Naguluhan si Meredith. May bahid ng paghamak sa kanyang mga mata. "Hindi ba't isa lang siyang perfumer?" "Hmph." Tinignan ni Felipe si Meredith ng may bahid ng pandidiri. "Si Eveline ay si Nell.""A-ano?" Nanlaki ang mga mata ni Meredith nangvhindi siya makapaniwala sa narinig. "S-si Madeline ang perfumer? Paano nangyari yun? Paano naging posible na alam niya maghalo ng mga pabango…" Tinignan ni Felipe si Meredith mula sa kanto ng kanyang mga mata. "Masyado kang naging kampante." “...”Natulala na lang si Meredith dahil sa hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Akala ni Meredith ay nakagawa na siya ng isang perpektong patibong. Pero, sa bandang huli, siya pa ang unang nahulog sa patibong. Si Madeline ang perfumer na si Nell, na ibig sabihin ay sa loob ng tatlong taon na yun na nagdurusa si Jeremy dahil hindi siya makatulog, dumedepende siya sa aromatherapy kit na gawa ni Madeline. Hindi niya inaasahan na si Jeremy at Madeline ay merong kakaibang koneksyon na hindi napuput
"Ayos lang si Grandpa. Dinalaw ko siya kanina lang," sabi ni Felipe, habang iniangat niya ang kanyang kamat para hawakan ang balikat ni Madeline. "Eveline, meron akong sasabihin sayo. Tara na." Tinignan ni Madeline si Jeremy na nakatingin sa kanya sa buong oras na yun. Pagkatapos, tumango siya. "Okay." Pinigilan ni Jeremy si Madeline nang makita niyang paalis na ito kasama si Felipe. "Linnie." Huminto si Madeline sa paglalakad, pero hindi niya nilingon si Jeremy. "Linnie, hindi na ako gagawa ng kahit na anong bagay na ikasasama ng loob mo. Patawad dun sa nangyari sa kotse kahapon."Kahit na hindi binanggit ni Jeremy ang detalye, alam ni Felipe kung ano ang hinihingi niya ng tawad.Hindi siya sinagot ni Madeline. Sa kabilang banda, naglakad siya paalis kasama ni Felipe. Hindi na mapakali si Jeremy. 'Narinig ba ni Linnie ang mga sinabi ni Felipe kanina? Magagalit ba siya sa ginawa ko noon?' Sa kotse. Napakatahimik ng paligid. Hininto ni Felipe ang kotse sa tabi ng kalsa
Ngayon lang nakita ni Madelina na ganito si Felipe. Hula niya ay dahil ito sa nangyari kaninang umaga. Nakikita niya ang matinding pagnanasa sa mapula nitong mga mata. Hindi siya komportable nang hinatak siya nito papalapit. "Felipe, tumigil ka na sa pag-inom mag-usap tayo," sabi ni Madeline habang sinusubukan niyang kumawala sa pagkakayakap sa kanya ni Felipe. Pero, nung maisip niya ang bagay na yun, napansin kaagad ito ni Felipe at hinawakan nito ang likuran ng kanyang ulo.Nilapit niya ang kanyang mukha, bakas ang impluwensya ng alak sa kanyang mukha na naiilawan ng madilim na ilaw ng chandelier. Tapos, ang mga naniningkit niyang mga mata ay malabo na para bang nasa ilalim siya ng hipnotismo habang papalapit ang kanyang mukha kay Madeline. Inilayo ni Madeline ang kanyang mukha nang maramdaman niya na hahalikan na siya ni Felipe. Napasimangot si Felipe nang walang sumalubong sa kanya at hinawakan niya ang mukha ni Madeline para pilitin itong humarap sa kanya. "Felipe, la
Inalis ni Madeline ang kanyang kamay mula sa kanya. "Felipe, kailangan ko nang umalis." “Eveline.”"Bibisitahin kita bukas. Matulog ka nang mahimbing at wag kang masyadong mag-iisip." Tumalikod si Madeline para umalis, at sa sandaling nawalan ng laman ang kamay ni Felipe ay parang nawalan rin ang kanyang puso. Pagkatapos maglaho ng anyo ni Madeline mula sa kanyang paningin, tumayo ng diretso si Felipe habang kaagad na nabalot ng kadiliman ang kanyang mga mata. Nagpanggap siyang lasing at mahina para lang makakuha siya ng pag-alala mula sa kanya. Subalit, umalis lang siya nang hindi lumilingon pabalik. Wala siyang nararamdaman na kahit na anong pangungulila sa kanya. Bumaba ang temperatura sa kwarto mula sa lamig na tumatagas mula sa kanyang katawan. Sa sandaling ito, nakarinig siya ng mga yabag mula sa labas ng pinto. Umaasang tinaas ni Felipe ang kanyang ulo at nakita si Cathy na naglalakad papunta sa kanya na may dalang tasa. "Labas." Pinalayas siya ni Felipe. Ngun
Nagulat si Felipe sa biglang pagdating ni Madeline. Pero di man lang siya nag-aalala at sinabi sa babeng nakatulala sa kama nang may malalim na boses, "Pumasok ka sa banyo. Wag kang gagawa ng kahit anong ingay bago ko sabihin na lumabas ka." Naunawaan ni Cathy ang ibig-sabihin ni Felipe. Tumango siya at pinulot ang kanyang mga damit na nakakalat sa sahig. "Dali." Pinilit ni Felipe nang malamig ang boses. Dahil sa gulat niya, nalaglag sa sahig ang kumot na hawak niya. Mayroong tuyong dugo sa sahig at nagdilim ang mata ni Felipe nang makita niya ito. Pero napanatili niya ang malamig niyang pakikitungo. "Pulutin mo ang mga damit mo. Pasok." Hindi siya nagtapang na kalabanin o galitin ito. Nakahubad si Cathy nang damputin niya ang damit sa sahig nang nagmamadali. Pagkatapos nito, tumakbo siya papunta sa banyo. Ikinalat ni Felipe ang kumot sa kama bago buksan ang pinto. Naglaho ang lamig sa mukha niya nang makita niya si Madeline, at mayroon na lamang isang maamong ngiti.
