Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 761 - Kabanata 770

2479 Kabanata

Kabanata 761

Sumikip ang lalamunan ni Madeline habang tinignan niya ang matangkad at makisig na lalaki. "Jeremy?" Gulat itong tinitigan ni Madeline at nawala ang mabigat na pakiramdam sa kanyang dibdib. Mayroon ring gulat sa mga mata ni Jeremy nang tumingin siya sa kanya. "Ligtas ka talaga, Jeremy!" Tumakbo si Madeline papunta sa kanya, iniunat niya ang kanyang mga kamay para hawakan ang kanya bago pa niya ito napansin. Nang maramdaman ang init sa kanyang mga kamay ay kumalma si Madeline. Sa sandaling iyon, nalaman ni Madeline na wala nang mas mahalaga sa kaligtasan ni Jeremy. Tinignan ni Jeremy si Madeline na sabik na hinahawakan ang kanyang mga kamay. Maganda man ang kanyang nakangiting mukha, tumutulo naman ang luha sa mga mata ng babae. "Kamukha mo ang taong gusto ko, miss," sabi niya, ang kanyang malalim na boses ay nakakaakit pa rin kagaya ng kanyang naaalala. Akala ni Madeline ay nagbibiro lang si Jeremy nang dahan-dahan niyang tinanggal ang kanyang kamay mula sa kanyang mga
Magbasa pa

Kabanata 762

Nawalan ng oras si Felicity na sumagot nang marinig mula sa loob ang nakakaakit na boses ni Jeremy. "Sinong nasa labas?" Kaagad na nagbago ang ekspresyon ni Felicity at naging pagod at nayayamot. "Bakit nandito ka na naman, Ms. Montgomery? Sinabi ko na sa'yo nang paulit-ulit na ako ang mahal ni Jeremy. Dahil magkamukha lang tayo kaya nagustuhan ka ni Jeremy bilang kapalit ko. Nagkabalikan na kami ni Jeremy, kaya pwede ba wag mo na kaming guluhin?" Sigurado si Madeline na umaarte si Felicity sa puntong iyon. Gusto niyang punitin ang maskara ng babaeng ito nang biglang lumitaw si Jeremy sa kanyang paningin. Kalmadong tinignan ni Jeremy si Madeline gamit ng kanyang malalim at masusing mga mata bago nilipat ang kanyang tingin kay Felicity habang nagsalita siya nang may malambing na tono, "Dalian mo nang mag-impake. Tatlong oras na lang at flight na natin pabalik ng Glendale." "Sige." Tumango si Felicity, ang kanyang mapangutyang ngiti ay lumalim. Hindi makapaniwala si Madeline sa
Magbasa pa

Kabanata 763

Nagliwanag ang pag-asa sa mga mata ni Madeline sa sagot ni Jeremy. "Naalala mo ko Jeremy? Pero bakit––" "Sinabi sa'kin ni Felicity na isa ka raw sa mga baliw na fan na nagpaplastic surgery para maging kamukha ni Felicity at kunin ang atensyon ko." Akala ni Madeline ay sinabi lang ni Jeremy ang mga salitang iyon para mapalapit kay Felicity at maimbestigahan niya ang katotohanan sa kanyang pagkatao. Akala niya ay nagpapanggap lang ito na hindi siya nakikilala, pero nang marinig niya ang sagot ni Jeremy ay nagkakamali pala siya. Wala nang ibang pagpipilian si Madeline kundi tanggapin ang katotohanan habang tinignan niya ang malalamig na mga mata ni Jeremy. Hindi na siya nakikilala ng Jeremy sa kanyang harapan. "Sana mas mag-isip ka pa, miss. Hindi pinipilit ang nararamdaman ng isang tao. Kahit na nagpaplastic surgery ka para maging kamukha ni Felicity, hindi nito mababago ang katotohanan na hindi ikaw ang mahal ko," dagdag ni Jeremy. Nang binitawan niya ang kamay ni Madeline, tu
Magbasa pa

