Kumislap ang pagkataranta sa mga mata ni Madeline. "Anong pinaparating mo, Felicity Walker?" "Oh? Natatakot ka ba? O nag-aalala na baka mamatay siya?" Puno ng pagkamuhi ang tono ni Felicity. "Hindi ba araw-gabi mong hiniling na magdusa ang lalaking to? Kung gayon, dapat magsaya ka, dahil mapupunta na siya sa impyerno anumang oras ngayon." Sigurado na si Madeline na sinusubaybayan nila ang bawat isang kilos nila ni Jeremy. Si Felipe lang ang pwedeng gumawa ng ganitong bagay. Mayroon nga siyang mas malaking kapangyarihan sa F Country kumpara sa kanyang nalalaman. "Problema na naming dalawa kung gaano ko man kinaayawan si Jeremy. Wala sa inyo ang desisyon na kumilos para sa'kin." Malamig ang tono ni Madeline at matulis ang kanyang tingin. "Hindi ako tanga para hindi mapansin ang katotohanan na ginagamit ni Felipe ang galit ko kay Jeremy para mawala siya sa landas niya." "Hindi ko alam ang sinasabi mo," inosenteng sabi ni Felicity bago lumamig ang kanyang mga mata. Nagsalita si
"Tabi!" Malamig at matalim ang tono ni Madeline. Napahinto nang dalawang segundo si Felicity sa aura ni Madeline, at sa oras na nahimasmasan siya ay mabilis niyang pinigilan si Madeline. "Huminto ka, Eveline…" Hinawi ni Madeline ang kanyang braso at pinutol ang mga salita ni Felicity. "Binabalaan kita, wag kang humarang sa dadaanan ko." “...” Nang magulat siya sa aura ni Madeline at sa paghawi sa kanyang kamay, nawindang si Felicity bago tumumba sa lapag. Hindi pinansin ni Madeline si Felicity at tumakbo papunta sa pinto. Pagbukas niya ng gate, nakita niya ang isang limited edition na itim na kotse na nakaparada sa tapat. Bumaba si Felipe mula sa kotse, malumanay ang kanyang ekspresyon. Ngunit, wala na ang lambing na dating naroon sa kanyang mga mata. "Hindi mo na kailangang pumunta sa roon. Huli na ang lahat." Naglakad siya papunta kay Madeline. "Patay na si Jeremy." Pakiramdam ni Madeline ay parang nagkapunit-punit ang kanyang puso, at namula ang kanyang mga mata na
Sa kanyang gulat, akala ni Madeline ay namamalikmata siya. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha at tinignan muli ang entrance ng hotel nang may nanlalaking nga mata, pero wala na ang pamilyar na mukha sa dagsa ng mga tao sa kanyang harapan. Parang totoo ang nakita niya, kaya kaagad na tumawid si Madeline sa tawiran at tumakbo papunta sa lugar kung saan lumitaw si Jeremy kanina. Pagtingin niya sa paligid ay wala siyang nakita. Habang binabayo ng malamig na hangin sa kanyang paligid, naramdaman ulit ni Madeline na lumamig ang kanyang puso. Sa gitna ng dumaragsang tao, pakiramdam niya ay mag-isa siya. 'Ang tanging hiniling ko sa mga taon ng paghihirap at sakit ay ang magmahalan tayo nang simple, Jeremy. Isa lang itong maliit na kahilingan, pero bakit hindi ito matupad?'Hindi ba talaga tayo nakatadhana sa isa't-isa?' Nakatulalang bumalik si Madeline sa Glendale, pabalik sa kanilang marital villa. Blangko siyang nakatayo roon nang ilang sandali bago siya pumasok sa lo
'Mahal pa rin kita kahit na nakapaghiganti na ako.' Walang ideya si Madeline kung kailan siya nakatulog, pero madilim na ang langit nang magising siya. Umalis siya sa villa at nagpunta sa Montgomery Manor. Natuwa sina Eloise at Sean sa kanyang pagbabalik. Ngunit, hindi nila mapigilan na mag-alala nang makita nila ang nanlulumong ekspresyon ni Madeline. "Nalulungkot ka pa rin ba dahil sa nangyari kay Lilian, Eveline?" Sumikip ang puso ni Madeline. "Patay na si Jeremy.""A-Ano? Patay na si Jeremy?" Hindi makapaniwala sina Eloise at Sean sa kanilang narinig. "Lumipad siya pabalik ilang araw na ang nakakaraan, pero bumagsak ang eroplanong sinasakyan niya." "Bumagsak ang eroplano? Paanong nangyari yun? Walang kahit na anong balita na ganun." Naguguluhan sina Eloise at Sean. Huminto si Madeline. "Wala?" "Wala talaga. Wala rin kaming narinig na kahit na anong aksidente mula sa kahit na anong airlines." Kinumpirma ito ni Sean. "Sigurado ka ba na hindi ka nagkakamali, Eveline
