Tinignan ni Karen ang pagitan ng paa ni Madeline nang natataranta. Kalagitnaan ng tag-init at nakasuot si Madeline ng isang bestida. Nagkalat ang tubig sa paanan niya. Ito ang amniotic fluid niya! Kapag pumutok ang panubigan niya at hindi siya naisugod sa ospital nang maaga, baka di makahinga ang bata sa tiyan niya. Hindi alam ni Karen kung gaano katagal nang nagbubuntis si Madeline, pero sigurado siyang hindi pa malapit ang araw nito. "E-Eveline! Gaano katagal ka na bang nagdadalang-tao?" Huminga nang malalim si Madeline. "Eksaktong 30 linggo." "Ano?! 30 buwan pa lang?!" Kung 30 linggo siyang buntis, ibig-sabihin nito na dalawang buwan pa bago ang araw ng panganganak niya! Nataranta si Karen at di alam ang kanyang gagawin. Nang makita niya si Jeremy na nakatayo sa tabi at hindi kumikibo, sumigaw siya nang nag-aalala, "Jeremy, anong nangyayari sa'yo? Tatayo ka lang ba diyan at panonoorin ang asawa mong nasa panganib?!" "Asawa?" Tumawa si Jeremy at pinanood na mamutla
Ginamit ni Madeline ang mata niya para sulyapan ang lalaking ayaw man lang tumingin sa kanya. "Wala na akong ibang magagawa." Tumigil siya sa pagtingin dito at nilunok ang kanyang luha. Hindi rin alam ni Karen ang gagawin niya, kaya tinulungan niya si Madeline na humiga nang dahan-dahan sa sofa. Nang makita ni Karen na may dalawang bodyguard sa sala, galit silang pinalayas ni Karen. "Labas! Lumayas kayo! Lahat kayo!" Tinignan niya ang lalaking nakatayo sa tapat ng bintana habang nakatingin sa kanyang cellphone. "Jeremy, kahit di mo makilala si Eveline, ganyan ka ba talaga kawalang puso para balewalain siya sa kasalukuyan niyang kalagayan? Babalewalain mo ba ang buhay ng isang tao at ng hindi pa ipinapanganak na bata?" Kumunot ang kilay ni Jeremy, at pagtalikod niya, malinaw na hindi siya natutuwa. Babalaan na niya si Karen nang makita niya si Madeline na nakahiga sa sofa, pinagpapawisan at namumutla. Sa di malamang dahilan, biglang nakaramdam si Jeremy ng matinding saki
Nang biglang marinig ni Jeremy si Karen na sinisigawan si Madeline nang labis na kinakabahan, nagulat din siya. Nang makita niya ang mukhang inaantok na si Madeline, lumapit siya ulit dito. Pinagpapawisan ito nang sobra at ang mukha nito ay kasingputi ng papel. Nakikita niya kung gaano ito nagsusumikap na ipanganak ang bata, pero mukhang kulang na ito sa lakas. Nakita ni Madeline ang lalaking nakatayo sa tabi niya nang tulala, at iniabot niya ang kamay niya dito nang nahihirapan. "Jeremy…" Humikbi siya at tinignan ito nang may pag-aasam sa kanyang malabo at basang mata. Tahimik na lumipas ang oras, at nang makita niyang hindi siya pinapansin ni Jeremy, ngumiti si Madeline nang nanlulumo bago dahan-dahang ibaba ang mahina niyang kamay. Sa sandaling ito, biglang hinawakan ni Jeremy ang kamay niya. Ang hawak nito ay parang nagbigay-lakas sa katawan at isipan ni Madeline. Idinilat niya ang pagod niyang mga mata sa gulat at nakita ang malupit na lalaki. "Kung masakit, su
Ibinuka ni Madeline ang bibig niya at ngumiti nang bahagya. "Basta't anak namin ito ni Jeremy, ayos lang sa akin kung babae o lalaki ito." Masaya noong una si Eloise pero nang marinig nito ang sagot niya, nabasa ulit ang mata nito. Pinisil niya ang kamay ni Madeline at sinabi, "Noon, ito rin ang pinaniniwalaan mo at ibinuwis mo ang buhay mo para ipanganak ang batang ito diba?" Ngumiti si Madeline nang hindi ito tinatanggi. Noon… Noon, minahal niya si Jeremy nang sobra na ayos lang sa kanyang mamatay siya kung para ito sa kanya. Tingin niya wala pa ring nagbabago. Minahal niya ito nang sobra. "Lalaki ito," Sinabi ni Eloise sa kanya nang maluha ito at tumawa. "Isang pangit na lalaki." Ngumiti din si Madeline. "Paglaki niya, magiging gwapo din siya. Tingin ko pangit din si Jack noon nung ipinanganak siya," Sinabi niya tapos biglang tumahimik. Hindi niya nakita kung anong itsura ni Jackson noong ipinanganak ito… Iginugol ni Madeline ang higit kalahating buwan sa ospit