Kabanata 764

Ilang beses niyang hiniling sa nagdaang maraming taon na mayakap niya ang lalaking ito sa ganitong paraan at maramdaman ang init ng isang malambing na yakap mula sa lalaking ito. Hindi niya inaasahan na ngayon lang darating ang sandaling ito. Ito ang kanilang una at baka huli na rin. "Jeremy," tinawag niya ang kanyang pangalan sa napakakalmadong paraan. Nilingon ng lalaki ang kanyang mapupungay na mga mata para tignan siya, ang kanyang nakakaakit na mga mata ay nakatingin sa kanyang perpektong itsura na ilang pulgada lang ang layo mula sa kanya. "Wag kang mag-alala, ayos lang ang lahat. Turbulence lang to." Pinagaan niya ang loob ng babae. Pagkatapos, napansin niya na kakaiba ang kanyang kinikilos. Lalo na sa ganitong sitwasyon, hindi ba dapat ang kanyang uunahin ay ang protektahan si Felicity? Bakit siya nahihirapang bitawan ang babaeng nasa kanyang mga bisig at hayaan ito na harapin ang panganib nang mag-isa? Sa loob niya ay lumitaw ang isang mapilit na boses na pinap
Magbasa pa

Kabanata 765

Paanong nangyari yun? Paanong niyayakap ni Jeremy si Madeline? Nakawala na siya sa hypnosis? Imposible! Sa kanyang pagkataranta ay kinakabahang sumigaw si Meredith. "Bakit ka nandito, Jeremy? Bakit mo niyayakap ang babaeng ito? Napagkamalan mo na naman ba na ako siya?" Nahimasmasan si Jeremy at lumingon kay Madeline. Dalawang segundo ang nakalipas ay bumitaw siya. Kaagad na tumakbo si Meredith para hilahin si Jeremy habang tinitigan niya nang masama si Madeline. "Sana ayusin mo ang pag-uugali mo, Ms. Montgomery. Wag mo nang akitin ang fiancé ko. Peke ka pa rin kahit na nagpaplastic surgery ka para maging kamukha ko. Hindi mo maloloko si Jeremy!" Nang makabalanse siya, eleganteng ngumiti si Madeline sa kanya. "Inaakusahan mo ko ng plastic surgery? Na binago ko ang itsura ko para kopyahin ang sa'yo para maakit ko si Jeremy?" "Inaamin mo na ba to ngayon, Ms. Montgomery?" Sagot ni Meredith. Hindi natinag si Madeline. "Kung talagang sigurado ka, Ms. Walker, paano kung ganito
Magbasa pa

Kabanata 766

"Sa simula pa lang ay ayaw ko na sa babaeng yan. Hindi ako makapaniwala na nakipagsabwatan siya sa p*tang Yvonne yon para kidnapin ako!" Napuno ng pagkasuklam ang mukha ni Karen bago siya lumingon para ngumiti kay Jeremy. "Natutuwa ako na tama na ang pinili mong babae ngayon, Jeremy! Mabait na babae si Felicity. Ngayon, kailangan mo nang putulin ang koneksyon mo kay Madeline!" "Madeline? Hindi ba Eveline ang pangalan niya?" Naguguluhan si Jeremy. "Madeline ang pangalan niya dati noong inampon siya ng Crawford family. Tungkol nga pala sa mga Crawford, puno ng masasamang tao ang pamilyang iyon, lalo na ang Meredith na yun. Anong klaseng kamalasan ba ang nahakot ng pamilya namin para makilala ang p*tang yon? Hindi ko rin alam!" Nasusuklam na sabi ni Karen. Pagtingala niya, nakita niya na nakakunot ang noo ni Meredith. Madilim ang kanyang mukha habang mukhang malalim ang kanyang iniisip. Pagkatapos ay nagpatuloy si Karen, "Alam mo siguro to, Felicity, pero mas malala pa ang Meredith
Magbasa pa

Kabanata 767

Habang pinapanood ang eksenang ito, sumama ang kutob ni Meredith. Mabilis siyang sumugod papunta kay Jeremy nang may kinakabahang ekspresyon. Tumingin si Jeremy sa pinagmulan ng tunog at nakita niya si Felicity na tumatakbo papunta sa kanya, sabay gulat na tumingin kay Madeline sa gulat. "Ikaw na naman, Eveline Montgomery!" Pinaglayo ni Meredith ang magkahawak na kamay nina Jeremy at Madeline. "Bakit ba ayaw mo kaming lubayan, Eveline? Wag mong akitin ang fiancé ko! Mahal ako ni Jeremy! Iniisip mo lang yun. Ilusyonada ka!" "Fiancé? Sa tingin ko ikaw ang ilusyonada, Felicity." Ngumiti si Madeline habang humakbang siya papunta kay Meredith, dominante ang kanyang aura. "Ang makisig na lalaking ito na kasama kong nagparehistro ay ang asawa ko, ni Eveline Montgomery." "Ano? Nagparehistro?" Nanlaki ang mga mata ni Meredith. Nilabas ni Madeline ang marriage contract mula sa kanyang bag at winagayway ito sa harapan ni Meredith. "Oo. Nagparehistro. Kinasal." "..." Hindi ito mat
Magbasa pa