Sumikip ang lalamunan ni Madeline habang tinignan niya ang matangkad at makisig na lalaki. "Jeremy?" Gulat itong tinitigan ni Madeline at nawala ang mabigat na pakiramdam sa kanyang dibdib. Mayroon ring gulat sa mga mata ni Jeremy nang tumingin siya sa kanya. "Ligtas ka talaga, Jeremy!" Tumakbo si Madeline papunta sa kanya, iniunat niya ang kanyang mga kamay para hawakan ang kanya bago pa niya ito napansin. Nang maramdaman ang init sa kanyang mga kamay ay kumalma si Madeline. Sa sandaling iyon, nalaman ni Madeline na wala nang mas mahalaga sa kaligtasan ni Jeremy. Tinignan ni Jeremy si Madeline na sabik na hinahawakan ang kanyang mga kamay. Maganda man ang kanyang nakangiting mukha, tumutulo naman ang luha sa mga mata ng babae. "Kamukha mo ang taong gusto ko, miss," sabi niya, ang kanyang malalim na boses ay nakakaakit pa rin kagaya ng kanyang naaalala. Akala ni Madeline ay nagbibiro lang si Jeremy nang dahan-dahan niyang tinanggal ang kanyang kamay mula sa kanyang mga
Nawalan ng oras si Felicity na sumagot nang marinig mula sa loob ang nakakaakit na boses ni Jeremy. "Sinong nasa labas?" Kaagad na nagbago ang ekspresyon ni Felicity at naging pagod at nayayamot. "Bakit nandito ka na naman, Ms. Montgomery? Sinabi ko na sa'yo nang paulit-ulit na ako ang mahal ni Jeremy. Dahil magkamukha lang tayo kaya nagustuhan ka ni Jeremy bilang kapalit ko. Nagkabalikan na kami ni Jeremy, kaya pwede ba wag mo na kaming guluhin?" Sigurado si Madeline na umaarte si Felicity sa puntong iyon. Gusto niyang punitin ang maskara ng babaeng ito nang biglang lumitaw si Jeremy sa kanyang paningin. Kalmadong tinignan ni Jeremy si Madeline gamit ng kanyang malalim at masusing mga mata bago nilipat ang kanyang tingin kay Felicity habang nagsalita siya nang may malambing na tono, "Dalian mo nang mag-impake. Tatlong oras na lang at flight na natin pabalik ng Glendale." "Sige." Tumango si Felicity, ang kanyang mapangutyang ngiti ay lumalim. Hindi makapaniwala si Madeline sa
Nagliwanag ang pag-asa sa mga mata ni Madeline sa sagot ni Jeremy. "Naalala mo ko Jeremy? Pero bakit––" "Sinabi sa'kin ni Felicity na isa ka raw sa mga baliw na fan na nagpaplastic surgery para maging kamukha ni Felicity at kunin ang atensyon ko." Akala ni Madeline ay sinabi lang ni Jeremy ang mga salitang iyon para mapalapit kay Felicity at maimbestigahan niya ang katotohanan sa kanyang pagkatao. Akala niya ay nagpapanggap lang ito na hindi siya nakikilala, pero nang marinig niya ang sagot ni Jeremy ay nagkakamali pala siya. Wala nang ibang pagpipilian si Madeline kundi tanggapin ang katotohanan habang tinignan niya ang malalamig na mga mata ni Jeremy. Hindi na siya nakikilala ng Jeremy sa kanyang harapan. "Sana mas mag-isip ka pa, miss. Hindi pinipilit ang nararamdaman ng isang tao. Kahit na nagpaplastic surgery ka para maging kamukha ni Felicity, hindi nito mababago ang katotohanan na hindi ikaw ang mahal ko," dagdag ni Jeremy. Nang binitawan niya ang kamay ni Madeline, tu
Ilang beses niyang hiniling sa nagdaang maraming taon na mayakap niya ang lalaking ito sa ganitong paraan at maramdaman ang init ng isang malambing na yakap mula sa lalaking ito. Hindi niya inaasahan na ngayon lang darating ang sandaling ito. Ito ang kanilang una at baka huli na rin. "Jeremy," tinawag niya ang kanyang pangalan sa napakakalmadong paraan. Nilingon ng lalaki ang kanyang mapupungay na mga mata para tignan siya, ang kanyang nakakaakit na mga mata ay nakatingin sa kanyang perpektong itsura na ilang pulgada lang ang layo mula sa kanya. "Wag kang mag-alala, ayos lang ang lahat. Turbulence lang to." Pinagaan niya ang loob ng babae. Pagkatapos, napansin niya na kakaiba ang kanyang kinikilos. Lalo na sa ganitong sitwasyon, hindi ba dapat ang kanyang uunahin ay ang protektahan si Felicity? Bakit siya nahihirapang bitawan ang babaeng nasa kanyang mga bisig at hayaan ito na harapin ang panganib nang mag-isa? Sa loob niya ay lumitaw ang isang mapilit na boses na pinap
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si