Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 731 - Kabanata 740

2479 Kabanata

Kabanata 731

Tinignan ni Madeline at Felipe si Cathy nang sabay. May hinala na si Madeline sa loob niya. Pero nakita niya si Cathy na inaalog ang kanyang kamay sa hiya at nagpanggap na wala lang ito. "Napasobra ako ng kain kanina at kumain ng mamantika kaya di maganda ang pakiramdam ng sikmura ko." Hinaplos niya ang kanyang sikmura at dumighay. "Felipe, babalik na ako sa kwarto ko." Tumingin sa kanya si Felipe nang mapagbanta at tumango nang bahagya. Tumalikod si Cathy at tumakbo palayo dahil natatakot siya na baka makaramdam si Felipe. Pagbalik niya sa kanyang kwarto, sobrang bilis ng tibok ng puso niya na pakiramdam niya nagwawala ito. Hinawakan niya ang tiyan niya at napahikbi sa takot. 'Di ko pwedeng ipaalam kay Felipe na buntis ako. 'Di pwede! 'Kung hindi, di ko maaalagaan ang batang ito.' Sa may sala. Tinignan ni Felipe ang iginuhit ni Madeline at naunawaan kung anong nararamdaman ni Madeline sa sandaling ito. "Eveline, gusto sana kitang dalhin para magbakasyon para
Magbasa pa

Kabanata 732

Nangako pa siya sa bata na dadalhin niya ito dito kapag lumaki siya. Pero di niya inakala na di na sila aabot sa araw na malaki na siya. Inilabas ni Madeline ang maliit na kwintas na dala niya sa kanyang leeg. Bago ito, lagi itong dinadala ni Lillian. Idinilat niya ang mga mata niya na namula sa hangin at hinaplos ang kwintas. "Lily, dinala na kita sa Pirate Land. Nakikita mo ba?" Pinilit niyang ngumiti. Ang sakit sa kanyang puso ay malinaw at nakakadurog. Di mapigilan ni Madeline ang kanyang damdamin. Hinawakan niya ang kwintas at nagsimulang umiyak. "Lillian…" Ngunit kaagad niyang naisip si Jackson. Ayaw niyang magpakita ng negatibong emosyon sa harap ng ibang bata. Kaagad na pinunasan ni Madeline ang kanyang mata at tumingin sa tabi niya. Ngunit pagtingin niya dito, wala siyang katabi. Bukod sa mga tao sa likod niya sa pila, di niya makita si Jackson kahit saan. Naramdaman ni Madeline na parang nahulog sa kawalan ang puso niya. Namutla siya sa pagkataranta. "Ja
Magbasa pa

Kabanata 733

Hinawakan nang mahigpit ni Madeline ang cellphone. Pagkatapos, nag-zoom siya ulit sa repleksyon ng babae. Sa kabila ng sadyang pagsuot ng babae ng kaparehong estilo ng damit sa kanya, napansin pa rin ni Madeline ang sapatos nito. Naalala niya ang hotel na pinuntahan ni Jeremy at Felicity noong araw na iyon. Pagpasok niya sa kwarto, nakita niya ang mismong pares ng sapatos na ito sa shoe rack sa tapat ng pinto. Kahit na nasulyapan niya lang ito, sigurado siyang di siya nagkakamali. Ito ay si Felicity. Siya ang nanggaya sa kanya at dumukot sa inosentent Lillian. Dahil kamukha niya si Felicity, siguro inakala ni Lillian na si Felicity ang mahal niyang nanay. Kaya tumakbo siya palabas nang walang alinlangan. Atsaka, nakausap na ni Felicity si Jeremy noon. Nang maisip ito ni Madeline, naguluhan siya. Napansin ni Jeremy ang pagbabago sa mukha ni Madeline at lumapit sa kanya. Nag-aalala siyang nagtanong, "May napansin ka ba Linnie?" Di nagsalita si Madeline hanggang sa m
Magbasa pa

