All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 911 - Chapter 920

2479 Chapters

Kabanata 911

Nang tignan ang mapagbintang na titig ni Madeline, hindi nagbago ang mukha ni Jeremy. "Tama, gagawin ko ulit ito. Di kita hahayaang inumin uli ang gamot na ito." Niluwagan ni Madeline ang kanyang pagkakahawak sa kwelyo ni Jeremy. Sumasakit ang puso niya nang sabihin niya, "Ulitin mo, Jeremy." "Eveline, di ko hahayaang inumin mo ulit ang gamot na ito." Pak! Sinampal siya ni Madeline sa mukha habang nanginginig ang kamay niya sa galit. Pakiramdam niya lalong nagulo ang isipan niya ngayon. Pinagulo ng nasa isip niya ang kanyang kamalayan, at nahirapan siyang huminga. Itinuon niya ang kanyang tingin sa lalaking nakakunot ang noo sa pagkadismaya. "Jeremy, anong klaseng tao ka? "Gusto mo bang makitang mamatay ako, o gusto mong makitang mamatay ang bata sa tiyan ko? "Dahil wala kang pakialam sa akin at sa bata, bakit ka pa nagpanggap na may pake ka sa akin?" Tinignan niya ang lalaking tahimik nang may namumulang mata at bumitaw. "Gusto mo ba si Lana? Nahulog ka na ba sa wa
Read more

Kabanata 912

Nang marinig ang pagtatapat ni Jeremy, natulala saglit si Madeline. Malinaw niyang nakita sila ni Lana sa sandaling iyon… "Linnie, para sa kaligtasan mo, gusto kitang dalhin sa isla na pinuntahan natin bago natin para alagaan ang bata. Dadalhin ko si Jack at Lilian doon para samahan ka para di ka manatiling mag-isa. Ito ang napagpasyahan ni Jeremy. Bago pa makatanggi si Madeline, naihanda na nito ang lahat at pwersahang dinala si Madeline sa pribadong yate kinabukasan. Nagpumiglas si Madeline at gusto niyang bumaba ng yate ngunit dinala siya sa isang kwarto ng yate ni Jeremy. Hindi siya pinakawalan nito hanggang sa maglayag ang yate sa dagat. Tinignan ni Madeline ang bughaw na karagatan mula sa labas ng bintana. "Jeremy, dadalhin mo ba ako sa isang liblib na isla para makapag-date kayo ni Lana kahit kailan niyo gusto?" Hindi nagpaliwanag si Jeremy at hinayaan si Madeline na magkamali ng intindi sa kanya. Mahinahon lang niyang sinabi, "Linnie, kahit anong isipin mo, kailan
Read more

Kabanata 913

Nang makitang lumalala na ang sitwasyon, daliang inihanda ni Ken ang life raft. Dalawang beses nabaril si Jeremy, isa sa likod niya at isa sa kanyang binti. Ang pulang dugo ay tumutulo mula sa sugat ng lalaki. Namutla ang mukha ni Jeremy. Nagsimula din siyang magmukhang inaantok at pagod. "Jeremy, wag kang matutulog. Kumapit ka. Di ko hahayaang may mangyaring masama sa'yo!" Nanginig ang boses ni Madeline habang ang kamay niya na hawak ang gasa ay nanginginig din nang walang-tigil. Gusto niyang gamutin ang sugat nito, ngunit di niya ito magawa nang maayos. Nang tignan siya na luhaan, itinaas ni Jeremy nang pilit ang kanyang kamay at marahang pinawi ang luha na tumulo mula sa mata niya. Maayos pa rin ang boses niya, ngunit napakahina ng paghinga niya. Dinampot ni Madeline ang kumot sa kama nang luhaan ang mata at idiniin nang malakas sa sugat ni Jeremy, ngunit ang puting kumit ay kaagad na namantsahan ng pula. Naguguluhan siya at di niya alam ang kanyang gagawin. Isa-isan
Read more

