Inalis ni Madeline ang kanyang kamay mula sa kanya. "Felipe, kailangan ko nang umalis." “Eveline.”"Bibisitahin kita bukas. Matulog ka nang mahimbing at wag kang masyadong mag-iisip." Tumalikod si Madeline para umalis, at sa sandaling nawalan ng laman ang kamay ni Felipe ay parang nawalan rin ang kanyang puso. Pagkatapos maglaho ng anyo ni Madeline mula sa kanyang paningin, tumayo ng diretso si Felipe habang kaagad na nabalot ng kadiliman ang kanyang mga mata. Nagpanggap siyang lasing at mahina para lang makakuha siya ng pag-alala mula sa kanya. Subalit, umalis lang siya nang hindi lumilingon pabalik. Wala siyang nararamdaman na kahit na anong pangungulila sa kanya. Bumaba ang temperatura sa kwarto mula sa lamig na tumatagas mula sa kanyang katawan. Sa sandaling ito, nakarinig siya ng mga yabag mula sa labas ng pinto. Umaasang tinaas ni Felipe ang kanyang ulo at nakita si Cathy na naglalakad papunta sa kanya na may dalang tasa. "Labas." Pinalayas siya ni Felipe. Ngun
Nagulat si Felipe sa biglang pagdating ni Madeline. Pero di man lang siya nag-aalala at sinabi sa babeng nakatulala sa kama nang may malalim na boses, "Pumasok ka sa banyo. Wag kang gagawa ng kahit anong ingay bago ko sabihin na lumabas ka." Naunawaan ni Cathy ang ibig-sabihin ni Felipe. Tumango siya at pinulot ang kanyang mga damit na nakakalat sa sahig. "Dali." Pinilit ni Felipe nang malamig ang boses. Dahil sa gulat niya, nalaglag sa sahig ang kumot na hawak niya. Mayroong tuyong dugo sa sahig at nagdilim ang mata ni Felipe nang makita niya ito. Pero napanatili niya ang malamig niyang pakikitungo. "Pulutin mo ang mga damit mo. Pasok." Hindi siya nagtapang na kalabanin o galitin ito. Nakahubad si Cathy nang damputin niya ang damit sa sahig nang nagmamadali. Pagkatapos nito, tumakbo siya papunta sa banyo. Ikinalat ni Felipe ang kumot sa kama bago buksan ang pinto. Naglaho ang lamig sa mukha niya nang makita niya si Madeline, at mayroon na lamang isang maamong ngiti.
Walang pagbabago sa mukha ni Felipe. Para bang di ito ang babaeng kasama niya matulog kagabi. Nginitian siya pabalik ni Madeline. "Good morning Cathy." Ngumiti siya at lumingon kay Felipe. "Nangako ako kay Jack na dadalhin ko siya sa bookstore mamaya, kaya mauna na ako." Tumingin sa kanya si Felipe nang may pagmamahal sa mga mata nito. "Tatawagan kita mamaya." "Okay." Tumango siya. Bago siya umalis, sinabi niya, "Wag ka nang uminom." Tumango si Felipe nang panoorin nitong umalis siya. Tinignan ni Cathy ang gwapo at maamong ngiti sa mukha ni Felipe bago siya yumuko nang malungkot. Malinaw sa kanya na di dapat siya mahulog kay Felipe. Ngunit siya rin ang lalaking di niya mapakawalan sa loob ng maraming taon. … Pagkatapos bumalik ni Madeline sa Montgomery Manor, dinala niya si Jackson sa bookstore. Balak dalhin ni Sean at Eloise si Lilian sa palaruan, ngunit nang makita niya si Madeline na dinadala sa labas ang kapatid niya, ikinurap niya ang kanyang masiglang mata at
'Positive paternity test.' Kahit na inasahan na niya ang resultang ito, nakatulala pa rin si Jeremy nang matagal sa kanyang kama. Hinawakan niya ang kanyang kamay gamit ng kanyang Nanginging na mga kamay. Tapos naglakbay ang kanyang isipan sa isang malayong lugar. Noong taong iyon, nasaksihan niya si Daniel na hinahalikan si Madeline sa noo. Kalaunan, nabulag siya ng galit at pwinersa niya ang sarili niya sa kanya. Ngayon, napagtanto na ni Jeremy kung gaano siya kababaw. Hindi niya mapayagang may ibang lalaking kasama ito bukod sa kanya. Naramdaman niya na kasuklam-suklam siya. Lagi niyang gustong ilabas ang nararamdaman niya nang walang pake sa nararamdaman nito. "Linnie." Tinawag ni Jeremy ang pangalan ni Madeline at mayroong ligaya sa sakit na nararamdaman niya. Natuwa siya na sa kanya lang siya mula pa noon. Lalo siyang nasiyahan nang bumalik siya sa buhay niya nang ligtas at nasa maayos na kalagayan. Atsaka, nagdala pa siya ng isang nakakatuwa at masiyahing ana
