"Walang kinalaman sa'yo ang insidente sa yate?" Direktang tanong ni Madeline. Umiling si Felipe. Wala nang nakatagong galit sa kanyang mata. "Tama si Cathy. Sa loob ng maraming taon, ang ginawa ko lang ay mainggit kay Jeremy一naiinggit na nabuhay siya nang mas maganda sa akin at nasa tabi ka niya. Ngunit ang totoo…" Ngumisi siya nang sarkastiko at sumulyap sa babasaging bote na nakabitin sa kanyang leeg. Laman nito ang kaunting abo ni Cathy. "Nagawa ko na ang lahat ng gusto kong gawin, at ngayon oras na para pagbayaran ko ang mga kasalanan ko." Nang marinig ito, medyo nagtaka si Madeline. "Felipe, anong binabalak mo?" Ngumiti lang si Felipe at hinaplos ang malamig na babasaging bote. "Alam ni Cathy ang binabalak king gawin." Hindi naunawaan ni Madeline, pero nararamdaman niya ang matinding pagsisisi at sakit na nararamdaman ni Felipe. "Nailipat ko na ang lahat ng shares ng Whitman Corporation sa pangalan mo. Inaasikaso na ito ng abogado sa sandaling ito. Kahit na may kinal
Nang marinig ito, kaagad na kumislap ang mga mata ni Lana. Nagmadali siyang bumangon at pumasok sa kwarto. Ang lalaking nakaupo sa kama ay nakatingin sa sugat sa kanyang katawan. Nang bigla niyang narinig na may pumasok, itinaas niya ang kilay niya at tumingin nang masama sa direksyon nito. Tinignan ni Lana ang kaakit-akit na mga matang ito, at ang sulok ng kanyang labi ay umangat. "Gising ka na sa wakas." … Sa Glendale. Makalipas ang isang buwan, inaalis pa rin ni Madeline ang nasa isip niya sa pamamagitan ng pagtatrabaho araw-araw. Pinipilit niya ang sarili niya na huwag isipin ang malulungkot na bagay. Para sa kapakanan ng bata sa tiyan niya at ang nakakatuwang mga bata, namuhay siya nang masaya. Dahil hindi niya pa rin matanggap na patay na si Jeremy, hindi pa rin siya makatulog gabi-gabi. Maagabg pumunta si Madeline sa Whitman Corporation nitong Lunes at umupo sa upuan na dating pagmamay-ari ni Jeremy. Tapos inasikaso niya ang lahat ng klaseng komplikadong doku
Narinig niya ang nag-aalalang boses ni Ryan at nakahinga nang maluwag si Madeline. Kaagad niya itong pinasalamatan. "Buti na lang nandito si Mr. Jones. Salamat sa tulong mo." Nang makita ng waiter ang eksenang ito, kaagad siyang lumapit para humingi ng tawad at nag-alok na bigyan si Madeline ng waiver sa kanyang bill. Hindi na ito pinalaki pa ni Madeline. Bumalik siya sa kompanya pagkatapos niyang pasalamatan si Ryan. Pag-uwi niya, sinimulang idisenyo ni Madeline ang wedding ring nang seryoso. Tapos kinabukasan, pumunta siya sa Whitman Manor nang maaga. Sa isang iglap, isang buwan nang wala si Jeremy at ito ang isang buwang anibersaryo ng kanyang pagkamatay. Ngunit sa sandaling pumasok si Madeline, nagtatakang sinabi sa kanya ni Karen, "Oh, mukhang naaalala mo pala kung anong araw ngayon? Talagang magaling kang umarte para sa matamis na eksenang ito." Maraming kamag-anak at kaibigan ang kasalukuyang inihahandog ang kanilang paggalang kay Jeremy, at mayroon pang isang fune
Mula sa bintana ng kotse, nakita ni Madeline ang mukhang nasa panaginip niya. Dalian niyang ibinaba ang bintana at tinitigan nang tulala ang lalaking nakaupo sa passenger seat ng kotse sa kabila. Sa gitna ng ulan, ang katawan ng lalaki ay matikas at nakita niya ang eleganteng mukha nito. Tinitigan ito ni Madeline nang di makapaniwala habang unti-unting bumibilis ang tibok ng puso niya. "Jeremy…" Mahina niyang tinawag, at ang lalaking nasa kotse ay humarap sa kanya. Ngunit naging luntian na ang liwanag sa sandaling ito at umandar ang kotse palagpas sa kanya. Para bang nang nangyari sa sandaling ito ay isa lamang ilusyon. Nakatulala si Madeline hanggang sa narinig niya ang busina mula sa likod at pinipilit siyang kumilos. Doon lang niya pinaandar ang kotse pero hindi na niya makita ang kotse kanina. Hindi niya maalala ang plaka ng kotse. Kaagad na inimbestigahan ni Madeline ang insidente gamit ng koneksyon niya, ngunit wala siyang nahanap. 'Jeremy, dahil ba sa sobra akong