Walang pagbabago sa mukha ni Felipe. Para bang di ito ang babaeng kasama niya matulog kagabi. Nginitian siya pabalik ni Madeline. "Good morning Cathy." Ngumiti siya at lumingon kay Felipe. "Nangako ako kay Jack na dadalhin ko siya sa bookstore mamaya, kaya mauna na ako." Tumingin sa kanya si Felipe nang may pagmamahal sa mga mata nito. "Tatawagan kita mamaya." "Okay." Tumango siya. Bago siya umalis, sinabi niya, "Wag ka nang uminom." Tumango si Felipe nang panoorin nitong umalis siya. Tinignan ni Cathy ang gwapo at maamong ngiti sa mukha ni Felipe bago siya yumuko nang malungkot. Malinaw sa kanya na di dapat siya mahulog kay Felipe. Ngunit siya rin ang lalaking di niya mapakawalan sa loob ng maraming taon. … Pagkatapos bumalik ni Madeline sa Montgomery Manor, dinala niya si Jackson sa bookstore. Balak dalhin ni Sean at Eloise si Lilian sa palaruan, ngunit nang makita niya si Madeline na dinadala sa labas ang kapatid niya, ikinurap niya ang kanyang masiglang mata at
'Positive paternity test.' Kahit na inasahan na niya ang resultang ito, nakatulala pa rin si Jeremy nang matagal sa kanyang kama. Hinawakan niya ang kanyang kamay gamit ng kanyang Nanginging na mga kamay. Tapos naglakbay ang kanyang isipan sa isang malayong lugar. Noong taong iyon, nasaksihan niya si Daniel na hinahalikan si Madeline sa noo. Kalaunan, nabulag siya ng galit at pwinersa niya ang sarili niya sa kanya. Ngayon, napagtanto na ni Jeremy kung gaano siya kababaw. Hindi niya mapayagang may ibang lalaking kasama ito bukod sa kanya. Naramdaman niya na kasuklam-suklam siya. Lagi niyang gustong ilabas ang nararamdaman niya nang walang pake sa nararamdaman nito. "Linnie." Tinawag ni Jeremy ang pangalan ni Madeline at mayroong ligaya sa sakit na nararamdaman niya. Natuwa siya na sa kanya lang siya mula pa noon. Lalo siyang nasiyahan nang bumalik siya sa buhay niya nang ligtas at nasa maayos na kalagayan. Atsaka, nagdala pa siya ng isang nakakatuwa at masiyahing ana
Gustong ibaba ni Madeline ang linya, ngunit nang maalala niya kung sino ang taong dumukot kay Lillian, nakiusap siya sa driver na mag-iba ng ruta. Dumiretso sila sa bahay. Natatarantang hinintay ni Jeremy si Madeline. Nang malaman niya na ang taong dumukot kay Lillian ay si Yvonne. Paalis na si Karen nang makita niyang dumating si Madeline. Gusto niyang iwasan ito dahil sa pagsisisi pero nakasalubong niya si Winston pagtalikod niya. Nagtaka si Winston nang makita niya itong natataranta at tulala. "Nagbago bigla ang kinikilos mo mula noong nailigtas ka kay Yvonne noong nakaraan. Anong nangyayari?" "Hindi naman." Itinanggi ito ni Karen. Pagkatapos, tinignan niya si Madeline nang mukhang naiinis. "Bakit kaya siya nandito. Tingin ko titigil lang siya pagkatapos niyang patayin tayong lahat." Nakita na ni Winston si Madeline na kausap si Jeremy sa tapat ng pinto. Pagkatapos, sumimangot siya at nagreklamo. "Kung di ka iniligtas noon ni Madeline napatay ka na sana ng napakasama mo