Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 651 - Kabanata 660

2479 Kabanata

Kabanata 651

Sinundan ni Madeline si Felipe sa labas para mamili. Pagkatapos nilang mamili, dinala ni Felipe si Madeline sa isang sikat na outdoor cafe. Sa sandaling makatapak siya sa terrace, nakita ni Madeline ang isang babae na nakasandal sa mga braso ng isang lalaki hindi malayo sa kanyang harapan. Tiningan niya lang sila, pero nang iaalis na niya ang kanyang tingin, napansin niya na ang lalaki ay si Jeremy. May kayakap na babae si Jeremy. "Eveline, anong problema?" Nang makita niya si Madeline na nakatulala sa isang direksyon, nagtanong si Felipe nang may nag-aalalang tono. Nagmadaling lumingon si Madeline. "Wala lang. Tingin ko lang napaka-espesyal ng cafe na to." Simple siyang umupo sa isang tabi at nang tinaas niya ang kanyang tingin, nakita niya ang babae na hawak ni Jeremy kanina. Kasalukuyan siyang nakaupo katapat ni Jeremy. Nakaupo si Felicity nang nakatalikod kay Madeline. Hindi makita ni Madeline ang itsura niya. Pero tignan lang niya ang kanyang likod, pakiramdam ni Ma
Magbasa pa

Kabanata 652

Mag-isang nakaupo si Jeremy. Humangin ang simoy ng taglagas at bahagya niyang naamoy ang isang pamilyar na bango sa hangin. Pagkatapos ay tumunog ang kanyang phone at naputol ang kanyang mga iniisip. Dinampot niya ang phone para sagutin ito at narinig ang boses ni Madeline mula sa kabilang linya. "Mr. Whitman, pwede ka bang pumunta sa town office ng alas nuebe ng umaga bukas?" Pagkatapos ng panandaliang katahimikan ni Jeremy ay sumagot siya, "Bukas, alas nuebe ng umaga. Hihintayin kita sa town office sa eksaktong oras." "Sige, magkita na lang tayo roon." Binaba ni Madeline ang tawag pagkatapos magsalita. Hinawakan niya ang phone at sandaling natulala bago ngumiti para harapin si Felipe na nagmamaneho. "Felipe, pwede mo ba akong samahan bukas ng umaga sa town office? Ayaw ko na ng iba pang aksidente." "Syempre, sasamahan kita." Masayang pumayag si Felipe. Matagal na rin niyang hinihintay ang araw na ito. Hindi na niya gusto ng dagdag na problema. Nang unti-unting umang
Magbasa pa

Kabanata 653

Kusang kumilos si Madeline at gusto niyang tulungan si Jeremy, pero sakto sa sandaling ito, isang babae ang bumaba mula sa isang kotse na dumaan. Mas mabilis na tumakbo ang babae papunta kay Jeremy at hinawakan ang kanyang braso. Napahinto si Madeline at tinignan ang likod ng babae. Bigla niyang naisip ang babae na kasama ni Jeremy na uminom ng kape kahapon. Hindi siya kumilos na para bang may bigla siyang napagtanto. 'Jeremy Whitman, mukhang natulungan ka ng divorce natin. 'May bago ka nang nobya. 'At kahit kailan ay hindi ako ang paborito mo.' Hininto ni Felipe ang kotse niya sa tapat ni Madeline. Nang lumabas siya para buksan ang pinto para sa kanya, nilingon niya si Jeremy mula sa gilid ng kanyang paningin habang tahimik na ngumiti ang kanyang mga labi. Nagulat si Jeremy sa biglaang paglitaw ni Felicity. Ngunit makatuwiran ang paliwanag ni Felicity. "Mayroon akong kliyente na inabuso ng kanyang asawa nang matagal na panahon at mayroong mga psychological problems.
Magbasa pa

