Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 671 - Kabanata 680

2479 Kabanata

Kabanata 671

Nakita ni Madeline ang likod ni Felipe na nakaharap sa kanya. Matangkad at balingkinitan ang kanyang katawan, pero isang nakakapangilabot na aura ang lumalabas sa kanyang katawan. Sa kabilang banda, kalmadong nakaupo si Jeremy sa upuan. Mukhang malumanay at tahimik ang kanyang mukha mula sa gilid. Ilang saglit lang, binuksan ni Jeremy ang kanyang bibig at nagsalita, "Alaala namin yun ni Linnie. Wala kang kinalaman dun." "Walang kinalaman?" Aroganteng tumawa si Felipe. "Asawa ko na si Eveline ngayon." Ang salitang 'asawa' ay tumusok sa puso ni Jeremy. Tinikom niya nang maigi ang manipis niyang labi at tahimik na tumingin sa harapan, hindi siya nagsalita nang kahit na ano. Nang makita niya na tahimik si Jeremy, tinaas ni Felipe ang gilid ng kanyang labi at ngumisi. "Jeremy, ikaw ang hindi nagpahalaga sa kanya sa simula pa lang, kaya wag ka nang umasa na mababawi mo pa si Eveline ngayon. Hindi ka nararapat para kay Eveline. "Wag ka nang umasa para kay Eveline. Hindi na ikaw an
Magbasa pa

Kabanata 672

Nabigla si Jeremy, hindi niya talaga napansin ang taong papalapit sa kanya. Higit pa roon, ang taong iyon ay ang kanyang pinakamamahal. "Jeremy, tinatanong kita. Bakit di mo sinasagot ang tawag ko?" Nagtanong muli si Madeline gamit ng kanyang walang emosyon na tono. Ilang segundo ang nagdaan bago sumagot si Jeremy, "Hindi ko alam na ikaw ang tinatawag, Ms. Montgomery. At mukhang wala naman nang kailangan sabihin sa pagitan nating dalawa." Nang makita niya ang malamig niyang pag-uugali na lumitaw na para bang gusto niyang putulin ang lahat ng relasyon sa pagitan nilang dalawa, napuno ang isipan ni Madeline nang mga salitang sinabi niya kanina. Kahit na malinaw na siya lang ang pumupuno sa kanyang puso at mga mata, sa sandaling ito ay hindi nabanggit ang mga bahay na iyon. Tumawa si Madeline, pero mainit ang kanyang mga mata habang nagsabing, "Jeremy, sigurado ka ba na wala lang sasabihin sa'kin?" Tahimik siyang umiling. "Wala ni-isa." "Sige, Jeremy. Kung yan ang sabi mo…"
Magbasa pa

Kabanata 673

Nagmaneho si Madeline papunta sa cafe kung saan siya makikipagkita kay Daniel. Pagkatapos mukha ang importanteng impormasyon ay parang naligaw si Madeline. Ang kotseng minamaneho ni Felicity ay pagmamay-ari ni Felipe. Magkakakilala sina Felicity at Felipe. Ang babaeng kamukhang-kamukha niya ay naging nobya ni Jeremy ngayon? Parang hindi nagkataon lang ang relasyon na ito. Tinignan muli ni Daniel si Madeline, pero ang pangungulila niya at nawala na kumpara dati. Ang kanyang pag-aalala ngayon ay nagmula na lang sa tunay na pagkakaibigan. Nang makita ang kanyang seryosong itsura ay nag-aalala siyang nagtanong, "Madeline, may nangyari ba a kotse ni Felipe kaya pinatignan mo to?" Inalis ni Madeline ang kanyang sarili sa kanyang isipan, pero hindi niya alam kung paano ito ipahayag. Nakita na niya ang isa pang mukha ni Felipe, ang lalaking kanyang pinagkakatiwalaan. Samantala, si Jeremy, ang lalaking kanyang pinagdududahan, tinatrato nang malamig at pinagdasal pa ng kalungkuta
Magbasa pa

