Sa sandaling ito, talagang hiniling ni Jeremy na sana di na lang bumalik ang paningin niya. Nasaktan siya nang lubos sa nakita niya. Nagblangko ang isip niya nang makita niya si Madeline na hinahayaan si Felipe na ikarga siya nang di man lang nagpupumiglas nang pumasok sila sa kotse at umalis. 'Linnie, pagkatapos ng lahat, ayaw mo pa rin akong bigyan ng pagkakataon. 'Sa huli si Felipe pa rin ang pinili mo huh?' Nang panoorin niya ang kotse na bumiyahe palayo, tumayo siya sa gitna ng malamig na hangin ng taglagas at naramdaman na parang lumubog ang puso niya sa isang nagyeyelong kweba. Sobrang nakakakilabot ang lamig nito. Pinaghandaan ni Felipe ang hapunan ngayong gabi. Sa sandaling ito, itinaas niya ang kanyang kamay at hinaplos ang mainit na mukha nito nang tignan niya si Madeline na nakasandal sa kanyang balikat. Pulang-pula ang mukha nito. "Eveline, itatrato kita nang mas maayos kaysa kay Jeremy. "Ibibigay ko ang lahat ng di niya naibigay sa'yo," Sinabi niya bago
Napansin na ni Jeremy si Cathy. Ang mga mata niya ay mukhang seryoso at nagtanong siya, "Nasaan si Felipe? Saan niya dinala si Linnie?" Nakahinga nang maluwag si Cathy at tinuro ang kwarto ni Felipe nang walang alinlangan. Sumugod si Jeremy at sinipa pabukas ang pinto ng kwarto ni Felipe. Nang makita niya si Madeline na nakahiga sa kama at halos hubad na, itinikom niya ang kanyang kamao at hinablot ang kwelyo ni Felipe. Nakatingin siya nang masama kay Felipe na parang kutsilyo ang mga mata niya. "G*go ka Felipe! Anong binabalak mong gawin kay Linnie?" Iniwasan ni Felipe ang suntok ni Jeremy at itinaas nang kalmado ang kanyang tingin. Pagkatapos, galit niyang sinabi, "Akin ang babae sa kamang ito. Ano sa tingin mo ang gagawin ko sa kanya?" "Di ka man lang mahal ni Linnie kaya alisin mo na yan sa isipan mo!" Itinulak ni Jeremy palayo si Felipe at yumuko para isara ang damit ni Madeline. Tapos binuhat niya ito. "Felipe, napakasama mo para subukang makuha ang isang babae sa gan
Hindi pa nakita ni Jeremy na ganito si Madeline. Iniipit siya nito sa pader. Sa sandaling ito, ang mga mata nito ay napakalambing at mukhang nakakahumaling. Ang katinuan niya ay unti-unti nang naglalaho habang lalo niyang tinitignan ang kagandahan nito. "Linnie," Tinawag niya ang pangalan nito habang lumulunok siya. Hindi malinaw ang isip ni Madeline at pakiramdam niya isang apoy ang umaakyat sa kanyang katawan. Gusto niya ng tubig, gustong ibsan ang init sa loob niya. Baka matutulungan siya ng tao sa harapan niya. Lumapit diya dito at tinignan ito sa mata. Tapos nagtagpo ang paghinga nila. Hinaplos ni Jeremy ang mahaba niyang buhok. Ang maninipis nitong mata ay mukhang malambot, parang isang sapa. "Linnie…" "Yeah." Sagot ni Madeline. Para kay Jeremy, ito ang pinakamagandang sagot na inaasahan niyang marinig sa kanya. Di na niya mapigilan ang kanyang sarili. Hinawakan niya ang ulo nito at idinikit ang kanyang labi sa labi nito. Ipinikit ni Madeline ang mga mata niya
'May nangyari ba sa aming dalawa?' Naramdaman ni Madelinena uminit ang kanyang tainga. Tapos bigla niyang nakita ang isang kakaibang marka sa kanyang leeg nang tumingin siya sa salamin. Pagkatapos niyang maligo, nakita niya ang isang sulat na iniwan ni Jeremy. Mayroong isang simpleng pangungusap: [Linnie, ihahatid ko lang si Jack sa school. Pwede ka munang manatili dito at matulog muna saglit.] Hindi nito sinabi ang kahit na ano tungkol sa nangyari kagabi at parang natural lang na nagsalita. Tinignan ni Madeline ang sulat na iniwan ni Jermey at nagsimulang matulala. Tinignan niya ang maayos na sulat-kamay at bigla niyang naalala ang pagtatapat na nakita niya sa kwaderno sa restaurant malapit sa Glendale University. [Gusto kita Madeline Crawford.] Ngayon napagtanto na ni Madeline na si Jeremy ang nag-iwan ng sulat na iyon. Noon pa ito may gusto sa kanya noong unang taon pa lamang niya sa unibersidad. Pero inilihim nito ang kagustuhan nito sa kanya. Noong ginaya siya ni
