Home / Romance / Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman / Kabanata 751 - Kabanata 760

Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 751 - Kabanata 760

2479 Kabanata

Kabanata 751

Parehong lumingon si Madeline at Jeremy sa direksyon na tinuturo ng bartender at natagpuan ang isang pamilyar na anyo na napapalibutan ng mga umiinom at nagsusuntukang lalaki. Ngunit bago nila matignan nang maigi ang babae nang dahil sa nagsasalubong na mga ilaw sa bar na sumisilaw sa kanilang mga mata, nakita nila itong tumingin sa phone nito bago umalis. Kaagad na nagmadali sina Madeline at Jeremy para habulin siya. Pagtakbo nila sa may pintuan, isang lalaki na amoy alak ang tumayo sa harapan ni Madeline. "Hoy, babae. Saglit lang tayong hindi nagkita at mas gumanda ka na kaagad. Libre ako ngayong gabi, baka gusto mong magsaya tayo sa hotel mamaya?" Sigurado si Madeline na napagkamalan siya ng lalaki na siya si Felicity. Magsasalita na sana siya nang inabot ni Jeremy ang kanyang kamay para hawakan ito. Tinitigan niya nang malamig ang lalaki. "Maling tao ang kausap mo." "Paano akong magkakamali? Nakalimutan mo na ba, baby? Sobrang saya natin sa kama dati––"Bang!"Aray!" S
Magbasa pa

Kabanata 752

Sa sandaling iyon, ang lalaking humahabol sa kanila ay lumitaw sa kanilang harapan. Nang mapansin niya ito, kinuha ni Madeline ang kamay ni Jeremy at tumalikod muli. "Umalis na tayo." Desididong sumunod si Jeremy, pero ang kanyang taas at gwapong itsura ay madaling makita sa gitna ng mga tao. Hinabol sila ng lalaki. Nang walang pag-aalinlangan, hinila ni Madeline si Jeremy papunta sa isang tourist bus na napadaan. Sa oras na nahabol sila ng grupo ay nagsimula nang umandar ang bus. Panandaliang silang ligtas. Nakahinga nang maluwag si Madeline. Umalog ang bus at habang hawak ang bouquet ay tumumba siya bago niya mahawakan ang railing. Ngunit hindi siya natumba dahil nasalo siya ni Jeremy sa kanyang baywang. Napansin niya na yakap siya ni Jeremy sa kanyang malapad na dibdib habang ang kanyang mahahabang mga braso ay nakahawak sa kanyang baywang. Napakanatural nitong pakiramadaman. Sa paningin ng iba, silang dalawa ay mukhang isang halimbawa ng isang mapagmahal na magnob
Magbasa pa

Kabanata 753

Sobrang biglaan ang mga kinilos ni Jeremy at walang oras si Madeline para kumibo, pero mabilis niyang naintindihan ang dahilan sa likod ng kanyang kinilos. Gusto niyang isipin ng lalaki na isa silang magnobyo na sobrang mahal ang isa't-isa na hindi mapigilan ang kanilang pagnanasa. Matalino ang lalaki kaya nilapitan pa rin sila nito. Walang magawa si Madeline kundi igilid ang kanyang mukha at hawakan ang balikat ni Jeremy habang hinalikan niya ito pabalik. Kahit na sa gitna ng malamig na araw ng Disyembre, naramdaman ni Madeline na uminit ang kanyang katawan at nawala ang pagkakalmado ng tibok ng kanyang puso. Hindi niya matukoy kung sinasadya iyon ni Jeremy o para sa kanilang pagpapanggap, pero naramdaman niyang nilaliman nito ang halik at pinasok ang isang kamay sa kanyang jacket para hawakan ang kanyang baywang… Tok, tok, tok. Kumatok ang lalaki sa bintana. Huminto ang mga halik ni Jeremy. "Private property to. Kung maglalandian kayo, sa ibang lugar kayo pumunta,"
Magbasa pa