Kabanata 914

Walang magawang tumingin si Ken kay Jeremy na wala nang malay. Ang magagawa lang niya ay gawin ang makakaya niya na tuparin ang ihinabilin sa kanya ni Jeremy at inunang dalhin si Lilian at Jackson sa balsa, tapos bumalik siya sa yate para puntahan si Madeline. Ngunit patuloy na niyayakap ni Madeline si Jeremy at ayaw bumitaw. Walang magawa si Ken kundi ang pwersahang hilahin palayo si Madeline. "Huwag mo akong hilahin! Kung gusto niyong umalis, umalis na lang kayo! Kailangan ko siyang samahan!" Sumigaw si Madeline nang may paos na boses, ayaw na bumitaw. "Madam, nakalimutan mo na ba si Young Lady Lilian at Young Master Jack?" Udyok ni Ken at sinabi, "Di pwedeng mawala sa kanila ang tatay at nanay nila." Natulala si Madeline, tila ba ngayon lang niya naalala ang dalawang bata. "Dali, talagang sasabog na ang yate. Kailangan mong mabuhay at ipaghiganti si Mr. Whitman." Ipaghiganti. Tinignan ni Madeline si Jeremy na walang buhay nang luhaan ang mga mata. Yumuko siya at hinali
Read more

Kabanata 915

Para bang nagkaroon ng malaking butas sa puso ni Madeline. Malinaw na tag-init pa, pero ang isang malamig na hangin na parang taglamig ay bumuhos sa katawan niya. Nilamig nang sobra si Madeline. Pakiramdam rin niya walang kulay ang lahat ng nasa paningin niya. Sa oras na ito, sumugod si Ken mula sa pasulan nang mukhang seryoso. Nang makitang gising na si Madeline, lumapit siya. "Nakabalik na ang salvage team. May ilang bagay akong gustong itanong kay Madam sa police station para makumpirma ito." Tiniis ni Madeline ang kalungkutan. Tumango siya at sumama kay Ken. Isang tuluy-tuloy na panlalait ang maririnig mula kay Karen sa likod. Nakarating si Madeline sa police station, pero ang nakita lang niya ay mga retaso ng magulo at punit na damit. Bago sila maglayag sa dagat, nakasuot ito ng isang puting damit, ngunit ngayon namatsahan na ito ng dugo. Marahang dinampot ni Madeline ang isang piraso ng pulang damit gamit ng nanginginig niyang daliri, habang tumutulo nang tahimik ang
Read more

Kabanata 916

Ang dating matipuno, at eleganteng maginoo ay magulo na tignan ngayon at di pa nakaahit ang kanyang balbas. Isang bakas ng kagitingan na lang ang nanatili sa pagitan ng kanyang kilay na nagpaganda sa gwapo niyang mukha. Dahan-dahan siyang lumapit at nakita ang mourning hall na itinayo ng Whitman family para kay Jeremy. Ang ngiti niya ay unti-unting kumalat sa kanyang labi. "Jeremy, mukhang di mo pala matakasan ang kapalarang mapunta sa impyerno." "Felipe! Ikaw at ang babaeng ito ay nagtulungan para patayin ang anak ko diba?!" Ibinaling ni Karen ang sisi kay Madeline nang hindi iniisip ang tama at mali. Walang bahalang ngumisi si Felipe at pumasok. Pinigilan siya ni Madeline habang matalim ang titig nito. "Felipe, pinatay mo si Cathy. Pinatay mo ang babaeng nagmahal sa'yo nang higit sampung taon at may tunay na pagmamahal sa'yo. Ang dapat mapunta sa impyerno ay ikaw!" Tinignan ni Felipe si Madeline at inamin ito nang nakangiti. "Tama ka, pinatay ko si Cathy. Ano ang nag-ut
Read more

Kabanata 917

Matikas na inutusan ni Old Master Whitman si Felipe na tumigil. Tinignan niya si Madeline nang maginhawa at hinila ito sa likuran niya. "Grandpa, wag." "Wag kang mag-alala." Pinagaan ni Old Master Whitman ang loob ni Madeline pero walang bahala siyang tumingin sa lalaking nabulag na ng galit. "Ngayong umabot na sa ganito, mukhang kailangan ko nang sabihin sa'yo ang katotohanan sa nangyari noon. Kung hindi, lalo ka lang malulunod sa galit." Nang marinig ang sinabi niya, bahagyang lumuwag ang pagkakahawak ni Felipe sa gatilyo. 'Ang katotohanan noon?' Nagulat si Madeline. 'Talaga bang may iba pang katotohanan sa aksidente noon? Di lang ito isang simpleng aksidente?' Nagulat din nang sobra si Karen. "Ang totoo? Si Old Master Whitman ba talaga ang一" "Wag kang magsabi ng kalokohan!" Kaagad na pinigilan ni Winston si Karen sa pagsasalita at tinignan si Old Master Whitman nang nagtataka. "Anong katotohanan ang sinasabi mo? Wag kang gagawa ng palusot para lang magsinungaling
Read more

