Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 721 - Kabanata 730

2479 Kabanata

Kabanata 721

Hindi pa nakita ni Jeremy na ganito si Madeline. Iniipit siya nito sa pader. Sa sandaling ito, ang mga mata nito ay napakalambing at mukhang nakakahumaling. Ang katinuan niya ay unti-unti nang naglalaho habang lalo niyang tinitignan ang kagandahan nito. "Linnie," Tinawag niya ang pangalan nito habang lumulunok siya. Hindi malinaw ang isip ni Madeline at pakiramdam niya isang apoy ang umaakyat sa kanyang katawan. Gusto niya ng tubig, gustong ibsan ang init sa loob niya. Baka matutulungan siya ng tao sa harapan niya. Lumapit diya dito at tinignan ito sa mata. Tapos nagtagpo ang paghinga nila. Hinaplos ni Jeremy ang mahaba niyang buhok. Ang maninipis nitong mata ay mukhang malambot, parang isang sapa. "Linnie…" "Yeah." Sagot ni Madeline. Para kay Jeremy, ito ang pinakamagandang sagot na inaasahan niyang marinig sa kanya. Di na niya mapigilan ang kanyang sarili. Hinawakan niya ang ulo nito at idinikit ang kanyang labi sa labi nito. Ipinikit ni Madeline ang mga mata niya
Magbasa pa

Kabanata 722

'May nangyari ba sa aming dalawa?' Naramdaman ni Madelinena uminit ang kanyang tainga. Tapos bigla niyang nakita ang isang kakaibang marka sa kanyang leeg nang tumingin siya sa salamin. Pagkatapos niyang maligo, nakita niya ang isang sulat na iniwan ni Jeremy. Mayroong isang simpleng pangungusap: [Linnie, ihahatid ko lang si Jack sa school. Pwede ka munang manatili dito at matulog muna saglit.] Hindi nito sinabi ang kahit na ano tungkol sa nangyari kagabi at parang natural lang na nagsalita. Tinignan ni Madeline ang sulat na iniwan ni Jermey at nagsimulang matulala. Tinignan niya ang maayos na sulat-kamay at bigla niyang naalala ang pagtatapat na nakita niya sa kwaderno sa restaurant malapit sa Glendale University. [Gusto kita Madeline Crawford.] Ngayon napagtanto na ni Madeline na si Jeremy ang nag-iwan ng sulat na iyon. Noon pa ito may gusto sa kanya noong unang taon pa lamang niya sa unibersidad. Pero inilihim nito ang kagustuhan nito sa kanya. Noong ginaya siya ni
Magbasa pa

Kabanata 723

Sa wakas nasa harapan na ng linya si Jeremy. Nang mag-oorder na siya, napansin niyang nawawala si Lillia pagtalikod niya. Nagtingin siya sa paligid ng shop pero di niya ito nakita kahit saan. Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ni Jeremy. Tinanong niya ang lahat ng nasa shop bago sabihin ng isang lalaki sa kanya na nakita nito ang isang magandang batang babae na tumatakbo palabas ng pinto mag-isa kanina lang. Nakasuot ang batang babae ng isang asul na damit at ang ganda ng mukha nito. Sigurado si Jeremy na si Lillian ito. Pero bakit siya tumakbo palabas nang mag-isa? Tapos tumakbo siya para tignan ang security footage ng shop. Nakita niya ang batang babaeng tumatakbo palabas mag-isa at mukhang tumatakbo ito papunta sa isang bagay. Sa kasamaang palad, limitado lamang ang lugar na sakop ng mga security camera sa shop kaya di makita ni Jeremy kung ano ang nangyayari sa labas ng shop. Tumakbo siya para kunin ang lahat nh mga camera sa paligid niya pero wala pa din siyang n
Magbasa pa

