"..." Hindi na ito gustong pagtalunan pa ni Madeline at naging seryoso ang kanyang ekspresyon. "Sabihin mo sa'kin, asan si Felicity?" "Sa F Country." "F Country?" Mas lalong tumibay ang kanyang hinala na sangkot rito si Felipe. Hindi na siya nagdalawang-isip at kinuha ang kanyang phone para bumili ng ticket sa susunod na flight. Kaagad siyang pinigilan ni Jeremy nang makita niya ito. "Anak ko rin si Lilian. Wala pa akong nagawa para sa kanya bilang ama niya, kaya hayaan mong gawin ko to nang mag-isa." Tinulak ni Madeline ang kanyang papalapit na kamay. "Anak ko rin si Lilian, Jeremy. May ideya ka ba kung gaano siya kahalaga sa'kin?" Natulala si Jeremy habang tinanggap niya ang mabigat na tingin ni Madeline. "Binuhay nga akong muli ni Felipe noong walang awa mo kong iniwan para mamatay, pero nawalan na ako ng dahilan para mabuhay. Si Lilian ang nagbigay sa'kin ng pag-asa na magsimulang muli at mabuhay. Binigyan ko nga siya ng buhay, pero binigyan niya ako ng lakas na m
Parehong lumingon si Madeline at Jeremy sa direksyon na tinuturo ng bartender at natagpuan ang isang pamilyar na anyo na napapalibutan ng mga umiinom at nagsusuntukang lalaki. Ngunit bago nila matignan nang maigi ang babae nang dahil sa nagsasalubong na mga ilaw sa bar na sumisilaw sa kanilang mga mata, nakita nila itong tumingin sa phone nito bago umalis. Kaagad na nagmadali sina Madeline at Jeremy para habulin siya. Pagtakbo nila sa may pintuan, isang lalaki na amoy alak ang tumayo sa harapan ni Madeline. "Hoy, babae. Saglit lang tayong hindi nagkita at mas gumanda ka na kaagad. Libre ako ngayong gabi, baka gusto mong magsaya tayo sa hotel mamaya?" Sigurado si Madeline na napagkamalan siya ng lalaki na siya si Felicity. Magsasalita na sana siya nang inabot ni Jeremy ang kanyang kamay para hawakan ito. Tinitigan niya nang malamig ang lalaki. "Maling tao ang kausap mo." "Paano akong magkakamali? Nakalimutan mo na ba, baby? Sobrang saya natin sa kama dati––"Bang!"Aray!" S
Sa sandaling iyon, ang lalaking humahabol sa kanila ay lumitaw sa kanilang harapan. Nang mapansin niya ito, kinuha ni Madeline ang kamay ni Jeremy at tumalikod muli. "Umalis na tayo." Desididong sumunod si Jeremy, pero ang kanyang taas at gwapong itsura ay madaling makita sa gitna ng mga tao. Hinabol sila ng lalaki. Nang walang pag-aalinlangan, hinila ni Madeline si Jeremy papunta sa isang tourist bus na napadaan. Sa oras na nahabol sila ng grupo ay nagsimula nang umandar ang bus. Panandaliang silang ligtas. Nakahinga nang maluwag si Madeline. Umalog ang bus at habang hawak ang bouquet ay tumumba siya bago niya mahawakan ang railing. Ngunit hindi siya natumba dahil nasalo siya ni Jeremy sa kanyang baywang. Napansin niya na yakap siya ni Jeremy sa kanyang malapad na dibdib habang ang kanyang mahahabang mga braso ay nakahawak sa kanyang baywang. Napakanatural nitong pakiramadaman. Sa paningin ng iba, silang dalawa ay mukhang isang halimbawa ng isang mapagmahal na magnob
Sobrang biglaan ang mga kinilos ni Jeremy at walang oras si Madeline para kumibo, pero mabilis niyang naintindihan ang dahilan sa likod ng kanyang kinilos. Gusto niyang isipin ng lalaki na isa silang magnobyo na sobrang mahal ang isa't-isa na hindi mapigilan ang kanilang pagnanasa. Matalino ang lalaki kaya nilapitan pa rin sila nito. Walang magawa si Madeline kundi igilid ang kanyang mukha at hawakan ang balikat ni Jeremy habang hinalikan niya ito pabalik. Kahit na sa gitna ng malamig na araw ng Disyembre, naramdaman ni Madeline na uminit ang kanyang katawan at nawala ang pagkakalmado ng tibok ng kanyang puso. Hindi niya matukoy kung sinasadya iyon ni Jeremy o para sa kanilang pagpapanggap, pero naramdaman niyang nilaliman nito ang halik at pinasok ang isang kamay sa kanyang jacket para hawakan ang kanyang baywang… Tok, tok, tok. Kumatok ang lalaki sa bintana. Huminto ang mga halik ni Jeremy. "Private property to. Kung maglalandian kayo, sa ibang lugar kayo pumunta,"
