All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 771 - Chapter 780

2479 Chapters

Kabanata 771

Nang paakyat pa lang si Jeremy papunta sa kwarto, mahina niyang narinig ang boses ni Madeline na nanghihingi ng tulong. Naramdaman niyang biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso kaya tumakbo siya pababa bago pa niya ito mapag-isipan. Tumakbo siya sa may gate pero nakita niya si Madeline na pasakay ng kotse. "Anong nangyari?" Lumapit si Jeremy at nagtanong. "Wala, ayos lang ako," sagot ng babae mula sa loob ng kotse, "Akala ko may daga kanina kaya nagulat ako. Sige, Jeremy. Uuwi na muna ako." Pagkatapos nito, umandar ang kotse papalayo mula sa paningin ni Jeremy. Pakiramdam ni Jeremy ay mayroong kakaiba pero hindi niya ito matukoy. Nang tumalikod siya para umalis, binaba niya ang kanyang tingin para makita ang isang butones sa lapag sa harapan ng pinto. Pinulot niya ito at tinignan nang maigi. Ang kulay gintong butones na ito ay isa sa mga butones sa coat na suot ni Madeline ngayong araw. Paano itong natanggal? Minamaneho ni Meredith ang kotse ni Madeline. Tinaas ni
Read more

Kabanata 772

Ngumiti ang mapupulang labi ni Meredith at tinuro ang kanyang daliri sa mukha ni Madeline. "Sa mundong ito, isang Eveline lang ang kailangan." Nang marinig niya ito, unti-unting naintindihan ni Madeline kung ano ang ibig sabihin ni Meredith. Gusto ni Meredith na burahin siya nang permanente, palitan siya at maging si Eveline. "Madeline, hindi kita napatay noon, hinayaan kitang mag-agaw-buhay. Hindi na ako magpapakakampante ngayon." Ngumiti si Meredith at initsa ang mahinang si Madeline sa lawa. "Hindi ba namimiss mo na ang anak mo? Dadalhin kita doon kasama niya ngayon. Madeline, mula ngayon, wala nang ikaw sa mundong ito habang ako ang magiging tunay na Eveline, hahaha…" Nagwawala siyang tumawa, ang kanyang mga mata ay biglang naging malamig. "Mabulok ka sa impyerno!" Sinubukan ni Meredith ang lahat ng kanyang makakaya para itulak si Madeline papunta sa nagyeyelong lawa. Gustong tumakas ni Madeline, pero nanghihina siya at naglaho siya sa lawa. Ang matinding lamig
Read more

Kabanata 773

Nanginig ang kamay ni Meredith na may hawak sa wedding dress! Tinignan niya ang anyo na lumitaw sa salamin sa gulat at hindi makapaniwalang lumingon. "Eveline!" Nanlaki ang mga mata ni Meredith sa pagkataranta habang dahan-dahan siyang umatras. Tinuro niya si Madeline na nakasuot ng isang purong puting dress, ang kanyang buhok ay hinahangin. "Tao ka ba o multo? Bakit ka narito?" Tinignan siya ni Madeline nang nakangiti. "Ano sa tingin mo? Isa ba akong tao o isang multo?" "...""Ang lamig-lamig sa tubig, kapatid ko. Sasamahan mo ba ako?" "Ah!" Sumigaw si Meredith sa takot, binato niya ang wedding dress na hawak niya at binalak na tumakbo palabas. Ngunit, humakbang paharap si Madeline at hinawakan ang kanyang pulso. "Kapatid ko, bakit ka nagmamadali? Kukunin kita, wag kang mag-alala." Nang maramdaman niya ang malamig na kamay sa kanyang pulso ay mas lalong natakot si Meredith. Isa itong patay na tao! Paanong ganito kalamig ang kamay ng isang buhay na tao? Imposible!
Read more

