"Ano?" Biglang napatalon su Karen. "Totoo ba ang sinasabi mo?" "Bakit ako magsisinungaling sa'yo, Mrs. Whitman?" Kumunot ang noo ni Meredith at mukhang naagrabyado. "Tignan mo lang ang mukha ko at ang sugat sa noo ko, malalaman mong totoo ang sinasabi ko." Itinaas ni Karen ang tingin niya para tignan si Meredith. Paglipas ng isang segundo, nagdilim ang mukha niya. "Ang p*ta na yun! Sabi ko na di siya ganon kabait!" Ayaw talaga ni Karen kay Madeline kaya madali siyang napaikot. Natuwa si Meredith sa kanyang sarili pero nanatili pa rin ang inosenteng mukha niya. "Sa totoo lang Mrs. Whitman, isipin mo lang. Ayaw na ayaw sa'yo ni Madeline, kaya bakit ka niya ililigtas? Kung ikaw si Madeline, ililigtas mo ba ang isang taong lagi kang kinakalaban?" Lumagay si Karen sa posisyon ni Madeline at lalong nagdilim ang mukha niya. Sinabi niya nang di nag-iisip, "Kung ako si Madeline, di ko ililigtas ang ganyan kasamang biyenan!" "..." Muntik nang matawa nang malakas si Meredith nang ma
Malamig ang tono niya at ang mga mata niya ay mas malamig kaysa sa boses niya. "Ibinuwis ni Linnie ang buhay niya para iligtas ka noong nadukot ka noong nakaraan. Ayos na kahit di mo siya pasalamatan, oero ngayon gusto mo pa siyang pag-initan! Talagang nagdududa na ako kung ikaw ba talaga ang nanay ko." "..." Nanggigigil at natataranta si Karen. "Gusto mong pasalamatan ko siya? Alam mo bang sinampal niya ako at sinigawan ako noong araw na yun? Maloloko sana niya ako kung wala akong utak!" Naramdaman ni Jeremy na wala na siyang ganang makipagtalo pa kay Karen. Hinawakan niya ang kamay ni Jackson. "Jack, dadalhin kita sa labas para kumain." "Sasama ba sa atin si Mommy?" Mukhang umaasa si Jackson. Kumunot ang noo ni Jeremy. Sinabihan niya si Jackson na kumbinsihin si Madeline na pumunta para maghapunan ngayong gabi. Pero sira na itong lahat ngayon. Sinubukan niyang tawagan si Madeline pero tinanggihan nito ang lahat ng tawag niya. "Jack, may kailangang asikasuhin si Mommy ka
Sa sandaling ito, talagang hiniling ni Jeremy na sana di na lang bumalik ang paningin niya. Nasaktan siya nang lubos sa nakita niya. Nagblangko ang isip niya nang makita niya si Madeline na hinahayaan si Felipe na ikarga siya nang di man lang nagpupumiglas nang pumasok sila sa kotse at umalis. 'Linnie, pagkatapos ng lahat, ayaw mo pa rin akong bigyan ng pagkakataon. 'Sa huli si Felipe pa rin ang pinili mo huh?' Nang panoorin niya ang kotse na bumiyahe palayo, tumayo siya sa gitna ng malamig na hangin ng taglagas at naramdaman na parang lumubog ang puso niya sa isang nagyeyelong kweba. Sobrang nakakakilabot ang lamig nito. Pinaghandaan ni Felipe ang hapunan ngayong gabi. Sa sandaling ito, itinaas niya ang kanyang kamay at hinaplos ang mainit na mukha nito nang tignan niya si Madeline na nakasandal sa kanyang balikat. Pulang-pula ang mukha nito. "Eveline, itatrato kita nang mas maayos kaysa kay Jeremy. "Ibibigay ko ang lahat ng di niya naibigay sa'yo," Sinabi niya bago
Napansin na ni Jeremy si Cathy. Ang mga mata niya ay mukhang seryoso at nagtanong siya, "Nasaan si Felipe? Saan niya dinala si Linnie?" Nakahinga nang maluwag si Cathy at tinuro ang kwarto ni Felipe nang walang alinlangan. Sumugod si Jeremy at sinipa pabukas ang pinto ng kwarto ni Felipe. Nang makita niya si Madeline na nakahiga sa kama at halos hubad na, itinikom niya ang kanyang kamao at hinablot ang kwelyo ni Felipe. Nakatingin siya nang masama kay Felipe na parang kutsilyo ang mga mata niya. "G*go ka Felipe! Anong binabalak mong gawin kay Linnie?" Iniwasan ni Felipe ang suntok ni Jeremy at itinaas nang kalmado ang kanyang tingin. Pagkatapos, galit niyang sinabi, "Akin ang babae sa kamang ito. Ano sa tingin mo ang gagawin ko sa kanya?" "Di ka man lang mahal ni Linnie kaya alisin mo na yan sa isipan mo!" Itinulak ni Jeremy palayo si Felipe at yumuko para isara ang damit ni Madeline. Tapos binuhat niya ito. "Felipe, napakasama mo para subukang makuha ang isang babae sa gan
