"Wala ka bang ideya kung anong gagawin ko ngayon?" Ngumisi si Madeline. "Ikaw… Sige subukan mo!" Pinipilit ni Karen na pigilan ang takot at kaba na nararamdaman niya. Dinuro niya si Madeline at nagsalita siya. "Hindi mo ba iniisip kung ano ang katayuan mo noon? Mahirap ka lang, at napakaswerte mo na gusto kang pakasalan ni Jeremy! Kung hindi nagkamali si Meredith ng pinasukang kwarto, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na maikasal sa mga Whitman! "P*ta ka! Nagpapanggap kang inosente at mahina. Pero yung totoo, kasing sama at kasing tuso ka ni Meredith! "Pinapatay na sana kita kung alam ko lang na ganito ka kasama!" Slap!Sinampal ni Madeline ng malakas sa mukha si Karen pagkatapos ng mga pagmumura at panunumpa niya. "Tapos ka na bang magsalita?" Natuwa si Yvonne sa kanyang nakita. Natulala si Karen pagkatapos siyang sampalin ni Madeline. Nakatitig siya kay Madeline. Kinilabutan siya, at nalaman niya kung ano ang pakiramdam ng tunay na takot. "Madeline, binabalaan kita
Kahit na anong gawing pagpiglas ni Madeline, hindi niya kayang depensahan ang sarili niya laban sa dalawang maskuladong lalaki. May nakahawak sa magkabilang kamay niya, kaya nahirapan siyang kumilos. "Ginagalit mo talaga ako ng husto, Madeline! Mukhang agi mong nabuburilyaso ang lahat. Kung ganun, alam mo ba kung anong gagawin ko sayo?" Nagngitngit ang mga ngipin ni Yvonne at nanlisik ang kanyang mga mata."Kayong dalawa, punitin niyo ang damit niya. Gusto kong iupload ang mga litrato ng p*tang 'to sa net para makita ng lahat na ginagahasa ng iba ang prestihiyosong Young Lady Montgomery!" Nagmistulang mga demonyo ang dalawang lalaki nang marinig nila ang sinabi ni Yvonne. Hinawakan nila si Madeline, at noong pupunitin na nila ang mga damit ni Madeline, biglang may sumipa sa pinto. Tumingala si Madeline at nakita niya na lumitaw sa harap niya ang anino ni Jeremy. Kahit na nabulag siya, matalim pa ring tumingin ang mga mata niya. Sa mga sandaling iyon, nakaramdam ng kapana
Nagalit si Yvonne nang makita niyang tumatakbo palapit sa kanila si Jeremy. Ginamit niya ang buong lakas niya upang itulak sa banging si Madeline. "Pumunta ka na sa impyerno, Madeline!" Nawalan ng balanse si Madeline at naramdaman niya na wala na siyang tinutungtungan habang mahuhulog na siya sa banging. "Linnie!"Inabot ni Jeremy ang mahaba niyang braso, hinawakan niya ng kanyang kamay ang braso ni Madeline. Tumingala sa kanya si Madeline. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, nakita niya ang nag-aalala ng ekspresyon sa mukha ni Jeremy. "Linnie!"Nagpapasalamat si Jeremy habang tinitignan niya si Madeline na nakabitin sa ere. Agad niyang sinubukang iangat si Madeline. "Huwag kang matakot, Linnie. Hinding-hindi kita bibitawan, hinding-hindi na." Nangako siya habang pilit niyang hinihila paangat si Madeline. Nagalit si Yvonne noong makita niya ang nangyayari. Ayaw niyang mailigtas ni Jeremy si Madeline, ngunit kasabay nito, narinig niya ang mga yabag na palapit sa kanila. Nan
Nakatingin siya sa isang mukha na kaparehong-kapareho ng kay Madeline. Kinumpas niya ang kanyang kamay at nakita niya ang kulay at malinaw na mga larawan sa kanyang paningin. 'Nakakakita na ba ako ulit? 'Nakakakita na talaga ako ulit.' Kung iisipin, kagabi pa nagbalik ang kanyang paningin. Nakita niya na tinulak ni Yvonne si Madeline sa bangin at tumakbo siya para saluhin si Madeline. "Hmm…"Sa mga sandaling iyon, umungol si Madeline, dahilan para matauhan si Jeremy. Niyakap niya si Madeline, na medyo nahihilo pa, sa kanyang mga braso. Noong inangat niya si Madeline, napansin niya na may bato sa hinihigaan ni Madeline. Tumama ang likod ng ulo ni Madeline sa bato noong nalaglag sila. Bumilis ang tibok ng puso ni Jeremy habang bitbit niya sa kanyang mga braso si Madeline at naglakad siya. Sinubukan niyang maghanap ng daan palabas, ngunit pagkatapos niyang maglakad-lakad ng ilang oras, wala siyang nakitang daanan. Tumingin siya kay Madeline na nasa mga braso niya. Wala pa