Kabanata 724

Nakatingin si Felipe sa oras sa kanyang relo nang marinig niyang sinabi sa kanya ito ni Madeline. Lumingon siya at tumingin sa kanya nang di makapaniwala. "Eveline?" Pinaandar ni Madeline ang kotse nang mas malapit sa kanya at ngumiti nang bahagya. "Ayos na pala. Babalik na tayo sa F Country sa susunod na linggo kasama ni Lily para mamuhay nang masaya nang tatlo lang tayo." Malinaw na nabigla si Felipe sa sagot ni Madeline. Pumapayag ito na bumalik sa F Country kasama niya. Silang tatlo. Umabot sa kailaliman ng puso niya ang pahayag na ito. Pero… Pinanood niya itong umandar palayo kasama ng kabayo nito at nagbago ang mukha niya. Pagkatapos nito, kaagad niyang inilabas ang kanyang cellphone at tinawag ang isang numero, pero di sumagot ang tao sa kabilang linya. Di nagdalawang-isip si Felipe bago tawagan si Cathy. Nang matanggap ni Cathy ang tawag niya, alam niyang may gustong ipagawa sa kanya si Felipe. Kahit na nagtataka siya, ginawa niya pa rin ito. Umandar palay
Magbasa pa

Kabanata 725

Nakaramdam si Madeline ng isang matinding sakit sa kanyang puso nang marinig niya ito. Nagdilim ang piningin niya at bumagsak siya nang matamlay sa isang tabi. "Linnie!" Tumakbo palapit si Jeremy at inalalayan si Madeline na hinimatay. Sa sandaling ito, katulad lang niya si Madeline. Sobrang sakit ng nararamdaman niya na hindi na siya makahinga. Ang anak niya. Patay na ang anak nila ni Madeline? Hawak ni Jeremy si Madeline, at sa sandaling ito, pakiramdam niya nawalan siya ng pakiramdam. Ang kanyang katawan ay nabalot ng lamig. "Sir a-anong sinasabi niyo? Di na humihinga ang apo ko?" Di makapaniwalang nagtanong si Eloise. Tumango ang pulis nang nanghihinayang. "Opo, patay na ang batang babae." "Hindi!" Di matanggap ni Eloise at Sean ang balitang ito. Sa kabilang banda, nasira ng balitang ito ang pagiging elegante at kalmado ng mukha ni Felipe. "Inimbestigahan niyo ba ng maigi? Paanong namatay nang ganon na lang ang anak ko?" Tumingin si Jeremy kay Felipe. Ayaw niyang
Magbasa pa

Kabanata 726

Kumislap ang mga mata ni Felipe at nang magsasalita na siya, kaagad na lumapit si Madeline mula sa likuran niya. Tumingin si Jeremy kay Madeline. "Linnie…" Pak! Sinampal nang malakas ni Madeline si Jeremy sa mukha. Napalingon ang mukha ni Jeremy mula sa sampal at gumapang ang matinding sakit sa kanyang puso. Tumitig nang masama si Madeline kay Jeremy nang may luha sa kanyang mga mata. Kinagat niya nang bahagya ang labi niya. "Kahit na di mo gustong patayin si Lily, nawala pa din siya habang nasa pangangalaga mo. Di ka makakatakas sa responsibilidad na ito kahit ano pa ang sabihin mo!" Mukhang nasasaktan ang mga mata niya. "Jeremy, bakit mo pinapasama ang loob ko sa'yo?" Sinabi ni Madeline bago tumalikod. Pagkatapos, sumunod sa kanya si Felipe. Di man lang nakita ni Jeremy si Lillian sa huling pagkakataon bago siya dalhin sa kotse. Paglipas ng isang sandali, ang lahat ng nasa paligid niya ay nabalot ng katahimikan. Tumayo si Jeremy nang mag-isa habang nakatulala. Di ni
Magbasa pa

Kabanata 727

Nagmamadaling inilabas ni Jeremy ang kanyang cellphone at binuksan ang electronic copy ng paternity test result na itinabi niya. "Linnie, tignan mo. Ito ang paternity test na ginawa ko kay Lily. Anak natin si Lily." Hinawakan niya ang cellphone sa harap ni Madeline para patunayang nagsasabi siya ng totoo. Ibinaba ni Madeline ang mga mata niya at kaagad ns nanlabo sa luha ang paningin niya. "Nakikita mo ba Linnie?" Maingat na nagtanong si Jeremy. Subalit sa sandaling matapos siyang magtanong, itinaas ni Madeline ang kanyang kamay at itinulak ang kamay niya palayo. Bumagsak ang cellphone nang malakas sa basang sahig. Pagkatapos nito, nabasag ang screen. Naramdaman ni Jeremy na nabasag din ang puso niya kasabay nito. Malamig na tumingin sa kanya si Madeline. "Ayaw na kitang makita ulit." Matikas ang tono niya, at naglakad siya palayo nang di lumilingon. Tumayo si Jeremy sa iisang pwesto nang nanlulumo. Nang tumingin siya sa palayong likod nito, tumulo ang luha mula sa su
Magbasa pa