Kabanata 754

Nagtatakang tinignan ni Madeline ang lalaking nakakunot ang noo. "Nabagabag ako noon kung talaga bang bulag ka sa mga pagpapaawa ni Meredith. Pero sinasabi ng mga kinikilos mo na alam mo kung anong ginagawa niya at ipinagtanggol mo pa rin siya dahil sa pagmamahal mo sa kanya."Ang hindi ko inasahan ay ang dahilan sa likod ng pagtanggap mo ay resulta pala ng ipinangako mo sa'kin noong mga bata pa tayo. "Hindi ko naisip na seseryosohin mo ang isang biruan ng mga bata hanggang sa puntong hindi mo papansinin ang tama sa mali, para lang tuparin ang pangakong yon."Nakita ni Madeline si Jeremy na nakatitig nang maigi sa kanya. "Hindi yun biro. Nangako ako sa'yo, Linnie, at gagawin ko ang lahat para tuparin yun, pero hindi mababago non ang katotohanan na nabulag ako." Sa sandaling iyon, lumabas si Felicity ng manor at hinatid pauwi sakay ng isang pribadong kotse. Isinantabi nina Jeremy at Madeline ang kanilang mga nararamdaman at sinundan ito. Ngunit, dahil hindi pamilyar si Jeremy sa
Magbasa pa

Kabanata 755

Habang nakatingin sa umaasa at bahagyang kinakabahan na mapupungay na mga mata ay kalmadong sumagot si Madeline, "Magpustahan tayo kung matatapos na ba ang tadhana natin rito, o nararapat ba na ituloy natin kung saan tayo nahinto." 'Ituloy natin kung saan tayo nahinto.' Ang anim salitang iyon ay nagbigay ng natatanging saya sa mga mata ni Jeremy. Binibigyan siya nito ng pagkakataon!"Paano tayo magpupustahan, Linnie?" Kampante siya, hindi siya makapaghintay na nagtanong. Lalo na, sigurado siya na itinadhana talaga sila. Natuwa siya nang marinig niya si Madeline na magsalita. "Babalik tayo nang mag-isa, bawat isa sa'tin ay maghihiwalay ng daan. Kapag nagkita tayo sa hotel entrance ng mas mababa sa limang minuto pagdating ng nauna, masasabi ko na itinadhana tayo.""Sige." Mabilis na pumayag si Jeremy. Pag-alis nila sa dessert shop, nag-aalinlangan niya siyang tinignan. "Pwede ba kitang yakapin ulit Linnie?" "Ano to? Natatakot ka ba na baka hindi mo na ako makita ulit?" Tu
Magbasa pa

Kabanata 756

"Sumakay kayo, Ms. Quinn." Binuksan ng bodyguard ang pinto. Mukhang kahit na ayaw niya ay hindi siya nila hahayaang makaalis. Nang pinilit siyang pasakayin sa kotse, nakita ni Madeline si Jeremy ba naghihintay sa may gate ng hotel nang may mainit na ngiti at isang bouquet ng baby's breath. Nakarating siya tatlong minuto pagkatapos niya. Nagkita sana sila kung hindi siya pinilit na sumakay sa kotse. Tinignan rin ni Felicity ai Jeremy. "Sayang naman. Mukhang hindi talaga kayo tinadhana sa huli." Nilang si Madeline. Alam ni Felicity ang pustahan na ginawa nila ni Jeremy kanina. Ngumiti si Felicity sa gulat na ekspresyon ni Madeline. "Mukhang wala ka talagang alam na kahit na ano tungkol kay Felipe, Eveline." "Anong ibig mong sabihin?" "Hmph." Suminghal si Felicity at tumigas ang kanyang tingin. "Malalaman mo rin mamaya." Pagkatapos ay umandar papalayo ang kotse. Habang nakatingin kay Jeremy na nakatayo sa gate ng hotel, nakaramdam ng mabigat na pangungulila si Madeli
Magbasa pa

Kabanata 757

Kumislap ang pagkataranta sa mga mata ni Madeline. "Anong pinaparating mo, Felicity Walker?" "Oh? Natatakot ka ba? O nag-aalala na baka mamatay siya?" Puno ng pagkamuhi ang tono ni Felicity. "Hindi ba araw-gabi mong hiniling na magdusa ang lalaking to? Kung gayon, dapat magsaya ka, dahil mapupunta na siya sa impyerno anumang oras ngayon." Sigurado na si Madeline na sinusubaybayan nila ang bawat isang kilos nila ni Jeremy. Si Felipe lang ang pwedeng gumawa ng ganitong bagay. Mayroon nga siyang mas malaking kapangyarihan sa F Country kumpara sa kanyang nalalaman. "Problema na naming dalawa kung gaano ko man kinaayawan si Jeremy. Wala sa inyo ang desisyon na kumilos para sa'kin." Malamig ang tono ni Madeline at matulis ang kanyang tingin. "Hindi ako tanga para hindi mapansin ang katotohanan na ginagamit ni Felipe ang galit ko kay Jeremy para mawala siya sa landas niya." "Hindi ko alam ang sinasabi mo," inosenteng sabi ni Felicity bago lumamig ang kanyang mga mata. Nagsalita si
Magbasa pa