Kabanata 654

"Pero ano bang meron sa g*gong yun? Hindi ba gwapo lang siya? Sabihin mo sa'kin, naging masaya ka ba pagkatapos mo siyang pakasalan? Hindi, kaya wag kang maniwala sa sinasabi niya ngayon na mahal ka niya at kung ano-ano pang kalokohan. Niloloko ka niya. Sinusubukan niyang ipaghiganti si Meredith." Sabi ni Ava bago nakatulog sa mesa. Sa kanyang pagkahimbing ay nagsasalita pa rin siya. "Maddie, wag ka nang lilingon ulit. Hindi ka niya mahal. Niloloko ka niya…" 'Niloloko niya ako.' Ganoon rin ang naisip ni Madeline. Tinignan niya si Ava at nakita niya na lasing na lasing si Ava. "Ava?"Sabi mo pupunta ka rito para tulungan akong hanapin ang mga alaala ko." Ngumiti si Madeline at bumuntong-hininga, lumingon siya para tignan ang mga anyong dumadaan sa bintana. Ang mga masisiglang mukha na iyon ay puno ng kabataan. Mayroon ring mga magnobyo at magnobya na magkahawak ang mga kamay at umiinom sa iisang baso ng milk tea. Naisip niya muli si Jeremy. Mukhang totoo nga na sobra
Magbasa pa

Kabanata 655

Isang hindi pamilyar na init ang bumugso sa bawat isang parte ng katawan ni Daniel. Kahit ang pagtibok ng kanyang puso at paghinga ay biglang bumilis. "Mm…" Hindi alam ni Ava na nahalikan niya ang mga labi ni Daniel at bumulong. Naghanap siya nang komportableng pwesto, ginilid ang kanyang mukha, at nahiga sa tuktok ni Daniel bago nagpatuloy na natulog. "Maddie, makinig ka sa'kin, wag ka na muling maging tanga. "Isa ka… talagang tanga. Ang g*gong Jeremy Lang na yun ang nakikita mo. Hindi mo man lang nakikita ang gwapo, malumanay, mabait, at magaling na si Dan… "Alam mo ba kung gaano ako naiinggit sa'yo, Maddie? Hindi ka ba nagtataka kung bakit wala pa akong boyfriend? Kasi… Kasi sa simula pa lang, gusto ko si Dan, pero ikaw lang ang laman ng puso ni Dan…" Nang marinig niya ang katotohanan na sinabi ng lasing na si Ava sa sandaling ito, tinitigan ni Daniel ang natutulog na babae na nakahiga sa kanyang dibdib sa gulat. Lasing na lasing siya at sobrang namumula ang kanyang mg
Magbasa pa

Kabanata 656

[Madeline Crawford, gusto kita.] Sino ang nagtapat noon?Sa kabilang banda, kinulong ni Jeremy ang kanyang sarili sa kanyang kwarto pagkatapos niyang makauwi sa pagkuha ng divorce certificate. Habang hawak ang kanyang palasinsingan, hindi niya alam kung anong magagamit niya para maalala ang babae na kanyang minamahal pero hindi mapapasakanya. Tanging ang lukot na divorce certificate na lang ang natitirang patunay na sa kanya si Madeline noon. Pero, sa nakaraan lamang iyon… Mabilis na dumaan ang isang linggo. Alam ni Jeremy na pupunta na sa F Country si Madeline kasama ni Jackson ngayong araw. Siguro babalik rin sila, pero hindi niya alam kung kailan. Ang alam niya lang ay mas lalo siyang lumalayo nang lumalayo sa kanya. Pero, kahit na nakatayo siya sa harapan niya ngayon, hindi na niya siya makikita o mahahawakan kahit na kailan. Nasa eroplano na naman si Madeline papunta ng F Country. Nakaupo si Jackson sa tabi niya habang dala ni Felipe si Lily sa banyo. Bago l
Magbasa pa

Kabanata 657

Biglang nanlaki ang mga dalisay at inosenteng mga mata ni Jackson nang tinanong siya. Ang kanyang maliliit na mga kamay ay nagmadaling tinakpan ang kanyang bibig na para bang may bigla siyang naisip. Mas lalong nagduda si Madeline sa reaksyon ng bata. Marahan niyang tinanggal ang mga kamay ni Jackson sa kanyang bibig. "Jack, anong problema? Sinasabi mo ba na bulag ang dad mo?" Tinikom ni Jackson ang kanyang mapupulang labi at hindi gustong magsalita. Sa loob niya, mas lalong kinabahan si Madeline. "Hindi, sabi ni Lola wag sasabihin kay Mommy na hindi nakakakita si Daddy." Ano? Biglang nagbago ang ekspresyon ni Madeline. Bigla niyang naalala ang kakaibang tingin sa mukha ni Jeremy sa ilang beses niya siyang nakita. Inisip niya na hindi siya nito gustong makita muli pero ang totoo pala ay hindi siya nito makita! Iyon ang dahilan kung bakit nakaharap lang ito sa kanya at hindi man lang nakatingin sa kanyang mukha. Kumirot ang puso ni Madeline sa kung anong dahilan. M
Magbasa pa

