Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 691 - Kabanata 700

2479 Kabanata

Kabanata 691

Nagalit si Yvonne nang makita niyang tumatakbo palapit sa kanila si Jeremy. Ginamit niya ang buong lakas niya upang itulak sa banging si Madeline. "Pumunta ka na sa impyerno, Madeline!" Nawalan ng balanse si Madeline at naramdaman niya na wala na siyang tinutungtungan habang mahuhulog na siya sa banging. "Linnie!"Inabot ni Jeremy ang mahaba niyang braso, hinawakan niya ng kanyang kamay ang braso ni Madeline. Tumingala sa kanya si Madeline. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, nakita niya ang nag-aalala ng ekspresyon sa mukha ni Jeremy. "Linnie!"Nagpapasalamat si Jeremy habang tinitignan niya si Madeline na nakabitin sa ere. Agad niyang sinubukang iangat si Madeline. "Huwag kang matakot, Linnie. Hinding-hindi kita bibitawan, hinding-hindi na." Nangako siya habang pilit niyang hinihila paangat si Madeline. Nagalit si Yvonne noong makita niya ang nangyayari. Ayaw niyang mailigtas ni Jeremy si Madeline, ngunit kasabay nito, narinig niya ang mga yabag na palapit sa kanila. Nan
Magbasa pa

Kabanata 692

Nakatingin siya sa isang mukha na kaparehong-kapareho ng kay Madeline. Kinumpas niya ang kanyang kamay at nakita niya ang kulay at malinaw na mga larawan sa kanyang paningin. 'Nakakakita na ba ako ulit? 'Nakakakita na talaga ako ulit.' Kung iisipin, kagabi pa nagbalik ang kanyang paningin. Nakita niya na tinulak ni Yvonne si Madeline sa bangin at tumakbo siya para saluhin si Madeline. "Hmm…"Sa mga sandaling iyon, umungol si Madeline, dahilan para matauhan si Jeremy. Niyakap niya si Madeline, na medyo nahihilo pa, sa kanyang mga braso. Noong inangat niya si Madeline, napansin niya na may bato sa hinihigaan ni Madeline. Tumama ang likod ng ulo ni Madeline sa bato noong nalaglag sila. Bumilis ang tibok ng puso ni Jeremy habang bitbit niya sa kanyang mga braso si Madeline at naglakad siya. Sinubukan niyang maghanap ng daan palabas, ngunit pagkatapos niyang maglakad-lakad ng ilang oras, wala siyang nakitang daanan. Tumingin siya kay Madeline na nasa mga braso niya. Wala pa
Magbasa pa

Kabanata 693

Napaungol sa sakit si Madeline at napasimangot siya. Nasundan ito ng malamig na pakiramdam sa kanyang paa. Lumuhod si Jeremy sa harap ni Madeline at inangat niya ang damit ni Madeline at nakita niya ang isang malaking sugat sa likod ng kanyang binti. Sumama ang loob ni Jeremy at Sumimangot siya. "Bibitbitin na kita, Linnie." "Salamat sa pag-aalala mo, Mr. Whitman, pero hindi mo kailangang gawin yun." Tinanggihan ni Madeline ang alok niya. Tiniis niya ang sakit habang naglalakad siya. Alam ni Jeremy na galit siya dahil sa mga ginawa niya noon, ngunit hindi niya kayang tiisin na makitang sinasaktan ni Madeline ang kanyang sarili. Mabilis siyang nakahabol kay Madeline, hinawakan niya ang kanyang bewang, at binuhat siya. Natumba si Madeline, at noong tumingin siya sa taas, ang tanging nakita niya ay ang gilid ng mukha ni Jeremy. "Ibaba mo 'ko." Seryoso ng nagsalita si Madeline. Pagkatapos ng ilang ulit na pagpupumiglas, hinawakan niya ang kolyar ni Jeremy. "Jeremy, malinaw an
Magbasa pa

