Hindi naisip ni Madeline na darating ang araw na siya ang kikilos para halikan si Jeremy.Pero, hindi na niya kayang pigilan pa ang nararamdaman niya.Ganun din si Jeremy. Kahit na may boses na bumubulong sa kanya na hindi niya kilala ang babaeng to at hindi niya mahal ito, kusang kumilos ang kanyang katawan at gustong makatabi ito. gusto rin niyang mapasakanya ang lahat-lahat sa babaeng to.Namatay ang ilaw sa kanilang silid sa malamig na malalim na gabi.Patuloy pa rin ang pagbagsak ng niyebe sa labas, pero parehas na naglalagablab ang mga damdamin nila Madeline at Jeremy.dahil nga lang sa malambing nitong pagtrato sa kanya ang nag-paalala sa kanya ng mabangis na ugali ni Jeremy.Sa loob ng mga taon na yun, hindi man siya pinahalagahan ni Jeremy ng lubos. Hinahalikan ni Jeremy so Madeline nang bigla nitong nalasahan ang maalat na luha sa gilid ng mata ni Madeline. “Anong problema?” Ang mababa, at malambing na boses ni Jeremy ay dumaan sa tenga ni Madeline na tulad ng isa
Kinagat ni Cathy ang kanyang labi habang minumulat ang kanyang mata at pinipigilan na tumulo ang kanyang luha.“Huwag mo kong palayasin. Hangga’t nasa tabo mo ako, gagawin ko ang lahat ng iuutos mo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya.”“Heh.” Singhal ni Felipe, “Ganyan mo ba ako kagusto? Sa sobrang gusto mo ako ay wala ka nang pagpapahalaga sa sarili mo?” “Hindi lang kita gusto.” Tinitigan siya ni Cathy sa mata.Pero, pinaalis kaagad siya ni Felipe. Pinagtulakan niya ito, at hindi man lang tinignan.“Umalis ka na. Pumunta ka sa may gate at pag-isipan mo ng maigi kung ginawa mo ba ang lahat ng makakaya mo habang ginagawa mo ang mga inutos ko sayo.”Medyo nagulat si Cathy nang marinig niya ang mga sinabi ni Felipe. Umuulan ng niyebe sa labas at napakalamig ng temperatura.Hindi niya kaya ang ganung kalamig na panahon. “Hindi ka pupunta?” Pag-uusig ni Felipe. Napisil na lang ni Cathy ang kanyang kamao at nagpasiyang hindi na muling magpapadalos-dalos pa. Nawalan
Nanliit ang mga mata ni Felipe habang huminto ang kanyang utak sa pag-iisip. Naninigas na ang babaeng buhat-buhat niya, at mahina na ang paghinga nito. Kaagad niyang isinugod si Cathy sa ospital. Hindi mapakali si Felipe habang naghihintay sa labas ng emergency room. Habang iniisip ang nakita niyang dugo, may hinala na siya sa kung ano ang nangyari, pero ayaw niyang isipin pa ang nangyari. Hindi nagtagal, lumbas na ang doktor mula sa emergency room. Bago pa man siya makapagsalita, inunahan na siya ng babaeng doktor at malungkot na ibinalita sa kanya, “Sa sobrang tagal ng asawa mo na nababad sa lamig kaya ito nakunan.”Sa hindi malaman na dahilan, nakaramdam ng matinding kawalan si Felipe sa kanyang puso. Pagkatapos ay narinig niya ang sinabi ng doktor, “Pagkatapos kong tignan ang kondisyon ng iyong asawa, mukhang hindi pa ganung katagal ang lumipas nung una siyang makunan. Hindi pa tuluyang magaling ang kanyang katawan at kaya siya nakunan muli. Kapag hindi siya nag-ingat, m
Ngumiti siya ng bahagya ng makita ni Madeline na nag-aalala ang matanda.“Grandpa, natutuwa ako at magkapamilya na tayo uli.”Itinaas ni Old Master Whitman para hawakan ang kamay ni Madeline. “Natutuwa din ako, iha. Salamat at binigyan mo ng pangalawang pagkakataon si Jeremy.”“Napanalunan ni Jeremy ang pagkakataon na ito. Hindi niyo ako dapat pasalamatan.”Naalala ni Madeline ang panahon na yun, kung paano paulit-ulit na buong tapang na sumugod si Jeremy ng hindi alintana ang sarili nitong kaligtasan. Ang sinseridad at ang pagsisisi nito… Nakita na niya ang lahat. Napansin ni Madeline na nawawala si Jeremy. Saan kaya siya pumunta ng ganito kaaga?Naglakad papunta sa gilid si Madeline at tinawagan si Jeremy. Pagkatapos na masagot ang kanyang tawag, kaagad niyang tinanong, “Jeremy, nasaan ka?”Nagtanong siya ng nagtanong habang hinihintay ang sagot ni Jeremy nang marinig niya ang boses ni Meredith mula sa kabilang linya. “Jeremy, natatakot ako na tumira ng mag-isa sa hotel. Ma
