Ilang oras ang lumipas, bumaba si Carthy mula sa hagdan. “Evie, tinanggal ko na ang hipnotismo kay Jeremy. Hindi pa siya gising ng tuluyan. Kapag nagising na siya, maaalala ka na niya, at kung gaano ka niya kamahal, at ang lahat ng nangyari sa inyong dalawa.”Nakahinga ng maluwag si Madeline nang marinig niya ang sinabi ni Cathy. "Salamat, Cathy." Lalong nahiya si Cathy. "Huwag mo kong pasalamatan. Bumabawi lang ako sa kasalanan ko sa inyo." "Evie, mauu a na pala ako. Sana ay maging masaya kayo ni Jeremy sa hinaharap." "Cathy, sandali." Hinawakan siya ni Madeline. "Sabi mo sa akin sa phone ay aalis ka na. Saan ka pupunta? Aalis ka na ba ng Glendale?" "Oo." Pinilit ni Cathy na ngumiti, na nagpakita ng kanyang dimples. "Pumayag si Felipe na makasama ko ang lalakeng mahal ko, kaya nagdesisyon ako na hanapin siya. Sana balang araw, maging katulad kami ninyong dalawa ni Jeremy at dumepende sa isa't isa sa buhay at kamatayan." Paingit siyang ngumiti, pero namumugto ang kanyang mga
Ano?Tumalon sa ilog? Nagpakamatay? Biglang nanginig ang mga daliri ni Felipe habang hawak hawak ang kanyang phone. “Anong sinasabi mo? Anong ibig mong sabihin na tumalon sa ilog? Huwag mong bibitawan ang phone na yan at huwag ang aalis jan sa kinatatayuan mo. Pupuntahan kita ngayon mismo!” Nagmamadali siyang lumabas ng ospital. Habang nagmamaneho siya papunta sa kanyang destinasyon, hindi mapakali si Felipe na pati ang kanyang mga daliri na may hawak ng manibela ay nanginginig. Bigla niyang naisip ang mukha ni Cathy. Nakatingin sa kanya ito ng maigi. Hindi alam ni Felipe kung gaano katagal bago niya narating ang lugar na kung saan sinabi ng lalake na may tumalon sa may ilog. Medyo liblib ang lugar at walang masyadong tao ang nanunuod, pero may ilang mga bumbero ang bumaba para i-salba ang sitawasyon. Mabilis na lumapit si Felipe. Pagkatapos nun, may isang lalake na may hawak na phone at nakatingin sa mga larawan ng screensaver bago lumapit sa kanya. “Ikaw ba ang kasintah
[Felipe, mas alam mo dapat kesa sa akin na ang magmahal at ang minamahal ay hindi magiging pantay. Mahal ni Eveline Montgomery si Jeremy Whitman. Sana ay tigilan mo na ang paghahabol sa kanya. Paalam, Felipe. Simula ngayon, walang ng babae na nagngangalang na Cathy na manggugulo pa sayo.] Pagkatapos niyang makita ang mensahe, halu-halong emosyon ang namuo sa mga mata ni Felipe. Hindi niya pinahintulutan si Cathy na sumuway sa kanyang utos at tanggalin ang hipnotismo ni Jeremy ng wala siyang pahintulot. Higit pa dun, hindi niya pinahintulutan ang babae na laging sinasabi na sasamahan siya nito at guguluhin habang buhay na mawala sa mundo niya ng ganito. … Whitman Manor.Kalahating taon na rin ang lumipas at maraming damo na ang tumubo sa hardin. Lininis na ng mga kasambahay ang lugar tulad ng inutos sa kanila. "Hindi ko inaasahan na makakabalik ako dito." Buntong hininga ni Old Master Whitman. "Akala ko ay hindi na ako makakabalik dito hanggang sa mamatay ako." "Grandpa
Mabili na nilapitan ni Madeline ang lamesa at binuhat ang computer. Tinignan ni Felipe ang nanggagalaiting reaksyon ni Madeline at tumawa. “Sinabi ko na sayo to noon. Hindi ako gagawa ng hakbang na makakasakit sayo. Nakikita mo na ba?”Tinignan ni Madeline ang masaya at masiglang bata na pinapakita sa surveillance footage habang namumuo ang luha sa kanyang mga mata. Ang kanyang mga emosyon ay walang katumbas. “Felipe Whitman, saan to?!” Mariin niyang tanong. Subalit, si Felipe ay walang balak na sabihin kung saan ito. Lumapit si Felipe kay Madeline itinaas ang kamay nito. At nang mahawakan ni felipe ang pisngi ni Madeline, kaagad itong umiwas. Sumimangot siya, isang kakaiba at malungkot na ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. “Naaalala mo pa ba kung ano ang ipinangako mo sa akin noon? Sabi mo sa akin ay isasama mo sai Lilian at susundan mo ko pabalik ng F Country para mamuhay ng payapa pagkatapos mong maghiganti. Matagal akong naghintay para sa araw na yun, pero hindi mo tinu