Kabanata 694

Magagawa ng taong yun na tuparin ang kahilingan niyang makita si Jeremy. Habang iniisip iyon ni Meredith, nagmadali siyang umalis sa ospital. Nakatanggap ng balita sila Karen at Winston na nasa emergency room sila Madeline at Jeremy. Dahil dito, nagmadali silang pumunta sa ospital. Subalit, napansin ni Winston na kakaiba ang kinikilos ni Karen. "Karen, hindi maganda ang itsura mo mula noong makauwi tayo kagabi. May nangyari ba?" Nilihis ni Karen ang tingin niya kay Winston at sinabing, "Ano pa ba? Muntik na akong patayin ng walang hiyang pamangkin ko." Pagkatapos niyang sabihin yun, nakita niya si Jeremy na naglakad palabas ng emergency room kasama si Madeline. Biglang napahinto si Karen, at sa mga sandaling iyon, hindi niya alam kung paano niya haharapin si Madeline. Nagpapaulit-ulit sa isip niya ang determinadong tingin ni Madeline at ang pagtulak niya sa kanya palabas ng pinto. Gusto niya lang talagang iligtas siya. Subalit, anong ginawa niya? Bago siya niligtas
Magbasa pa

Kabanata 695

"Ms. Nell." Tinatawag ni Felicity si Madeline na Nell ng may mabait at mapagpakumbabang tono. Nell.Hindi nakalimutan ni Madeline ang pangalan na iyon. Habang nagtataka siya kung bakit tinatawag siya ni Felicity ng ganito, narinig niya na nagpatuloy sa pagsasalita si Felicity, "Hello, Ms. Nell. Nirekomenda ako sayo ng kakilala ko. Gusto ko sanang bumili ng isang espesyal na aromatherapy kit mula sayo." Naintindihan ni Madeline ang sinasabi niya. Mukhang gusto lang bumili ni Felicity ng isang espesyal na aromatherapy kit mula sa kanya. Nagkapira-piraso ang mga alaala niya tungkol tungkol sa mga nangyari noong nakaraang tatlong taon at kay Jeremy. Subalit, naaalala niya ang tatlong taon na nakatira siya sa F Country. Maliban sa pagiging isang matagumpay at sikat na jewelry designer, isa rin siyang mahusay na perfumer. Subalit, kumpara sa mga pabango, mas hilig niya ang jewelry design. Yun ang dahilan kung bakit bukod kay Felipe, walang nakakaalam na alam niya kung paano gu
Magbasa pa

Kabanata 696

Hindi niya malaman kung gaanong nag-aalala sa kanya si Felicity. Ngumiti si Jeremy. "Nandito ka ba para lang makita ako?" Sumagot si Meredith, "Gusto ko sanang pumunta dito nung nakaraang dalawang araw kaso wala akong oras. Nandito ako para makita ka ngayong araw. Tsaka, gusto ko sanang sabihin sayo na ngayong gabi ang pinakamagandang oras para sa psychological intervention mo." Muling nagsalita si Meredith nang makita niya na hindi nagsasalita si Jeremy. "Jeremy, walang sira ang mga retina mo, ibig sabihin, yung isip mo ang dahilan kung bakit wala kang makita. Basta't magagawa mong lampasan ang anumang humahadlang sayo sa puso mo, babalik ang paningin mo. Magtiwala ka sakin." Tumango si Jeremy at nagkaroon ng isang bihirang ngiti sa kanyang mukha. "Napakabait mo sakin, kaya bakit naman kita tatanggihan?" Noong makita ni Meredith na nakangiti si Jeremy, lalong bumugso ang mga tinatago niyang emosyon. Hinihintay niya ang araw na nakahanda na ang lahat!Sa wakas mapapalapit
Magbasa pa

Kabanata 697

Akala niya aayon si Jeremy sa mga ginagawa ni Felicity, ngunit inangat niya ang wine glass na hawak niya at binuhos ang laman ng baso sa mukha ni Felicity. Napasigaw si Meredith dahil hindi niya inasahan na gagawin yun ni Jeremy. Natulala siya at basang-basa ng red wine ang kanyang mukha. Pagkatapos, napuno ng takot ang mga mata niya nang dahan-dahang tumayo ang lalaking nasa harap niya. "Jeremy, b-bakit mo 'ko binuhusan ng wine?" Ayaw man lang tumingin sa kanya ni Jeremy. Nilihis niya ang kanyang tingin sa sobrang pandidiri. "Bukod sa nakakatulong na makapagparelax ang red wine, nagagawa din nitong gisingin ang isang tao." Kaakit-akit ang boses niya, ngunit malamig din ang tono nito. "Gising ka na ba?" "..." Naguguluhan si Meredith. Puno ng galit ang kanyang mukha, ngunit inosente pa rin siyang nagtanong, "Jeremy, anong problema? Ginagawa ko 'to para tulungan kang maibalik ang paningin mo. Isa 'tong paraan ng psychological treatment." "Kakaiba naman pala yung paraan mo." N
Magbasa pa