Nang sinabi ni Cathy ang mga salitang yun, nagulat at naguluhan si Madeline. Sabi niya ay may nagawa siyang kasalanan sa aming dalawa ni Jeremy? Hindi matukoy ni Madeline kung ano ang bagay na yun, pero nangako siya kay Cathy na dadalhin niya si Jeremy para makita siya. Hindi na nagtanong pa si Jeremy at sinunod si Madeline. Ang kanilang tagpuan ay isang napakaliblib na cafe na kung saan ang tanging tao lang bukod sa kanila ay ang kahera. Pagkatapos pumasok nila Madeline at Jeremy sa loob, tinanong sila ng babaeng kahera, "Mga kaibigan ba kayo ni Miss Cathy? Hinihintay na niya kayo sa itaas." "Salamat." Pinasalamatan ni Madeline ang kahera at umakyat kasama si Jeremy. Nang makarating sila sa ikalawang palapag, nakita ni Madine si Cathy na nakaupo sa may tabi ng bintana na nakatulala. Mukha itong pagod na pagod at maputla. Wala ring kulay pati ang mga labi nito at namumula naman ang mga mata nito na parang kakatapos lang umiyak. Medyo nag-alala si Madeline at kaagad na l
Ilang oras ang lumipas, bumaba si Carthy mula sa hagdan. “Evie, tinanggal ko na ang hipnotismo kay Jeremy. Hindi pa siya gising ng tuluyan. Kapag nagising na siya, maaalala ka na niya, at kung gaano ka niya kamahal, at ang lahat ng nangyari sa inyong dalawa.”Nakahinga ng maluwag si Madeline nang marinig niya ang sinabi ni Cathy. "Salamat, Cathy." Lalong nahiya si Cathy. "Huwag mo kong pasalamatan. Bumabawi lang ako sa kasalanan ko sa inyo." "Evie, mauu a na pala ako. Sana ay maging masaya kayo ni Jeremy sa hinaharap." "Cathy, sandali." Hinawakan siya ni Madeline. "Sabi mo sa akin sa phone ay aalis ka na. Saan ka pupunta? Aalis ka na ba ng Glendale?" "Oo." Pinilit ni Cathy na ngumiti, na nagpakita ng kanyang dimples. "Pumayag si Felipe na makasama ko ang lalakeng mahal ko, kaya nagdesisyon ako na hanapin siya. Sana balang araw, maging katulad kami ninyong dalawa ni Jeremy at dumepende sa isa't isa sa buhay at kamatayan." Paingit siyang ngumiti, pero namumugto ang kanyang mga
Ano?Tumalon sa ilog? Nagpakamatay? Biglang nanginig ang mga daliri ni Felipe habang hawak hawak ang kanyang phone. “Anong sinasabi mo? Anong ibig mong sabihin na tumalon sa ilog? Huwag mong bibitawan ang phone na yan at huwag ang aalis jan sa kinatatayuan mo. Pupuntahan kita ngayon mismo!” Nagmamadali siyang lumabas ng ospital. Habang nagmamaneho siya papunta sa kanyang destinasyon, hindi mapakali si Felipe na pati ang kanyang mga daliri na may hawak ng manibela ay nanginginig. Bigla niyang naisip ang mukha ni Cathy. Nakatingin sa kanya ito ng maigi. Hindi alam ni Felipe kung gaano katagal bago niya narating ang lugar na kung saan sinabi ng lalake na may tumalon sa may ilog. Medyo liblib ang lugar at walang masyadong tao ang nanunuod, pero may ilang mga bumbero ang bumaba para i-salba ang sitawasyon. Mabilis na lumapit si Felipe. Pagkatapos nun, may isang lalake na may hawak na phone at nakatingin sa mga larawan ng screensaver bago lumapit sa kanya. “Ikaw ba ang kasintah
[Felipe, mas alam mo dapat kesa sa akin na ang magmahal at ang minamahal ay hindi magiging pantay. Mahal ni Eveline Montgomery si Jeremy Whitman. Sana ay tigilan mo na ang paghahabol sa kanya. Paalam, Felipe. Simula ngayon, walang ng babae na nagngangalang na Cathy na manggugulo pa sayo.] Pagkatapos niyang makita ang mensahe, halu-halong emosyon ang namuo sa mga mata ni Felipe. Hindi niya pinahintulutan si Cathy na sumuway sa kanyang utos at tanggalin ang hipnotismo ni Jeremy ng wala siyang pahintulot. Higit pa dun, hindi niya pinahintulutan ang babae na laging sinasabi na sasamahan siya nito at guguluhin habang buhay na mawala sa mundo niya ng ganito. … Whitman Manor.Kalahating taon na rin ang lumipas at maraming damo na ang tumubo sa hardin. Lininis na ng mga kasambahay ang lugar tulad ng inutos sa kanila. "Hindi ko inaasahan na makakabalik ako dito." Buntong hininga ni Old Master Whitman. "Akala ko ay hindi na ako makakabalik dito hanggang sa mamatay ako." "Grandpa