Masakit para sa kanya ang lahat ng sinabi niya, pero ang kanyang ekspresyon ay walang bahid nito at parang walang pakialam. ‘Magando to.‘Para marinig niya ang lahat ng ito, maganda to.’“Jeremy, narinig mo ba ang lahat ng yun? Nakita mo na? Ito ang tunay na mukha ni Eveline Montgomery! Sinadya niya talagang lapitan ka para maghiganti sayo! Jeremy, mag-isip ka ng maigi. Huwag kang magpapaloko sa babaeng ito!” Sigaw ni Karen kay Jeremy na may galit at pagkaaligaga. Humakbang si Madeline at nagpatuloy na bumaba mula sa hagdan. Nung nalagpasan na niya si Jeremy, huminto siya. “Jeremy, ako—” “Alam ko, inaasar mo lang ang nanay ko,” sabi nito ng may ngiti, at inabot ang baby’s breath sa kanya. “Linnie, para sayo to. Binili ko ang mga ito sa flower shop na nadaanan ko nung pabalik ako dito.”Tinignan ni Maeline ang bouquet ng bulaklak na inabot sa kanya ni Jeremy at lalo lang sumakit ang kanyang puso. “AAlis ka ba? Saan ka pupunta? Ihahatid na kita.”“Hindi na kailangan.” Wa
Nakita ni Madeline na umilaw ang screen ng computer, kasunod ang boses ni Felipe. Nung oras na yun, hindi isang surveillance footage image ang nakapaskil kung hindi isang real-time na video session. Nakita ni Madeline ang hindi pamilyar na lugar, at pagkatapos, isang inosente, cute, matalino, at mabait ba bata na mukhang manika ang lumitaw sa screen. "Lilian!" Hindi mapigilan na maisigaw ni Madeline. Sa may screen, narinig ni Lilian ang sigaw ni Madeline. Kinuskus niya ang kanyamg mga mata, tumakbo papunta sa computer screen na medyo naguguluhan, at sinigaw, "Mommy! Mommy!" Kay Lilian nga ang boses na yeg4.Inangat ni Madeline ang kanyang mga kamay para takpan ang kanyang bibig at hindi makapaniwala sa nakikita habang tumutulo ang kanyang mga luha. "Lilian, Lilian nakikita mo ba si Mommy? Ikaw ba talaga yan? Lilian!" Aligagang tanong ni Madeline, humihiling na sana may kakayahan siya na bunutin ang bata mula sa computer. Bata pa si Lilian at walang alam tungkol sa video
”Eveline, bakit mag-isa ka lang na pumunta? Kahit hindi ito ang unang beses na ikinasal kayo ni Jeremy, ngayon araw na to ay isa pa ring importanteng araw nung bumalik ka pagkatapos ng inyong kasal. Bakit ka niya hinayaan na pumunta dito ng mag-isa?”Sumakit ang puso ni Madeline, pero sa halip ay tumawa siya. “Hindi na mahalaga kung pumunta siya o hindi. Hindi naman sa gusto kong makasal sa kanya.”“...” Medyo nanigas ang ngiti ni Eloise. Nagsalubong ang kilay nito sa kalituhan at sinabi, “Eveline, ano ang ibig mong sabihin?”Natulala si Madeline. Magsasalita na sana siya, nang bigla siyang may narinig na pamilyar na yabag ng mga paa na mabilis na naglalakad papunta sa pintuan. Tinikom niya ang kanyang kamay, nilingon ang pasilyo, at sinabi, “Ang ibig kong sabihin ay ang dahilan kung bakit ako nagpakasal kay Jeremy ay para makapaghiganti sa kanya. Hindi ko talaga naisip na magsimulang muli kasama niya,” Sinabi biya yun ng may sama ng loob hanggang sa humina ang kanyang boses.