Kabanata 918

Akala ni Felipe na pinapatagal lang ni Old Master Whitman. Pero marami naman siyang oras kaya lumapit sa harapan ng tablet at iniabot ang kanyang kamay. Talagang nakakuha siya ng isang memory card na nasa isang transparent na bag sa likod ng tablet. "Ito ang recording ng pagmamaneho ng tatay mo noong araw ng aksidente. Mauunawaan mo na ang lahat matapos mo itong panoorin." Tulalang tinignan ni Felipe ang memory card habang saglit na naguguluhan. Nakatulala siya saglit bago niya utusan ang isang tao na dalhan siya ng isang laptop. Pagkatapos niyang ilagay ang memory card, binuksan niya ang laptop. Di nagtagal, narinig niya ang mga pamilyar na boses mula sa speaker… "Francis, wag kang magpadalos-dalos, nasa atin pa si Felipe! Di kayang mabuhay ni Felipe nang wala tayo. Di ba pwedeng kumalma ka muna?" Ito ang nanay ni Felipe, at parang nagmamakaawa siya sa tatay ni Felipe habang nanginginig ang boses. "Sonya, talagang nasasaktan ako. Masyado akong sinasaktan ng mundong ito a
Read more

Kabanata 919

Ang daliri ni Madeline na marahang humahaplos sa larawan ni Jeremy ay biglang huminto. Kahit na hindi pa niya nakikita kung sino ito, isang mukha na nakakainis ang lumitaw sa isipan niya. "Tsk, masyado ka naman atang malungkot?" Narinig ang matagumpay na boses ni Lana mula sa malayo. Itinaas ni Madeline ang kanyang galit na magagandang mata at pinigilan si Lana na pumasok. "Labas, di ka kailangan dito." Humalukipkip si Lana nang nakangiti. "Kaibigan ako ni Mr. Whitman, at ngayong patay na siya, natural lang na magpunta ako para makita siya." Lumapit siya nang magsalita siya, habang inilalapag ang bukaklak na binili niya. Hinawakan ni Madeline ang braso ni Lana para pigilan ito na ialay ang mga bulaklak. "Lana, wag kang umasa na magagawa mo ang kahit anong gusto mo dahil mula ka sa Stygian Johnson Gang. "Hindi ito F Country, at hindi rin ito teritoryo ng Stygian Johnson Gang. Hindi kailangan ng asawa ko ang isang walang hiyang babae na tulad mo para dalawin siya. Umalis ka
Read more

Kabanata 920

"Walang kinalaman sa'yo ang insidente sa yate?" Direktang tanong ni Madeline. Umiling si Felipe. Wala nang nakatagong galit sa kanyang mata. "Tama si Cathy. Sa loob ng maraming taon, ang ginawa ko lang ay mainggit kay Jeremy一naiinggit na nabuhay siya nang mas maganda sa akin at nasa tabi ka niya. Ngunit ang totoo…" Ngumisi siya nang sarkastiko at sumulyap sa babasaging bote na nakabitin sa kanyang leeg. Laman nito ang kaunting abo ni Cathy. "Nagawa ko na ang lahat ng gusto kong gawin, at ngayon oras na para pagbayaran ko ang mga kasalanan ko." Nang marinig ito, medyo nagtaka si Madeline. "Felipe, anong binabalak mo?" Ngumiti lang si Felipe at hinaplos ang malamig na babasaging bote. "Alam ni Cathy ang binabalak king gawin." Hindi naunawaan ni Madeline, pero nararamdaman niya ang matinding pagsisisi at sakit na nararamdaman ni Felipe. "Nailipat ko na ang lahat ng shares ng Whitman Corporation sa pangalan mo. Inaasikaso na ito ng abogado sa sandaling ito. Kahit na may kinal
Read more
PREV
1
...
9091929394
...
248
DMCA.com Protection Status