Mayroong hindi masasabing sakit mula sa kanyang pagkabalisa.Bakit ba ang hirap? gusto lang naman niyang mabuhay ng simple at mapayapa kasama ng nahal niya. Bumalik si Felipe sa kwarto ni Cathy at tumayo sa may bintana. Nang makita niya na paalis na si Madeline, binalot niya ang panali ni Cathy ng buhok sa kanyang daliri habang lalong lumalim ang kanyang pagkatulala. “Hindi ba’t gusto mong pagsamahin ko muli sila Jeremy at Eveline? Ayoko. Kung pipigilajn mo ako, kung gayon ay pigilan mo ako, naririrnig mo ako?” Tinignan ni Felipe ang panali ng buhok at nag-utos, pero ang sumagot lang sa kanya ay ang malakas na tibok ng kanyang puso. Muling bumuhos ang niyebe sa gabing iyon. Tahimik na nahoga si Madeline sa kama pagkatapos niyang maligo. Puno ng imahe na mula sa real-time video na nakita niya kay Felipe at ng mga pagbabanta nito ang kanyang isipan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata pero hindi siya makatulog ng mapayapa kahit anong gawin niya. Felipe, bakit ka nagkagani
Hindi na nanlaban pa si Madeline. Nang maisip niya na ito na lang ang natatangi niyang kaligayahan na maibibigay kay Jeremy bago sila maghiwalay, dahan dahan niyang iniangat ang kanyang mga kamay para yakapin ito ng mahigpit at halikan ito.Sumunod na araw. Nagising si Madeline mula sa isang mahabang panaginip. wala na si Jeremy sa kama at wala na rin ang bakas ng init ng katawan nito, pero naaamoy pa rin niya ang amoy nito sa paligid. Inunat niya ang kanyang braso at dahan dahan na hinimas ang unan na ginamit nito sa pagtulog. ‘Jeremy, naniniwala ako na kung ikaw ang nasa kalagayan ko, gagawin mo rin ang parehong desisyon. ‘Wala nang mas mahalaga pa sa kaligtasan at kalusugan ng ating mga anak.’Pagkatapos maligo at magbihis ni Madeline ng damit, nakita niya si Karen na naglalakad papalapit sa kanya pagkaalis niya ng silid. Pagalit na umungol si Karen nang makita niya si Madeline. “Bumangon si Jeremy tatlong oras na ang nakakalipas at gumawa ng almusal para kay Jack. Siya
Masakit para sa kanya ang lahat ng sinabi niya, pero ang kanyang ekspresyon ay walang bahid nito at parang walang pakialam. ‘Magando to.‘Para marinig niya ang lahat ng ito, maganda to.’“Jeremy, narinig mo ba ang lahat ng yun? Nakita mo na? Ito ang tunay na mukha ni Eveline Montgomery! Sinadya niya talagang lapitan ka para maghiganti sayo! Jeremy, mag-isip ka ng maigi. Huwag kang magpapaloko sa babaeng ito!” Sigaw ni Karen kay Jeremy na may galit at pagkaaligaga. Humakbang si Madeline at nagpatuloy na bumaba mula sa hagdan. Nung nalagpasan na niya si Jeremy, huminto siya. “Jeremy, ako—” “Alam ko, inaasar mo lang ang nanay ko,” sabi nito ng may ngiti, at inabot ang baby’s breath sa kanya. “Linnie, para sayo to. Binili ko ang mga ito sa flower shop na nadaanan ko nung pabalik ako dito.”Tinignan ni Maeline ang bouquet ng bulaklak na inabot sa kanya ni Jeremy at lalo lang sumakit ang kanyang puso. “AAlis ka ba? Saan ka pupunta? Ihahatid na kita.”“Hindi na kailangan.” Wa
Nakita ni Madeline na umilaw ang screen ng computer, kasunod ang boses ni Felipe. Nung oras na yun, hindi isang surveillance footage image ang nakapaskil kung hindi isang real-time na video session. Nakita ni Madeline ang hindi pamilyar na lugar, at pagkatapos, isang inosente, cute, matalino, at mabait ba bata na mukhang manika ang lumitaw sa screen. "Lilian!" Hindi mapigilan na maisigaw ni Madeline. Sa may screen, narinig ni Lilian ang sigaw ni Madeline. Kinuskus niya ang kanyamg mga mata, tumakbo papunta sa computer screen na medyo naguguluhan, at sinigaw, "Mommy! Mommy!" Kay Lilian nga ang boses na yeg4.Inangat ni Madeline ang kanyang mga kamay para takpan ang kanyang bibig at hindi makapaniwala sa nakikita habang tumutulo ang kanyang mga luha. "Lilian, Lilian nakikita mo ba si Mommy? Ikaw ba talaga yan? Lilian!" Aligagang tanong ni Madeline, humihiling na sana may kakayahan siya na bunutin ang bata mula sa computer. Bata pa si Lilian at walang alam tungkol sa video
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si