Share

Kabanata 735

Nilamig ang buong katawan ni Cathy nang marinig niya ito.

Pero dinaadan lang siya ng lalaki nang di man lang lumilingon. Ang malapad nitong balikat ay bumangga sa kanyang mahinang katawan at nanginig si Cathy sa pagtama nito.

Pero di siya bumagsak dahil dumating ang bodyguard sa tapat ng pinto para dalhin siya palayo.

Sa malamig at madilim na basement, nakatali ang kanang braso ni Cathy sa isang mabigat na kadena. May mga sugat na iba't iba ang laki sa kanyang katawan sa ilalim ng manipis niyang damit.

Maputla ang kanyang mukha nang sumandal siya sa malamig na pader habang humihinga nang bahagya. Hinawakan niya ang tiyan niya gamit ng kanyang nanginginig at duguang daliri.

Nang makaramdam siya ng init dito, isang maliit na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Cathy.

Clank. Bumukas ang bakal na pinto ng basement.

Isang sinag ng liwanag ang pumasok sa kwarto at tumingala si Cathy para makita ang isang lalaking nakaputi na lumalapit. Nakatalikod siya sa liwanag at mukhang maamo. At
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status