Kabanata 728

Itinaas niya ang kanyang kamay para hawakan ang kanyang tiyan. Pagkatapos, isang masayang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. Pag-alis ni Cathy, dinampot ni Felipe ang makulay na kabibeng ilang taon na niyang inaalagaan. "Eveline." Tinawag niya ang pangalan ni Madeline nang lumitaw ang isang malambing na mukha sa kanyang isipan. Di niya malilimutan kung paano dumating ang isang liwanag sa kanyang madilim na buhay noong makilala niya ito sa dagat. "Di ko hahayaang bumalik ka ulit kay Jeremy. Akin ka lang." Hinawakan niya ang kabibe nang lumitaw ang isang along ng emosyon sa kanyang mata. Noong araw na iyon, ang dahilan kung bakit sinabi niya na gusto niyang dalhin si Madeline para libangin ito sa equine park para pigilan siya na magkaroon ito ng koneksyon sa labas para maayos na maisagawa ang plano niya. Alam niyang di niya maitatago ang katotohanang drinoga niya si Madeline kaya kinailangan niyang aminin ito. Alam din niya na di na babalik si Madeline sa F Country kas
Magbasa pa

Kabanata 729

Tumulo ang luha ni Jeremy kasabay ng kay Madeline pagkatapos nitong marinig ang sinabi niya. Ang napakasakit na alaala ay lumitaw ss kanyang isipan nang lumitaw ang kanyang madugong nakaraan ss harapan niya. Di siya makatakas dito. "Umalis ka na." Walang emosyon na sinabi ni Madeline ang tatlong salitang ito. Pagkatapos, tumalikod siya para di niya matignan ito. "Noong nakulong si Lily sa nasusunog na kotse at muntik masunog nang buhay, nakikita kong gusto mo talaga siyang iligtas. Pero di pa rin nito mababago ang katotohanang namatay siya dahil sa kapabayaan mo. "Jeremy, di kita mapapatawad at ayaw na kitang makita ulit." Tumingin sa Jeremy sa likod ni Madeline at tumayo doon nang matagal. Sa wakas, tumalikod siya habang pinapasan ang sisi. Isang bugso ng malamig na hangin ang dumaan at dumiretso sa puso niya. Pagkatapis, nagsimulang tumulo ang mga purong luha mula sa mga mata niya. Tumayo si Madeline sa harap ng puntod ni Lillian at narinig ang mga hakbang ni Jeremy n
Magbasa pa

Kabanata 730

Lumipas ang oras at nagsimula nang dumilim ang langit. Pagkatapos, nagsimulang unambon. Di na makapaghintay si Jeremy. Bumaba siya sa kanyang kotse at papasok na nang makita niya si Cathy ka naglalakad palapit sa kanya habang may hawak na payong. Naalala ni Jeremy si Cathy dahil siya ang nagturo sa kanya ng direksyon noong nakaraan. Sinabi sa kanya ng kutob niya na si Cathy ay isang taong mapagkakatiwalaan niya. Naglakad si Cathy sa harap niya at pinayuhan siya, "Mr. Whitman, umalis ka na. Ayaw kang makita ni Evie." "Kailangan ko siyang makita. May importante akong kailangang sabihin sa kanya." Nagpumilit si Jeremy habang di natitinag ang titig niya. "Sabihin mo sa kanya na maghihintay ako dito hanggang sa gustuhin niyang makipagkita sa akin." Kumunot ang noo ni Cathy dahil naisip niya na mahirap itong asikasuhin. Nang makita niya ang paninindigan sa mga mata ni Jeremy, nainggit siya at nalungkot. "Mr. Whitman, talagang ayaw kang makita ni Evie. Di siya makikipagkita sa'y
Magbasa pa
PREV
1
...
7172737475
...
248
DMCA.com Protection Status