Sa Whitman Manor. Sa huli, nagsumbong sa mga pulis si Jeremy at agad na dumating ang mga pulis upang mag-imbestiga. Base sa salaysay na binigay ng old master noong magising siya, natukoy ng mga pulis na matagal na itong pinagpaplanuhan ng dalawang magnanakaw. Kinumpirma ng mga pulis kay Madeline ang mga napag-usapan nila ng mga magnanakaw at sumang-ayon si Madeline sa plano ng mga pulis. Narinig ni Jeremy ang sagot ni Madeline mula sa likod at humarap siya kay Madeline. "Huwag kang pumunta, Linnie." Kahit na hindi niya kilala kung sino ang mga taong kumidnap kay Karen, nagtataka pa rin siya kung bakit gusto ng mga kidnapper na si Madeline ang magdala ng ransom. Humarap si Madeline sa kanya at sinabing, "Iniisip mo ba na may galit din sakin yung mga kumidnap sa mom mo?" "Posible yun, kaya hindi ako papayag na ilagay mo sa alanganin ang buhay mo." Ang sabi ni Jeremy. Gamit ang pandama niya, inabot ni Jeremy ang kamay ni Madeline. "Hindi ako papayag na mapahamak ka nanaman,
Lumingon din si Yvonne upang tingnan kung sino ang nagbukas ng pinto. Nagulat siya nang makita niya na dala ng mga kasamahan niya si Madeline papasok ng silid. "Madeline?" Akala ni Karen ay ilusyon lang ang nakikita niya, ngunit ang babaeng nasa harap niya ay ang tunay na Madeline. "Ikaw pala ang may pakana nito." Tila hindi na nagulat si Madeline nang makita niya si Yvonne. "Noong una, ikaw rin yung nag-utos sa lalaki na nagngangalang Tanner Long para kidnapin ako, tama?" Nagulat si Yvonne dahil hindi niya inasahan na malalaman ni Madeline ang katotohanan sa likod ng insidenteng iyon. Pagkatapos, ngumiti siya at humagikhik. "Oo, ako nga. Ano ngayon? Hindi mo pa rin naman ako nahuli." Naglakad siya papunta kay Madeline. "Pero hindi ko inakala na ibubuwis mo ang buhay mo para sa kanya." Tumingin si Madeline kay Karen na nakatali sa isang sulok. Puno ng galit ang mga mata niya habang tinitingnan niya si Karen. Ngumisi siya at sinabing, "Para sa kanya? Sa tingin mo ba ibubuwis
Bumungad sa kanila ang mga luma at sira-sirang mga gusali na malapit nang gibain. 'Isa itong perpektong lugar para itago ang isang tao.' Nag-aalalang nagmasid si Winston sa paligid. "Jeremy, tingin mo ba talaga na dito nila dinala ang mom mo at si Madeline? Mukhang wala naman nang nakatira dito. Hindi na rin gumagana pati ang mga street light dito." Nanatiling tahimik si Jeremy sa loob ng ilang sandali, pagkatapos ay humakbang siya ng dalawang beses paharap at sinabing, "Malapit lang si Linnie dito." "Pero napakalawak ng lugar na 'to." Nagtingin-tingin si Winston sa paligid ngunit wala siyang nakitang kahit anong kakaiba. "Silipin mo ang mga bahay at tingnan mo kung may mga nakabukas na ilaw. Pagkatapos, obserbahan mo ang kundisyon ng balkonahe ng bahay na yun. Sapat na yun para malaman natin kung saan nila tinatago sila Linnie." Naintindihan ni Winston ang sinasabi ni Jeremy pagkatapos niya itong mapakinggan. Hindi kataasan ang mga lumang bahay. Kaya naman, hindi mahirap n
"Wala ka bang ideya kung anong gagawin ko ngayon?" Ngumisi si Madeline. "Ikaw… Sige subukan mo!" Pinipilit ni Karen na pigilan ang takot at kaba na nararamdaman niya. Dinuro niya si Madeline at nagsalita siya. "Hindi mo ba iniisip kung ano ang katayuan mo noon? Mahirap ka lang, at napakaswerte mo na gusto kang pakasalan ni Jeremy! Kung hindi nagkamali si Meredith ng pinasukang kwarto, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na maikasal sa mga Whitman! "P*ta ka! Nagpapanggap kang inosente at mahina. Pero yung totoo, kasing sama at kasing tuso ka ni Meredith! "Pinapatay na sana kita kung alam ko lang na ganito ka kasama!" Slap!Sinampal ni Madeline ng malakas sa mukha si Karen pagkatapos ng mga pagmumura at panunumpa niya. "Tapos ka na bang magsalita?" Natuwa si Yvonne sa kanyang nakita. Natulala si Karen pagkatapos siyang sampalin ni Madeline. Nakatitig siya kay Madeline. Kinilabutan siya, at nalaman niya kung ano ang pakiramdam ng tunay na takot. "Madeline, binabalaan kita
