Nagulat si Jeremy nang marinig niyang tinawag ni Madeline ang pangalan niya sa gitna ng tunog ng mga busina ng mga sasakyan.Muling napalitan ng tamis ang pait na nasa puso niya noong marinig niya ang mga salitang matagal na niyang hinihintay na marinig mula sa mga labi ni Madeline. Natuwa si Jeremy at lumingon siya sa pinanggalingan ng tunog. Paglingon niya, naramdaman niya ang hangin mula sa kotse na palapit sa direksyon niya. Nakaramdam siya ng matinding kaba sa kung anong posibleng mangyari sa mga sandaling ito, at sa hindi inaasahan, biglang may yumakap sa kanya. Buong lakas na tumalon sa kanya si Madeline at napahiga sila sa kalsada habang yakap ni Madeline ng mahigpit si Jeremy. "Linnie." Nabigla si Jeremy at niyakap rin niya ng mahigpit si Madeline. Sa mga sumunod na sandali, dumaan sa ibabaw nila ang malalaking truck. Napakalakas at mainit ang hangin sa ilalim ng mga truck, ngunit pinagpapawisan ng malamig ang mga palad ni Madeline. Noong marinig niya ang tuno
Nagtataka siya kung bakit ginawa pa rin yun ni Madeline para kay Jeremy kahit na may amnesia siya. 'Hindi ba kikilos lang siya ayon sa emosyon niya kung naaalala niya na minahal niya ng sobra si Jeremy noon?' Hindi maintindihan ni Felicity kung anong nangyari, kaya naghintay na lang siya sa entrance ng ospital. Pagkalipas ng mahabang oras, hindi pa rin lumabas sila Jeremy at Madeline. Nagpalakad-lakad si Felicity habang naghihintay siya. Noong maubos ang pasensya niya, inedit niya ang mga video na nirecord niya. Noong una ay balak niyang kumuha ng mga litrato ng pagkikita nila Madeline at Jeremy para ipakita kay Felipe, pero may iba na siyang ideya ngayon. Inedit niya ang video para magmukhang nagtatalo sila Madeline at Jeremy sa kalye bago tumalikod at umalis si Madeline. Pagkatapos, inedit niya ang paghabol ni Jeremy kay Madeline at muntik na siyang masagasaan ng sasakyan. Pagkatapos dinagdag niya yung naunang madugong aksidente na nangyari sa lugar na iyon. At ang pinaka
Malungkot na inabot ni Eloise ang phone niya kay Madeline. "Eveline, tingnan mo 'to." Tumingin si Madeline at nakita niya ang headline: [Hindi makatwirang girlfriend pinatay ang bulag na boyfriend sa kalsada.] Pinindot niya ang video at nakita niya na video ito ng pag-uusap nila ni Jeremy sa gilid ng kalsada kagabi. Subalit, malinaw na edited ang video. Totoong hinabol siya ni Jeremy, ngunit hindi siya isang hindi makatwirang girlfriend at hindi rin nasagasaan ng truck si Jeremy na naging dahilan para maubusan siya ng dugo at mamatay ng gaya ng nasa video. Nagkataon lang na may nangyari ring aksidente malapit sa Glendale University kagabi. "Eveline, anong nangyari? May nangyari ba kay Jeremy—" "Syempre, hindi pa siya patay," Hindi nagdalawang-isip na sumagot si Madeline. Pagkatapos pinindot niya ulit ang video para makakuha ng impormasyon tungkol sa orihinal na nagpost ng video. "Nanloloko lang yung nagpost niyan. Yun ang dahilan kung bakit ganyan ang title na nilagay niy
"Hindi, may taong mas dapat na mamatay kaysa sa kanya." Tumingin si Madeline kay Karen ng may malalim at aroganteng tingin. Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Karen. "Anong ibig mong sabihin, Madeline? Ako ba ang tinutukoy mo?" "Mas kasuklam-suklam ang mga taong gumatong sa pagpapahirap sa ibang tao kaysa sa mga taong nagbulag-bulagan sa mga masasamang bagay na nakikita nila. Dapat mamatay si Jeremy, pero bilang ikaw ang tumulong at nag-udyok sa put*nginang peke na si Meredith, mas dapat kang mamatay kaysa kay Jeremy."Noong marinig iyon nila Karen at Felicity, nanlumo ang mga mukha nila. Tinaas ni Madeline ang mga kilay niya at tumingin siya kay Felicity. "Ms. Walker, sang-ayon ka ba sa sinabi ko?" "..." Natulala si Felicity. "Tutal girlfriend ka ni Jeremy, dapat alam mo ang tungkol sa ex-girlfriend niya, si Meredith, tama?" "Wala akong gaanong alam tungkol sa naging relasyon nila." Tumanggi si Felicity at nagpanggap siya na wala siyang alam. Tumango si Madeline at ng