Kabanata 674

Bahagyang tumaas ang magagandang mata ni Madeline habang tinignan niya si Felicity na nakangiti. "Ikaw si Ms. Walker, di ba? Palagi akong ganito magsalita. Kung hindi mo gusto ang pananalita ko, siguro wag ka nalang makinig. At saka ikaw na mismo ang nagsabi na ako ang ex-wife ni Jeremy. Dahil ako ang ex-wife niya, bakit ako magiging mabait sa ex-in-law ko?" "..." Hindi inasahan ni Felicity na ganito katuso si Madeline at nanahimik siya sandali. Nakatingin lang siya sa kanya nang may nasaktan na ekspresyon at walang magawa. Hindi gustong mapahiya ni Karen sa harapan ni Felicity at tknaas and kanyang kamay para turuan ng leksyon si Madeline. Ngunit nang tinaas iniunat niya ang kanyang kamay ay nagsalita si Jeremy, "Anong binabalak momg gawin?" Inaasahan ni Felicity na masasampal si Madeline at hindi niya inaasahan ang biglaang paglitaw ni Jeremy. "Ms. Montgomery, nandito ka ba para makita ako?" tanong niya kay Madeline. Tiningnan siya ni Madeline. "Oo." Napahinto si Jeremy
Magbasa pa

Kabanata 675

Habang tumatakbo si Madeline, lumitaw ang hindi mapipigilang alaala sa kanyang isipan. Ilang taon na ang nakalipas noong naglalakad siya sa daan, tahimik na nakasunod sa likuran ni Jeremy habang masayang nilalakbay ang daan na kanyang dinadaanan. Sa taong rin iyon nang pumasok siya sa main entrance ng Glendale University at nakabunggo ang isang matalino, gwapo, at malumanay na lalaki. Nahihiya siyang humingi ng paumanhin at sumagot siya na ayos lang daw ito. Ang kanyang nakangiti at malumanay na mga mata sa sandaling iyon ay malinaw sa kanyang isipan. Ang lalaking iyon ay si Jeremy. Sigurado si Madeline na isa ito sa kanyang mga alaala, pero hindi siya sigurado kung bakit bigla niya itong naalala sa sandaling iyon. Natataranta siyang tumakbo, ang mga salitang narinig niya ay umalingawngaw sa kanyang isipan. Nabundol ng kotse ang isang bulag na lalaki. Duguan ngayon ang lalaki at baka hindi makaligtas. Ang puso niya ay para bang iniipit nang mahigpit ng kung ano. Tumit
Magbasa pa

Kabanata 676

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Jeremy noong marinig niya iyon. Alam niya na si Felicity ang tinutukoy ni Madeline, pero hindi niya alam kung anong itsura ni Felicity at nagulat din siya na kamukha ni Felicity si Madeline. 'Nagsasabi ba siya ng totoo?' Sa kabila ng mga pagdududa niya, ngumiti lamang si Jeremy. "Nakilala ko lang si Fel pagkatapos 'kong mabulag. Hindi ko nga alam kung anong itsura niya." "Fel? Palayaw niya ba yun? Mukhang napakaganda ng relasyon mo sa kanya, tama ba?" "..." Tinikom ni Jeremy ang kanyang mga labi. Hindi niya malaman kung anong ibig sabihin ni Madeline, pero ngumiti pa rin siya at tumango. "Oo, maganda ang relasyon namin ni Felicity. Nagkasundo kami agad noong una kaming magkakilala. Siya ang naging liwanag sa madilim kong mundo. Siya ang nagturo sakin kung paano magmahal ng tunay." Sinabi niya ang isang bagay na hindi niya pinaniniwalaan at pinilit niyang ngumiti. "Ms. Montgomery, kung pinapunta mo lang ako dito para tanungin
Magbasa pa

Kabanata 677

Nagulat si Jeremy nang marinig niyang tinawag ni Madeline ang pangalan niya sa gitna ng tunog ng mga busina ng mga sasakyan.Muling napalitan ng tamis ang pait na nasa puso niya noong marinig niya ang mga salitang matagal na niyang hinihintay na marinig mula sa mga labi ni Madeline. Natuwa si Jeremy at lumingon siya sa pinanggalingan ng tunog. Paglingon niya, naramdaman niya ang hangin mula sa kotse na palapit sa direksyon niya. Nakaramdam siya ng matinding kaba sa kung anong posibleng mangyari sa mga sandaling ito, at sa hindi inaasahan, biglang may yumakap sa kanya. Buong lakas na tumalon sa kanya si Madeline at napahiga sila sa kalsada habang yakap ni Madeline ng mahigpit si Jeremy. "Linnie." Nabigla si Jeremy at niyakap rin niya ng mahigpit si Madeline. Sa mga sumunod na sandali, dumaan sa ibabaw nila ang malalaking truck. Napakalakas at mainit ang hangin sa ilalim ng mga truck, ngunit pinagpapawisan ng malamig ang mga palad ni Madeline. Noong marinig niya ang tuno
Magbasa pa

