All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 711 - Chapter 720

2479 Chapters

Kabanata 711

Nabigla si Madeline nang makita niya si Jeremy na sumusugod nang walang alinlangan. Nakarinig si Yvonne ng yabag mula sa likod niya at lumingon bigla. Nang makita niya si Jeremy, nagbago ang mukha niya. Tapos inilabas niya ang kanyang patalim at lumapit kay Meredith bago itutok ito sa leeg niya. "Jeremy, wag mo akong pilitin. Kung hindi papatayin ko si Madeline!" Nagbanta si Yvonne. Gusto lang iligtas ni Jeremy si Lillian nang bigla niyang marinig na sabihin ni Yvonne na gusto niyang patayin si Madeline. Lumingon siya at nakita di Yvonne na hawak ang babaeng duguan na nakatali sa puno. Tinignan niya ito nang maigi at nakilala niya na si Felicity ang babaeng ito. Dahul kamukha nito si Madeline, napagkamalan ni Yvonne na si Madeline ito. Akala niya si Madeline si Felicity kaya ibinubuhos niya ang lahat ng galit niya kay Felicity. Nang makita niya ang mga sugat sa mukha at ulo ni Felicity, gumaan ang pakiramdam ni Jeremy. Hindi siya lumingon at dumiretso sa kotse. "Kuy
Read more

Kabanata 712

Nakaramdam niya ng sari-saring emosyon sa kanyang puso. Biglang narinig niya ang malutong na tunog bago sumabog ang kotse. Nang makita ni Yvonne na di nasaktan si Madeline, halos sumabog na siya sa galit. "Madeline, papatayin kita! Ako一" Boom! "Ah!" Sinipa ni Jeremy palayo si Yvonne at hinila si Madeline. Pagkatapos nito tumakbo siya nang mukhang seryoso. "Linnie, dali! Sasabog na ang kotse!" 'Ano? 'Sasabog na ang kotse?' Natulala di Meredith nang marinig niya ito habang nakatali pa rin siya sa puno. Pagkatapos, sa isang iglap tumalsik ang mga siklab at isang malakas na pagsabog ang bumalot sa paligid. Boom! Napakalakas ng pagsabog at nahila mula sa lupa ang mga halaman sa paligid. Binuhat ni Jeremy si Lillian gamit ng isang kamay at hinawakan si Madeline gamit ng kabila at prinotektahan ang mag-ina niya sa mga kamay niya. Makalipas ang isang sandali, tumahimik ang paligid. Itinaas ni Madeline ang kanyang tingin at ang una niyang nakita ay ang sugat sa lik
Read more

Kabanata 713

Hindi pa nakahalik ng babae si Felipe noon. Hindi niya hinalikan si Cathy kahit noong matalik sila noong gabing iyon. Hindi rin niya inasahan na matapang siyang hahalikan ng babaeng ito. Bwiset. Sumimangot si Felipe at itinulak palayo si Cathy nang walang alinlangan. Kumislap ang itim niyang mga mata pero nakatingin ito nang masama sa babaeng tulala. "Binalaan na kita na layuan ako." Umupo si Cathy at tumingin nang diretso sa kanya. Kumurap ito habang basa ng luha ang pilikmata niya. "Basta't makakasama kita, handa akong lumapit ssyo kahit na isa ka pang apoy." Tinignan niya ang madugong kamay nito at hinawakan ito nang marahan nang kusa. Pagkatapos, inilapit niya ang mukha niya at hinalikan ang likod ng kamay nito. Tinignan ni Felipe ang babaeng nakaluhod sa harapan niya bago hilahin ito bigla patungo sa kanya. Nawala sa sarili si Cathy nang lumapit ang nakakaakit ni mukha ni Felipe sa kanya. Subalit bago pa niya maunawaan kung anong nangyayari, idiniin siya ni F
Read more

