Hindi natuwa si Felipe sa biglang paglitaw ni Jeremy. Pero di din niya inasahang magpapakita din ito nang may ebidensya. Kakakuha lang ni Jeremy ng report at papunta na siya kay Madeline. Pero bago pa siya makarating sa Montgomery Manor, nakita niya si Madeline at Felipe na naglalakad nang magkasama. Iniabot niya ang report. "Linnie, ito ang resulta ni Felipe sa huling beses na nagpa-check-up siya. Malinaw na sinasabi na ang blood type niya ay O habang ang sa'yo naman ay AB. Kapag ang isa sa mga magulang ay may O na blood type, di sila magkakaroon ng anak na may AB na blood type. Pero AB ang blood type ni Lily." Nagbigay si Jeremy ng isang siyentipikong paliwanag, kaya walang masasabi dito si Felipe. "Linnie, malinaw na kung sino ang tunay na ama ni Lily. Si Felipe ang gumagamit sa kawalan ng memorya mo at nagsisinungaling sa'yo." "Jeremy, nakakatuwa kapag ikaw ang nagsasabi ng salitang 'panggagamit'." Nanghamak si Felipe. Dumapo ang maamo niyang tingin sa mukha ni Madeline
"Felipe, anong sinasabi mo? Nagyayabang ka ba sa akin?" "Hmph." Suminghal si Felipe. "Gusto ko lang sabihin sa'yo ngayong umabot na ang lahat sa ganito, kailangan natin ng solusyon. Hihintayin kita kung saan pinatay si Lillian makalipas ang kalahating oras. Kapag nagpakita ka, ibibigay ko sa'yo ang lahat ng records ni Lillian mula sa sandaling ipinanganak siya. Kung hindi, edi kunwari na lang di kita tinawagan." Ibinaba ni Felipe ang linya bago pa makasagot si Jeremy. Tumayo si Cathy sa tapat ng pader ng study habang ang kanyang katawan ay puno ng pasa at sugat. Nag-isip siya bago tahimik na bumalik sa kanyang kwarto. Matapos mag-isip, kinuha niya ang kanyang cellphone at isinulat ang ilang salita… Di bumalik si Madeline sa Montgomery Manor pagkatapos niyang umalis. Naglakad siya nang walang patutunguhan sa kalsada. Sa kabila ng ingay sa paligid niya, nakaramdam pa din siya ng tagos sa butong lamig sa puso niya. Di niya kailanman inasahan na gagawin ni Felipe ang ganito
Pagkatapos iputok ang baril, naramdaman ni Madeline na parang may humihila sa kayang isipan. Kasabay nito, isang mahinang tunog ng pagbangga ang nasa isipan niya, at isa itong… pagbangga ng kotse. Kasunod nito, maraming mga alaala ang nagsimulang bumaha sa harap at likod ng mata ni Madeline, kasama na kung paanong dati niyang minahal nang sobra si Jeremy Whitman. Kahit na wala itong puso sa kanya, minahal niya pa rin ito nang lubusan. Tapos, isang imahe niya na ginagawa ang lahat nang walang reklami ang lumitaw sa kanyang isipan. Naalala na niya. Naaalala na niya ang lahat. Naalala niya din kung paano niya itinigil na kamuhian si Jeremy bago ang aksidente. Noong araw na iyon, sa harap ng bahay, narinig niya si Jeremy na bukal sa pusong sinasabi kay Jackson kung gaano siya nagsisi. Higit pa rito, ang pagiging taos-puso ng kanyang mukha ang nagpaalis ng poot niya dito. 'Di na ako galit sa kanya.' Naunawaan na ni Madeline sa wakas. Ang poot niya kay Jeremy pagkatapos nito
"Salamat sa pagligtas ng buhay ko Felipe, pero ngayon, ibinabalik ko na ito sa'yo." Nang marinig ito ni Felipe, tuluyan siyang napahinto. Hinawakan ni Jeremy si Madeline na nagdudugo at pumunta sa kotse na nakahinto sa tabi ng kalsada nang walang alinlangan. "Linnie, kumapit ka!" Puno ng luha ang mga mata niya nang tumakbo siya. Idinilat ni Madeline ang kanyang nanlalabong mata at nakita ang pag-aalala at takot sa mga mata ni Jeremy. Ito rin ang itsura niya noong sumuka siya ng dugo sa kalagitnaan ng engagement party ni Meredith. Unti-unting naunawaan ni Madeline. Natatakot si Jeremy, pero anong kinatatakutan niya? Takot ba siya na mamamatay siys?" Sa hospital. Umupo si Jeremy sa labas ng emergency room habang nababahala. Kahit na sa balikat lang ni Madeline tumsms ang bala, isa pa rin itong tama ng baril at di isang normal ba sugat. Makalipas ang mahabang oras, natapos na ang operasyon.Sinabi sa kanya na wala sa panganib ang bubay ni Madeline at naalis na din nil