Napaungol sa sakit si Madeline at napasimangot siya. Nasundan ito ng malamig na pakiramdam sa kanyang paa. Lumuhod si Jeremy sa harap ni Madeline at inangat niya ang damit ni Madeline at nakita niya ang isang malaking sugat sa likod ng kanyang binti. Sumama ang loob ni Jeremy at Sumimangot siya. "Bibitbitin na kita, Linnie." "Salamat sa pag-aalala mo, Mr. Whitman, pero hindi mo kailangang gawin yun." Tinanggihan ni Madeline ang alok niya. Tiniis niya ang sakit habang naglalakad siya. Alam ni Jeremy na galit siya dahil sa mga ginawa niya noon, ngunit hindi niya kayang tiisin na makitang sinasaktan ni Madeline ang kanyang sarili. Mabilis siyang nakahabol kay Madeline, hinawakan niya ang kanyang bewang, at binuhat siya. Natumba si Madeline, at noong tumingin siya sa taas, ang tanging nakita niya ay ang gilid ng mukha ni Jeremy. "Ibaba mo 'ko." Seryoso ng nagsalita si Madeline. Pagkatapos ng ilang ulit na pagpupumiglas, hinawakan niya ang kolyar ni Jeremy. "Jeremy, malinaw an
Magagawa ng taong yun na tuparin ang kahilingan niyang makita si Jeremy. Habang iniisip iyon ni Meredith, nagmadali siyang umalis sa ospital. Nakatanggap ng balita sila Karen at Winston na nasa emergency room sila Madeline at Jeremy. Dahil dito, nagmadali silang pumunta sa ospital. Subalit, napansin ni Winston na kakaiba ang kinikilos ni Karen. "Karen, hindi maganda ang itsura mo mula noong makauwi tayo kagabi. May nangyari ba?" Nilihis ni Karen ang tingin niya kay Winston at sinabing, "Ano pa ba? Muntik na akong patayin ng walang hiyang pamangkin ko." Pagkatapos niyang sabihin yun, nakita niya si Jeremy na naglakad palabas ng emergency room kasama si Madeline. Biglang napahinto si Karen, at sa mga sandaling iyon, hindi niya alam kung paano niya haharapin si Madeline. Nagpapaulit-ulit sa isip niya ang determinadong tingin ni Madeline at ang pagtulak niya sa kanya palabas ng pinto. Gusto niya lang talagang iligtas siya. Subalit, anong ginawa niya? Bago siya niligtas
"Ms. Nell." Tinatawag ni Felicity si Madeline na Nell ng may mabait at mapagpakumbabang tono. Nell.Hindi nakalimutan ni Madeline ang pangalan na iyon. Habang nagtataka siya kung bakit tinatawag siya ni Felicity ng ganito, narinig niya na nagpatuloy sa pagsasalita si Felicity, "Hello, Ms. Nell. Nirekomenda ako sayo ng kakilala ko. Gusto ko sanang bumili ng isang espesyal na aromatherapy kit mula sayo." Naintindihan ni Madeline ang sinasabi niya. Mukhang gusto lang bumili ni Felicity ng isang espesyal na aromatherapy kit mula sa kanya. Nagkapira-piraso ang mga alaala niya tungkol tungkol sa mga nangyari noong nakaraang tatlong taon at kay Jeremy. Subalit, naaalala niya ang tatlong taon na nakatira siya sa F Country. Maliban sa pagiging isang matagumpay at sikat na jewelry designer, isa rin siyang mahusay na perfumer. Subalit, kumpara sa mga pabango, mas hilig niya ang jewelry design. Yun ang dahilan kung bakit bukod kay Felipe, walang nakakaalam na alam niya kung paano gu
Hindi niya malaman kung gaanong nag-aalala sa kanya si Felicity. Ngumiti si Jeremy. "Nandito ka ba para lang makita ako?" Sumagot si Meredith, "Gusto ko sanang pumunta dito nung nakaraang dalawang araw kaso wala akong oras. Nandito ako para makita ka ngayong araw. Tsaka, gusto ko sanang sabihin sayo na ngayong gabi ang pinakamagandang oras para sa psychological intervention mo." Muling nagsalita si Meredith nang makita niya na hindi nagsasalita si Jeremy. "Jeremy, walang sira ang mga retina mo, ibig sabihin, yung isip mo ang dahilan kung bakit wala kang makita. Basta't magagawa mong lampasan ang anumang humahadlang sayo sa puso mo, babalik ang paningin mo. Magtiwala ka sakin." Tumango si Jeremy at nagkaroon ng isang bihirang ngiti sa kanyang mukha. "Napakabait mo sakin, kaya bakit naman kita tatanggihan?" Noong makita ni Meredith na nakangiti si Jeremy, lalong bumugso ang mga tinatago niyang emosyon. Hinihintay niya ang araw na nakahanda na ang lahat!Sa wakas mapapalapit