Kabanata 714

"Talaga?" Mukhang di makapaniwala si Jackson. "Daddy, patingin ng sugod mo para mapanatag ako." Ayaw takutin ni Jeremy ang bata dahil sa sugat niya pero napakamapilit nito. Dinala niya ang bata sa kwarto dahil wala siyang magawa. Sumunod din si Madeline sa kanila habang umalis si Karen sa daanan ni Madeline na parang iniiwasan siya nito. Nakatingin din siya kay Madeline na parang may sasabihin siya dito. Hindi naisip ni Madeline na kakaiba ang kinikilos ni Karen at ngumiti na lang. Ihinubad ni Jeremy ang kanyang sweater sa kwarto, at naipakita ang kanyang makinis na katawan. Mayroong dugo na tumatagos sa nabendahan niyang sugat. Hinipan ito ni Jackson habang nalulungkot. "Daddy, dumudugo ka. Masakit siguro yan Daddy?" "Siguro nadiinan ko ito habang natutulog." Napansin ni Jeremy ang pagdurugo. Tapos, hinaplos niya ang ulo ng bata. "Di ako nasasaktan kaya wag kang mag-alala sa akin Jack." Pagkatapos niyang sabihin yan, nakita niya si Madeline na naglalakad na may dalang fi
Read more

Kabanata 715

Nagulat si Madeline. Hindi niya inakalang hahalikan siya ni Jeremy. Gusto niyang itulak ito palayo, pero lalo lang siya nitong hinawakan nang mas mahigpit. Ang pabango ni Jeremy na amoy cedarwood ay umabot sa kanyang ilong at puso. Tila ba may nakakaakit na katangian ang pabango niya. Tumingin si Madeline sa lalaking humahalik sa kanya habang nakapikit ang mata nito. Kumurap siya habang pumapagaspas nang bahagya ang mahaba niyang pilikmata. Pagkatapos, inabot ng kamay niya ang braso nito. Natuwa si Jeremy nang makita niya si Madeline na sumusunod matapos siyang tanggihan noong umpisa. Itinikom niya ang bibig niya at inilayo ang kanyang sarili. Ang kanyang manipis at malalim ba mata ay tumingin sa kanya nang sabihin niya nang malumanay, "Linnie, magsimula ulit tayo para sa kapakanan ng dalawang bata, okay?" Mommy, Daddy, ano pong ginagawa niyo?" Nababahalang naghihintay si Jeremy sa sagot ni Madeline nang isang nagtatakang boses ang nagmula sa pinto. Itinulak ni Madeline
Read more

Kabanata 716

Alam ni Karen na iuuwi ni Jeremy si Madeline para maghapunan kaya naghahanda siya ng pagkain kasama ng kasambahay sa kusina. Alam niyang naging napakasama niya kay Madeline nitong mga nagdaang taon. Noon kinamuhian niya rin si Madeline noong manugang niya pa ito. Pero kahit anong mangyari tao pa rin siya na nakakaramdam. Kahit gaano siya ka padalos-dalos, di niya mababalewala ang katotohanan na iniligtas siya ni Madeline noong araw na yun. Kahit na ayaw niyang aminin ito, nagsisi siya. Dahan-dahang lumapit si Meredith at nagatataka nang makita niya ang eksenang ito. Tapos narinig niya ang kasambahay na tinatanong si Karen, "Madam, bakit ang daming putahe? May mga bisita ba mamaya?" Maganda ang timpla ni Karen ngayon. "Pauwi na ang young madam." "Ang young madam?" Naisip ng kasambahay si Madeline. "Tinutukoy mo ba si Ms. Montgomery? Diba hiwalay na sila ni Mr. Whitman? Atsaka mukhang di mo din siya gusto, Madam." Mukhang nahiya si Karen. Tapos sinabi niya, "Pwede ka naman
Read more

Kabanata 717

"Ano?" Biglang napatalon su Karen. "Totoo ba ang sinasabi mo?" "Bakit ako magsisinungaling sa'yo, Mrs. Whitman?" Kumunot ang noo ni Meredith at mukhang naagrabyado. "Tignan mo lang ang mukha ko at ang sugat sa noo ko, malalaman mong totoo ang sinasabi ko." Itinaas ni Karen ang tingin niya para tignan si Meredith. Paglipas ng isang segundo, nagdilim ang mukha niya. "Ang p*ta na yun! Sabi ko na di siya ganon kabait!" Ayaw talaga ni Karen kay Madeline kaya madali siyang napaikot. Natuwa si Meredith sa kanyang sarili pero nanatili pa rin ang inosenteng mukha niya. "Sa totoo lang Mrs. Whitman, isipin mo lang. Ayaw na ayaw sa'yo ni Madeline, kaya bakit ka niya ililigtas? Kung ikaw si Madeline, ililigtas mo ba ang isang taong lagi kang kinakalaban?" Lumagay si Karen sa posisyon ni Madeline at lalong nagdilim ang mukha niya. Sinabi niya nang di nag-iisip, "Kung ako si Madeline, di ko ililigtas ang ganyan kasamang biyenan!" "..." Muntik nang matawa nang malakas si Meredith nang ma
Read more