Sa wakas nasa harapan na ng linya si Jeremy. Nang mag-oorder na siya, napansin niyang nawawala si Lillia pagtalikod niya. Nagtingin siya sa paligid ng shop pero di niya ito nakita kahit saan. Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ni Jeremy. Tinanong niya ang lahat ng nasa shop bago sabihin ng isang lalaki sa kanya na nakita nito ang isang magandang batang babae na tumatakbo palabas ng pinto mag-isa kanina lang. Nakasuot ang batang babae ng isang asul na damit at ang ganda ng mukha nito. Sigurado si Jeremy na si Lillian ito. Pero bakit siya tumakbo palabas nang mag-isa? Tapos tumakbo siya para tignan ang security footage ng shop. Nakita niya ang batang babaeng tumatakbo palabas mag-isa at mukhang tumatakbo ito papunta sa isang bagay. Sa kasamaang palad, limitado lamang ang lugar na sakop ng mga security camera sa shop kaya di makita ni Jeremy kung ano ang nangyayari sa labas ng shop. Tumakbo siya para kunin ang lahat nh mga camera sa paligid niya pero wala pa din siyang n
Nakatingin si Felipe sa oras sa kanyang relo nang marinig niyang sinabi sa kanya ito ni Madeline. Lumingon siya at tumingin sa kanya nang di makapaniwala. "Eveline?" Pinaandar ni Madeline ang kotse nang mas malapit sa kanya at ngumiti nang bahagya. "Ayos na pala. Babalik na tayo sa F Country sa susunod na linggo kasama ni Lily para mamuhay nang masaya nang tatlo lang tayo." Malinaw na nabigla si Felipe sa sagot ni Madeline. Pumapayag ito na bumalik sa F Country kasama niya. Silang tatlo. Umabot sa kailaliman ng puso niya ang pahayag na ito. Pero… Pinanood niya itong umandar palayo kasama ng kabayo nito at nagbago ang mukha niya. Pagkatapos nito, kaagad niyang inilabas ang kanyang cellphone at tinawag ang isang numero, pero di sumagot ang tao sa kabilang linya. Di nagdalawang-isip si Felipe bago tawagan si Cathy. Nang matanggap ni Cathy ang tawag niya, alam niyang may gustong ipagawa sa kanya si Felipe. Kahit na nagtataka siya, ginawa niya pa rin ito. Umandar palay
Nakaramdam si Madeline ng isang matinding sakit sa kanyang puso nang marinig niya ito. Nagdilim ang piningin niya at bumagsak siya nang matamlay sa isang tabi. "Linnie!" Tumakbo palapit si Jeremy at inalalayan si Madeline na hinimatay. Sa sandaling ito, katulad lang niya si Madeline. Sobrang sakit ng nararamdaman niya na hindi na siya makahinga. Ang anak niya. Patay na ang anak nila ni Madeline? Hawak ni Jeremy si Madeline, at sa sandaling ito, pakiramdam niya nawalan siya ng pakiramdam. Ang kanyang katawan ay nabalot ng lamig. "Sir a-anong sinasabi niyo? Di na humihinga ang apo ko?" Di makapaniwalang nagtanong si Eloise. Tumango ang pulis nang nanghihinayang. "Opo, patay na ang batang babae." "Hindi!" Di matanggap ni Eloise at Sean ang balitang ito. Sa kabilang banda, nasira ng balitang ito ang pagiging elegante at kalmado ng mukha ni Felipe. "Inimbestigahan niyo ba ng maigi? Paanong namatay nang ganon na lang ang anak ko?" Tumingin si Jeremy kay Felipe. Ayaw niyang
Kumislap ang mga mata ni Felipe at nang magsasalita na siya, kaagad na lumapit si Madeline mula sa likuran niya. Tumingin si Jeremy kay Madeline. "Linnie…" Pak! Sinampal nang malakas ni Madeline si Jeremy sa mukha. Napalingon ang mukha ni Jeremy mula sa sampal at gumapang ang matinding sakit sa kanyang puso. Tumitig nang masama si Madeline kay Jeremy nang may luha sa kanyang mga mata. Kinagat niya nang bahagya ang labi niya. "Kahit na di mo gustong patayin si Lily, nawala pa din siya habang nasa pangangalaga mo. Di ka makakatakas sa responsibilidad na ito kahit ano pa ang sabihin mo!" Mukhang nasasaktan ang mga mata niya. "Jeremy, bakit mo pinapasama ang loob ko sa'yo?" Sinabi ni Madeline bago tumalikod. Pagkatapos, sumunod sa kanya si Felipe. Di man lang nakita ni Jeremy si Lillian sa huling pagkakataon bago siya dalhin sa kotse. Paglipas ng isang sandali, ang lahat ng nasa paligid niya ay nabalot ng katahimikan. Tumayo si Jeremy nang mag-isa habang nakatulala. Di ni
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si