Nagtatakang tinignan ni Madeline ang lalaking nakakunot ang noo. "Nabagabag ako noon kung talaga bang bulag ka sa mga pagpapaawa ni Meredith. Pero sinasabi ng mga kinikilos mo na alam mo kung anong ginagawa niya at ipinagtanggol mo pa rin siya dahil sa pagmamahal mo sa kanya."Ang hindi ko inasahan ay ang dahilan sa likod ng pagtanggap mo ay resulta pala ng ipinangako mo sa'kin noong mga bata pa tayo. "Hindi ko naisip na seseryosohin mo ang isang biruan ng mga bata hanggang sa puntong hindi mo papansinin ang tama sa mali, para lang tuparin ang pangakong yon."Nakita ni Madeline si Jeremy na nakatitig nang maigi sa kanya. "Hindi yun biro. Nangako ako sa'yo, Linnie, at gagawin ko ang lahat para tuparin yun, pero hindi mababago non ang katotohanan na nabulag ako." Sa sandaling iyon, lumabas si Felicity ng manor at hinatid pauwi sakay ng isang pribadong kotse. Isinantabi nina Jeremy at Madeline ang kanilang mga nararamdaman at sinundan ito. Ngunit, dahil hindi pamilyar si Jeremy sa
Habang nakatingin sa umaasa at bahagyang kinakabahan na mapupungay na mga mata ay kalmadong sumagot si Madeline, "Magpustahan tayo kung matatapos na ba ang tadhana natin rito, o nararapat ba na ituloy natin kung saan tayo nahinto." 'Ituloy natin kung saan tayo nahinto.' Ang anim salitang iyon ay nagbigay ng natatanging saya sa mga mata ni Jeremy. Binibigyan siya nito ng pagkakataon!"Paano tayo magpupustahan, Linnie?" Kampante siya, hindi siya makapaghintay na nagtanong. Lalo na, sigurado siya na itinadhana talaga sila. Natuwa siya nang marinig niya si Madeline na magsalita. "Babalik tayo nang mag-isa, bawat isa sa'tin ay maghihiwalay ng daan. Kapag nagkita tayo sa hotel entrance ng mas mababa sa limang minuto pagdating ng nauna, masasabi ko na itinadhana tayo.""Sige." Mabilis na pumayag si Jeremy. Pag-alis nila sa dessert shop, nag-aalinlangan niya siyang tinignan. "Pwede ba kitang yakapin ulit Linnie?" "Ano to? Natatakot ka ba na baka hindi mo na ako makita ulit?" Tu
"Sumakay kayo, Ms. Quinn." Binuksan ng bodyguard ang pinto. Mukhang kahit na ayaw niya ay hindi siya nila hahayaang makaalis. Nang pinilit siyang pasakayin sa kotse, nakita ni Madeline si Jeremy ba naghihintay sa may gate ng hotel nang may mainit na ngiti at isang bouquet ng baby's breath. Nakarating siya tatlong minuto pagkatapos niya. Nagkita sana sila kung hindi siya pinilit na sumakay sa kotse. Tinignan rin ni Felicity ai Jeremy. "Sayang naman. Mukhang hindi talaga kayo tinadhana sa huli." Nilang si Madeline. Alam ni Felicity ang pustahan na ginawa nila ni Jeremy kanina. Ngumiti si Felicity sa gulat na ekspresyon ni Madeline. "Mukhang wala ka talagang alam na kahit na ano tungkol kay Felipe, Eveline." "Anong ibig mong sabihin?" "Hmph." Suminghal si Felicity at tumigas ang kanyang tingin. "Malalaman mo rin mamaya." Pagkatapos ay umandar papalayo ang kotse. Habang nakatingin kay Jeremy na nakatayo sa gate ng hotel, nakaramdam ng mabigat na pangungulila si Madeli
Kumislap ang pagkataranta sa mga mata ni Madeline. "Anong pinaparating mo, Felicity Walker?" "Oh? Natatakot ka ba? O nag-aalala na baka mamatay siya?" Puno ng pagkamuhi ang tono ni Felicity. "Hindi ba araw-gabi mong hiniling na magdusa ang lalaking to? Kung gayon, dapat magsaya ka, dahil mapupunta na siya sa impyerno anumang oras ngayon." Sigurado na si Madeline na sinusubaybayan nila ang bawat isang kilos nila ni Jeremy. Si Felipe lang ang pwedeng gumawa ng ganitong bagay. Mayroon nga siyang mas malaking kapangyarihan sa F Country kumpara sa kanyang nalalaman. "Problema na naming dalawa kung gaano ko man kinaayawan si Jeremy. Wala sa inyo ang desisyon na kumilos para sa'kin." Malamig ang tono ni Madeline at matulis ang kanyang tingin. "Hindi ako tanga para hindi mapansin ang katotohanan na ginagamit ni Felipe ang galit ko kay Jeremy para mawala siya sa landas niya." "Hindi ko alam ang sinasabi mo," inosenteng sabi ni Felicity bago lumamig ang kanyang mga mata. Nagsalita si