Gustong ibaba ni Madeline ang linya, ngunit nang maalala niya kung sino ang taong dumukot kay Lillian, nakiusap siya sa driver na mag-iba ng ruta. Dumiretso sila sa bahay. Natatarantang hinintay ni Jeremy si Madeline. Nang malaman niya na ang taong dumukot kay Lillian ay si Yvonne. Paalis na si Karen nang makita niyang dumating si Madeline. Gusto niyang iwasan ito dahil sa pagsisisi pero nakasalubong niya si Winston pagtalikod niya. Nagtaka si Winston nang makita niya itong natataranta at tulala. "Nagbago bigla ang kinikilos mo mula noong nailigtas ka kay Yvonne noong nakaraan. Anong nangyayari?" "Hindi naman." Itinanggi ito ni Karen. Pagkatapos, tinignan niya si Madeline nang mukhang naiinis. "Bakit kaya siya nandito. Tingin ko titigil lang siya pagkatapos niyang patayin tayong lahat." Nakita na ni Winston si Madeline na kausap si Jeremy sa tapat ng pinto. Pagkatapos, sumimangot siya at nagreklamo. "Kung di ka iniligtas noon ni Madeline napatay ka na sana ng napakasama mo
Bumagsak si Meredith sa sahig. Di siya makatayo sa sobrang sakit. Bigla niyang narinig di Yvonne na sinasabi sa kanyang papatayin siya nito, kaya tumingala siya para tignan ito. Pagkatapos, nakita niya si Yvonne na iwinawasiwas sa kanya ang patalim na parang nababaliw. Nagmadaling umiwas si Meredith at umatras. "Nababaliw ka na! Baliw ka! Tignan mong maigi, di ako si Madeline!" "Wag mong saktan ang mommy ko, Aunty. Wag mong saktan ang mommy ko, huhu…" Ihinampas ni Lillian ang kanyang kamay sa bintana at nagmakaawa kay Yvonne habang umiiyak. Ngumisi si Yvonne nang marinig niya ang pagmamakaawa ni Lily. Dahil sa sigarilyo, alak, at droga, sa ilalim ng palubog na araw, sigurado si Yvonne na si Madeline si Meredith. "P*ta ka, ang lakas ng loob mong magsinungaling sa akin? Tingin mo ba bulag ako? Tingin mo ba di ko alam yang mukha mo?" Galit na itinaas ni Yvonne ang kanyang kamay at sinampal ulit si Meredith. "Ah! Nagalit si Meredith. Retokada ang mukha niya kaya di niya makaya
Nagsimulang tumawa nang malakas si Yvonne na para bang sinapian siya nang makita niyang dumudugo sa sakit si Meredith. Nagkaskasan ang mga ngipin ni Meredith at tinignan siya nang masama. "Baliw ka! Ikaw… hiss!" Tinaga siya ulit ni Yvonne at isang madugong 'X' ang lumitaw sa mukha ni Meredith. Nagsimulang tumulo ang mainit na dugo mula sa kanyang sugat. Namimilipit si Meredith sa sakit. Gusto niyang magpumiglas pero di niya magawa dahil nakatali siya. Tapos nakita niyang naglabas nh lighter si Yvonne. Nagsimilang mataranta si Meredith. Nararamdaman niya na sagad sa buto ang poot ni Yvonnr kay Madeline. Ngunit napagkamalan siya ng baliw na babaeng ito na siya si Madeline at inilalabas nito ang lahat ng poot nyo sa kanya! "A-Anong ginagawa mo? Anong binabalak mo, baliw ka?" Puno ng kamandag ang mga mata ni Yvonne nang lumapit siya sa kotse habang hawak ang lighter. Sumisigaw si Lillian para sa mommy niya mula sa bintana. "Madeline, gusto kong mapanood mong mamatay ang dem
Nabigla si Madeline nang makita niya si Jeremy na sumusugod nang walang alinlangan. Nakarinig si Yvonne ng yabag mula sa likod niya at lumingon bigla. Nang makita niya si Jeremy, nagbago ang mukha niya. Tapos inilabas niya ang kanyang patalim at lumapit kay Meredith bago itutok ito sa leeg niya. "Jeremy, wag mo akong pilitin. Kung hindi papatayin ko si Madeline!" Nagbanta si Yvonne. Gusto lang iligtas ni Jeremy si Lillian nang bigla niyang marinig na sabihin ni Yvonne na gusto niyang patayin si Madeline. Lumingon siya at nakita di Yvonne na hawak ang babaeng duguan na nakatali sa puno. Tinignan niya ito nang maigi at nakilala niya na si Felicity ang babaeng ito. Dahul kamukha nito si Madeline, napagkamalan ni Yvonne na si Madeline ito. Akala niya si Madeline si Felicity kaya ibinubuhos niya ang lahat ng galit niya kay Felicity. Nang makita niya ang mga sugat sa mukha at ulo ni Felicity, gumaan ang pakiramdam ni Jeremy. Hindi siya lumingon at dumiretso sa kotse. "Kuy
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si