Kabanata 678

Nagtataka siya kung bakit ginawa pa rin yun ni Madeline para kay Jeremy kahit na may amnesia siya. 'Hindi ba kikilos lang siya ayon sa emosyon niya kung naaalala niya na minahal niya ng sobra si Jeremy noon?' Hindi maintindihan ni Felicity kung anong nangyari, kaya naghintay na lang siya sa entrance ng ospital. Pagkalipas ng mahabang oras, hindi pa rin lumabas sila Jeremy at Madeline. Nagpalakad-lakad si Felicity habang naghihintay siya. Noong maubos ang pasensya niya, inedit niya ang mga video na nirecord niya. Noong una ay balak niyang kumuha ng mga litrato ng pagkikita nila Madeline at Jeremy para ipakita kay Felipe, pero may iba na siyang ideya ngayon. Inedit niya ang video para magmukhang nagtatalo sila Madeline at Jeremy sa kalye bago tumalikod at umalis si Madeline. Pagkatapos, inedit niya ang paghabol ni Jeremy kay Madeline at muntik na siyang masagasaan ng sasakyan. Pagkatapos dinagdag niya yung naunang madugong aksidente na nangyari sa lugar na iyon. At ang pinaka
Magbasa pa

Kabanata 679

Malungkot na inabot ni Eloise ang phone niya kay Madeline. "Eveline, tingnan mo 'to." Tumingin si Madeline at nakita niya ang headline: [Hindi makatwirang girlfriend pinatay ang bulag na boyfriend sa kalsada.] Pinindot niya ang video at nakita niya na video ito ng pag-uusap nila ni Jeremy sa gilid ng kalsada kagabi. Subalit, malinaw na edited ang video. Totoong hinabol siya ni Jeremy, ngunit hindi siya isang hindi makatwirang girlfriend at hindi rin nasagasaan ng truck si Jeremy na naging dahilan para maubusan siya ng dugo at mamatay ng gaya ng nasa video. Nagkataon lang na may nangyari ring aksidente malapit sa Glendale University kagabi. "Eveline, anong nangyari? May nangyari ba kay Jeremy—" "Syempre, hindi pa siya patay," Hindi nagdalawang-isip na sumagot si Madeline. Pagkatapos pinindot niya ulit ang video para makakuha ng impormasyon tungkol sa orihinal na nagpost ng video. "Nanloloko lang yung nagpost niyan. Yun ang dahilan kung bakit ganyan ang title na nilagay niy
Magbasa pa

Kabanata 680

"Hindi, may taong mas dapat na mamatay kaysa sa kanya." Tumingin si Madeline kay Karen ng may malalim at aroganteng tingin. Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Karen. "Anong ibig mong sabihin, Madeline? Ako ba ang tinutukoy mo?" "Mas kasuklam-suklam ang mga taong gumatong sa pagpapahirap sa ibang tao kaysa sa mga taong nagbulag-bulagan sa mga masasamang bagay na nakikita nila. Dapat mamatay si Jeremy, pero bilang ikaw ang tumulong at nag-udyok sa put*nginang peke na si Meredith, mas dapat kang mamatay kaysa kay Jeremy."Noong marinig iyon nila Karen at Felicity, nanlumo ang mga mukha nila. Tinaas ni Madeline ang mga kilay niya at tumingin siya kay Felicity. "Ms. Walker, sang-ayon ka ba sa sinabi ko?" "..." Natulala si Felicity. "Tutal girlfriend ka ni Jeremy, dapat alam mo ang tungkol sa ex-girlfriend niya, si Meredith, tama?" "Wala akong gaanong alam tungkol sa naging relasyon nila." Tumanggi si Felicity at nagpanggap siya na wala siyang alam. Tumango si Madeline at ng
Magbasa pa
PREV
1
...
6667686970
...
248
DMCA.com Protection Status