Kabanata 774

Umupo si Madeline sa harapan ng salamin at naglagay ng simpleng makeup sa kanyang sarili. Marahan niyang hinila ang kanyang buhok sa magkabilang gilid at sinuot na rin ang wedding dress. "Mom, ang ganda mo. Ikaw ang pinakamagandang babae na nakita ko." Kumurap ang malalaki at malilinaw na mga mata ni Jackson. Puno ito ng paghanga at pagmamahal. Ngumiti si Madeline at tinapik ang tungki ng ilong ni Jackson. "Ikaw ang rin ang pinakakaaya-ayang bata ba nakita ko." "Hindi lang ako basta bata. Anak ako ni Mommy at Daddy." Seryosong pagtatama ni Jackson. Habang nakatingin sa kanyang simple at kaaya-ayang mukha, nakaramdam ng kirot ang puso ni Madeline. 'Lilian, kung narito ka ngayon, sana isa na tayong kumpletong pamilya.' Tumalikod si Madeline at binuksan ang pinto. Nakita ng makeup artist na nagpalit si Madeline ng makeup at nagulat ito. "Ms. Montgomery, anong nangyari sa styling at makeup––" "Sinukat ko ang wedding dress. Sa tingin ko hindi bagay ang style kanina kaya bin
Read more

Kabanata 775

Nang iniunat na ni Madeline ang kanyang kamay at handa nang tanggapin ang wedding ring ni Jeremy, nakita niya si Felipe na naglalakad papunta sa kanila. Habang nakatingin sa kanyang tindig, malinaw na hindi siya nagpunta rito para ibigay ang kanyang basbas. Bakit siya magbibigay ng basbas sa kanilang dalawa ni Jeremy? Nakasuot ng belo si Madeline at nakatayo sa malayo sa tuktok ng entablado. Hindi rin siya nakilala ni Felipe, iniisip niya lang na siya si Meredith. Lumapit siya at nakita si Old Master Whitman na nakatingin sa kanya ng seryoso. Tumawa lang si Felipe. "Bakit ganyan ang itsura mo? Maganda ang araw na ito para ikasal si Jeremy, di ba dapat masaya ka?" "Masaya? Felipe, sa tingin mo ba sasaya pa rin ang matanda kapag nakita ka niya?" Nabigla si Karen. Hinawakan siya ni Felipe at lumingon para harapin si Felipe nang kalmado. "Felipe, hindi mo na kailangang magbigay ng regalo. Hindi ka imbitado rito, kaya umalis ka na." Tumawa si Felipe at iniabot ang isang dok
Read more

Kabanata 776

Pero, yun nga lang, hindi niya inaasahan na si Madeline pala ang naikasal kay Jeremy at sasakay din sa dos si Madine sa pagtanggap sa manor.Nang makita niya and determinado at matalas na mga mata ni Madeline, ayaw na ni Felipe na magkaproblema pa. Hindi noya maunawaan ang reaksyon ni Jeremy. Halatang nasa ilalim pa rin ng hipnotismo si Jeremy at imposibleng may nararamdaman pa ito kay Madeline, pero napakamahinahon ng mga mata ni Jeremy habang nakatingin kay Madeline—punonpa nga ng pagmamahal.At sa tuwing naiisip pa niya ito, lalo lang siya naiirita.Nangako ang Meredith na yun na ayos na ang lahat kahapon, pero ngayon, mukhang siya ang iniligpit ni Madeline. Kaagad na tinawagan ni Felipe si Meredith pagkatapos umalis sa bulwagan, pero walang sumasagot. Nagpatuloy sa wedding ceremony sila Madine at Jeremy sa presensya ng kanilang mga bisita. Nagpalitan na sila ng singsing, sinabi ang 'I do' sa isa't isa, at sa huli, yumuko si Jeremy ng dahan dahan bago hinalikan ng dahan d
Read more

Kabanata 777

Hindi naisip ni Madeline na darating ang araw na siya ang kikilos para halikan si Jeremy.Pero, hindi na niya kayang pigilan pa ang nararamdaman niya.Ganun din si Jeremy. Kahit na may boses na bumubulong sa kanya na hindi niya kilala ang babaeng to at hindi niya mahal ito, kusang kumilos ang kanyang katawan at gustong makatabi ito. gusto rin niyang mapasakanya ang lahat-lahat sa babaeng to.Namatay ang ilaw sa kanilang silid sa malamig na malalim na gabi.Patuloy pa rin ang pagbagsak ng niyebe sa labas, pero parehas na naglalagablab ang mga damdamin nila Madeline at Jeremy.dahil nga lang sa malambing nitong pagtrato sa kanya ang nag-paalala sa kanya ng mabangis na ugali ni Jeremy.Sa loob ng mga taon na yun, hindi man siya pinahalagahan ni Jeremy ng lubos. Hinahalikan ni Jeremy so Madeline nang bigla nitong nalasahan ang maalat na luha sa gilid ng mata ni Madeline. “Anong problema?” Ang mababa, at malambing na boses ni Jeremy ay dumaan sa tenga ni Madeline na tulad ng isa
Read more