Kabanata 768

Kasalukuyang nasa ilalim ng isang hypnosis si Jeremy. Ito lang ang natatanging dahilan kung bakit naniniwala siya na ang taong mahal niya ay siya, si Felicity. Nakalimutan niya ang lahat ng tungkol kay Madeline. Ngunit, hindi tiyak ang hypnosis at pwede itong mawala sa anumang oras. Anong dapat niyang gawin? Hindi siya nagtangkang sabihin kay Felipe ang totoo. Kapag nalaman ni Felipe na pumalpak siya, malamang ay papatayin siya nito!… Pagkatapos umalis ni Jeremy, nagmaneho si Madeline papunta sa villa dahil naisip niya na baka bumalik na siya sa bahay. Nang tumayo siyang muli sa tapat ng pintuan ay maraming naalala si Madeline Naging daughter-in-law na naman siya ng Whitman family––ang Mrs. Whitman ni Jeremy. 'Pero talaga bang inakala mo na ako si Felicity nang nagparehistro tayo, Jeremy?' inisip ni Madeline sa loob niya bago naglakad papasok. Dahil alam niya na umalis sina Jeremy at Felicity para magparehistro at babalik para sa hapunan, masayang nagpunta sa kusina
Magbasa pa

Kabanata 769

Si Karen, na kanina ay nakangiti, ay kaagad na nanigas nang marinig niya ang mga salitang iyon! Naguguluhang nanlaki ang kanyang mga mata. Habang nakatingin sa magandang mukha sa kanyang harapan ay napagtanto na rin niya sa wakas. "Ikaw si Madeline!" "Eveline Whitman nga pala, salamat." Binuksan ni Madeline ang kanyang bibig para itama siya. "Paanong ikaw yun?!" Sobrang nagalit si Karen. "Ano pa bang gusto mo para makuntento ka? Binabalaan kita, wag mo nang guluhin si Jeremy. Kukuha na siya ng certificate kasama ng future daughter-in-law ko, si Felicity. Magiging legal na silang mag-asawa! Kapag nanggulo ka pa, sasabihin ko sa buong mundo na ang dakilang big shot ng Glendale, si Ms. Montgomery, ay isang walang hiyang homewrecker!" Sa harap ng pagbabanta ni Karen, nilabas ni Madeline ang bago at mainit-init pa na marriage certificate mula sa kanyang bag, hindi siya naapektuhan. Pagkatapos niyang buksan ang nakatuping bahagi, pinakita niya ang marriage certificate kay Karen. "H
Magbasa pa

Kabanata 770

Tinapos ni Madeline ang kanyang babala bago pinutol ang tawag. Nilagay pa niya sa blacklist ang numero ni Felicity. Hininto niya ang kotse at inabot ang phone nang may seryosong ekspresyon. "Jeremy, asawa na kita ngayon. Wag ka nang makikisalamuha sa ibang mga babae kung hindi ay malulungkot ako." "Wag kang malungkot. Ipinapangako ko iyon sa'yo." Parang nag-aalinlangan ang kanyang sagot pero kaagad siyang pumayag. Nakuntento si Madeline sa kanyang sagot. Dinala niya si Jeremy sa clinic ni Adam. Sinuri ni Adam si Jeremy at wala siyang nakitang kahit na anong problema sa katawan ni Jeremy. Higit pa roon, ang katawan ni Jeremy ay mas mabuti kumpara sa ibang tao. Binigyan rin ni Adam si Jeremy ng isang psychological evaluation at pinakita nito na wala siyang problema. Sa ganito, hindi makapagsimula si Adam na gamutin si Jeremy. Dahil dito, kailangan muna siyang iuwi ni Madeline. Nang mapadaan sila sa pulang ilaw trapiko sa kanilang biyahe pabalik, hindi mapigilan ni Madeline
Magbasa pa
PREV
1
...
7576777879
...
248
DMCA.com Protection Status