Sa isang di malamang dahilan, ang kawalan ng emosyon sa mukha ni Madeline ay nagdulot ng pagkabahala. Ipinagdasal niya na makita ang paghanga at pag-aalinlangan sa mga mata ni Madeline ngunit bumungad lang sa kanya ay isang di natitinag na pagkahinahon. Para sirain ang katahimikan, nagsalita si Madeline. "Nabulag ka dahil sa akin, Mr. Whitman kaya napagpasyahan kong iligtas ka noong maaaksidente ka sa Glendale University. "Iniligtas mo ako noong nadulas ako at nahulog sa tubig sa isla kung saan muntik na ako malunod sa dagat kaya iniligtas kita noong ikaw naman ang nasa panganib sa pagkakataong ito." Ipinaliwanag ni Madeline ang dalawang beses na ibinuwis niya ang kanyang buhay para iligtas si Jeremy. "Nauunawaan mo na ba, Mr. Whitman? Di ki yun ginawa dahil sa pagmamahal. Sadyang ayaw ko lang magkaroon ng utang na loob sa'yo." Habang tulala, ayaw siyang paniwalaan ni Jeremy. "Hindi Linnie. Di sa ganon." Itinanggi niya ito. "Hindi sa ganon? Paano pala ang gusto mong man
Kahit na tinawagan siya ni Felipe habang wala siya, hindi kumilos si Madeline para sumagot. Ngunit, si Jeremy ay nananatiling tahimik. Na para bang naiintindihan niya ang kanyang kagustuhan, hindi na niya siya ginulo. Sa ilang araw pagkatapos ng kanyang pagbabalik, may inasikaso si Madeline sa kanyang trabaho bago nagdala ng isang pirmadong tseke at ilang mga dokumento sa villa ni Felipe. Mukhang wala si Felipe nang dumating siya. Pumasok si Madeline at nakita niya si Cathy na nanlulumong nakaupo sa sofa. Maputla ang kanyang balat at mukhang hindi maayos ang kanyang pag-iisip. "Ayos ka lang ba, Cathy?" Nilapitan siya ni Madeline at nagtanong. Nahimasmasan si Cathy ay napansin na narito si Madeline. "Bakit ka nandito, Eveline? Lumabas si Felipe." "Tawagin mo akong Evie, Cathy." Nagbago ang ekspresyon ni Cathy sa pagkalito. "Bakit?" Umiling si Madeline nang may maliit na ngiti. "Ikaw naman, Cathy, kumusta ka? Bakit mukha kang malungkot?" "Hmm? Ayos lang ako." Ngumiti
Imposibleng hindi naintindihan ni Madeline ang ipinapahiwatig ni Felipe, pero tumitig lang siyang maigi sa matatalim ng tingin ng lalaki. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Felipe? Kasi kung oo, ibig sabihin noon ay hindi kita sinisisi sa isang bagay na hindi mo ginawa. Hindi talaga ikaw ang maginoong lalaki na inakala ko noon." Nagdilim ang tingin ni Felipe habang lumuwag ang kanyang pagkakahawak kay Madeline. Determinado ang tingin ni Madeline nang hinila niya ang kanyang kamay nang walang pag-aalinlangan. "Iimbestigahan ko ang nangyari kay Lilian at maghahanap ako ng pruweba na ikaw ang gumawa nito. Hindi ko hahayaang mamatay ang anak ko sa ganito kalabong kamatayan." "Sinabi ko sa'yo na wala akong ginawa para saktan si Lilian." Mapilit ang tono ni Felipe. "Mas pinapaniwalaan mo ang lalaking naglagay sa'yo sa mala-impiyernong buhay kaysa sa taong nagligtas sa'yo mula sa bingit ng kamatayan, Eveline?" Hindi natinag si Madeline nang sumagot siya, "Alam mo ba kung ano ang pinaka
Nagliwanag ang mga mata ni Cathy habang hindi siya makapaniwalang tinignan ang lalaki sa kanyang harapan. Pakiramdam niya ay nahulog siya sa mahipnotismong titig ng lalaki at hindi niya mapigilan ang kanyang pang-aakit. "Wag kang mag-alala, Felipe. Hindi kita ipapahiya." Kuntentong ngumiti si Felipe bago nilapat muli ang kanyang mga labi kay Cathy. Binuhat niya siya sa kanyang mga braso, at kumalat ang init sa kung saan nagdikit ang kanilang mga balat. Isa-isang nagkalat ang damit sa lapag habang nagsalikop at nagdikit ang kanilang mga katawan. Para itong isang panaginip para kay Cathy. Napakatamis nito na pinikit niya ang kanyang mga mata at hiniling na hindi na siya magising mula rito. … Ngayong lahat ng mga stocks ng Miss L.ady ay naipasa na kay Felipe, hindi na inasikaso ni Madeline ang shop at hindi na rin siya ang lead designer ng Miss L.ady. Binuhos niya ang bawat araw sa paghahatid-sundo kah Jackson mula at pauwi ng paaralan habang ang kanyang natitirang oras ay
