"Jeremy Whitman, ibabalik na sa'yo ngayon ang singing, pero dapat mong tandaan na hindi ka na lilitaw sa harapan ni Ms. Eveline kahit na kailan, kung hindi ay pagdudusahan mo ito." Nagbabala ang lalaking naka-suit. Bahagyang ngumisi si Jeremy, "Hindi man lang ako harap-harapang kinumpronta ng master mo, kaya sino ka para turuan ako?" "Ikaw…" Umatras ang lalaki at tinitigan nang masama si Jeremy nang may masamang ekspresyon. "Ibigay mo sa'kin ang singsing." Malamig at madiin ang tono ni Jeremy. Nang makita niya ito na inabot ang kanyang kamay ay biglang ngumisi ang lalaki. "Ibabalik ko na sa'yo ngayon ang singsing. Mr. Whitman, salo." Nang marinig ang tono ng lalaking ito, malinaw na masama ang binabalak nito. Gayon na nga, sinadya niyang ibato ang singsing palayo sa palad ni Jeremy. Humulas ang singsing sa mga daliri ni Jeremy at gumulong sa sementadong lapag. Humalakhak sa tagumpay ang lalaki, sumakay sa kotse, at umalis. Nagmadaling lumuhod si Jeremy, natatarantang
Huminto ang mga tumatakas na yabag ni Jeremy at narinig niya ang papalapit na yabag ni Madeline. Mas nanikip ang kanyang puso, pero pinilit niyang ngumiti nang kalmado at bahagyang nilingon ang kanyang mukha. "Dalhin mo si Jackson at mabuhay ka ng ayon sa gusto mo. Magiging masaya ka kapag lumayo ka sa isang g*go na katulad ko." Lumapit si Madeline sa kanyang likuran, ang umaapaw na mga luha mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nahihipan at natutuyo ng hangin ng taglagas. Nang makita ang kalmado at walang kibong itsura ng lalaking nasa kanyang harapan ay tumawa siyang muli. "Mabuhay ng ayon sa gusto ko? Jeremy, alam mo ba kung anong klaseng buhay ang gusto ko?" Binaba ni Jeremy ang kanyang mga mata at ngumiti. "Kahit na papaano, siguro gusto mo ang buhay na wala ako." Pagkatapos narinig ang kanyang boses, nanahimik ang ere nang ilang segundo. Kasunod nito, bahagyang binuka ni Jeremy ang kanyang mga labi. "Ngayon na nakuha na natin ang divorce certificate at pinakawalan na k
Nabigla si Felicity nang marinig niya iyon, pero mabilis niyang naintindihan ang intensyon ni Jeremy. "Jeremy," tinawag niya ang pangalan ni Jeremy, ngumiti, at naglakad sa kanyang tabi. Lumingon siya kay Madeline na nakatayo sa gate ng villa. "Mayroong babae sa may gate. Ikaw ba ang hinahanap niya?" "Hindi ko kilala ang babaeng yan." Malinaw ang sagot ni Jeremy. Hinawakan ni Madeline ang kamay ni Jackson at tumalikod. "Jack, tara na." "Pero si Daddy…" "Sundin mo si Mommy, okay?" Ngumiti siya at nanuyo, pero hindi niya alam kung bakit masyadong pilit ang kanyang ngiti. Tinignan ni Felicity ang likod ni Madeline nang may poot at pandidiri. Inalis niya lang ang kanyang tingin nang naglakad si Jeremy papunta sa gilid para lumayo sa kanya. "Mr. Whitman, kilala mo talaga ang babae sa may gate, tama ba?" "Salamat sa pagtulong mo, Ms. Walker." Hindi sinagot ni Jeremy ang tanong ni Felicity at pinasalamatan lang siya. Wala akong gana para sa kahit na anong treatment ngayong ara
Habang nakatingin sa pagtataka sa mukha ni Madeline, malambing na hinawakan ni Eloise ang kanyang kamay. "Anak, simple lang ang dahilan. Ginawa niya yun kasi mahal ka niya." 'Kasi mahal ka niya.' Ang mga salita na narinig ng kanyang tainga ay nalaglag sa kanyang puso na para bang mga kakaibang karayom. "Tatlong buwan ang nakakaraan, sa araw bago ka umalis ng Glendale, nagpunta ako para hanapin si Jeremy." Naalala ni Eloise ang sitwasyon noon. "Sinabi ko sa kanya na aalis ka papuntang F Country kasama ni Felipe kinabukasan at umaasa ako na pipigilan ka niya. Pero sinabi niya lang sa'kin na ang huling bagay na magagawa niya para sa'yo ay ang wag kang guluhin at kulitin." Wag siyang guluhin at kulitin… Ninamnam ni Madeline ang limang salitang iyon na para bang unti-unti niyang naiintidihan ang malayong kinikilos ni Jeremy sa kanya ngayon. Sinasadya niyang gawin iyon? Sinasadya niyang maging malayo sa kanya, tratuhin siya nang malamig, at maglagay ng harang sa pagitan nila pa
