindi ako ang asawa mo, kaya hindi kita pagsisilbihan at wala rin akong oras na pakiusapan ka nang mahinahon. Mas mabuti kung makikinig ka sa'kin. Kung hindi, ikaw lang ang magdurusa." Iniwanan niya siya ng isang mapagbantang pahayag bago siya binitawan. Pagkatapos marinig ni Madeline na sumara ang pinto, naalala niya na baka may nangyari na sa kanila ni Jeremy at Lana sa kamang ito noon. Kaagad siyang nandiri at tumalon paalis ng kama. Gusto niyang umalis pero hindi niya mabuksan ang pinto. Kinulong ba siya ni Jeremy p
Tumayo siya sa kanyang likuran habang hawak ang kanyang mga kamay, matagumpay niya siyang naikulong. Bahagyang nabigla si Madeline ng ilang sandali. Nang mahimasmasan siya para manlaban, napansin niya na pinipigilan ng lalaki ang kanyang kilos. Hindi niya kayang manalo laban sa kanyang lakas. Hindi niya maintindihan ang kinikilos ni Jeremy. Hindi ba kasama niya si Lana?Bakit ginagawa niya pa rin ang lahat ng ito sa kanya? Kung si Lana rin ang nasa likod ng kakaibang kinikilos ni Jeremy, maiintindihan na niya ang lahat ng nangyayari. Ngunit nang maisip ito ni Madeline ay mas lalo siyang nandiri. Kinagat niya ang labi ni Jeremy at mas lalong maging marahas ang lalaki. Bigla na lang, binuhat niya siya at initsa sa kama. "Wag kang magtangkang tumakas. Bago mo magawa ang gusto kong ipagawa sa'yo, mananatili ka lang rito. Naririnig mo ba ako?" Hinigpitan ni Madeline ang kanyang kamao, at sa huli, wala siyang magawa kundi buksan ito. "Kailangan kong tumawag. Gusto kong malam
Hindi nga talaga pinaniwalaan ni Jeremy si Madeline ngayon. Dahil dito, nagpunta siya sa Whitman Corporation kasama niya para panoorin siya. Nagulat ang mga empleyado sa kumpanya nang makita nila si Jeremy. "Hi-Hindi ba si Mr. Whitman yan?" "Paanong nangyari yun? Hindi ba namatay siya sa aksidenteng yon tatlong buwan na ang nakakaraan?" "Di ba hindi nagpapakita sa umaga ang mga multo?" Ilang mga empleyado ang tumakbo nang makita nila si Jeremy. Napansin ni Jeremy ang mga reaksyon ng mga empleyado pero nasanay na siya rito. Sinundan niya si Madeline sa kanyang laboratoryo at nakita niya ang lahat ng klase ng mga kagamitan at pabango na maayos na nakahilera roon pagkatapos ay napahanga siya sa mga ito. Sa kung anong dahilan, pakiramdam niya ay nakapunta na siya rito noon. Sinuot ni Madeline ang kanyang puting coat at maskara bago pinaghalo ang mga pabango. Ngunit, hindi niya ito matatapos sa loob lang ng ilang oras. Sa gitna ng proseso nito, narinig ni Madeline si Jerem
Hinalikan niya ang kanyang buhok na para bang gusto niya siyang makuha. Pagkatapos, malamig niya siyang tinulak nang biglaan. "Magpatuloy ka sa ginagawa mo." Kakaiba para kay Madeline ang kanyang magkasalungat na kinikilos. Pagkatapos, naglakad siya sa isang tabi para manigarilyo. Ang brand ng sigarilyo na kanyang ginagamit ay kapareho ng kay Lana. Alam ni Madeline na nagsisinungaling siya kung sinabi niyang wala siyang pakialam rito, pero alam niya na hindi makikinig si Jeremy sa kahit na anong sasabihin niya ngayon. Tapos na ang aromatherapy kit, pero kailangan pa rin itong hayaan magdamag. Base sa reaksyon ni Jeremy, mukhang gusto pa rin niyang dalhin si Madeline pabalik sa bahay nila ni Lana. Tumanggi siya. "Isang buwan pa lang ang anak ko at kailangan niya ng breast milk para lumaki siyang malusog. Kailangan kong pumunta sa ospital ngayon!" Naglakad siya papunta sa elevator nang matatag. Nang makita niya si Jeremy na nakasunod sa kanya, gusto niyang pumasok sa ibang el