Share

Kabanata 937

Tinignan ni Karen ang pagitan ng paa ni Madeline nang natataranta.

Kalagitnaan ng tag-init at nakasuot si Madeline ng isang bestida. Nagkalat ang tubig sa paanan niya.

Ito ang amniotic fluid niya!

Kapag pumutok ang panubigan niya at hindi siya naisugod sa ospital nang maaga, baka di makahinga ang bata sa tiyan niya.

Hindi alam ni Karen kung gaano katagal nang nagbubuntis si Madeline, pero sigurado siyang hindi pa malapit ang araw nito. "E-Eveline! Gaano katagal ka na bang nagdadalang-tao?"

Huminga nang malalim si Madeline. "Eksaktong 30 linggo."

"Ano?! 30 buwan pa lang?!"

Kung 30 linggo siyang buntis, ibig-sabihin nito na dalawang buwan pa bago ang araw ng panganganak niya!

Nataranta si Karen at di alam ang kanyang gagawin. Nang makita niya si Jeremy na nakatayo sa tabi at hindi kumikibo, sumigaw siya nang nag-aalala, "Jeremy, anong nangyayari sa'yo? Tatayo ka lang ba diyan at panonoorin ang asawa mong nasa panganib?!"

"Asawa?" Tumawa si Jeremy at pinanood na mamutla
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status