Hindi pa nakita ni Jeremy na ganito si Madeline. Iniipit siya nito sa pader. Sa sandaling ito, ang mga mata nito ay napakalambing at mukhang nakakahumaling. Ang katinuan niya ay unti-unti nang naglalaho habang lalo niyang tinitignan ang kagandahan nito. "Linnie," Tinawag niya ang pangalan nito habang lumulunok siya. Hindi malinaw ang isip ni Madeline at pakiramdam niya isang apoy ang umaakyat sa kanyang katawan. Gusto niya ng tubig, gustong ibsan ang init sa loob niya. Baka matutulungan siya ng tao sa harapan niya. Lumapit diya dito at tinignan ito sa mata. Tapos nagtagpo ang paghinga nila. Hinaplos ni Jeremy ang mahaba niyang buhok. Ang maninipis nitong mata ay mukhang malambot, parang isang sapa. "Linnie…" "Yeah." Sagot ni Madeline. Para kay Jeremy, ito ang pinakamagandang sagot na inaasahan niyang marinig sa kanya. Di na niya mapigilan ang kanyang sarili. Hinawakan niya ang ulo nito at idinikit ang kanyang labi sa labi nito. Ipinikit ni Madeline ang mga mata niya
'May nangyari ba sa aming dalawa?' Naramdaman ni Madelinena uminit ang kanyang tainga. Tapos bigla niyang nakita ang isang kakaibang marka sa kanyang leeg nang tumingin siya sa salamin. Pagkatapos niyang maligo, nakita niya ang isang sulat na iniwan ni Jeremy. Mayroong isang simpleng pangungusap: [Linnie, ihahatid ko lang si Jack sa school. Pwede ka munang manatili dito at matulog muna saglit.] Hindi nito sinabi ang kahit na ano tungkol sa nangyari kagabi at parang natural lang na nagsalita. Tinignan ni Madeline ang sulat na iniwan ni Jermey at nagsimulang matulala. Tinignan niya ang maayos na sulat-kamay at bigla niyang naalala ang pagtatapat na nakita niya sa kwaderno sa restaurant malapit sa Glendale University. [Gusto kita Madeline Crawford.] Ngayon napagtanto na ni Madeline na si Jeremy ang nag-iwan ng sulat na iyon. Noon pa ito may gusto sa kanya noong unang taon pa lamang niya sa unibersidad. Pero inilihim nito ang kagustuhan nito sa kanya. Noong ginaya siya ni
Sa wakas nasa harapan na ng linya si Jeremy. Nang mag-oorder na siya, napansin niyang nawawala si Lillia pagtalikod niya. Nagtingin siya sa paligid ng shop pero di niya ito nakita kahit saan. Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ni Jeremy. Tinanong niya ang lahat ng nasa shop bago sabihin ng isang lalaki sa kanya na nakita nito ang isang magandang batang babae na tumatakbo palabas ng pinto mag-isa kanina lang. Nakasuot ang batang babae ng isang asul na damit at ang ganda ng mukha nito. Sigurado si Jeremy na si Lillian ito. Pero bakit siya tumakbo palabas nang mag-isa? Tapos tumakbo siya para tignan ang security footage ng shop. Nakita niya ang batang babaeng tumatakbo palabas mag-isa at mukhang tumatakbo ito papunta sa isang bagay. Sa kasamaang palad, limitado lamang ang lugar na sakop ng mga security camera sa shop kaya di makita ni Jeremy kung ano ang nangyayari sa labas ng shop. Tumakbo siya para kunin ang lahat nh mga camera sa paligid niya pero wala pa din siyang n
Nakatingin si Felipe sa oras sa kanyang relo nang marinig niyang sinabi sa kanya ito ni Madeline. Lumingon siya at tumingin sa kanya nang di makapaniwala. "Eveline?" Pinaandar ni Madeline ang kotse nang mas malapit sa kanya at ngumiti nang bahagya. "Ayos na pala. Babalik na tayo sa F Country sa susunod na linggo kasama ni Lily para mamuhay nang masaya nang tatlo lang tayo." Malinaw na nabigla si Felipe sa sagot ni Madeline. Pumapayag ito na bumalik sa F Country kasama niya. Silang tatlo. Umabot sa kailaliman ng puso niya ang pahayag na ito. Pero… Pinanood niya itong umandar palayo kasama ng kabayo nito at nagbago ang mukha niya. Pagkatapos nito, kaagad niyang inilabas ang kanyang cellphone at tinawag ang isang numero, pero di sumagot ang tao sa kabilang linya. Di nagdalawang-isip si Felipe bago tawagan si Cathy. Nang matanggap ni Cathy ang tawag niya, alam niyang may gustong ipagawa sa kanya si Felipe. Kahit na nagtataka siya, ginawa niya pa rin ito. Umandar palay