Nang makita niya ito, napagtanto ni Madeline na nakalimutan niyang i-lock ang pinto. Habang nilalapitan siya ni Jeremy, hindi nagawang pinasan ni Madeline ang mga luha sa kanyang mga mata. Hinawakan ni Jeremy ang kanyang pulso. "Jeremy, huwag mo kong hawakan! Bitawan mo ko!" "Ano ba talaga ang nangyayari?" Lumapit pa lalo si Jeremy at nagtanong. Kahit na may bahid pa ng kalungkutan sa kanyang mukha, banayad at pasensyoso pa rin ang mga mata nito. "Linnie, pakiusap, sabihin mo sa akin." Suminghal si Madeline. "Sinabi ko na nga sayo ang lahat, Jeremy. Gumising ka nga. Isipin mo yung mga ginawa mo sa akin noon. Sa tingin mo ba talaga ay mamahalin pa kita? Hindi ko alam na ganyan ka pala katanga," sabi ni Madeline ng may mapanghamak na tono at kaagad na umalis pagkatapos magsalita. Pinigil ni Jeremy ang matinding sakit na nadaram niya. Hinila niya pabalik si Madeline sa kanyang harapan at tinitigan ito ng mga namumugto at matalas na mga mata. "Linnie, kung ito talaga ang tunay
”Eveline, nauunawaan ka namin na may galit pa rin sa amin, pero si Jeremy—”“Kung talagang anak ang tingin niyo sa akin, huwag niyo kong pigilan. Sinisingil ko lang si Jeremy sa lahat ng mga kasalanan niya sa akin. Hindi niya ako binigyan ng tyansa nung hinulog niya ako sa impyerno noon, kaya ang mga ginagawa ko sa kanya ngayon ay ang ganti ko sa kanya. Kapag lalo siyang naging miserable ngayon, mas magiging masaya ako!” Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang ito, hinila ni Madeline ang kanyang maleta at umalis. Tinitigan lang ni Jeremy ang imahe ni Madeline na palayo ng palayo habang nakatayo sa may bukana ng hagdan sa may ikalawang palapag. Namatay ng tuluyan ang liwanag sa kanyang mga mata at napalitan ng matinding kadiliman.Wala nang ibang magagawa si Madeline kung hindi ang lumipat sa villa ni Felipe. Pagkalipas ng dalawang araw, maayos naman ang lahat at walang ginawa sa kanya si Felipe. Nalaman din niya na pumupunta si Felipe sa silid ni Cathy bawat gabi para mat
Pwersahang nilapitan ni felipe si Madeline. Nang patungan niya si Madeline, ang malakas niyang awra ay bumalot at kinilong si Madeline sa kama. Pero, hindi nataranta si Madeline. Kalmado niyang hinawakan ang kamay ni Felipe at matalim na tinitigan ito sa mga mata. “Felipe, masisiyahan ka na ba kapag nabago mo ang tingin ko sayo?”“Kung iniisip mo na nanalo ka na kay Jeremy dahil sa nagawa mo sa akin to, pwes sasabihin ko lang sayo ito. Hindi mo siya matatalo. Dahil simula pa lang ay mahal ko na siya. Siya lang ang lalake na nsa puso ko.”Hinigpitan ni Felipe ang pagkakatikom ng kanyang bibig at nagsalubong ang kilay nito habang pinakikinggan ang mga sinabi ni Madeline. Nang makita niyang malalim ang iniisip ni Felipe, buong lakas tinulak ni Madeline si Felipe. Kaagad na bumalik ang malay ni Felipe. Mabilis niyang hinawakan ang bewang ni Madelina at itinulak ito muli pabalik sa kama. “Hindi ko bibigyan si Jeremy ng pagkakataon na makuha kang muli. Eveline, sa akin ka na.”Nam
Pinagbantaan nila ang kaligtasan ni Lilian, kaya walang magawa si Madeline. “Bakit ayaw niyo akong payagan na makita ang nanay ko? Gusto kong makita ang nanay ko. Mommy, si Jack to!”Sigaw ni Jackson.Sinubukang pigilan ni Madeline ang kanyang emosyon, pagkatapos ay narinig niya ang boses ni Jeremy. “Linnie, kahit na kinamumuhian mo ako, anak mo pa rin si Jack. Kaya kung gusto mong umalis, magpaalam ka naman sa kanya.”Kalmado ang tono ng kanyang boses, sa sobrang kalmado ay walang makakaalam kung ano ba talaga ang nararamdaman niya sa mga sandaling yun. “Para kay Eveline, hahayaan kitang makita siyang muli,” Mabait na sabi ni Felipe, pagkatapos ay lumingon at pumasok sa waiting lounge.Lumapit siya kay Madeline ng may seryosong ekspresyon. “Eveline, ayoko sanang pahirapan ka, pero alam mo na ang dapat mong gawin.”Kahit na hindi direktang sinabi ito ni Felipe, naunawaan ni Madeline kung ano ang ibig sabihin nito. Naghintay sa labas ng pintuan ng waiting lounge sila Jeremy
Sinalubong ni Madeline ang tingin ni Felipe. “Oo, pumapayag na ako.”Hindi inaasahan ni Felipe na papayag agad si Maeline ng ganung kadali. Hindi rin niya alam kung ana ang dahilan kung bakit hindi siya masaya sa sandaling ito. Sa halip, bigla niyang naisip ang taong hindi niya na makikita kahit buhay o patay na ito… Ang bangkay ni Cathy.Sa sandaling yun, isang boduguard ang lumapit kay Felipe at may binulong sa tenga nito. Pagkatapos marinig ni Felipe ang sinabi nito, lumingon siya para tignan si Madeline. “Kailangan kong umalis dahil may aasijasuhin ako ngayon. Hahanapin kita sa kwarto mamayang gabi.”“Sige, hihintayin ko ang iyong pagbabalik.” Walang alinlangan na sumang-ayon si Madeline. Nagulat si Felipe sa walang alinlangan na ugali ni Madeline. Mukhang mahirap para sa kanya na unawain ang pakiramdam ng isang ina. ‘Cathy, ito ba ang dahila kung bakit ka nagpakamatay?‘Pero nung nabuntis ka sa unang anak natin, hindi ba’t pinalaglag mo rin ang bata?‘Bakit nung p