Kabanata 658

"Jeremy Whitman, ibabalik na sa'yo ngayon ang singing, pero dapat mong tandaan na hindi ka na lilitaw sa harapan ni Ms. Eveline kahit na kailan, kung hindi ay pagdudusahan mo ito." Nagbabala ang lalaking naka-suit. Bahagyang ngumisi si Jeremy, "Hindi man lang ako harap-harapang kinumpronta ng master mo, kaya sino ka para turuan ako?" "Ikaw…" Umatras ang lalaki at tinitigan nang masama si Jeremy nang may masamang ekspresyon. "Ibigay mo sa'kin ang singsing." Malamig at madiin ang tono ni Jeremy. Nang makita niya ito na inabot ang kanyang kamay ay biglang ngumisi ang lalaki. "Ibabalik ko na sa'yo ngayon ang singsing. Mr. Whitman, salo." Nang marinig ang tono ng lalaking ito, malinaw na masama ang binabalak nito. Gayon na nga, sinadya niyang ibato ang singsing palayo sa palad ni Jeremy. Humulas ang singsing sa mga daliri ni Jeremy at gumulong sa sementadong lapag. Humalakhak sa tagumpay ang lalaki, sumakay sa kotse, at umalis. Nagmadaling lumuhod si Jeremy, natatarantang
Magbasa pa

Kabanata 659

Huminto ang mga tumatakas na yabag ni Jeremy at narinig niya ang papalapit na yabag ni Madeline. Mas nanikip ang kanyang puso, pero pinilit niyang ngumiti nang kalmado at bahagyang nilingon ang kanyang mukha. "Dalhin mo si Jackson at mabuhay ka ng ayon sa gusto mo. Magiging masaya ka kapag lumayo ka sa isang g*go na katulad ko." Lumapit si Madeline sa kanyang likuran, ang umaapaw na mga luha mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nahihipan at natutuyo ng hangin ng taglagas. Nang makita ang kalmado at walang kibong itsura ng lalaking nasa kanyang harapan ay tumawa siyang muli. "Mabuhay ng ayon sa gusto ko? Jeremy, alam mo ba kung anong klaseng buhay ang gusto ko?" Binaba ni Jeremy ang kanyang mga mata at ngumiti. "Kahit na papaano, siguro gusto mo ang buhay na wala ako." Pagkatapos narinig ang kanyang boses, nanahimik ang ere nang ilang segundo. Kasunod nito, bahagyang binuka ni Jeremy ang kanyang mga labi. "Ngayon na nakuha na natin ang divorce certificate at pinakawalan na k
Magbasa pa

Kabanata 660

Nabigla si Felicity nang marinig niya iyon, pero mabilis niyang naintindihan ang intensyon ni Jeremy. "Jeremy," tinawag niya ang pangalan ni Jeremy, ngumiti, at naglakad sa kanyang tabi. Lumingon siya kay Madeline na nakatayo sa gate ng villa. "Mayroong babae sa may gate. Ikaw ba ang hinahanap niya?" "Hindi ko kilala ang babaeng yan." Malinaw ang sagot ni Jeremy. Hinawakan ni Madeline ang kamay ni Jackson at tumalikod. "Jack, tara na." "Pero si Daddy…" "Sundin mo si Mommy, okay?" Ngumiti siya at nanuyo, pero hindi niya alam kung bakit masyadong pilit ang kanyang ngiti. Tinignan ni Felicity ang likod ni Madeline nang may poot at pandidiri. Inalis niya lang ang kanyang tingin nang naglakad si Jeremy papunta sa gilid para lumayo sa kanya. "Mr. Whitman, kilala mo talaga ang babae sa may gate, tama ba?" "Salamat sa pagtulong mo, Ms. Walker." Hindi sinagot ni Jeremy ang tanong ni Felicity at pinasalamatan lang siya. Wala akong gana para sa kahit na anong treatment ngayong ara
Magbasa pa
PREV
1
...
6465666768
...
248
DMCA.com Protection Status