"Hmph, hindi mo kami kilala? Siguro naman nakita mo na kami sa telebisyon, di ba? Mga desperado kami, mga mamamatay tao. Kuha mo?" Nanlaki ang mga mata ni Karen sa sinabi ng dalawa. Pinagpawisan siya ng malamig sa sobrang takot. 'Mga mamamatay tao sila!' "Hindi mo kailangang matakot. Sa ngayon, hindi ka muna namin papatayin kasi magagamit ka pa namin." Pagkatapos ay hinawakan ng dalawa si Karen at kinaladkad siya palabas ng bahay. "Anong binabalak niyong gawin?! Bitiwan niyo 'ko. Saklolo! Tulong…" Nagsisigaw sa sobrang takot si Karen. "Bitiwan niyo siya!" Narinig ng old master ang kaguluhan at kakatapos lang niyang tawagan si Jeremy. Noon lamang siya lumabas ng kwarto sakay ng kanyang wheelchair. "Iligtas mo 'ko, Dad! Dad!" Sumigaw si Karen. Subalit, hindi nagpaabala ang dalawang lalaki sa old master. Inangat nila ang kanilang binti at sinipa ang wheelchair ng matanda. "Gusto mo na bang mamatay, tanda?!" "Dad! Dad!" Noong makita niya na hindi gumagalaw ang old master
Tumingin si Karen sa babaeng naglalakad palapit sa kanya. Nagulat siya at napahinto siya. "Ikaw pala, ikaw p*ta ka—" Slap!Bago pa matapos sa pagsasalita si Karen, sinampal siya ng babae sa mukha. Natulala siya at nahimasmasan lamang siya pagkalipas ng ilang segundo. "Ikaw… Bakit mo 'ko sinampal? Ikaw—" Slap!"Argh!"Muling tumama sa kanyang mukha ang isang malakas na sampal. Hindi makapaniwala si Karen. Nagngitngit ang kanyang mga ngipin, at humarap siya upang tingnan ng masama ang babae. "Nababaliw ka na, Yvonne! May inupahan kang mga tao para kidnapin ako, tapos sinampal mo pa ako? Tiyahin mo ako!" Humalakhak ng malakas si Yvonne. Dumilim ang ekspresyon niya. "Tiyahin? Ang taong sinasampal ko ngayon ay ang tiyahin ko!" "Ikaw…" Hinablot ni Yvonne ang kolyar ni Karen, naging masama ang kanyang ekspresyon. "Mahal kong tita, sasabihin ko 'to sayo. Matagal na kitang pinagtitiisan! "Sinasabi na tiyahin kita, pero trinato mo ba ako na parang pamangkin mo? Sa tuwing tin
Sa Whitman Manor. Sa huli, nagsumbong sa mga pulis si Jeremy at agad na dumating ang mga pulis upang mag-imbestiga. Base sa salaysay na binigay ng old master noong magising siya, natukoy ng mga pulis na matagal na itong pinagpaplanuhan ng dalawang magnanakaw. Kinumpirma ng mga pulis kay Madeline ang mga napag-usapan nila ng mga magnanakaw at sumang-ayon si Madeline sa plano ng mga pulis. Narinig ni Jeremy ang sagot ni Madeline mula sa likod at humarap siya kay Madeline. "Huwag kang pumunta, Linnie." Kahit na hindi niya kilala kung sino ang mga taong kumidnap kay Karen, nagtataka pa rin siya kung bakit gusto ng mga kidnapper na si Madeline ang magdala ng ransom. Humarap si Madeline sa kanya at sinabing, "Iniisip mo ba na may galit din sakin yung mga kumidnap sa mom mo?" "Posible yun, kaya hindi ako papayag na ilagay mo sa alanganin ang buhay mo." Ang sabi ni Jeremy. Gamit ang pandama niya, inabot ni Jeremy ang kamay ni Madeline. "Hindi ako papayag na mapahamak ka nanaman,
Lumingon din si Yvonne upang tingnan kung sino ang nagbukas ng pinto. Nagulat siya nang makita niya na dala ng mga kasamahan niya si Madeline papasok ng silid. "Madeline?" Akala ni Karen ay ilusyon lang ang nakikita niya, ngunit ang babaeng nasa harap niya ay ang tunay na Madeline. "Ikaw pala ang may pakana nito." Tila hindi na nagulat si Madeline nang makita niya si Yvonne. "Noong una, ikaw rin yung nag-utos sa lalaki na nagngangalang Tanner Long para kidnapin ako, tama?" Nagulat si Yvonne dahil hindi niya inasahan na malalaman ni Madeline ang katotohanan sa likod ng insidenteng iyon. Pagkatapos, ngumiti siya at humagikhik. "Oo, ako nga. Ano ngayon? Hindi mo pa rin naman ako nahuli." Naglakad siya papunta kay Madeline. "Pero hindi ko inakala na ibubuwis mo ang buhay mo para sa kanya." Tumingin si Madeline kay Karen na nakatali sa isang sulok. Puno ng galit ang mga mata niya habang tinitingnan niya si Karen. Ngumisi siya at sinabing, "Para sa kanya? Sa tingin mo ba ibubuwis
