Share

Kabanata 717

"Ano?" Biglang napatalon su Karen. "Totoo ba ang sinasabi mo?"

"Bakit ako magsisinungaling sa'yo, Mrs. Whitman?" Kumunot ang noo ni Meredith at mukhang naagrabyado. "Tignan mo lang ang mukha ko at ang sugat sa noo ko, malalaman mong totoo ang sinasabi ko."

Itinaas ni Karen ang tingin niya para tignan si Meredith. Paglipas ng isang segundo, nagdilim ang mukha niya.

"Ang p*ta na yun! Sabi ko na di siya ganon kabait!" Ayaw talaga ni Karen kay Madeline kaya madali siyang napaikot.

Natuwa si Meredith sa kanyang sarili pero nanatili pa rin ang inosenteng mukha niya. "Sa totoo lang Mrs. Whitman, isipin mo lang. Ayaw na ayaw sa'yo ni Madeline, kaya bakit ka niya ililigtas? Kung ikaw si Madeline, ililigtas mo ba ang isang taong lagi kang kinakalaban?"

Lumagay si Karen sa posisyon ni Madeline at lalong nagdilim ang mukha niya. Sinabi niya nang di nag-iisip, "Kung ako si Madeline, di ko ililigtas ang ganyan kasamang biyenan!"

"..."

Muntik nang matawa nang malakas si Meredith nang ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status