Ang dating matipuno, at eleganteng maginoo ay magulo na tignan ngayon at di pa nakaahit ang kanyang balbas. Isang bakas ng kagitingan na lang ang nanatili sa pagitan ng kanyang kilay na nagpaganda sa gwapo niyang mukha. Dahan-dahan siyang lumapit at nakita ang mourning hall na itinayo ng Whitman family para kay Jeremy. Ang ngiti niya ay unti-unting kumalat sa kanyang labi. "Jeremy, mukhang di mo pala matakasan ang kapalarang mapunta sa impyerno." "Felipe! Ikaw at ang babaeng ito ay nagtulungan para patayin ang anak ko diba?!" Ibinaling ni Karen ang sisi kay Madeline nang hindi iniisip ang tama at mali. Walang bahalang ngumisi si Felipe at pumasok. Pinigilan siya ni Madeline habang matalim ang titig nito. "Felipe, pinatay mo si Cathy. Pinatay mo ang babaeng nagmahal sa'yo nang higit sampung taon at may tunay na pagmamahal sa'yo. Ang dapat mapunta sa impyerno ay ikaw!" Tinignan ni Felipe si Madeline at inamin ito nang nakangiti. "Tama ka, pinatay ko si Cathy. Ano ang nag-ut
Matikas na inutusan ni Old Master Whitman si Felipe na tumigil. Tinignan niya si Madeline nang maginhawa at hinila ito sa likuran niya. "Grandpa, wag." "Wag kang mag-alala." Pinagaan ni Old Master Whitman ang loob ni Madeline pero walang bahala siyang tumingin sa lalaking nabulag na ng galit. "Ngayong umabot na sa ganito, mukhang kailangan ko nang sabihin sa'yo ang katotohanan sa nangyari noon. Kung hindi, lalo ka lang malulunod sa galit." Nang marinig ang sinabi niya, bahagyang lumuwag ang pagkakahawak ni Felipe sa gatilyo. 'Ang katotohanan noon?' Nagulat si Madeline. 'Talaga bang may iba pang katotohanan sa aksidente noon? Di lang ito isang simpleng aksidente?' Nagulat din nang sobra si Karen. "Ang totoo? Si Old Master Whitman ba talaga ang一" "Wag kang magsabi ng kalokohan!" Kaagad na pinigilan ni Winston si Karen sa pagsasalita at tinignan si Old Master Whitman nang nagtataka. "Anong katotohanan ang sinasabi mo? Wag kang gagawa ng palusot para lang magsinungaling
Akala ni Felipe na pinapatagal lang ni Old Master Whitman. Pero marami naman siyang oras kaya lumapit sa harapan ng tablet at iniabot ang kanyang kamay. Talagang nakakuha siya ng isang memory card na nasa isang transparent na bag sa likod ng tablet. "Ito ang recording ng pagmamaneho ng tatay mo noong araw ng aksidente. Mauunawaan mo na ang lahat matapos mo itong panoorin." Tulalang tinignan ni Felipe ang memory card habang saglit na naguguluhan. Nakatulala siya saglit bago niya utusan ang isang tao na dalhan siya ng isang laptop. Pagkatapos niyang ilagay ang memory card, binuksan niya ang laptop. Di nagtagal, narinig niya ang mga pamilyar na boses mula sa speaker… "Francis, wag kang magpadalos-dalos, nasa atin pa si Felipe! Di kayang mabuhay ni Felipe nang wala tayo. Di ba pwedeng kumalma ka muna?" Ito ang nanay ni Felipe, at parang nagmamakaawa siya sa tatay ni Felipe habang nanginginig ang boses. "Sonya, talagang nasasaktan ako. Masyado akong sinasaktan ng mundong ito a
Ang daliri ni Madeline na marahang humahaplos sa larawan ni Jeremy ay biglang huminto. Kahit na hindi pa niya nakikita kung sino ito, isang mukha na nakakainis ang lumitaw sa isipan niya. "Tsk, masyado ka naman atang malungkot?" Narinig ang matagumpay na boses ni Lana mula sa malayo. Itinaas ni Madeline ang kanyang galit na magagandang mata at pinigilan si Lana na pumasok. "Labas, di ka kailangan dito." Humalukipkip si Lana nang nakangiti. "Kaibigan ako ni Mr. Whitman, at ngayong patay na siya, natural lang na magpunta ako para makita siya." Lumapit siya nang magsalita siya, habang inilalapag ang bukaklak na binili niya. Hinawakan ni Madeline ang braso ni Lana para pigilan ito na ialay ang mga bulaklak. "Lana, wag kang umasa na magagawa mo ang kahit anong gusto mo dahil mula ka sa Stygian Johnson Gang. "Hindi ito F Country, at hindi rin ito teritoryo ng Stygian Johnson Gang. Hindi kailangan ng asawa ko ang isang walang hiyang babae na tulad mo para dalawin siya. Umalis ka