Kabanata 734

"May problema ba sa taong iyon? Bakit ayaw pumayag ni Felipe na magsama kayong dalawa?" Iniwasan ni Cathy ang nag-aalalang tingin ni Madeline. "Ang taong gusto ko ay may iba nang minamahal. Nag-aalala si Felipe na baka lalo akong malugmok kaya sinabihan niya ako na huwag na siyang gustuhin." Tinignan ni Madeline si Cathy na parang malalim ang iniisip. "Pero mukhang dinadala mo ngayon ang anak niya?" "..." Nagbago ang mukha ni Cathy nang tumingin siya sa paligid nang kinakabahan. Nang makita niya na wala sa pailigid ang mga bodyguard at katulong, hinawakan niya ang kamay ni Madeline at naglakad sa isang tabi. Nagmakaawa siya, "Evie, pakiusap wag mong sabihin kay Felipe. Papatayin niya ako. Pakiusap, di mo pwedeng ipaalam ito sa kanya Evie. Nagmamakaawa ako!" Di inakala ni Madeline na kikibo ang ganito si Cathy. Di rin niya inasahan na matatakot nang sobra si Cathy sa puntong isipin na baka patayin siya ni Felipe. Noon pa man ay isa nang kaaya-aya at matikas na maginoo si Fel
Magbasa pa

Kabanata 735

Nilamig ang buong katawan ni Cathy nang marinig niya ito. Pero dinaadan lang siya ng lalaki nang di man lang lumilingon. Ang malapad nitong balikat ay bumangga sa kanyang mahinang katawan at nanginig si Cathy sa pagtama nito. Pero di siya bumagsak dahil dumating ang bodyguard sa tapat ng pinto para dalhin siya palayo. Sa malamig at madilim na basement, nakatali ang kanang braso ni Cathy sa isang mabigat na kadena. May mga sugat na iba't iba ang laki sa kanyang katawan sa ilalim ng manipis niyang damit. Maputla ang kanyang mukha nang sumandal siya sa malamig na pader habang humihinga nang bahagya. Hinawakan niya ang tiyan niya gamit ng kanyang nanginginig at duguang daliri. Nang makaramdam siya ng init dito, isang maliit na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Cathy. Clank. Bumukas ang bakal na pinto ng basement. Isang sinag ng liwanag ang pumasok sa kwarto at tumingala si Cathy para makita ang isang lalaking nakaputi na lumalapit. Nakatalikod siya sa liwanag at mukhang maamo. At
Magbasa pa

Kabanata 736

Pumason si Felipe. Nang makita niya si Madeline, lumapit siya dito nang may marahang ngiti. "Eveline." "Bakit ang aga mong nakabalik?" Tanong ni Madeline nang nakangiti. Pero iba na ang tingin niya kay Felipe ngayon. "Nag-aalala ako sa'yo." Puno ng pagmamahal ang mga mata ni Felipe. "Iniwan ka ni Lillian kaya siguro nalulungkot ka, kaya gusto kitang samahan." "Malungkot? Oo, nalulungkot ako." Ngumiti si Madeline. Pagkatapos, tumingin siya nang diretso kay Felipe. "Pwede mo ba akong samahan na maglakad sa malapit?" "Syempre naman." Ngumiti si Felipe at tumango. Pagkatapos, sumunod siya kay Madeline sa kanto na puno ng mga nalagas na dahon ng gingko. Mayroong biglang pagbugso ng hanging ng taglagas at ang dilaw na dahon ng gingko ay lumipad na parang paru-paro bago malaglag sa lapag. Napansin ni Felipe na masama ang timpla ni Madeline pero naunawaan niya kung bakit. Si Lillian ang batang dinala niya sa loob ng siyam na buwan, at ngayon wala na siya. Siguro kakailanganin niy
Magbasa pa

Kabanata 737

Hindi natuwa si Felipe sa biglang paglitaw ni Jeremy. Pero di din niya inasahang magpapakita din ito nang may ebidensya. Kakakuha lang ni Jeremy ng report at papunta na siya kay Madeline. Pero bago pa siya makarating sa Montgomery Manor, nakita niya si Madeline at Felipe na naglalakad nang magkasama. Iniabot niya ang report. "Linnie, ito ang resulta ni Felipe sa huling beses na nagpa-check-up siya. Malinaw na sinasabi na ang blood type niya ay O habang ang sa'yo naman ay AB. Kapag ang isa sa mga magulang ay may O na blood type, di sila magkakaroon ng anak na may AB na blood type. Pero AB ang blood type ni Lily." Nagbigay si Jeremy ng isang siyentipikong paliwanag, kaya walang masasabi dito si Felipe. "Linnie, malinaw na kung sino ang tunay na ama ni Lily. Si Felipe ang gumagamit sa kawalan ng memorya mo at nagsisinungaling sa'yo." "Jeremy, nakakatuwa kapag ikaw ang nagsasabi ng salitang 'panggagamit'." Nanghamak si Felipe. Dumapo ang maamo niyang tingin sa mukha ni Madeline
Magbasa pa