Kabanata 758

"Tabi!" Malamig at matalim ang tono ni Madeline. Napahinto nang dalawang segundo si Felicity sa aura ni Madeline, at sa oras na nahimasmasan siya ay mabilis niyang pinigilan si Madeline. "Huminto ka, Eveline…" Hinawi ni Madeline ang kanyang braso at pinutol ang mga salita ni Felicity. "Binabalaan kita, wag kang humarang sa dadaanan ko." “...” Nang magulat siya sa aura ni Madeline at sa paghawi sa kanyang kamay, nawindang si Felicity bago tumumba sa lapag. Hindi pinansin ni Madeline si Felicity at tumakbo papunta sa pinto. Pagbukas niya ng gate, nakita niya ang isang limited edition na itim na kotse na nakaparada sa tapat. Bumaba si Felipe mula sa kotse, malumanay ang kanyang ekspresyon. Ngunit, wala na ang lambing na dating naroon sa kanyang mga mata. "Hindi mo na kailangang pumunta sa roon. Huli na ang lahat." Naglakad siya papunta kay Madeline. "Patay na si Jeremy." Pakiramdam ni Madeline ay parang nagkapunit-punit ang kanyang puso, at namula ang kanyang mga mata na
Magbasa pa

Kabanata 759

Sa kanyang gulat, akala ni Madeline ay namamalikmata siya. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha at tinignan muli ang entrance ng hotel nang may nanlalaking nga mata, pero wala na ang pamilyar na mukha sa dagsa ng mga tao sa kanyang harapan. Parang totoo ang nakita niya, kaya kaagad na tumawid si Madeline sa tawiran at tumakbo papunta sa lugar kung saan lumitaw si Jeremy kanina. Pagtingin niya sa paligid ay wala siyang nakita. Habang binabayo ng malamig na hangin sa kanyang paligid, naramdaman ulit ni Madeline na lumamig ang kanyang puso. Sa gitna ng dumaragsang tao, pakiramdam niya ay mag-isa siya. 'Ang tanging hiniling ko sa mga taon ng paghihirap at sakit ay ang magmahalan tayo nang simple, Jeremy. Isa lang itong maliit na kahilingan, pero bakit hindi ito matupad?'Hindi ba talaga tayo nakatadhana sa isa't-isa?' Nakatulalang bumalik si Madeline sa Glendale, pabalik sa kanilang marital villa. Blangko siyang nakatayo roon nang ilang sandali bago siya pumasok sa lo
Magbasa pa

Kabanata 760

'Mahal pa rin kita kahit na nakapaghiganti na ako.' Walang ideya si Madeline kung kailan siya nakatulog, pero madilim na ang langit nang magising siya. Umalis siya sa villa at nagpunta sa Montgomery Manor. Natuwa sina Eloise at Sean sa kanyang pagbabalik. Ngunit, hindi nila mapigilan na mag-alala nang makita nila ang nanlulumong ekspresyon ni Madeline. "Nalulungkot ka pa rin ba dahil sa nangyari kay Lilian, Eveline?" Sumikip ang puso ni Madeline. "Patay na si Jeremy.""A-Ano? Patay na si Jeremy?" Hindi makapaniwala sina Eloise at Sean sa kanilang narinig. "Lumipad siya pabalik ilang araw na ang nakakaraan, pero bumagsak ang eroplanong sinasakyan niya." "Bumagsak ang eroplano? Paanong nangyari yun? Walang kahit na anong balita na ganun." Naguguluhan sina Eloise at Sean. Huminto si Madeline. "Wala?" "Wala talaga. Wala rin kaming narinig na kahit na anong aksidente mula sa kahit na anong airlines." Kinumpirma ito ni Sean. "Sigurado ka ba na hindi ka nagkakamali, Eveline
Magbasa pa
PREV
1
...
7475767778
...
248
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status