Kabanata 778

Kinagat ni Cathy ang kanyang labi habang minumulat ang kanyang mata at pinipigilan na tumulo ang kanyang luha.“Huwag mo kong palayasin. Hangga’t nasa tabo mo ako, gagawin ko ang lahat ng iuutos mo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya.”“Heh.” Singhal ni Felipe, “Ganyan mo ba ako kagusto? Sa sobrang gusto mo ako ay wala ka nang pagpapahalaga sa sarili mo?” “Hindi lang kita gusto.” Tinitigan siya ni Cathy sa mata.Pero, pinaalis kaagad siya ni Felipe. Pinagtulakan niya ito, at hindi man lang tinignan.“Umalis ka na. Pumunta ka sa may gate at pag-isipan mo ng maigi kung ginawa mo ba ang lahat ng makakaya mo habang ginagawa mo ang mga inutos ko sayo.”Medyo nagulat si Cathy nang marinig niya ang mga sinabi ni Felipe. Umuulan ng niyebe sa labas at napakalamig ng temperatura.Hindi niya kaya ang ganung kalamig na panahon. “Hindi ka pupunta?” Pag-uusig ni Felipe. Napisil na lang ni Cathy ang kanyang kamao at nagpasiyang hindi na muling magpapadalos-dalos pa. Nawalan
Read more

Kabanata 779

Nanliit ang mga mata ni Felipe habang huminto ang kanyang utak sa pag-iisip. Naninigas na ang babaeng buhat-buhat niya, at mahina na ang paghinga nito. Kaagad niyang isinugod si Cathy sa ospital. Hindi mapakali si Felipe habang naghihintay sa labas ng emergency room. Habang iniisip ang nakita niyang dugo, may hinala na siya sa kung ano ang nangyari, pero ayaw niyang isipin pa ang nangyari. Hindi nagtagal, lumbas na ang doktor mula sa emergency room. Bago pa man siya makapagsalita, inunahan na siya ng babaeng doktor at malungkot na ibinalita sa kanya, “Sa sobrang tagal ng asawa mo na nababad sa lamig kaya ito nakunan.”Sa hindi malaman na dahilan, nakaramdam ng matinding kawalan si Felipe sa kanyang puso. Pagkatapos ay narinig niya ang sinabi ng doktor, “Pagkatapos kong tignan ang kondisyon ng iyong asawa, mukhang hindi pa ganung katagal ang lumipas nung una siyang makunan. Hindi pa tuluyang magaling ang kanyang katawan at kaya siya nakunan muli. Kapag hindi siya nag-ingat, m
Read more

Kabanata 780

Ngumiti siya ng bahagya ng makita ni Madeline na nag-aalala ang matanda.“Grandpa, natutuwa ako at magkapamilya na tayo uli.”Itinaas ni Old Master Whitman para hawakan ang kamay ni Madeline. “Natutuwa din ako, iha. Salamat at binigyan mo ng pangalawang pagkakataon si Jeremy.”“Napanalunan ni Jeremy ang pagkakataon na ito. Hindi niyo ako dapat pasalamatan.”Naalala ni Madeline ang panahon na yun, kung paano paulit-ulit na buong tapang na sumugod si Jeremy ng hindi alintana ang sarili nitong kaligtasan. Ang sinseridad at ang pagsisisi nito… Nakita na niya ang lahat. Napansin ni Madeline na nawawala si Jeremy. Saan kaya siya pumunta ng ganito kaaga?Naglakad papunta sa gilid si Madeline at tinawagan si Jeremy. Pagkatapos na masagot ang kanyang tawag, kaagad niyang tinanong, “Jeremy, nasaan ka?”Nagtanong siya ng nagtanong habang hinihintay ang sagot ni Jeremy nang marinig niya ang boses ni Meredith mula sa kabilang linya. “Jeremy, natatakot ako na tumira ng mag-isa sa hotel. Ma
Read more
PREV
1
...
7677787980
...
248
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status