Kabanata 698

"Madeline, ikaw p*ta ka!" Kinuyom ni Meredith ang mga kamao niya at sinubukan niyang pigilan ang galit niya na nagbabantang sunugin ang lahat ng hahadlang sa kanya. Patindi ng patindi ang nag-aalab na galit sa kanyang mga mata. Gustong-gusto niyang sunugin si Madeline hanggang sa maging abo na lang siya. Hinila ni Jeremy si Madeline papasok ng elevator. Ngayon, silang dalawa lang ang nasa loob ng kulob na lugar na ito. "Linnie, alam kong darating ka." Tila alam ni Jeremy kung anong mangyayari at hindi siya nagulat sa pagsulpot ni Madeline. Napagtanto ni Madeline ang mga bagay-bagay habang pinakikinggan niya ang mga sinasabi ni Jeremy. "Alam mo na sinusundan ko kayo, kaya sinadya mo din na iwang bukas ang pinto para sakin, tama ba?" Tumango si Jeremy. "Gusto ko lang makita kung anong balak gawin ni Felicity." "So, nakita mo na ba? Gusto ka niya at binibigay na niya ang sarili niya sayo." Ngumiti si Jeremy at tumingin siya kay Madeline pagkatapos niyang marinig iyon. Naramdam
Magbasa pa

Kabanata 699

Bago pa matapos ni Madeline ang sinasabi niya, biglang lumapit si Jeremy at hinalikan siya. Hindi gaanong naliliwanagan ang makitid na loob ng sasakyan. Nanlaki ang mga mata ni Madeline at gulat na gulat siyang tumingin sa lalaking biglang humalik sa kanya. Nakapikit siya at mukhang doon lamang nakatuon ang atensyon niya. Subalit, mukhang masaya siya sa paghalik sa kanya. Nararamdaman niya ang paghinga ni Jeremy sa kanyang mukha, at pinapainit ng amoy ni Jeremy ang kanyang mukha. Agad na natauhan si Madeline at tinulak niya palayo si Jeremy, ngunit lalo lang siyang hinila palapit ng lalaki. Lalo lang niyang ginustong dominahin siya dahil sa pagpalag niya. Hinawakan ng mahigpit ni Madeline ang damit ni Jeremy upang itulak siya palayo. Noong nakita niya na walang intensyon si Jeremy na bumitaw, kinagat niya ang labi ni Jeremy. Napahinto si Jeremy dahil sa sakit at agad na kumalat sa kanyang labi ang lasa ng dugo. Pagkatapos ay binitawan niya si Madeline. Noong makita ni
Magbasa pa

Kabanata 700

'May kapatid si Felipe?' Nagulat si Madeline noong marinig niya na nagpapaliwanag ang babae. "Hindi talaga ako tunay na kapatid ni Felipe. Namatay ang mga magulang ko noong 15 pa lang ako. Sa pinakamababa at pinakamahirap na yugto ng buhay ko, lumitaw si Felipe at tinulungan niya ako. Dahil dun kaya ako nakapagtapos sa university ngayong taong 'to. Lahat yun ay dahil kay Felipe."Naintindihan ni Madeline ang lahat. Kasabay nito, naunawaan din ni Madeline kahit paano kung bakit sinuportahan ni Felipe si Cathy base sa mga sinabi niya. Dahil yun sa pareho silang namatayan ng magulang. Marahil naawa si Felipe sa babae dahil pareho sila ng pinagdaanan sa buhay. Pagkatapos, hinatid ni Madeline sila Felipe at Cathy pauwi sa bahay sa may labas ng siyudad. Naihanda na ng maid ang silid ni Cathy. Pauwi na sana si Madeline dahil maggagabi na, ngunit pinigilan siya ni Felipe. Dahan-dahan niyang hinawakan si Madeline at hinaplos niya ang kanyang buhok. "Eveline, namiss kita ng sobra
Magbasa pa
PREV
1
...
6869707172
...
248
DMCA.com Protection Status