Kabanata 718

Malamig ang tono niya at ang mga mata niya ay mas malamig kaysa sa boses niya. "Ibinuwis ni Linnie ang buhay niya para iligtas ka noong nadukot ka noong nakaraan. Ayos na kahit di mo siya pasalamatan, oero ngayon gusto mo pa siyang pag-initan! Talagang nagdududa na ako kung ikaw ba talaga ang nanay ko." "..." Nanggigigil at natataranta si Karen. "Gusto mong pasalamatan ko siya? Alam mo bang sinampal niya ako at sinigawan ako noong araw na yun? Maloloko sana niya ako kung wala akong utak!" Naramdaman ni Jeremy na wala na siyang ganang makipagtalo pa kay Karen. Hinawakan niya ang kamay ni Jackson. "Jack, dadalhin kita sa labas para kumain." "Sasama ba sa atin si Mommy?" Mukhang umaasa si Jackson. Kumunot ang noo ni Jeremy. Sinabihan niya si Jackson na kumbinsihin si Madeline na pumunta para maghapunan ngayong gabi. Pero sira na itong lahat ngayon. Sinubukan niyang tawagan si Madeline pero tinanggihan nito ang lahat ng tawag niya. "Jack, may kailangang asikasuhin si Mommy ka
Read more

Kabanata 719

Sa sandaling ito, talagang hiniling ni Jeremy na sana di na lang bumalik ang paningin niya. Nasaktan siya nang lubos sa nakita niya. Nagblangko ang isip niya nang makita niya si Madeline na hinahayaan si Felipe na ikarga siya nang di man lang nagpupumiglas nang pumasok sila sa kotse at umalis. 'Linnie, pagkatapos ng lahat, ayaw mo pa rin akong bigyan ng pagkakataon. 'Sa huli si Felipe pa rin ang pinili mo huh?' Nang panoorin niya ang kotse na bumiyahe palayo, tumayo siya sa gitna ng malamig na hangin ng taglagas at naramdaman na parang lumubog ang puso niya sa isang nagyeyelong kweba. Sobrang nakakakilabot ang lamig nito. Pinaghandaan ni Felipe ang hapunan ngayong gabi. Sa sandaling ito, itinaas niya ang kanyang kamay at hinaplos ang mainit na mukha nito nang tignan niya si Madeline na nakasandal sa kanyang balikat. Pulang-pula ang mukha nito. "Eveline, itatrato kita nang mas maayos kaysa kay Jeremy. "Ibibigay ko ang lahat ng di niya naibigay sa'yo," Sinabi niya bago
Read more

Kabanata 720

Napansin na ni Jeremy si Cathy. Ang mga mata niya ay mukhang seryoso at nagtanong siya, "Nasaan si Felipe? Saan niya dinala si Linnie?" Nakahinga nang maluwag si Cathy at tinuro ang kwarto ni Felipe nang walang alinlangan. Sumugod si Jeremy at sinipa pabukas ang pinto ng kwarto ni Felipe. Nang makita niya si Madeline na nakahiga sa kama at halos hubad na, itinikom niya ang kanyang kamao at hinablot ang kwelyo ni Felipe. Nakatingin siya nang masama kay Felipe na parang kutsilyo ang mga mata niya. "G*go ka Felipe! Anong binabalak mong gawin kay Linnie?" Iniwasan ni Felipe ang suntok ni Jeremy at itinaas nang kalmado ang kanyang tingin. Pagkatapos, galit niyang sinabi, "Akin ang babae sa kamang ito. Ano sa tingin mo ang gagawin ko sa kanya?" "Di ka man lang mahal ni Linnie kaya alisin mo na yan sa isipan mo!" Itinulak ni Jeremy palayo si Felipe at yumuko para isara ang damit ni Madeline. Tapos binuhat niya ito. "Felipe, napakasama mo para subukang makuha ang isang babae sa gan
Read more
PREV
1
...
7071727374
...
248
DMCA.com Protection Status