Kabanata 738

"Felipe, anong sinasabi mo? Nagyayabang ka ba sa akin?" "Hmph." Suminghal si Felipe. "Gusto ko lang sabihin sa'yo ngayong umabot na ang lahat sa ganito, kailangan natin ng solusyon. Hihintayin kita kung saan pinatay si Lillian makalipas ang kalahating oras. Kapag nagpakita ka, ibibigay ko sa'yo ang lahat ng records ni Lillian mula sa sandaling ipinanganak siya. Kung hindi, edi kunwari na lang di kita tinawagan." Ibinaba ni Felipe ang linya bago pa makasagot si Jeremy. Tumayo si Cathy sa tapat ng pader ng study habang ang kanyang katawan ay puno ng pasa at sugat. Nag-isip siya bago tahimik na bumalik sa kanyang kwarto. Matapos mag-isip, kinuha niya ang kanyang cellphone at isinulat ang ilang salita… Di bumalik si Madeline sa Montgomery Manor pagkatapos niyang umalis. Naglakad siya nang walang patutunguhan sa kalsada. Sa kabila ng ingay sa paligid niya, nakaramdam pa din siya ng tagos sa butong lamig sa puso niya. Di niya kailanman inasahan na gagawin ni Felipe ang ganito
Magbasa pa

Kabanata 739

Pagkatapos iputok ang baril, naramdaman ni Madeline na parang may humihila sa kayang isipan. Kasabay nito, isang mahinang tunog ng pagbangga ang nasa isipan niya, at isa itong… pagbangga ng kotse. Kasunod nito, maraming mga alaala ang nagsimulang bumaha sa harap at likod ng mata ni Madeline, kasama na kung paanong dati niyang minahal nang sobra si Jeremy Whitman. Kahit na wala itong puso sa kanya, minahal niya pa rin ito nang lubusan. Tapos, isang imahe niya na ginagawa ang lahat nang walang reklami ang lumitaw sa kanyang isipan. Naalala na niya. Naaalala na niya ang lahat. Naalala niya din kung paano niya itinigil na kamuhian si Jeremy bago ang aksidente. Noong araw na iyon, sa harap ng bahay, narinig niya si Jeremy na bukal sa pusong sinasabi kay Jackson kung gaano siya nagsisi. Higit pa rito, ang pagiging taos-puso ng kanyang mukha ang nagpaalis ng poot niya dito. 'Di na ako galit sa kanya.' Naunawaan na ni Madeline sa wakas. Ang poot niya kay Jeremy pagkatapos nito
Magbasa pa

Kabanata 740

"Salamat sa pagligtas ng buhay ko Felipe, pero ngayon, ibinabalik ko na ito sa'yo." Nang marinig ito ni Felipe, tuluyan siyang napahinto. Hinawakan ni Jeremy si Madeline na nagdudugo at pumunta sa kotse na nakahinto sa tabi ng kalsada nang walang alinlangan. "Linnie, kumapit ka!" Puno ng luha ang mga mata niya nang tumakbo siya. Idinilat ni Madeline ang kanyang nanlalabong mata at nakita ang pag-aalala at takot sa mga mata ni Jeremy. Ito rin ang itsura niya noong sumuka siya ng dugo sa kalagitnaan ng engagement party ni Meredith. Unti-unting naunawaan ni Madeline. Natatakot si Jeremy, pero anong kinatatakutan niya? Takot ba siya na mamamatay siys?" Sa hospital. Umupo si Jeremy sa labas ng emergency room habang nababahala. Kahit na sa balikat lang ni Madeline tumsms ang bala, isa pa rin itong tama ng baril at di isang normal ba sugat. Makalipas ang mahabang oras, natapos na ang operasyon.Sinabi sa kanya na wala sa panganib ang bubay ni Madeline at naalis na din nil
Magbasa pa
PREV
1
...
7273747576
...
248
DMCA.com Protection Status