Ngumiti ang labi ni Madeline. "Gusto mo kong makuntento? Simple lang. Makukuntento lang ako kung mananahimik ka." "Ikaw…" Nainis si Karen. Ang palalayasin niya pa lang si Madeline, nakita niya ang isang kotse na huminto sa may entrance. Nang makita niya si Felicity na bumaba ng kotse ay nabigla siya. Lumingon siya para tuminging muli sa mukha ni Madeline. Masyadong magkamukha ang dalawang mukha na iyon! Napansin rin ni Madeline si Felicity. Nagdududa niyang tinignan ang mukhang iyon at hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaiba. 'Mayroon ba talagang tao sa mundong ito na kamukhang-kamukha ko?' "Sino ka?" Tinuro ni Karen si Felicity at nagtanong, tinignan niya ang maigi ang mukha na kahawig ng kay Madeline. Tinignan ni Felicity si Madeline at nagpakita nang isang maliwanag na ngiti. "Hi Tita, ako ang girlfriend ni Jeremy, si Felicity Walker." "Ano? Girlfriend ni Jeremy?" Nanlaki ang mga mata ni Karen sa gulat habang nandidiri niyang tinignan ang mukha ni Felicity. Ngu
Biglang naging seryoso tono ni Madeline. Mukhang nabigla si Jeremy, pero hindi niya makita ang ekspresyon ni Madeline sa sandaling ito nang dahil sa kadiliman sa kanyang harapan. Hindi rin niya mahulaan kung bakit siya hinahanap ni Madeline. "Nasa harapan lang ang kotse ko. Jeremy, maghanap tayo ng lugar para umupo at mag-usap." Ang kanyang kusang imbitasyon ay nagpabilis sa puso ni Jeremy. Pero, ngumiti siya at tumanggi. "Hindi pwede, Ms. Montgomery. May gagawin pa ako." Tinignan ni Madeline si Felicity na naghihintay sa tabi. "Ayos lang. Lumabas ka muna kasama ng girlfriend mo. Magkita na lang tayo sa susunod." Girlfriend? Naintindihan na ni Jeremy. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso. 'Jeremy, bakit nadismaya ka? 'Hindi ba gusto mo na magkamali siya ng pagkakaintindi?' Minaliit niya ang kanyang sarili nang tahimik pero malambing pa rin niyang nginitian si Madeline. "Sige, Ms. Montgomery." Pumasok siya sa kotse ni Felicity pagkatapos niya itong sabihin. Uma
"Hoy ganda, bakit di ka makipaglaro saming tatlo? Hindi ka namin tatratuhin nang masama." Nagsalita ng kalokohan ang mga siga habang malaswang nakatingin sa mukha at katawan ni Madeline. Nandidiring pinadaan ni Madeline ang kanyang tingin sa tatlong lalaki. Malamig at matalim ang kanyang titig. "Lumayas kayo sa dinadaanan ko." Malawak at walang laman ang tabing-dagat. Hindi inaasahan ni Jeremy na marinig ang boses ni Madeline habang nakaupo at hindi gumagalaw. Nilingon niya ang kanyang mukha para makinig nang maigi, pero sa halip ay narinig niya ang mga bastos na boses ng ilang kalalakihan. "Ang sungit mo!" "Nagkataon na gusto namin ang ganitong klase ng ganda na ganyan ang ugali!" "Tara na, pasasayahin ka namin!" Malamig silang tinignan ni Madeline. "Wag niyo kong hawakan. Lumayas kayo." Ngunit, kapag lalong nanlalaban si Madeline ay mas lalong nasasabik ang tatlong lasing na lalaki. "Linnie?" Sigurado na si Jeremy na boses nga iyon ni Madeline. Hindi niya inasa
Paanong matitiis ni Jeremy ang isang lalaki na gumagamit nang bastos na salita tungkol sa katawan ni Madeline? Nagdilim ang kanyang mga mata at ang kanyang mga salita ay parang yelo. "Kahit na simple lang kayong mag-isip at simple lang ang mga braso niyo, matalas ang paningin ninyo. Asawa ko nga siya." Narinig ang kanyang boses, at gamit ng kanyang matalas na pansinin, pinatumba niya ang tatlong siraulo nang may malakas na pwersa. "Atay, aray!" Sumigaw ang siraulong nagngangalang Nate. Tumulo ang dugo mula sa gilid ng kanyang bibig. Binawi ni Jeremy ang kanyang kamay at niyakap muli si Madeline, kumalat ang kaligtasan sa kanya. Unti-unting lumakas ang ulan, pero naramdaman ni Madeline ang isang mainit na kuryente na lumipat mula sa katawan ni Jeremy papunta sa kanya. Gumaan ang kanyang pakiramdam sa init na iyon. Kahit na wala siyang makita, matalim ang mga mata ni Jeremy at nakakapigil-hininga. "Kung gusto niyo pang mabuhay, humingi kayo kaagad ng tawad sa asawa ko."