Sa pagtataka, nagpunta si Madeline sa banyo nang walang pagdadalawang-isip. Ang pinakamalaking diperensya sa pagitan nito at ng sala ay ang bugso ng mapangsuklam na enerhiya na umaapaw mula rito. Pagpasok niya, nabigla siya sa eksena na sumalubong sa kanyang mga mata. "Tignan mo to, Linnie. Ang lahat ng ito ay mga larawan at impormasyon tungkol sa'yo at sa'kin." Naglakad si Jeremy papalapit sa pader at kinuha ang larawan ni Madeline. Ang kanyang mukha ay minarkahan ng pulang tinta at ang kanyang larawan ay dinungisan ng isang matalim na bagay. Kumunot ang kanyang noo at kinabahan siya. Naisip ni Madeline ang tindi ng galit ni Felicity sa kanya mula sa mga larawan na nakadikit sa buong banyo. "May nagsasabi sa'kin na galit siya sa'kin pero mahal ka niya." Seryoso ang itsura ni Jeremy. "Hindi ko alam na magkamukha kayong dalawa, Linnie. At kahit na alam ko, imposible pa rin na magkaroon ako ng nararamdaman para sa kanya." "Wala ka mang nararamdaman sa kanya, pero siya, tiya
"..." Hindi na ito gustong pagtalunan pa ni Madeline at naging seryoso ang kanyang ekspresyon. "Sabihin mo sa'kin, asan si Felicity?" "Sa F Country." "F Country?" Mas lalong tumibay ang kanyang hinala na sangkot rito si Felipe. Hindi na siya nagdalawang-isip at kinuha ang kanyang phone para bumili ng ticket sa susunod na flight. Kaagad siyang pinigilan ni Jeremy nang makita niya ito. "Anak ko rin si Lilian. Wala pa akong nagawa para sa kanya bilang ama niya, kaya hayaan mong gawin ko to nang mag-isa." Tinulak ni Madeline ang kanyang papalapit na kamay. "Anak ko rin si Lilian, Jeremy. May ideya ka ba kung gaano siya kahalaga sa'kin?" Natulala si Jeremy habang tinanggap niya ang mabigat na tingin ni Madeline. "Binuhay nga akong muli ni Felipe noong walang awa mo kong iniwan para mamatay, pero nawalan na ako ng dahilan para mabuhay. Si Lilian ang nagbigay sa'kin ng pag-asa na magsimulang muli at mabuhay. Binigyan ko nga siya ng buhay, pero binigyan niya ako ng lakas na m
Parehong lumingon si Madeline at Jeremy sa direksyon na tinuturo ng bartender at natagpuan ang isang pamilyar na anyo na napapalibutan ng mga umiinom at nagsusuntukang lalaki. Ngunit bago nila matignan nang maigi ang babae nang dahil sa nagsasalubong na mga ilaw sa bar na sumisilaw sa kanilang mga mata, nakita nila itong tumingin sa phone nito bago umalis. Kaagad na nagmadali sina Madeline at Jeremy para habulin siya. Pagtakbo nila sa may pintuan, isang lalaki na amoy alak ang tumayo sa harapan ni Madeline. "Hoy, babae. Saglit lang tayong hindi nagkita at mas gumanda ka na kaagad. Libre ako ngayong gabi, baka gusto mong magsaya tayo sa hotel mamaya?" Sigurado si Madeline na napagkamalan siya ng lalaki na siya si Felicity. Magsasalita na sana siya nang inabot ni Jeremy ang kanyang kamay para hawakan ito. Tinitigan niya nang malamig ang lalaki. "Maling tao ang kausap mo." "Paano akong magkakamali? Nakalimutan mo na ba, baby? Sobrang saya natin sa kama dati––"Bang!"Aray!" S
Sa sandaling iyon, ang lalaking humahabol sa kanila ay lumitaw sa kanilang harapan. Nang mapansin niya ito, kinuha ni Madeline ang kamay ni Jeremy at tumalikod muli. "Umalis na tayo." Desididong sumunod si Jeremy, pero ang kanyang taas at gwapong itsura ay madaling makita sa gitna ng mga tao. Hinabol sila ng lalaki. Nang walang pag-aalinlangan, hinila ni Madeline si Jeremy papunta sa isang tourist bus na napadaan. Sa oras na nahabol sila ng grupo ay nagsimula nang umandar ang bus. Panandaliang silang ligtas. Nakahinga nang maluwag si Madeline. Umalog ang bus at habang hawak ang bouquet ay tumumba siya bago niya mahawakan ang railing. Ngunit hindi siya natumba dahil nasalo siya ni Jeremy sa kanyang baywang. Napansin niya na yakap siya ni Jeremy sa kanyang malapad na dibdib habang ang kanyang mahahabang mga braso ay nakahawak sa kanyang baywang. Napakanatural nitong pakiramadaman. Sa paningin ng iba, silang dalawa ay mukhang isang halimbawa ng isang mapagmahal na magnob