Pinigilan niya ang paghinga niya at naramdamang tumagos ang basa sa kanyang pantalon. Itinaas niya ang tingin niya at tinignan ang likod ni Felipe. Pagkatapos hinawakan niya ang kanyang damit at tiniis ang sakit bago dahan-dahang maglakad palabas. Wala man lang siyang karapatan na tawagin ang pangalan niya kaya paano niya naiisip na bibigyan siya nito ng kahit katiting na awa sa sandaling ito? Pagkatapos makalabas ni Cathy ng kwarto habang tinitiis ang sakit, hinawakan niya ang pader at naglakad pabalik sa kanyang kwarto. Si Mrs. Sawyer, ang kasambahay ay katatapis lang sa paglilinis ng kwarto at palabas na. Nang makita niya si Cathy.na naglalakad nang maputla ang mukha, nagulat siya. "Miss, ikaw ba一" "Wag mong sabihin kay Felipe." Buong-lakas na sinabi ni Cathy sa kanya. "Please, Mrs. Sawyer, pakitulungan akong bumalik sa kwarto ko." Di na nagtanong pa si Mrs. Sawyer sa problema ng amo niya kaya dalian niyang tinulungan si Cathy na makabalik sa kanyang kwarto. Kaagad n
Pero sa di niya inaasahan, nakita niya si Felipe na naglalakad na may dalang bouquet ng rosas. Sa sandaling ito, ibang-iba ang itsura ni Felipe sa itsura niya noong araw na iyon. Nagbalik na siya sa kanyang elegante at matikas na pag-uugali. Ilang mga babae ang nakatingin sa kanya ay hinahangaan ang itsura niya na parang mga dalagang umiibig. Ganun din si Cathy. Tuwing mangyayari ito, napapaisip siya kung maswerte ba siya. Kahit na di niya makuha ang pagmamahal nito, kahit paano nakuha niya ang katawan nito. Habang pinapagaan niya ang kanyang loob, nakita niya si Felipe na naglalakad patungo sa inpatient department. Tapos napagtanto niya na binibisita ni Felipe si Madeline nang may dalang bouquet ng rosas. Pero bakit nasa ospital si Madeline? Naalala ni Cathy ang mensaheng ipinadala niya kay Madeline noong araw na iyon. Narinig niya na gustong makipagkita ni Felipe kay Jeremy nang mag-isa at nagkaroon siya ng masamang kutob. Kaya sinabi niya kay Madeline ang tungkol dit
Nang makita niyang nalaglag ang report sa harap ni Felipe, nilamig ang katawan ni Cathy. Nagamadali siyang yumuko para damputin ito. Subalit nang tumayo siya habang hawak ang report, hinablot ito ni Felipe mula sa kamay niya. Tinignan ni Felipe ang laman ng report habang padilim nang padilim ang mga mata niya bawat segundo. Tumayo si Cathy sa isang tabi nang kinakabahan at nahihirapan na siyang huminga. Di man lang siya nagkaroon ng pagkakataon na makita ang report bago siya matakot kay Felipe. Hindi siya nagtapang na sabihin kay Felipe ang tungkol sa pagbubuntis niya, pero ngayon… Pagkatapos bigla niyang narinig si Felipe na suminghal. Ang boses niya ay napakalamig. "Di nakakapagtakang mukhan susuka ka na noong araw na yun. Buntis ka." Naging maputla na parang abo ang mukha ni Cathy nang marinig niya ito. Pero kasunod nito, dumaan sa tainga niya ang malamig na boses ni Felipe. "Kakaiba ka din. Pinalaglag mo ito sa sandaling makuha mo." Ano? Napatalon ang puso ni
Atsaka tinawagan niya si Jackson at sinabi sa kanya na mawawala siya dahil sa trabaho. Mukhang naniwala sila sa kasinungalingan niya. "Sakto ang dating mo Eveline. Sinabi ng dad mo kahapon na magkaroon tayo ng isang family trip at naisip na baka malinutan na natin ang malungkot na nakaraan." Bumuntong-hininga siya habang kumikinang sa luha ang mata niya. "Alam kong masakit Eveline pero di natin mababago ang katotohanan na wala na si Lily." Inabot ni Eloise ang kanyang kamay para hawakan ang kamay ni Madeline nang malambing, habang nananatili siyang tahimik. "Pwede tayong mag-usap pa pagpasok natin Eveline." Tapos hinila ni Eloise si Madeline papasok ng bahay. Nang mabanggit si Lillian, naramdaman ni Madeline na uminit ang mata niya. Nanatili siya sa iisang pwesto at ibinuka ang kanyang bibig para sabihin nang kalmado, "Bumalik na ang alaala ko." Biglang huminto ang paglalakad ni Eloise. Nararamdaman ni Madeline na lumalamig ang kamay ni Eloise nang marinig ang boses niya,