Bumungad sa kanila ang mga luma at sira-sirang mga gusali na malapit nang gibain. 'Isa itong perpektong lugar para itago ang isang tao.' Nag-aalalang nagmasid si Winston sa paligid. "Jeremy, tingin mo ba talaga na dito nila dinala ang mom mo at si Madeline? Mukhang wala naman nang nakatira dito. Hindi na rin gumagana pati ang mga street light dito." Nanatiling tahimik si Jeremy sa loob ng ilang sandali, pagkatapos ay humakbang siya ng dalawang beses paharap at sinabing, "Malapit lang si Linnie dito." "Pero napakalawak ng lugar na 'to." Nagtingin-tingin si Winston sa paligid ngunit wala siyang nakitang kahit anong kakaiba. "Silipin mo ang mga bahay at tingnan mo kung may mga nakabukas na ilaw. Pagkatapos, obserbahan mo ang kundisyon ng balkonahe ng bahay na yun. Sapat na yun para malaman natin kung saan nila tinatago sila Linnie." Naintindihan ni Winston ang sinasabi ni Jeremy pagkatapos niya itong mapakinggan. Hindi kataasan ang mga lumang bahay. Kaya naman, hindi mahirap n
"Wala ka bang ideya kung anong gagawin ko ngayon?" Ngumisi si Madeline. "Ikaw… Sige subukan mo!" Pinipilit ni Karen na pigilan ang takot at kaba na nararamdaman niya. Dinuro niya si Madeline at nagsalita siya. "Hindi mo ba iniisip kung ano ang katayuan mo noon? Mahirap ka lang, at napakaswerte mo na gusto kang pakasalan ni Jeremy! Kung hindi nagkamali si Meredith ng pinasukang kwarto, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na maikasal sa mga Whitman! "P*ta ka! Nagpapanggap kang inosente at mahina. Pero yung totoo, kasing sama at kasing tuso ka ni Meredith! "Pinapatay na sana kita kung alam ko lang na ganito ka kasama!" Slap!Sinampal ni Madeline ng malakas sa mukha si Karen pagkatapos ng mga pagmumura at panunumpa niya. "Tapos ka na bang magsalita?" Natuwa si Yvonne sa kanyang nakita. Natulala si Karen pagkatapos siyang sampalin ni Madeline. Nakatitig siya kay Madeline. Kinilabutan siya, at nalaman niya kung ano ang pakiramdam ng tunay na takot. "Madeline, binabalaan kita
Kahit na anong gawing pagpiglas ni Madeline, hindi niya kayang depensahan ang sarili niya laban sa dalawang maskuladong lalaki. May nakahawak sa magkabilang kamay niya, kaya nahirapan siyang kumilos. "Ginagalit mo talaga ako ng husto, Madeline! Mukhang agi mong nabuburilyaso ang lahat. Kung ganun, alam mo ba kung anong gagawin ko sayo?" Nagngitngit ang mga ngipin ni Yvonne at nanlisik ang kanyang mga mata."Kayong dalawa, punitin niyo ang damit niya. Gusto kong iupload ang mga litrato ng p*tang 'to sa net para makita ng lahat na ginagahasa ng iba ang prestihiyosong Young Lady Montgomery!" Nagmistulang mga demonyo ang dalawang lalaki nang marinig nila ang sinabi ni Yvonne. Hinawakan nila si Madeline, at noong pupunitin na nila ang mga damit ni Madeline, biglang may sumipa sa pinto. Tumingala si Madeline at nakita niya na lumitaw sa harap niya ang anino ni Jeremy. Kahit na nabulag siya, matalim pa ring tumingin ang mga mata niya. Sa mga sandaling iyon, nakaramdam ng kapana
Nagalit si Yvonne nang makita niyang tumatakbo palapit sa kanila si Jeremy. Ginamit niya ang buong lakas niya upang itulak sa banging si Madeline. "Pumunta ka na sa impyerno, Madeline!" Nawalan ng balanse si Madeline at naramdaman niya na wala na siyang tinutungtungan habang mahuhulog na siya sa banging. "Linnie!"Inabot ni Jeremy ang mahaba niyang braso, hinawakan niya ng kanyang kamay ang braso ni Madeline. Tumingala sa kanya si Madeline. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, nakita niya ang nag-aalala ng ekspresyon sa mukha ni Jeremy. "Linnie!"Nagpapasalamat si Jeremy habang tinitignan niya si Madeline na nakabitin sa ere. Agad niyang sinubukang iangat si Madeline. "Huwag kang matakot, Linnie. Hinding-hindi kita bibitawan, hinding-hindi na." Nangako siya habang pilit niyang hinihila paangat si Madeline. Nagalit si Yvonne noong makita niya ang nangyayari. Ayaw niyang mailigtas ni Jeremy si Madeline, ngunit kasabay nito, narinig niya ang mga yabag na palapit sa kanila. Nan
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si