Noong narinig ni Meredith ang mga sinabi ni Madeline, natuwa siya. Dahil nagpapanggap si Jeremy na girlfriend niya si Felicity para makaiwas siya kay Madeline, bakit siya sasama kay Madeline? Tumawa siya sa isipan niya at naglakad siya papunta sa tabi ni Jeremy. Ngumiti siya. "Ms. Montgomery, ikaw ang ex-wife ni Jeremy, kaya sana huwag ka nang lalapit uli kay Jeremy dahil bilang girlfriend ni Jeremy, hindi ako natutuwa." Gaya ng inasahan, pinili ni Karen na kampihan si Meredith. "Madeline, nakita mo na sila at narinig mo ang mga sinabi niya. Sana alam mo kung ano dapat ang gawin mo!" Tiningnan lamang ni Madeline ang dalawang babae sa harap niya. "Jeremy, ikaw dapat ang magdesisyon kung sasama ka ba sakin o mananatili ka dito." Pagkatapos niyang magsalita, tumalikod siya at naglakad siya papunta sa pinto. Noong makita nila na nakatayo lang si Jeremy, natuwa sila Karen at Meredith. Subalit, hindi nagtagal ang kasiyahan nila nang makita nila na naglakad si Jeremy papunta s
"Oo, sigurado ako siya yun. Ang natatandaan ko maganda siya." "Tsk, ano naman kung maganda siya? Porket maganda ka ibig sabihin pwede ka nang mag-inarte sa gitna ng kalsada, na naging dahilan para mabangga ng sasakyan ang boyfriend mo, at dalhin siya sa intensive care unit?!" "Tama! Siya ang sirena na nagdala sa lalaking yun sa kamatayan niya. Nalulungkot talaga ako para sa gwapong lalaki na yun!" Sa katunayan, nararamdaman na ni Madeline ang kakaibang tingin sa kanya ng mga nagbubulungang babae na ito pagpasok pa lang nila sa elevator, kaya alam na niya kung ano ang mangyayari. Hindi mapigilang sumimangot ni Jeremy noong marinig niya ang mga salitang iyon. Ramdam niya na ang sirenang tinutukoy ng mga babae ay si Madeline habang siya naman ang gwapong lalaki na nabanggit nila. Gaya ng inaasahan, may sumigaw sa direksyon niya noong mga sumunod na sandali. "Di ba siya yung gwapong bulag dun sa video?!" "Di ba patay na siya?!" "Sinong nagsabi na namatay siya? Dinala siya
Kinuha ni Madeline ang card at tumingin siya sa paligid pagkatapos niya itong basahin ng tahimik. "Linnie, anong problema?" Nagtaka si Jeremy noong nanahimik si Madeline. "Wala 'to," Ang sabi ni Madeline at binuksan niya ang pinto ng sasakyan. "Sumakay ka na." Nararamdaman ni Jeremy na may kakaibang nangyari pero hindi na niya tinanong pa si Madeline at sumakay na lamang siya sa kotse. Sumakay sa kotse si Madeline at tiningnan niya ang mga salitang nakasulat sa card. [Mag-iingat ka, Eveline Montgomery.] Malinaw na hindi ito isang paalala kundi isang babala. Tinawag siyang Eveline Montgomery ng nagsulat nito. Tumingin si Madeline kay Jeremy na nasa tabi niya. Napanatag ang kanyang kalooban dahil sa tahimik na ekspresyon ni Jeremy. Bukod dito, pinakita niya sa pagdepensa niya sa sarili niya sa elevator kanina na hindi siya nagpadaig sa pagkabulag niya. Siya si Jeremy, siya pa rin ang dating Jeremy. Hindi na ito inisip pa ni Madeline at pinaandar niya ang sasakyan. …
"Hmph, hindi mo kami kilala? Siguro naman nakita mo na kami sa telebisyon, di ba? Mga desperado kami, mga mamamatay tao. Kuha mo?" Nanlaki ang mga mata ni Karen sa sinabi ng dalawa. Pinagpawisan siya ng malamig sa sobrang takot. 'Mga mamamatay tao sila!' "Hindi mo kailangang matakot. Sa ngayon, hindi ka muna namin papatayin kasi magagamit ka pa namin." Pagkatapos ay hinawakan ng dalawa si Karen at kinaladkad siya palabas ng bahay. "Anong binabalak niyong gawin?! Bitiwan niyo 'ko. Saklolo! Tulong…" Nagsisigaw sa sobrang takot si Karen. "Bitiwan niyo siya!" Narinig ng old master ang kaguluhan at kakatapos lang niyang tawagan si Jeremy. Noon lamang siya lumabas ng kwarto sakay ng kanyang wheelchair. "Iligtas mo 'ko, Dad! Dad!" Sumigaw si Karen. Subalit, hindi nagpaabala ang dalawang lalaki sa old master. Inangat nila ang kanilang binti at sinipa ang wheelchair ng matanda. "Gusto mo na bang mamatay, tanda?!" "Dad! Dad!" Noong makita niya na hindi gumagalaw ang old master
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si