Marami pang mga matatapang at mapanirang salita ang tumama kay Madeline nang lumingon siya. "Sige! Gagawin ko na lang ang gusto niyo at hahayaan kong isampal sa mukha niyo ang katotohanan!" Nang sabihin ito ni Madeline, mabangis niyang ibinato ang isang USB flash drive sa mukha ng isang lalaking reporter na nagsabi nito. "P-Paano mo nagagawang manakit ng tao?" "Oh, may tao pala dito? Akala ko pinatamaan ko lang ang isang bastos, at nakakadiring insekto!" "..." "Ito ang surveillance video na nakuha ko mula sa restaurant. Malinaw na nakunan nito ang nangyari sa amin ni Ryan sa mga oras na iyon. Damputin mo yan, panoorin mo mismo at humingi ka ng tawad sa akin sa publiko pagkatapos. Kung hindi, sisiguraduhin kong lahat kayo ay di na makakakuha ng trabaho sa industriyang ito!" "..." Tumalikod si Madeline matapos sabihin ang gusto niyang sabihin. Hindi makapaghintay ang mga tao na makuha ang USB flash drive at makita ang laman nito. Ipinakita sa video na noong tumayo si Made
Tinitigan niya ang gwapong hubog sa hindi kalayuan at daliang itinulak sa gilid ang mga tao sa harap niya habang nagsisikap na lumapit sa taong ito. Kung hindi lang siya buntis, nahabol sana ito ni Madeline. Isa-isang hakbang lang ang kaya niyang gawin, ngunit lalo lang sila nitong napaghiwalay. "Jeremy." Sinigawan niya ang lalaki mula sa likod, habang bumibilis lalo ang tibok ng puso niya nang nababahala. Umasa siya na lilingon ang lalaki, pero hindi nito sinagot ang tawag niya. Sa huli, hinabol ito ni Madeline hanggang sa labas ng banquet hall, ngunit pagkatapos lumiko sa mahabang pasilyo sa harapan niya, wala itong laman. Ang taong nasa paningin niya kanina lang ay naglaho na parang isang multo. Tulalang nakatayo si Madeline sa hallway, tapos biglang nagtaka kung nagkaroon na ba siya ng sakit sa pag-iiskp sa labis na pangungilila niya dito at nagsimulang magkaroon ng guni-guni. Ibinaba niya ang kanyang malungkot na mata at ngumiti nang nanlulumo. 'Eveline, iniwan
Kumunot ang magagandang kilay ng lalaki nang naiilang. Nang hawakan ni Madeline ang kamay niya nang mas mahigpit, pwersahan siyang kumawala dito. Ang mababang boses niya ay napakalamig. "Sinusubukan mo bang kunin ang atensyon ko kaya ginagawa mo ito? Di ako interesado sa mga buntis, kaya tigilan mo ang pagsunod mo sa akin." Nang mawalan ulit ng laman ang kamay ni Madeline, tila ba sumunod rin ang puso niya at nawalan ng laman. Hindi niya mapaniwalaan na hinahanap niya ang isang lalaking hindi siya kilala. Malinaw na nagsisimula na siyang kamuhian nito. Hindi siya sigurado kung dapat ba matuwa siya o lalong malungkot. Dapat matuwa siya. Lalo na't buhay pa siya. Wala nang mas mahalaga pa sa kanya kundi ang makitang buhay ito at namumuhay nang maayos. Sinabi niya sa sarili niya at hinabol ito. "Jeremy Whitman, wag kang aalis." Nang pigilan siya ulit ni Madeline, nagmukhang hindi natutuwa ang gwapong lalaki. "Kapag ginulo mo ulit ako, sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ito.
Ang kamay ni Madeline na gustong sampalin ulit ito ay hinawakan nang maigi sa ere. Nakita niya si Lana na nakangiti nang tuso, ngunit di nagtagal, nagpanggap itong malungkot sa harapan ni Jeremy. "Hans, sinampal niya ako." Nang sabihin ito ni Lana, malinaw na nararamdaman ni Madeline na lumalakas ang kamay ni Jeremy. Kumunot ang noo niya sa sakit at gustong ipaalala ang memorya ng lalaki, ngunit sadyang tumitig lang nang masama sa kanya si Jeremy. Ang tagal na mula noong huli niyang nakita itong nakatingin sa kanya nang ganito kalupit. Sa sandaling ito, nakatingin ito sa kanya sa parehong paraan. Ipinapakita nito na talagang nakalimutan na siya nito. "Ang lakas ng loob mong saktan ang kasintahan ko? Guso mo bang mamatay?" Hinila ni Jeremy ang braso ni Madeline. Kahit gaano kasakit ang kamay niya, hindi ito kasingsakit ng mga salitang sinasabi nito sa sandaling ito. 'Kasintahan niya.' Pinigilan ni Madeline ang kagustuhan niyang umiyak. Ang mata niya ay nanatiling mat