"Jeremy," Masayang sinabi ni Madeline, "Nagpunta ka ba para makita ang anak natin?" Tinignan ni Jeremy si Madeline na nakangiti at lumapit sa bintana nang walang pakialam. Tinignon niya ang mga bagong-silang na nakahiga sa incubator sa nursery. Ang manipis niyang labi ay bumukas nang itanong niya, "Alin diyan ang sa'yo?" Napakahina ng tono niya na walang makakatukoy ng emosyon dito. Ngumiti si Madeline at sinabi sa kanya, "Nasa ikalawa sa huling hanay, yung pinakamaliit." Mayroong kislap ng ligaya sa kanyang magagandang mata nang ituro ng maninipis niyang daliri ang sanggol na natutulog. "Lalaki ito. Siguro magiging kamukha ka niya sa hinaharap." "Paanong magiging kamukha ko ang anak mo?" Ang mga salita ng lalaki ay parang isang timba ng malamig na tubig na ibinuhos kay Madeline. Tinignan niya ang malupit na lalaki sa gulat. "Jeremy?" "Umaasa ka pa rin ba diyan? Patay na ang asawa mong si Jeremy," Sinabi niya nang direkta at walang awa, habang ang masasakit niyang salita
Malungkot niyang tinignan ito at tumalikod nang desidido. Bago pa siya makahakbang, ang likod ng leeg niya ay hinawakan ng mainit na palad ng lalaki at napilitan si Madeline na tumalikod. Hinawakan siya nito sa harapan niya. Ang malalalim at bilugang mata ng lalaki ay humarang sa paningin niya na parang isang malalim at malawak na gabi. "Di mo ba alam na mamamatay ka kapag nagpatuloy kang umasta nang ganyan?" "Kung ganon, papatayin mo ba ako, Mr. Zimmerman?" Seryosong sinalubong ni Madeline ang nakakatakot at nagyeyelong mata niya. Ang maganda, malinaw at nakakahumaling niyang mata ay mukhang taglagas na makikita sa mga mata niya. Tila ba ang tanawin ay humihila sa puso niya, kaya natulala siya nang matagal. Kaagad siyang nahimasmasan at tumitig nang maigi sa mata ni Madeline. "Wag kang mag-alala, di kita papatayin, pero ipapakita ko sa'yo ang kapalit ng paggalit mo sa taong di mo dapat ginagalit." Ang pagbabantang ito ay lumabas mula sa manipis nitong labi nang walang
Nasasabik na tinignan ni Lana ang katawan ni Jeremy. Manipis at perpekto ang katawan niya, katulad ng mga top model. Ang unang bagay na nakakuh ng pansin ni Lana tungkol kay Jeremy ay ang itsura nito. Pagkatapos nito, nahumaling siya sa lambing at aura na nilalabas nito. Nitong nakaraang mga buwan, ginamit niya ang lahat ng tao at kasangkapan niya para lang makuha ang lalaking ito. Ngayong gabi, nandito na ang oportunidad niya sa wakas. Bumaba si Jeremy ng treadmill at tinignan ang babaeng palapit sa kanya, ngunit walang mga alon sa kanyang puso at wala ding pagbabago sa tibok ng kanyang puso. Inalis ni Lana ang sigarilyo, tumayo sa harapan ni Jeremy, at tinignan niya ito nang malandi. Dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mata. Tinignan ni Jeremy si Lana na naghihintay habang nakapikit. Itinaas niya ang kanyang kamay at idiniin ito sa likod ng ulo ni Lana, pero hindi niya magawang yumuko at halikan ito kahit anong gawin niya. Lumitaw sa isipan niya ang halik ni Madel
Nang makarating siya, ang tao lang na nakaupo sa bangko ay si Naomi Lionel. Nakita ni Naomi si Madeline na naglalakad palapit sa kanya at ngumiti. Ngunit ang mata niya ay puno ng selos at inggit. 'Eveline Montgomery. Mula siya sa isang magandang pamilya, ikinasal sa isang magandang pamilya, at parehong may mga anak at kasikatan. 'Kakapanganak lang niya, ngunit bumalik na agad ang katawan niya sa napakagandang itsura nito. Higit pa rito ay ang napakaganda niyang mukha. Nabalitaan ko na siya ang pinapangalanang numero unong magandag binibini ng Glendale.' Naramdaman ni Madeline na may binabalak na masama si Naomi sa sandaling nakita niya ito. Ngunit para sa kapakanan ni Ryan, umupo din siya. "Paumanhin, Mrs. Whitman. Kinailangang umalis ni Rye ngayong alas onse dahil sa ilang importanteng bagay. Hiling ko na sana wag mong damdamin ang nangyari noong araw na iyon sa bahay ko. Ngayon, kaya ko inimbitahan si Mrs. Whitman ay para humingi ng tawad." Sinenyasan ni Naomi ang tigapag