Kahit na anong gawing pagpiglas ni Madeline, hindi niya kayang depensahan ang sarili niya laban sa dalawang maskuladong lalaki. May nakahawak sa magkabilang kamay niya, kaya nahirapan siyang kumilos. "Ginagalit mo talaga ako ng husto, Madeline! Mukhang agi mong nabuburilyaso ang lahat. Kung ganun, alam mo ba kung anong gagawin ko sayo?" Nagngitngit ang mga ngipin ni Yvonne at nanlisik ang kanyang mga mata."Kayong dalawa, punitin niyo ang damit niya. Gusto kong iupload ang mga litrato ng p*tang 'to sa net para makita ng lahat na ginagahasa ng iba ang prestihiyosong Young Lady Montgomery!" Nagmistulang mga demonyo ang dalawang lalaki nang marinig nila ang sinabi ni Yvonne. Hinawakan nila si Madeline, at noong pupunitin na nila ang mga damit ni Madeline, biglang may sumipa sa pinto. Tumingala si Madeline at nakita niya na lumitaw sa harap niya ang anino ni Jeremy. Kahit na nabulag siya, matalim pa ring tumingin ang mga mata niya. Sa mga sandaling iyon, nakaramdam ng kapana
Nagalit si Yvonne nang makita niyang tumatakbo palapit sa kanila si Jeremy. Ginamit niya ang buong lakas niya upang itulak sa banging si Madeline. "Pumunta ka na sa impyerno, Madeline!" Nawalan ng balanse si Madeline at naramdaman niya na wala na siyang tinutungtungan habang mahuhulog na siya sa banging. "Linnie!"Inabot ni Jeremy ang mahaba niyang braso, hinawakan niya ng kanyang kamay ang braso ni Madeline. Tumingala sa kanya si Madeline. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, nakita niya ang nag-aalala ng ekspresyon sa mukha ni Jeremy. "Linnie!"Nagpapasalamat si Jeremy habang tinitignan niya si Madeline na nakabitin sa ere. Agad niyang sinubukang iangat si Madeline. "Huwag kang matakot, Linnie. Hinding-hindi kita bibitawan, hinding-hindi na." Nangako siya habang pilit niyang hinihila paangat si Madeline. Nagalit si Yvonne noong makita niya ang nangyayari. Ayaw niyang mailigtas ni Jeremy si Madeline, ngunit kasabay nito, narinig niya ang mga yabag na palapit sa kanila. Nan
Nakatingin siya sa isang mukha na kaparehong-kapareho ng kay Madeline. Kinumpas niya ang kanyang kamay at nakita niya ang kulay at malinaw na mga larawan sa kanyang paningin. 'Nakakakita na ba ako ulit? 'Nakakakita na talaga ako ulit.' Kung iisipin, kagabi pa nagbalik ang kanyang paningin. Nakita niya na tinulak ni Yvonne si Madeline sa bangin at tumakbo siya para saluhin si Madeline. "Hmm…"Sa mga sandaling iyon, umungol si Madeline, dahilan para matauhan si Jeremy. Niyakap niya si Madeline, na medyo nahihilo pa, sa kanyang mga braso. Noong inangat niya si Madeline, napansin niya na may bato sa hinihigaan ni Madeline. Tumama ang likod ng ulo ni Madeline sa bato noong nalaglag sila. Bumilis ang tibok ng puso ni Jeremy habang bitbit niya sa kanyang mga braso si Madeline at naglakad siya. Sinubukan niyang maghanap ng daan palabas, ngunit pagkatapos niyang maglakad-lakad ng ilang oras, wala siyang nakitang daanan. Tumingin siya kay Madeline na nasa mga braso niya. Wala pa
Napaungol sa sakit si Madeline at napasimangot siya. Nasundan ito ng malamig na pakiramdam sa kanyang paa. Lumuhod si Jeremy sa harap ni Madeline at inangat niya ang damit ni Madeline at nakita niya ang isang malaking sugat sa likod ng kanyang binti. Sumama ang loob ni Jeremy at Sumimangot siya. "Bibitbitin na kita, Linnie." "Salamat sa pag-aalala mo, Mr. Whitman, pero hindi mo kailangang gawin yun." Tinanggihan ni Madeline ang alok niya. Tiniis niya ang sakit habang naglalakad siya. Alam ni Jeremy na galit siya dahil sa mga ginawa niya noon, ngunit hindi niya kayang tiisin na makitang sinasaktan ni Madeline ang kanyang sarili. Mabilis siyang nakahabol kay Madeline, hinawakan niya ang kanyang bewang, at binuhat siya. Natumba si Madeline, at noong tumingin siya sa taas, ang tanging nakita niya ay ang gilid ng mukha ni Jeremy. "Ibaba mo 'ko." Seryoso ng nagsalita si Madeline. Pagkatapos ng ilang ulit na pagpupumiglas, hinawakan niya ang kolyar ni Jeremy. "Jeremy, malinaw an