"Walang kinalaman sa'yo ang insidente sa yate?" Direktang tanong ni Madeline. Umiling si Felipe. Wala nang nakatagong galit sa kanyang mata. "Tama si Cathy. Sa loob ng maraming taon, ang ginawa ko lang ay mainggit kay Jeremy一naiinggit na nabuhay siya nang mas maganda sa akin at nasa tabi ka niya. Ngunit ang totoo…" Ngumisi siya nang sarkastiko at sumulyap sa babasaging bote na nakabitin sa kanyang leeg. Laman nito ang kaunting abo ni Cathy. "Nagawa ko na ang lahat ng gusto kong gawin, at ngayon oras na para pagbayaran ko ang mga kasalanan ko." Nang marinig ito, medyo nagtaka si Madeline. "Felipe, anong binabalak mo?" Ngumiti lang si Felipe at hinaplos ang malamig na babasaging bote. "Alam ni Cathy ang binabalak king gawin." Hindi naunawaan ni Madeline, pero nararamdaman niya ang matinding pagsisisi at sakit na nararamdaman ni Felipe. "Nailipat ko na ang lahat ng shares ng Whitman Corporation sa pangalan mo. Inaasikaso na ito ng abogado sa sandaling ito. Kahit na may kinal
Nang marinig ito, kaagad na kumislap ang mga mata ni Lana. Nagmadali siyang bumangon at pumasok sa kwarto. Ang lalaking nakaupo sa kama ay nakatingin sa sugat sa kanyang katawan. Nang bigla niyang narinig na may pumasok, itinaas niya ang kilay niya at tumingin nang masama sa direksyon nito. Tinignan ni Lana ang kaakit-akit na mga matang ito, at ang sulok ng kanyang labi ay umangat. "Gising ka na sa wakas." … Sa Glendale. Makalipas ang isang buwan, inaalis pa rin ni Madeline ang nasa isip niya sa pamamagitan ng pagtatrabaho araw-araw. Pinipilit niya ang sarili niya na huwag isipin ang malulungkot na bagay. Para sa kapakanan ng bata sa tiyan niya at ang nakakatuwang mga bata, namuhay siya nang masaya. Dahil hindi niya pa rin matanggap na patay na si Jeremy, hindi pa rin siya makatulog gabi-gabi. Maagabg pumunta si Madeline sa Whitman Corporation nitong Lunes at umupo sa upuan na dating pagmamay-ari ni Jeremy. Tapos inasikaso niya ang lahat ng klaseng komplikadong doku
Narinig niya ang nag-aalalang boses ni Ryan at nakahinga nang maluwag si Madeline. Kaagad niya itong pinasalamatan. "Buti na lang nandito si Mr. Jones. Salamat sa tulong mo." Nang makita ng waiter ang eksenang ito, kaagad siyang lumapit para humingi ng tawad at nag-alok na bigyan si Madeline ng waiver sa kanyang bill. Hindi na ito pinalaki pa ni Madeline. Bumalik siya sa kompanya pagkatapos niyang pasalamatan si Ryan. Pag-uwi niya, sinimulang idisenyo ni Madeline ang wedding ring nang seryoso. Tapos kinabukasan, pumunta siya sa Whitman Manor nang maaga. Sa isang iglap, isang buwan nang wala si Jeremy at ito ang isang buwang anibersaryo ng kanyang pagkamatay. Ngunit sa sandaling pumasok si Madeline, nagtatakang sinabi sa kanya ni Karen, "Oh, mukhang naaalala mo pala kung anong araw ngayon? Talagang magaling kang umarte para sa matamis na eksenang ito." Maraming kamag-anak at kaibigan ang kasalukuyang inihahandog ang kanilang paggalang kay Jeremy, at mayroon pang isang fune
Mula sa bintana ng kotse, nakita ni Madeline ang mukhang nasa panaginip niya. Dalian niyang ibinaba ang bintana at tinitigan nang tulala ang lalaking nakaupo sa passenger seat ng kotse sa kabila. Sa gitna ng ulan, ang katawan ng lalaki ay matikas at nakita niya ang eleganteng mukha nito. Tinitigan ito ni Madeline nang di makapaniwala habang unti-unting bumibilis ang tibok ng puso niya. "Jeremy…" Mahina niyang tinawag, at ang lalaking nasa kotse ay humarap sa kanya. Ngunit naging luntian na ang liwanag sa sandaling ito at umandar ang kotse palagpas sa kanya. Para bang nang nangyari sa sandaling ito ay isa lamang ilusyon. Nakatulala si Madeline hanggang sa narinig niya ang busina mula sa likod at pinipilit siyang kumilos. Doon lang niya pinaandar ang kotse pero hindi na niya makita ang kotse kanina. Hindi niya maalala ang plaka ng kotse. Kaagad na inimbestigahan ni Madeline ang insidente gamit ng koneksyon niya, ngunit wala siyang nahanap. 'Jeremy, dahil ba sa sobra akong